U.S.APresent time:"Ilayo nyo sakin yan!!!!" sigaw niya habang pinapaalis ang mga nurse na nakapaligid sa kanya "hindi ko kayo kailangan mga letse!""Sir.. kailangan nyo na pong inumin ang gamot nyo" pakiusap ng isang nurse sa kanya."Wag nyo na akong pilitin! lalo akong hindi gumagaling!" inis na inis siya sa mga ito. Lagi siyang pinapainom ng gamot pero ang pakiramdam niya, lalo siyang nalulumpo."Nasaan si Ellie?!""Labas lang po si madam para mag grocery.." sagot ng isa pang nurse."Iniwan niya ko sa inyo ha? bakit hindi niya ko isinama?!""Marami po kasing lakad si madam.. mahihirapan po siya kapag kasama kayo" sagot ng isa pang nurse."So, nahihirapan na pala siya sakin ngayon?""Hindi naman po sa ganon sir" nakayuko ang nirse nung sumagot "baka po mapagod lang kayo sir..""Umalis na kayo dito , bago ko ibato sa inyo ang lahat ng gamit dito!" sigaw niya. Walang nagawa ang mga ito kundi lumabas.Ni hindi siya makapunta sa banyo upang umihi. Nililiguan pa siya ng asawa niya bago
Ang alam niya, si Ellie lang talaga ang nakakaunawa sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa babae, ng minsang kailanganin niyang humingi ng dugo nito, para kay Marie. Mafaming dugo ang nawala dito, at sinisisi niya ang sarili, na kung hindi sana siya nagpatakbo ng mabilis, hindi sana sila hahantong sa ganito.Tandang tanda pa niya ang panahong iyon....*****"Sige mahal, matulog ka muna," sabi niya kay Marie, na halatang inaantok."Okay lang ba?" tanong ng babae."Oo naman.."Natulog nga ito. At dahil napapansin niyang nahihirapan ito sa posisyon, nagmadali siya pagpapatakbo ng sasakyan. Nag overtake siya sa isang truck. Pero ang hindi niya napansin, ay ang isang yruck na kasalubong niya. Kinabig niya pakanan ang sasakyan, subalit huli na ang lahat.. Mabangga sila sa poste ng kuryente. Naipit nito ang kanyang mga paa, subalit si Marie, halos wala ng buhay. Kinakabahan siya habang ginigising ang pinakamamahal.Hindi niya maigalaw ang mga paa. Nais sana niyang tulungan si Marie, na sa
Noong pinili niya si Ellie, labis na nasaktan ang kanyang mga magulang lalo na ang kapatid niyang si Dulce. Hindi niya sukat akalain na hindi maiintindihan ng mga ito ang ginawa niya. Subalit alam niyang nagkamali siya, kaya siguro kinalimutan na siya ng mga ito. Nasa kasunduan kasi nila ni Ellie na wala silang babanggitin tungkol sa pagsasalin ng dugo kay Marie. Na kailangan ang iisipin ng mga magulang niya ay natatakot siya sa nangyari sa babaeng minamahal. Hindi naman siya magawang ipakulong ng mga ito, dahil nga sa injured din siya at nakita nila na nahihirapan din siya.Ang labis na ikinagalit ng mga ito ay ang sekretong pagpapakasal nila ni Ellie. Sinampal siya ng ina, kasunod ang pagsambulat ng galit ng kapatid. Hindi na siya kinausap ng mga ito hanggang umalis na siya ng bahay.*****"Ngayon mo pa naisipang gawin ang kalokohang yan? sa gitna ng pagdurusa ni Marie? anong kagaguhan ang naisipan mi, Bernard?" galit na tanong ng ina."Ma.. m--mah--hal ko si-- si Ellie" mahina niya
Umaasa pa rin siya araw araw na maaalala siya ng mga magulang at kapatid. Ang mga kaibigan niya ay isa sa pinaiwasan ni Ellie sa kanya. Sigurado siyang may alam na rin ang mga ito tungkol sa nangyari sa kanila ni Ellie.Masakit isipin, na mukhang tama nga ang sinabi ng babae sa kanya, kinalimutan na siya ng mga mahal niya sa buhay. Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa niya?Ang huling balita niya tungkol kay Marie ay ang paglabas nito ng ospital. Nakahinga siya ng maluwag nung malaman niyang maayos ito, subalit ang pagkawala ng memorya nito ay parang ikinagiguilty niya.Nabura na siya sa isipan ng babae, at sana, hindi na siya maalala nito. Maayos nito ang sariling buhay na hindi na siya kasali.Sa araw araw na nagdaan, inaatake siya ng lungkot at pagsisi. Inaamin niyang kasalanan niya ang lahat ,kaya tatanggapin niya ang lahat ng consequences. Tama si Ellie, ito na lang ang nakakaunawa sa kanya. Gigising siyang parang zombie. Gustong gusto na niyang makalakad ulit. Ilang buwan na ba
Nilapitan niya si Ellie. Nakahiga ito sa kabilang side ng kama. Umakyat siya sa kama at niyakap ang babae."I'm sorry.. Hindi ko sinasadya Ellie" bulong niya dito. Nanatiling nakahiga ang babae. Wala soyang narinig na sagot mula dito. "Sige na.. sorry na"Bumuntong hininga ang asawa, saka siya hinarap "mahal mo pa ba siya?" soya naman ang hindi nakasagot "saan ako nakalagay sa puso mo, Bernard? hinagawa ko naman ang lahat para sayo. May kulang pa ba?""Alam kong nagkamali ako, pasensiya ka na..""Hindi mo sinagot ang tanong ko, Bernard, mahal mo pa ba siya?""Ellie.. please""Anong Ellie please? ganoon ba kahirap ang tanong ko sayo?""Oo""A--anong oo?""Yan ang sagot ko sa tanong mo" naisagot na lang niya dito.Bigla itong bumangon, saka umagos ang luhang malayang dumadaloy sa mga pisngi nito."All this years, Bernard, ako ang nasa tabi mo. Lalo na nung iwanan ka ng lahat! pero hindi pala ako ang nilalaman ng puso mo?""Ellie.. makinig ka sakin" pinapakalma niya ang babae "tinanong m
Iba talaga ang nararamdaman niya sa katawan niya, kaya hindi niya nilulunok ang mga gamot na ipinaiinom ng nurse sa kanya. Ang pakiramdam niya, lalo lamang siyang nilulumpo ng mga ito.Nag iimbestiga siya araw araw sa ginagawa ng mga ito. Madalas niyang mapansin na parang may inihahalo ang mga ito sa kanyang pagkain at inumin. Ayaw niyang mag isip ng masama ngunit iba ang kanyang kutob. Kaya minsan, hindi niya kinakain ang mga i ihahanda ng mga ito. Kay Miles siya nagpapaluto kapag nagpapahinga ang mga nurse.Isang linggo pa lang ang nakakaraan, mula ng mapansin niya ito, at maiwasang lunukin lahat ng ibinibigay ng mga ito sa kanya, nawawala ang pamamanhid ng kanyang binti. Nagkakaroon na ito ng pakiramdam.Ngunit nagkukunwari lamang siyang walang improvement, para hindi masira ang kanyang plano. Parang pinipigilan siyang gumaling ni Ellie, hindi niya mabatid kung bakit.Pinapanood niya ang mga kasama kung paano kumilos, yung pagtulog nila at day off nila, inobserbahan niya rin.Isan
"Sir.. kakain na po ba kayo?" tanong ng nurse sa kanya habang nanonood siya ng T.V."Hindi pa. Pwede kayong mag off ng sabay sabay. Nandiyan naman si Miles. Para makapahinga naman kayo" nilingon niya ito na nakangiti."Talaga po sir?" gulat na gulat ito."Oo naman. Matagal tagal na rin kayong na stress sakin. Panahon na para ako naman ang bumawi sa inyo." kinuha niya ang wallet at kumuha ng tatlong tig 1000 dollars "bonus niyo ito.""Naku sir.. maraming salamat po sa inyo" sabi ng nurse. Nagmamadali itong pumunta sa kwarto nila. Paglabas nito, kasama na nito ang dalawa pang nurse. Nagpasalamat silang lahat sa kanya.Plano niya pag alis ng kanyang mga nurse, maghahanap siya ng mga ebidensya na nagpapatunay sa kanyang hinala na pinapainom siya ng mga ito ng gamot na mas nagpapalala ng kanyang kundisyon.Masayang nagpaalam ang mga ito sa kanya. Pinanood niya ito hanggang sa makalayo, noong masiguro niya na nakaalis na ang mga ito, saka siya pumasok sa silid na tinutuluyan ng mga nurse. U
Dating routine; nagpaalam sa kanya si Ellie na papasok na sa trabaho. Kunwari ay nagbabasa siya ng libro, ngunit sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niya ang babae na may ibinubulong sa mga nurse.Saka siya nito binalikan."Baby, aalis na ko ha? kumain ka." hinalikan siya nito sa noo."Sige, ingat ka.." tinanguan niya pa ito saka kinawayan.Paglabas nito ng pinto, naglabasan na ang mga nurse sa kwarto ng mga ito, dala ang mga gamot niya."Pwede ko ba kayong panoorin habang nag aayos kayo ng pagkain ko?" tanong niya."Ah.. eh.. sir.. wag na po" ngumiti si Juls sa kanya ng alanganin. "baka pp mapaso lang kayo.""Bakit mo naman ako papasuin?" pinaghawak noya ang kanyang mga kamay.Napatingin si Juls sa mga kasama na umiiling. Napalingon siya sa mga ito, nagkanya kanyang lingunan sina Mark at Enzo."Bweno, kung ayaw mo naman, okay lang naman. Pero gutom ako eh. Pakidamihan na lang" bilin niya.Waring nakahinga ng maluwag si Juls sa sinabi niya."Okay po sir," sagot ni Juls. Saka siya tina
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam