Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.
Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulungan at mapagserbisyuhan ang lalaking tanging minahal nito. Nais niyang iaalay dito ang lahat- lahat ng sa kanya maging ang kanyang sariling buhay. Nasabi pa nga niya minsan sa sarili habang walang humpay na nakikibaka sa mga kalaban, kung sakali mang masawi siya sa digmaan ay hinding hindi siya magsisisi sapagkat kaligayahan na niyang malaman na nasawi siya para sa kanyang minamahal. Ganoon niya kamahal ang lalaki. At siya man, naniniwala siyang wagas ang pag- ibig sa kanya ni prinsipe Braxton. Hindi niya ito pagdududahan. Nararamdaman niyang matindi ang pagmamahal ng lalaki sa kanya dahil nangako ito na sa kanilang pagtatagumpay, kapag natapos na ang lahat ng kaguluhan at siya na ang hihiranging pinuno at hari ng buong kaharian, ay siya ang gagawin nitong reyna. Pinanghawakan niya ang mga pangakong iyon ng lalaki. Kayat hanggang sa huli, lumaban ito at ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at kapangyarihan upang maabot lamang ng lalaki ang kanyang mga pangarap.
Ngunit sinong mag- aakalang pagkatapos ng gulo, pagkatapos nilang manalo, ay siya namang pagkahapo ng kanyang pisikal na katawan at kapangyarihan. Hindi natupad ang pangako ni Prinsipe Braxton sa kanya na sa araw na koronahan siya bilang hari ay siya namang pagpapakasal nilang dalawa at gagawin siya nitong reyna.
Labis siyang nanghina at nawalan ng malay- tao dahil sa pagkahapo. Hindi siya mapagaling ng mga dalubhasang doktor ng palasyo. Alam ni Prinsipe Braxton na ang tanging lunas sa kanyang hapong katawan ay ang matagal na pamamahinga. Ngunit kung gaano katagal ay walang makahuhula.
Labis man ang pagdadalamhati at pag- aalala ng Prinsipe na ngayon ay siya ng Hari ng Kahariang Bawi, dahil sa malubhang kalagayan ng kanyang kabiyak ay hindi naman nito nakalilimutan ang kanyang obligasyon bilang pinuno sa kanyang mga nasasakupan. Nalalaman niyang ang kanyang ambisyong mamuno ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang babaeng kanyang minamahal. Magkagayon pa man ay hindi pa rin siya nawalan ng pag- asang balang araw ay muling babangon sa kanyang pagtulog ang kanyang mahal at sila ay muling magsasama. Kung kayat ipinahanda niya ang isang lugar na alam niyang tanging makapagpapanumbalik sa babaeng kanyang sinisinta. Iyon ay ang makapangyarihang kuweba ng Manghe sa Bundok ng Decca sa Timog na bahagi ng kanyang kaharian.
Mahiwaga ang kuweba at nababalot ng matinding enerhiya na maaaring makatulong upang mabilisang magamot ang kahit na sinong may karamdaman. Ngunit hindi lahat ay maaaring makapasok sa kuwebang iyon. Namimili ang kuweba ng kanyang pahihintulutang makapasok. Kung nais ka niyang papasukin ay ito mismo ang hihigop sa iyo at mananatili ka sa loob hanggang sa ikaw ay gumaling. Ngunit kapag ikaw na ay kanyang ibinalik sa mundo ay hiwagang wala kang maalala kung ano ang nasa loob ng kuweba. Mistulang galing ka sa isang mahimbing at mahabang pagkakatulog at wala kang maalala ng ikaw ay magising. Iyon ang matagal ng kuwento sa kanilang kaharian na ayon na rin sa mga mangilan- ngilang taong sinuwerteng natulungan ng kuweba.
Ngunit hindi iyon ang nangyari kay Runa. Bawat araw, bawat pagkakataon, bawat panahong inilagi niya sa loob ng kuweba ay tandang- tanda niya. Parang panaginip na totoo ang lahat. Hindi niya maipaliwanang ang misteryong nangyari sa kanya sa loob ng kuweba ngunit ang alam lamang niya, tinulungan siya ng kuwebang lumakas muli at mapanumbalik ang kanyang kapangyarihan. Sa kanyang pakiramdam ay mas humigit pa ang kanyang lakas at ang kanyang kapangyarihan pagkagaling niya sa kuweba. Parang hindi siya roon natulog lamang kundi nanatili siya roon ng limang taon upang mag- ensayo at matuto pa.
Ngunit hindi na iyon ang naiisip ni Runa ng mga panahong ito. Ang importante sa kanya ng mga sandaling iyon ay makabalik na sa palasyo at makita ang kanyang minamahal. Habang naglalakabay ay madami siyang narinig na balita tungkol sa kanyang Hari. Tama, hindi na siya nagulat sa nalamang ang dating Prinsipeng kanyang kasintahan ay isa ng makapangyarihang Hari, hindi lamang sa Kaharian nilang Bawi ngunit maging sa mga kalapit na kaharian. Punong- puno ng pagmamalaki ang kanyang puso sa kaalamang nawala man siya ng limang taon ay ipinagpatuloy pa rin ng lalaki ang kanyang mga pangarap na maging hari ng mundo upang ng sa gayon ay magawa siya nitong reyna ng sanlibutan.
Hindi niya pingarap na maging isang reyna o makapangyarihang pinuno. Sapat na sa kanyang nasa tabi lamang niya ang mahal na lalaki at bubuo sila ng isang masayang pamilya. Simple lamang ang mga pangarap niya para sa kanila. Ngunit taliwas ang gusto ng lalaki. Maambisyon ito. At bilang isang nagmamahal na kasintahan, ay obligasyon niyang suportahan ito. Ngayon, labis ang kanyang kaligayahang nadarama dahil unti- unti ng natutupad ng lalaki ang kanyang mga pangarap para sa kanila. At sisiguraduhin niyang sa pagkakataong ito, hindi na siya muling mawawala. Muli siyang tatayo sa tabi nito upang protektahan at suportahan ito. Hindi na bilang kasintahan lamang kundi bilang asawa.
Pagod man sa walang- tigil na paglalakbay mula sa Bundok ng Decca patungo sa Sentrong Siyudad ng Kaharian, ay hindi na piniling mamahinga ni Xiara. Nais na niyang makita ang lalaking kanyang minamahal. Agad siyang nagtungo sa palasyo ng Hari. Nais niya itong sorpresahin sa kanyang pagdating.
“Magandang araw binibini, ano ang inyong sadya sa palasyo ng Hari?” magalang na bati ng dalawang guwardiyang nakatalaga sa malaki at malawak na pintuan ng main gate ng palasyo. “Magandang araw din sa inyo, kagalang- galang na mga kawal. Ako si Runa, ang kasintahan ng Hari. Nais ko sana siyang sorpresahin sa aking pagbabalik. Limang taong akong nawala sa kanyang tabi. Papasukin niyo sana ako.” Magalang na paliwanag niya sa dalawa.Sandaling hindi nakasagot ang dalawa at animo’y nalito sa paliwanang niya. nagkatinginan pa ang mga ito at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Hindi naman maipaliwanag ni Xiara ang nakikitang anyo ng dalawa. Kaya muli siyang nagsalita. “Naiintindihan ko ang siguridad na ipinaiiral ninyo para sa Hari. Ngunit kung kayo lamang ay magtatanong sa loob ng palasyo at sasabihing naririto na si Runa ay tiyak kong agad akong papapasukin.” Muli niyang paliwanag. Buo ang kompiyansa sa sariling nag- aantay pa sa kanyang pagbabalik ang kanyang hari. “Kung gayon ay maari po bang mag- antay na muna kayo dito sa labas? Ipag- aalam lamang namin sa pinuno ang inyong pagdating.” Magalang na sagot ng isa sa mga kawal.“Maraming salamat.” Iyong lamang ang kanyang itinugon.
Makalipas ang limang minutong pag- aantay ay bumalik ang isa sa mga guwardiya at siya ay pinapasok.
“Binibini, ang utos sa akin ng Reyna ay pag- antayin kayo dito sa bukana ng palasyo. Paumanhin, hindi ko kayo madadala sa Hari.” Magalang pa ring paliwanag ng guwardiya bago siya nito iniwan sa malawak na bakuran. Isa itong malawak na hardin na harap ng pintuan ng palasyo.
Labis siyang naguluhan sinabi ng guwardiya. Mayroon siyang tinawag na ‘Reyna’. Kung ganoon, mayroon ng reyna si Braxton at hindi nito tinupad ang kanyang pangako sa kanya?
Bago pa man makapag- isip ng matinong paliwanag si Xiara ay mayroong nagsalita mula sa kanyang likuran.
“Ikaw ba ang babaeng nagngangalang Runa at sinasabing kasintahan ng Hari?” malamig at matigas ang boses ng babaeng kanyang narinig. Marahan siyang humarap dito.
Nagulat siya sapagkat isang babaeng nakadamit maharlika ang kanyang nabungaran. Nakatayo ito sa may pintuan at napaliligiran ng limang kawal. Mayroon ding dalawang babaeng tagasilbi ang nakatayo sa kanyang likuran. Nakilala ang isa sa mga ito. Si Meliana, ang natatangi niyang tagasilbi noong siya pa ay nasa piling ni Braxton. Makahulugang tumingin sa kanya ang babae at tila may ipinapahiwatig. At nakita nga niya sa kaliwang bahagi ng kanyang braso ang ‘Marka ng Katapatan’ ni Meliana sa kanya. Ang markang iyon ang nagsisilbing ugnayan ng tagasilbi at ng kanyang amo. Hanggat hindi nawawala ang marka ay malalaman ng amo kung ang kanyang taga silbi ay tapat pa rin ba sa kanya at maaaring pagkatiwalaan. Sapagkat ang marka ay hindi basta bastang nakukuha at nawawala. Nagkakaroon lamang ng marka kung may malalim na ugnayan sa pagitan ng dalawa.
“Ako nga.” Malumanay ang tinig ni Runa sa kanyang pagsagot.Napasinghap naman ang limang kawal at ang mga tagasilbing nakarinig pati na rin ang babaeng tinawag na ‘reyna’. Si Meliana lamang ang hindi nagulat. Bagkus, siya pa ay ngumiti ay bahagyang yumukod bilang pagbibigay pugay kanyang tunay na pinuno.
“Ako’y inyo paring tagasilbi pinuno. Hindi ako mawawala sa inyong tabi. Mag- utos lamang kayo at ako ay kikilos.” Puno ng sinseridad na pahayag ni Meliana sa kanyang amo sa pamamagitan ng isip nito. Ito na din ay isa sa mga kapangyarihan ng marka ng katapatan. Maaari silang mag- usap sa pamamagitan ng kanilang mga isip at sila lamang ang makaririnig. Nginitian lamang siya ni Xiara at bahagyang tumango upang hindi mapansin ng mga ibang naroon.“Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang
“Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P
Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas
Muling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang

“Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang
Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga