"Kumusta ka na Marie?" isang magandang babae ang lumapit sa kanya kasama ang lalaking sa tingin niya ay asawa nito. "tinawagan kami ni Armand, gising ka na daw."Nakatingin lang siya sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa pagbati nito."Pasensiya na kayo ma'am. May amnesia kasi aiya" sagot ng kanyang ina."Totoo pala ang sinabi ni Armand. Pero sabi naman niya, baka temporary lang yan. Anyway, ako si Ericka, ako ang iyong boss. Secretary kita. At ito naman ang asawa kong si Monte.""Kumusta ka na Marie?" tanong sa kanya ni Monte."Okay naman po ako. Masakit po ang likod ko. Totoo bang nagtatrabaho ako sa inyo?" inosente niyang tanong sa mga ito."Oo, matagal ka ng nagtatrabaho sa amin, five years na" ngumiti si Ericka na sa tingin niya ay lalong nagpaganda dito. Ang dimples nito at alon alon na buhok ay bagay na bagay sa hitsura nito na parang si Mama Mary."Ang tagal ko na pala sa inyo, sana kapag magaling na ako, tanggapin niyo pa rin ako" ngumiti siya sa mga ito."Oo na
Ilang linggo lang ang lumipas, naiuwi na siya sa bahay. Ang mga boss niya ang sumundo sa kanya. Namangha siya sa hitsura ng bahay na tinutuluyan niya."Bahay ko po ba ito ma'am?" tanong niya kay Ericka."Bahay ko ito, walang nakatira dito kaya dito kita pinatira. Yung mataas na building na malapit dito, yan yung opisina natin" mahabang paliwanag ni Ericka sa kanya."Sana maalala ko na ang lahat no? pakiramdam ko kasi wala akong silbi" malungkot niyang sabi."Wag kang magsalita ng ganyan. Wag mo ring pilitin ang sarili mong maalala ang lahat." sagot ni Ericka sa kanya.Tumunog ang doorbell, binuksan ito ng kanyang ina."Magandang araw po" bati ng isang babaeng medyo payat. May kasama itong gwapo na mukhang koreano."Pasok kayo sabi ng kanyang ina."Friend!!"tinakbo siya ng babae saka niyakap. "ano kumusta ka na? balita ko may amnesia ka raw" sabi nito sa kanya."Ah.. eh.. si--sino ka?" nag-iisip siya kung sino ito. Pero pakiramdam niya, kilala niya ang babaeng ito. "Nakalimutan mo na
"Ba--bakit mo naman anak naitanong?" binawi ng kanyang ina ang paningin sa kanya."Nabanggit lang ni Flor kanina.. saka familiar sa akin ang pangalang yun, hindi ko lang maalala." sagot niy."Ah-- eh... ano kasi anak, matagal na naman yun, kakilala mo si Bernard.""Bakit parang sa tono ng pananalita niyo, hindi kami simpleng magkaibigan lang?""Hindi anak, na--nagulat lang ako sa tanong mo. Mabait kasi ai Bernard kaya hinsi mo makalimutan." uminom ng tubig ang kanyang ina."Hindi ko siya boyfriend?" Napabuga ng tubig ang ina niya saka inubo ng inubo. Waring hindi inaasahan ang kanyang tanong. Natigilan talaga ito at hindi makapagsalita. Saka biglang umiyak."Anak.. wag muna natung pag usapan si Bernard.. maaalala mo rin naman siya." hundi na siya nilingon nito pero alam niyang umiiyak ang ina."Kung kakilala ko siya, bakit hindi siya dumalaw sakin? bakit hindi man lang niya ako sinilip?""Anak, magpahinga ka kaya muna? palagay ko napagod ka ngayong araw. Halika na, sasamahan na kita s
"Bernard Guevarra... " nasabi niya ito habang kausap ang kapatid."Ano ate?" tanong ni Vahn."Bernard Guevarra... sino siya?""Saan mo naman nakuha ang pangalang yan?" wika ni Vahn."Ewan ko, pumasok lang siya sa isipan ko eh.. sino kaya siya? yun kaya si Bernard na boyfriend ko?""Nanay!!!! nanay!!!" tawag ni Vahn sa ina. Dumating naman itong humahangos.'Bakit? anong nangyari?" naupo ito agad sa tabi niya "may masakit ba sayo anak?""Sino si Bernard Guevarra?" tanong niya.Napalingon ito kay Vahn, umiling lang ang kapatid."Saan mo naman nakuha ang pangalang yan?" tanong pa nito."Hindi ko alam.. pumasok lang siya sa isipan ko eh. Siya ba ang boyfriend ko?""Boyfriend mo noon.. hiwalay na kayo anak" niyakap siya ng ina.Wala siyang maramdamang emosyon as if hindi siya naniniwala sa sinasabi ng nanay niya."Baka kaya ako naaksidente nanay, baka naghiwalay kami that time, anong palagay nyo?'"Hindi ko rin masabi anak eh." sagot ng ina.Biglang sumakit ang ulo niya."Aarraaay!!!" sigaw
U.S.APresent time:"Ilayo nyo sakin yan!!!!" sigaw niya habang pinapaalis ang mga nurse na nakapaligid sa kanya "hindi ko kayo kailangan mga letse!""Sir.. kailangan nyo na pong inumin ang gamot nyo" pakiusap ng isang nurse sa kanya."Wag nyo na akong pilitin! lalo akong hindi gumagaling!" inis na inis siya sa mga ito. Lagi siyang pinapainom ng gamot pero ang pakiramdam niya, lalo siyang nalulumpo."Nasaan si Ellie?!""Labas lang po si madam para mag grocery.." sagot ng isa pang nurse."Iniwan niya ko sa inyo ha? bakit hindi niya ko isinama?!""Marami po kasing lakad si madam.. mahihirapan po siya kapag kasama kayo" sagot ng isa pang nurse."So, nahihirapan na pala siya sakin ngayon?""Hindi naman po sa ganon sir" nakayuko ang nirse nung sumagot "baka po mapagod lang kayo sir..""Umalis na kayo dito , bago ko ibato sa inyo ang lahat ng gamit dito!" sigaw niya. Walang nagawa ang mga ito kundi lumabas.Ni hindi siya makapunta sa banyo upang umihi. Nililiguan pa siya ng asawa niya bago
Ang alam niya, si Ellie lang talaga ang nakakaunawa sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa babae, ng minsang kailanganin niyang humingi ng dugo nito, para kay Marie. Mafaming dugo ang nawala dito, at sinisisi niya ang sarili, na kung hindi sana siya nagpatakbo ng mabilis, hindi sana sila hahantong sa ganito.Tandang tanda pa niya ang panahong iyon....*****"Sige mahal, matulog ka muna," sabi niya kay Marie, na halatang inaantok."Okay lang ba?" tanong ng babae."Oo naman.."Natulog nga ito. At dahil napapansin niyang nahihirapan ito sa posisyon, nagmadali siya pagpapatakbo ng sasakyan. Nag overtake siya sa isang truck. Pero ang hindi niya napansin, ay ang isang yruck na kasalubong niya. Kinabig niya pakanan ang sasakyan, subalit huli na ang lahat.. Mabangga sila sa poste ng kuryente. Naipit nito ang kanyang mga paa, subalit si Marie, halos wala ng buhay. Kinakabahan siya habang ginigising ang pinakamamahal.Hindi niya maigalaw ang mga paa. Nais sana niyang tulungan si Marie, na sa
Noong pinili niya si Ellie, labis na nasaktan ang kanyang mga magulang lalo na ang kapatid niyang si Dulce. Hindi niya sukat akalain na hindi maiintindihan ng mga ito ang ginawa niya. Subalit alam niyang nagkamali siya, kaya siguro kinalimutan na siya ng mga ito. Nasa kasunduan kasi nila ni Ellie na wala silang babanggitin tungkol sa pagsasalin ng dugo kay Marie. Na kailangan ang iisipin ng mga magulang niya ay natatakot siya sa nangyari sa babaeng minamahal. Hindi naman siya magawang ipakulong ng mga ito, dahil nga sa injured din siya at nakita nila na nahihirapan din siya.Ang labis na ikinagalit ng mga ito ay ang sekretong pagpapakasal nila ni Ellie. Sinampal siya ng ina, kasunod ang pagsambulat ng galit ng kapatid. Hindi na siya kinausap ng mga ito hanggang umalis na siya ng bahay.*****"Ngayon mo pa naisipang gawin ang kalokohang yan? sa gitna ng pagdurusa ni Marie? anong kagaguhan ang naisipan mi, Bernard?" galit na tanong ng ina."Ma.. m--mah--hal ko si-- si Ellie" mahina niya
Umaasa pa rin siya araw araw na maaalala siya ng mga magulang at kapatid. Ang mga kaibigan niya ay isa sa pinaiwasan ni Ellie sa kanya. Sigurado siyang may alam na rin ang mga ito tungkol sa nangyari sa kanila ni Ellie.Masakit isipin, na mukhang tama nga ang sinabi ng babae sa kanya, kinalimutan na siya ng mga mahal niya sa buhay. Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa niya?Ang huling balita niya tungkol kay Marie ay ang paglabas nito ng ospital. Nakahinga siya ng maluwag nung malaman niyang maayos ito, subalit ang pagkawala ng memorya nito ay parang ikinagiguilty niya.Nabura na siya sa isipan ng babae, at sana, hindi na siya maalala nito. Maayos nito ang sariling buhay na hindi na siya kasali.Sa araw araw na nagdaan, inaatake siya ng lungkot at pagsisi. Inaamin niyang kasalanan niya ang lahat ,kaya tatanggapin niya ang lahat ng consequences. Tama si Ellie, ito na lang ang nakakaunawa sa kanya. Gigising siyang parang zombie. Gustong gusto na niyang makalakad ulit. Ilang buwan na ba