“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.
Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.
“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. Patawarin mo sana ako Runa.” Nagsusumamong pahayag ng hari. Hindi na malaman ng kanyang mga kawal kung ano ang kanilang iisipin sapagkat ang matatag at matapang na haring kanilang sinusunod sa digmaan ay heto at nagmamakaawa sa ngalan ng pag- ibig.
“Ngunit kung ako lamang ang tangi sa puso mo, papaanong nagawa mong tumingin sa iba? At ngayon ay nagbunga ng isang buhay ang iyong kataksilan. Makikinig ako sa iyong mga paliwanag at ngayon lamang ang ibinibigay kong pagkakataon.” Wala pa ring emosyong sagot niya sa lalaki. hindi kakikitaan ng galit, lungkot, o pighati ang kanyang magandang mukha. Walang ekspresyong gumuhit sa kanyang mga mata. Nagawa niyang ikubli ang anumang damdaming nais kumawala ng mga oras na iyon. nais niyang bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ang lalaki bago siya gumawa ng anumang konklusyon at hakbang. Ayaw niyang magpadalus- dalos sapagkat anumang desisyong gawin niya na hindi napag- iisipan ay maaari niyang pagsisihan sa bandang huli. Isa lamang ito sa mga dunong na kanyang natutuhan sa loob ng kuweba.
“Hindi ko itatanggi, isang malaking pagkakamali ang nangyari. Hindi ko na sana ilalabas pa ang buong kwento ngunit ayaw kong magtago ng kahit na anong sekreto sa iyo. Isang taon matapos kitang dalhin sa Kuweba ng Manghe sa Bundok ng Decca ay dumating sa palasyo ang dalawang- daang kawal at tatlumpong babaeng ikinalakal ng katabing kaharian upang manilbihan sa palasyo. Sa ngalan ng kapayapaan at at pagkakaibigan ay tinanggap ko ang mga regalo. Ngunit pagtuntong pa lamang nila sa palasyo ay nagpakita na ng pagkagusto si Felianie sa akin. Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa italaga siyang isa sa mga personal na tagasilbi ko dahil sa kanyang angking galing at talino. Hindi ako ang pumili sa kanya ngunit hindi rin ako tumutol sapagkat wala sa aking hinagap sa ako ay kanyang aahasin. Hanggang sa dumating ang oras na ako’y kanyang nilason upang makalimot sa mundo at iyon nga, may nangyari at nagbunga. Wala ako sa aking katinuan nang maganap ang mga iyon Xiara. Paniwalaan mo sana ako.” Nagsusumamong pakiusap ng hari. Hindi nakaligtas ang luhang kanina pa niya pinipigil dahil sa labis na pighati at pagsisising kanyang nararamdaman. Labis siyang nasasaktan sa isiping maaaring mawala sa kanya ng tuluyan ang babaeng labis niyang minahal.
“Dalhin niyo dito ang babae.” Buo at matigas ang boses na utos niya sa mga kawal. Mariin ang bawat bigkas niya sa mga salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Mariing magkadikit ang kanyang mga magtatagis na ngipin na tila anumang oras ay nakahandang manakmal. Noon lamang naramdaman ng lahat ang matinding emosyong kanina pa niya ikinukubli. Titig na titig pa rin ito sa mga mata ni Braxton at tila inaaninag ang katotohanan sa kanyang mga mata. Tila ba inaaarok nito ang kanyang kaluluwa.
Hindi maintindihan ng mga kawal kung papaanong tila utos na ding galing sa kanilang hari ang narinig na utos mula kay Runa. Agad tumalima ang dalawang kawal na malapit kay Felianie at hinawakan ang magkabila niyang braso at dinala siya sa harapan ng Hari at ni Runa.
Hindi na pumalag ang babae dahil sa labis na takot na nararamdaman. Kahit pa siya may sariling kapangyarihan ay nalalaman niyang hindi ito tatapat sa kapangyarihang pumupuno sa paligid sa mga oras na iyon. at alam niyang ang malakas na kapangyarihang iyon ay galing kay Runa, ang babaeng nilait- lait niya.
“Sabihin mo sa akin Felianie, totoo ba ang lahat ng sinabi ni Braxton? Kung totoo ay umamin ka, at kung hindi at itanggi mo. huwag mong tatangkaing magsinungaling dahil malalaman ko pa rin ang gusto kong malaman. At sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang aking paraan.” Banta ni Runaa sa babae na ngayon ay nanginginig sa takot.“Patawad Binibini, nagawa ko lamang iyon dahil sa labis na pagmamahal sa mahal na hari.” Pag- amin ni Felianie.
“|Ilang buwan ang sanggol sa iyong sinapupunan?” muli nitong tanong kay Felianie.
“Mag- sisiyam na buwan na.” Nginig pa rin ang boses ni Felianie nang siya ay sagutin.
“Kailan ka dapat manganak?” kalmadong tanong niya. ngunit ramdam ng lahat ang galit na nagpupuyos sa kanyang kaibuturan. “Tatlong linggo mula ngayon.” Tipid na sagot ng babae. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit siya ay tinatanong ni Runa ng tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi nito mahulaan kung ano ang binabalak ng babae.
“Hindi. Ngayon ka manganganak. At ako ang magpapaanak sa iyo.” tumingin siya sa mga mata ni Felianie. Mabagsik na tila galit na galit na leon ang kanyang magandang mukha. Nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata. Tila niya pilit na hinihigop ang lahat ng lakas ni Felianie sa paraan pa lamang ng kanyang pagkakatitig.
Dahan- dahan siyang lumapit sa babae. Sa bawat pagsulong niya ay siya namang pag- urong ni Felianie. Ipinadama niya sa lahat ng mga naroon ang matinding pagkasindak na ngayon lamang nila naramdaman.
Hanggang sa wala ng maurungan si Felianie. Nakahiga na ito sa ground. Maya- maya pa ay dinig na sa buong palasyoang mga sigaw ni Felianie dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman dahil sa paghilab ng kanyang tiyan. Ginamit naman ni Runa ang kanyang kapangyarihan upang itulos ang lahat sa kanilang mga kinatatayuan upang walang makalapit sakanila at makatulong kay Felianie.
Lahat ng naroon ay dama ang mabigat na awrang pumupigil sa kanila upang kumilos. Kaya pinanood lamang nila ang lahat ng mga nangyayari. May inis man silang nadarama para kay Felianie dahil sa kanyang mga kalabisan nitong mga nagdaang araw ay hindi naman nila mapigil na makadama ng awa para dito dahil sa kahabag- habag nitong hitsura sa kasalukuyan.
Naramdaman ni Felianie na may umaagos na mainit na likido sa kanyang mga binti. Dama niyang basang basa na ang kanyang suot na bestida. Isinandal niya ang kanyang likuran sa dingding at umayos ng pagkakaupo. Laking gulat at takot niya ng makitang punong puno ng dugo ang ibabang bahagi ng kanyang bestida.
“Kung ako sa iyo ay aayos na ako ng higa at ihahanda ang sarili dahil anumang oras ay luluwal na ang iyong sanggol.” Sabi ni Runa kay Felianie. Nakatunghay lamang ito at hindi kumikilos upang siya ay tulungan. Ngunit bakit naman niya iyon gagawin?
Nahinuha ni Felianie na wala siyang maaaring asahan sa oras na iyon. siya ang magpapaanak sa kanyang sarili. Hindi siya kinabahan sapagkat marami na siyang mga nakitang inang nagluluwal ng kanilang sanggol. Wala man siyang karanasan sa panganganak ay madami naman siyang mga napaanak noong siya ay maging tagasilbi sa ibang kaharian.
“Binibini, naiintindihan ko ang iyong galit. At alam kong wala akong karapatan sa iyong kapatawaran. Ngunit sana ay huwag ninyong idamay ang aking anak sapagkat wala siyang kasalanan. Hihiling sana ako sa inyo binibini. Maaari ko po bang ipakuha ang mga gamit ng aking anak upang sa kanyang pagsilang ay may maibalot ako sa kanya? nagmamakaawa ako.” Lumuluhang sumamo ni Felianie sa kanya.
Galit man siya kay Felianie ay tama ito. Walang kasalanan ang sanggol. Walang imik na kaagad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang magkaroon ng sapat na kumot at mga telang makapal sa tabi ni Felianie.“Maraming salamat binibini.” Lumuluhang pasalamat ni Felianie sa kanya. agad naman niyang kinuha ang kumot at humiga ng maayos doon. Ramdam niya na malapit ng lumabas ang kanyang anak. umiri siya sa bawat paghilab ng kanyang tiyan. Halos mapugto ang kanyang hininga sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Malapit na maubos ang kanyang lakas. Ngunit kailangan niyang lumaban para sa kanyang anak. kasalanan niya ang lahat. Kailangan niyang pagdusahan. Ngunit hindi niya idadamay ang kanyang anak sa kanyang pagdurusa. Kailangan niyang mailuwal ang bata at haharapin niya ang kanyang kapalaran ng mag- isa.Isa pang malakas na iri ang kanyang ginawa na halos ikapugto na ng kanyang hininga. Hanggang sa wakas ay narinig na ng lahat ang isang malakas na uha ng bagong silang na sanggol. Tila ito musika na pandinig ng lahat. Isang lalaki ang anak ni Felianie. Malakas ito at malusog.
Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas
Muling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang
Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga
“Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang

“Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P