Share

Ep2 Chapter 37

Noong pinili niya si Ellie, labis na nasaktan ang kanyang mga magulang lalo na ang kapatid niyang si Dulce. Hindi niya sukat akalain na hindi maiintindihan ng mga ito ang ginawa niya. Subalit alam niyang nagkamali siya, kaya siguro kinalimutan na siya ng mga ito. Nasa kasunduan kasi nila ni Ellie na wala silang babanggitin tungkol sa pagsasalin ng dugo kay Marie. Na kailangan ang iisipin ng mga magulang niya ay natatakot siya sa nangyari sa babaeng minamahal. Hindi naman siya magawang ipakulong ng mga ito, dahil nga sa injured din siya at nakita nila na nahihirapan din siya.

Ang labis na ikinagalit ng mga ito ay ang sekretong pagpapakasal nila ni Ellie. Sinampal siya ng ina, kasunod ang pagsambulat ng galit ng kapatid. Hindi na siya kinausap ng mga ito hanggang umalis na siya ng bahay.

*****

"Ngayon mo pa naisipang gawin ang kalokohang yan? sa gitna ng pagdurusa ni Marie? anong kagaguhan ang naisipan mi, Bernard?" galit na tanong ng ina.

"Ma.. m--mah--hal ko si-- si Ellie" mahina niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status