Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
view moreMuling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang
Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas
“Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P
“Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang
Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga
Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments