Share

Chapter 5

Author: Jam Mike
last update Huling Na-update: 2021-06-06 01:34:41

Muling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.

Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang Heneral ang mga kawal na nakasunod sa kanya ngayon. At tagasilbi naman sa kanilang mansiyon ang limang tagasilbi. Si Meliana noon pa man at tapat na niyang alagad at itinuturing na matalik na kaibigan. Tapat sa kanilang pamilya ang mga ito. Ngayong naglaho na ang kanyang pamilya at tahanan ay hindi siya iniwan ng mga ito. Sila na ang maaari niyang ituring na pamilya. Kung kaya tungkulin niyang alagaan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya sapagkat nasisiguro niyang ganoon din ang mga ito sa kanya, handang magbuwis ng buhay para sa kanyang kapakanan.

Matapos makapamili ng mga kakailanganin ay lumabas na sila ng siyudad. Aalis sila at magpapakalayu- layo mula sa kahariang lumikha ng malalim na sugat sa kanyang puso. Kailangan niyang makalimot upang makapagsimulang muli. Hahanapin niya ang buhay na nararapat para sa kanya.

Tinahak nila ang pakanlurang bahagi mula sa Kaharian ng Bawi. Ngunit hindi nila inaasahang walang hanggang disyerto pala ang nag- aantay sa kanila. Subalit hindi sila umurong. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa marating nila ang isang maliit na bayan na sa tingin nila ay hindi nasasakup ng kahit na anong kaharian. Aksidente ang pagkakatagpu nila sa bayang iyon at tila mula sa malayung panahon ang istilo ng pamumuhay ng mangilan- ngilang sibilyan na naroon.

Dala ng matinding pagod at uhaw ay nagpasya silang tumuloy sa bayan na iyon upang magpalipas ng magdamag. Sa kanilang pagpasok sa maliit na kalsadang tumutuloy sa pinaka- sentro ng siyudad ay nagsilabasan ang mga naninirahan malapit sa kalsada at sila ay matiim na pinagmasdan. Ilang sandali pa ay napuno na ng mga tao ang gilid ng kalsada.

Nagtatanong ang kanilang mga mata. Banaag sa mukha ng mga bata ang pagkasindak. Tila naman nakahandang sumugod anumang oras ang mga lalaking nakamata sa bawat hakbang nila. Amoy na amoy sa simoy ng hangin ang tensiyon sa paligid. Ramdam nina Runa na hindi sila tanggap sa lugar na iyon. Ngunit alam din niyang sa kapangyarihang taglay ng labin lima niyang kawal ay magagapi ng mga ito ang mga naroon sa loob lamang ng maikling minuto. Walang dapat ikatakot.

 Ngunit bakit ganoon na lamang ang takot at pagkadisgusto ng mga tagaroon sa kanila? Sadya bang ayaw nila sa mga bisita?

 Huminto siya sa paglalakad sa gitna ng kalasada. Ganoon din ang ginawa ng kanyang mga kasama. Muli niyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid bago nagsalita ng malakas.

 “Magandang hapon sa inyong lahat mga kapatid. Paumanhin sa aming panghihimasok sa inyong bayan. Ngunit kami ay pagod na pagod na at uhaw na uhaw, dala ng walang hanggang paglalakbay. Ito ang unang bayan na aming natagpuan. Kung kayat naisipan naming magbakasakaling humingi ng tulong mula inyo, at makiusap na rin kung mayroon kayong paupahang maaari naming matutuluyan dito mamayang gabi. Nais sana naming ipahinga ang aming mga pagal na katawan kahit na sa ilang oras man lamang.” Paliwanag niya sa lahat ng naroon.

Ngunit ilang sandali pa ang lumipas ay walang sumagot sa kanya. Hindi ba naintindihan ng mga ito ang kanyang mga sinabi? Anong lenguwahe ba ang gamit ng mga ito at tila hindi nila alam ang kanyang salita?

Ngunit sinubukan ulit niayng magpaliwanag.

“Wala po kaming masamang intensiyon sa aming pagparito. Magbabayad po kami para sa aming tutulugan, maging ang aming mga kakainin sa lugar ninyo. Pati ang serbisyong inyong ibibigay ay handa kaming magbayad. Patuluyin niyo lamang kami at ng kami ay makapamahinga maski sandali lamang.” Tuloy niya.

Maya- maya pa ay may isang matandang lalaki ang sumagot.

“Tatlong taon na ang nakalipas mula ng nagmartsa sa disyertong inyong tinahak ang malaking pulutong ng mga mababangis na mandirigma patungo sa bayang ito. Sila ay malalakas at makapangyarihan. Noong mga panahong iyon, hindi ganito kamiserable ang buhay namin sa bayang ito. May kapayapaan at katahimikan kami. Hindi man kami makapangyarihan, ngunit mayroon kaming kaayusan. Kuntento kami sa kung anong biyaya ang ipinagkaloob sa amin ng aming diyos. Ngunit ang lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap ng dahil sa mga kawal na iyon at ang kanilang hari. Hindi nila pinatawad maski isang sanggol o matandang hindi na kayang lumaban pa. Wala ka bang natatandaan sa aking kwento binibini?” puno ng panunumbat ang bawat salitang namutawi sa bibig ng matanda. Nagpupuyos sa matinding galit ang kanyang kalooban at dama iyon ni Runa. Nag- uumapaw ang hinanakit sa bawat titig na ipinupukol nito sa kanya. Ngunit anong malay ni Runa sa kwentong iyon ng matanda. Litong- lito at naguguluhan siya.

Sinalubong niya ang titig ng matandang nagsalita. Ilang sandali siyang hindi naka- imik. Naiintindihan niya ang sitwasyun. Naiintindihan niya ang takot at tensiyon sa kanyang paligid. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit. Ano ang nangyari tatlong taon na ang lumipas?

Muli ay may nagsalita mula sa mga nasa paligid.

“Alam mo ba binibini, ang mga kawal na iyon na siyang pumatay at nagpabagsak sa amin at nag- iwan ng malaking sugat sa bawat pagkatao namin, at ang mga kawal na dala mo ngayon ay pareho ng kasuutan? At ngayon ay sasabihin mong narito kayo bilang kaibigan?” punong- puno ng panunuya ang mga salitang iyon. Ngunit hindi nakadama ng pagka- insulto si Runa. Sa halip ay naguluhan pa siyang lalo. Mabilis niyang pinukol ng makahulugang tingin ang lider ng kanyang mga kawal.

 

“Magnu, nalalaman mo ba ang sinasabi ng mga taong naririto?” tanong niya gamit ang isipan.

 “Hindi po pinuno. Ngunit madaming bayan at kaharian ang sinakop ng Mahal na Haring Braxton. Maaaring isa lamang ang bayang ito sa mga nakadanas ng kanyang kalupitan.” Paliwanang naman ng tinanong.

‘Kalupitan?’ , sa isip ni Runa. Mulia ay tumingin siya sa paligid at pinagmasdang mabuti ang mga naroon. Mga simpleng tao na banaag ang paghihikahos dahil sa hirap  ng buhay. Mga bahay na sumasalamin sa karalitaang tinatamasa ng bayang iyon. Maaari ngang biktima sila ng isang malupit na digmaan at pananakop. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakababangun. Tila may nag- udyok sa kanyang alamin ang buuong istorya ng pangyayari gamit ang kanyang kapangyarihan. Yumukod siya sa lupa at itinapat ang dalawa niyang palad dito. Dinama niya ang lupang malamig at pilit na tinatanong kung anong kwento mayroon ito. Pumikit siya at tila mga larawang buhay na umukilkil sa kanyang kamalayan ang lahat ng mga nangyari sa bayang iyo.

Dama niya ang matinding init dala ng mga naglalagablab na apoy mula sa mga nasusunog na kabahayan. Dinig na dinig niya ang palahaw na iyak ng mga babae, bata at mga sanggol habang tila mga baliw na halimaw na humahalakhak ang mga kaaway. Hindi magkamayaw ang mga inosente sa pagtakbo sa pag- asang sila ay makaliligtas mula sa impeyernong kanilang kinasadlakan. Ngunit bawat taong nagtatangkang tumakas ay hinahabol ng mga nagsisiliparang pana at sibat. At bago pa man sila makalayo ng kaunti ay bumubulagta na sila at wala ng buhay.

Ang iba ay nagkunwaring patay na lamang upang hindi na pag- initan. 

Sa isang kisap- mata ay nagmistulang impyerno sa lupa ang maliit na bayang iyon.

Dagli niyang hinugot ang kanyang mga kamay at tumingin sa matandang unang nagsalita. Hindi niya namalayan ang pamamalisbis ng kanyang mga luha. Wala siyang maisip na sabihin ng mga oras na iyon. Hindi matatawaran ang pighating dulot ng kasawiang palad na naganap sa kanilang buhay. At iyon ay dulot ng lalaking minsan na niyang minahal, si Braxton.

Kitang- kita niya sa kanyang pangitain na si Braxton mismo ang namuno at nag- utos sa mga kawal na kamkamin ang mga naroon. Hindi siya makapaniwala. Ang Braxton na unang lalaking pinagkalooban niya ng kanyang puso ay naging isa ng demonyo sa lupa na hindi na niya nakikilala. Mukhang tama lamang ang kanyang naging pasyang lisanin na ang piling nito. Sapagkat hindi iyon ang kanilang pinangarap na mundo.              

“Nalalaman kong walang kapatawaran ang kahayupang dala ng Haring iyon sa inyong bayan. Ngunit sasabihin ko pa rin, wala kaming kinalaman. Ako si Runa, isang manlalakbay at ito ang aking mga tagasilbi.” sabay turo sa mga babaing nasa likuran niya. “ Ang mga kawal na inyong nakikita sa aking likuran ay kawal mula sa aking pamilya limang- taon na ang nakalilipas. Sa aking matagal na pagkawala ay napunta sila sa mga kamay ni Haring Braxton at ginawa niya silang mga kawal ng kanyang palasyo. Iyan ang dahilan kung bakit sila nakasuot ng damit na katulad ng mga sumakop sa inyo. Ngunit nasisiguro kong ni isa sa mga kawal na aking dala ay hindi kasama sa mga kawal na nagdala sa inyo ng trahedya.” Paliwanag ni Runa. Alam niyang wala ng saysay ang magpaliwanag pa sapagkat hindi na nito mababago ang nangyari. Ngunit nais pa rin niyang subukan. Kailangan niyang malinis ang kanilang pangalan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
JEnnifer Corpuz
!!!!!!!!!!
goodnovel comment avatar
Garrick Jareta
oooooooooóoooopppppp
goodnovel comment avatar
Garrick Jareta
............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 1

    Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga

    Huling Na-update : 2021-06-06
  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 2

    “Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang

    Huling Na-update : 2021-06-06
  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 3

    “Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P

    Huling Na-update : 2021-06-06
  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 4

    Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas

    Huling Na-update : 2021-06-06

Pinakabagong kabanata

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 5

    Muling naglakabay si Runa at ang kanyang mga kawal at tagasilbi. Gamit ang sapat na perang kanyang dala ay bumili siya ng labin- limang itim na mga kabayo para sa kanyang mga kawal, anim na puting kabayo para sa kanyang mga tagasilbi at isang malakas at matikas na kabayong puti na pinangalanan niyang Brak para sa kanyang sarili. Bumili rin sila ng sapat na pagkaing maaaring imbakin para sa kanilang paglalakbay. Kumuha din sila ng sapat na mga kagamitan gaya ng mga lutuan, kainan, kumot, tela at mga tulda na maaaring silungan. At hindi mawawala ang mga medisinang alam niyang kakailanganin nila. Kailangan niyang maging handa. Siya ang pinuno ng lahat sa kanyang mga kasama. Hindi man siya prinsesa o reyna o heneral man lang, ngunit nanatiling tapat sa kanya ang mga ito. Kaya kahit na ano pa man ang titulong igawad ng mga ito sa kanya bilang pinuno ay hindi na iyon mahalaga. Hindi niya bibiguin ang tiwala at katapatan ng mga ito sa kanya.Mga kawal ng kanyang nasirang ama na isang

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 4

    Gamit pa din ang kanyang kapangyarihan ay nilinis niya ang duguang sanggol, na ngayon ay mahimbing na natutulog at binalot niya ito ng ginintuang tela. Napakagandang tingnan ng bata. Tila ito isang munting anghel na bumaba sa lupa, walang kamuwang- muwang sa mga kasalanang nagawa ng kanyang mga magulang. Inosente, at tila walang pakialam sa nagbabadyang panganib sa kanyang paligid.Kaagad naman niyang pinakawalan ang lahat upang makagalaw ang mga ito. Mabilis na naglakad si Haring Braxton patungo sa kanya at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi ngunit kaagad niya itong pinigil. Mataman niya itong tinitigan sa mga mata upang ipahiwatig na wala na itong karapatang hawakan maski manlamang dulo ng kanyang buhok.Pinalutang niya ang sanggol patungo sa mga bisig ng Hari at kinalong naman ito ng huli.“Braxton, ang batang Prinsipe na iyan ang magiging ala- ala ng iyong kataksilan sa ating pag- iibigan, at siya ring magiging tanda ng ating paghihiwalay ng landas

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 3

    “Isang tagasilbi?” Mariing tanong ni Runa. Nagtiim- bagang ito sa nangyari. Ngumisi siya bago muling nagsalita. Sapat lamang ang lakas ng kanyang pagkakabigkas upang marinig ng lahat.“Ang sabi niya ay ikaw daw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Sabihin mo sa akin ngayon din Braxton, totoo ba?” Kalmadong tanong niya. Tila kalkulado lahat ng kanyang damdamin. Hindi mahulaan ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Ngunit ayaw niyang hulaan sapagkat sa tingin niya ay hindi maganda ang itinatakbo ng mga nangyayari.Pinili na lamang niyang magpakatotoo at aminin ang kanyang pagkakasala. Hihingi siya ng tawad at ng isa pang pagkakataon. Pipilitin niyang ipaunawa ang lahat sa babaeng kanyang iniibig.“Patawad sa aking nagawang kataksilan mahal ko. Ngunit oo, ako nga ang ama ng bata. Ngunit sa puso ko ay ikaw lamang ang aking mahal. Walang pumalit at papalit sa iyo sa aking buhay. P

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 2

    “Ikaw ba ay nagpapatawa binibini? Papaanong ikaw ang kanyang kasintahan samantalang ako ang naririto sa kanyang tabi? Ako ang kanyang nag- iisang reyna at wala ng iba pa!” galit na sigaw ng babaeng nagpakilalang reyna.“Mawalang galang na ho sa inyo. Ngunit nais ko lamang makaharap si Braxton upang maliwanagan na rin ang lahat ng ito.” Malumanay pa ring sagot niya dito.“Walang kailangang linawin babae sapagkat malinaw na kung anuman ang ugnayan sa iyo ng hari ay matagal ng tapos iyon. ngayon, makabubuting umalis ka na at huwag ng manggulo pa.”“Hindi ikaw ang nais kong makaharap. Sa Braxton ang aking kailangan.” Malumanay pa rin at hindi natitinag sa kanyang pagkakatayo si Runa.“Aba’t – matigas ka! Mga kawal, dakpin siya!” utos ng babae sa limang kawal na nasa likuran niya. sabay- sabay namang sumugod ang limang kawal upang puwershan siyang

  • Muling Pagtibok ng Puso   Chapter 1

    Makalipas ang mahigit limang taong pananatili sa walang hanggang kadiliman ay nakabalik na rin sa panahon ng kasalukuyan si Runa. Limang taon siyang nahimlay sa loob ng madilim at malamig na kuweba ng Manghe sa Dundok ng Decca upang mamahinga at mapanumbalik ang nawalang lakas at halos maubos na kapangyarihan dala ng tatlong taong pakikidigma niya sa tabi ng kanyang minamahal na si Prinsipe Braxton. Si Prinsipe Braxton ay isa lamang sa limang Prinsipe ng Kaharian ng Bawi na nagnanais mapasakamay ang buong kaharian. Napakatayog ng kanyang pangarap at paniwalang- paniwala siya na maabot niya ito. Dahil sa labis na pagmamahal ni Runa sa lalaki ay hindi ito nagdalawang isip na tumayo sa tabi ng lalaki at supurtahan ito sa lahat ng kanyang mga plano. Hanggang sa magkaroon na nga ng digmaan. Isang madugong digmaang tumagal ng halos tatlong taon.Ngunit gaano man kadelekado ang digmaan ay hindi pa rin natinag ang babae dahil sa puso niya ay naroon ang labis na pagnanais na matulunga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status