Share

Ep2 Chapter 26

Abala sila ni Bernard sa pag aasikaso ng kasal nila. Tulad ng request ng kanyang biyenang hilaw, dinala nila ang kanyang ina at mga kapatid sa bahay ng mga ito. Lalong humanga ang mga kapatid sa hitsura ng bahay ng lalaki.

"Ang laki ng hardin nyo.. wow may pool.. pwede po maligo?" paalam ni Vahn.

"Oo naman, sige lang mag enjoy kayo" sagot ni tita Ludy. "magpapahanda ako ng pagkain."

"Nasaan si Dulce?" tanong niya sa nobyo.

"May bahay siya, pumupunta lang siya dito kapag walang ginagawa. Pero si mama, halos doon na tumitira sa kanila. Binibiro pa nga namin ni Dulce na baka magkaroon kami ng bagong kapatid."

Napahalakhak naman siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing puro kalokohan pala ang alam ng lalaking ito.

"Loko loko ka.. nakakahiya" sabi niya dito. "ang ganda ng bahay nyo.."

"Bahay natin" pagkocorrect nito "ititira kita dito kapag ikinasal na tayo."

"Ha? eh malapit ang trabaho ko dun kina ma'am" sagot niya dito.

"Kailangan, aasikasuhin mo ang asawa mo di ba? pwede naman sina Marl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status