Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.
Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.
Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.
“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas mula ngayon. Masakit man sa aking kalooban at nananatili mang ika’y aking mahal, ay buo na ang aking pasya. Palayain na natin ang bawat isa. Hindi nga siguro tayo ang itinadhana. Aalis ako sa palasyong ito at lalayo dala ang aking mga natitirang kawal at mga tagasilbi. Paalam Braxton, hanggang sa muli nating pagkikita.” Bahagya siyang yumukod upang magbigay- pugay sa haring kanyang kaharap na gaya ng ginagawa ng mga karaniwang tagasilbi. Tumingin siya sa mga mata ng lalaki at ngumiti ng bahagya. Ngiting nagsasabi ng labis na pagkawasak ng kanyang puso at pagdadalamhati ng kanyang buong pagkatao. Ngunit hindi na magbabago ang kanyang pasya.
Tumalikod ito at nagsimulang humakbang paalis ng palasyo. Hindi man siya nag- utos o nagtawag ay kaagad namang nagsimulang humakbang pasunod na din sa kanya ang kanyang mga dating kawal at tagasilbi. Labing- siyam na mga kawal at limang tagasilbi. Pang- anim si Meliana na personal niyang tagasilbi at matalik na kaibigan.
Hindi pa man siya nakalalayo ay nagsalita si Braxton. Punong- puno ng kalungkutan at tila ito litong- lito.
“Runa, itatapon mo na lamang ba ang lahat ng ating nakaraan ng dahil sa isang pagkakamaling aking nagawa? Bago ka umalis ay sagutin mo muna ako. Bakit?” puno ng pait ang boses ng hari.
Hindi humarap ang babae sa kanya.
Ilang segundo rin ang namagitan at lumipas bago sumagot ang babae. Walang kulay ang kanyang tinig, wala itong buhay.
“Dahil maliwanag ang dahilan ng iyong pagtataksil Mahal na Hari.” Mahal na Hari, hindi niya ito tinawag sa kanyang pangalan na gaya ng kanyang kinagawian.
Dito ay dahan- dahan na siyang humarap sa kanya bago muling nagsalita. “Hindi ko pinagdududahan ang iyong pag- ibig na nadarama para sa akin noong tayo pa ay magkasama, Mahal na Hari. Ngunit sa pagdaan ng panahong ako’y nawalay sa iyong piling ay unti- unting nawala ang damdamin mo para sa akin, dahil kung buo pa ang pagmamahal mo ay hindi ka makalilimot kahit pa ikaw ay nasa impluwensiya ng lason.” Mababa at tiyak ang kanyang tinig habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Hindi nakasagot ang Mahal na Hari.
“Kung natatandaan mo ang marka sa kanang bahagi ng iyong dibdib na bigla na lamang lumitaw bago ako tuluyang mawalan ng malay- tao pagkatapos ng digmaan, ako ang may gawa niyan. Gamit ang nalalabi sa aking kapangyarihan ay binalot kita ng mahiwagang proteksiyon na hindi mo mararamdaman ngunit poprotektahan ka sa anumang kapahamakan na darating. Ngunit dahil gawa ito mula sa aking damdamin ay mananatili lamang ang kapangyarihan ng marka hanggat nadarama niyang mahal mo pa rin ako. Ngunit hindi ka niya naprotektahan laban sa lason ni Felianie. Alam mo ba ang dahilan? Nawalan ito ng kapangyarihan. Kung bakit at papaano, ikaw ang tanging nakaaalam.” Paliwanag ni Runa sa lalaki. Dama ng lahat ang pagkadismayang mababanaag sa tinig ng babae. Tagos sa puso ng mga nakarinig ang sakit na kanyang nadarama.
Naalala nga niya ang markang sinasabi ni Runa. Kulay itim at pula ang mahiwagang marka na kakaiba ang hugis. Hindi niya malaman noon kung saan ito galing at kung ano ang ibig sabihin ng marka. Kahit anong talino ng mga salamangkiro sa kanyang kaharian at karatig kaharian ay walang makapagsabi kung ano iyon. Nanatili ang marka sa kanyang dibdib hanggang sa mapansin na lamang niyang unti- unti itong naglalaho.
Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang maisagot sa mga nasabi ni Runa. Anong paliwanag pa ba ang gagawin at sasabihin niya samantalang malinaw na ang lahat, siya ang nagkasala.
Muling tumalikod si Runa sa kanya at humakbang palayo dito kasunod ng kanyang mga kawal at tagasilbi. Hindi niya sinubukang pigilan ito o magpaliwanag man lang. Anong sasabihin niya? Anong ipapaliwanag niya, samantalang totoo naman ang sinabi ng babae kanina. Unti- unting nabawasan ang pagmamahal niya dito mula ng mawala ito sa kanyang piling. Kinain ng matinding pagnanasa niyang maging makapangyarihan ang damdamin niya para sa babae. Nilamon ng gahaman niyang pangarap na maging hari ng mundo ang ala- ala ng pag- iibigan nila. Ngunit hindi niya iyon alam. Hindi man lamang niya iyon napansin. Ngayon lamang niya napagtanto ang lahat. Nag- iba na nga siya mula sa isang maliit na Prinsipe limang taon na ang nakalilipas hanggang sa maging Hari siya ng malaking kaharian ngayon.
Sa pagliliwanag ng kanyang kaisipan ay may nabuong tanong ito sa kanyang sarili. Mahal pa nga ba niya ang babae? O bunga lamang ito ng matagal niyang pagpapaniwala sa sariling mahal pa rin niya ito? Maging siya man ay naguluhan sa sitwasyon. Ngunit isa lamang ang tiyak niya, hindi mabubuwag ng nangyari ngayon ang matinding adhikain niyang masakop ang lahat ng kaharian sa kanyang landas at gawin ang mga itong tagasunod niya.
Napayuko siya at tinawag ang isang babaeng dating taga- silbini Felianie. Ibinigay niya dito ang sanggol at walang imik na tumalikod papasok sa loob ng palasyo. Bumalik ang mabangis niyang anyo na nagbigay ng matinding takot at kaba sa mga taong nakapaligid sa kanya. ang kanina’y maamong tupa ay isa ng dragon ngayon na anumang oras ay handang manakmal at manunog ng hindi niya magustuhang bagay.
Muling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang
Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga
“Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang
“Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P

Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas