Share

Ep2 Chapter 32

Ilang linggo lang ang lumipas, naiuwi na siya sa bahay. Ang mga boss niya ang sumundo sa kanya. Namangha siya sa hitsura ng bahay na tinutuluyan niya.

"Bahay ko po ba ito ma'am?" tanong niya kay Ericka.

"Bahay ko ito, walang nakatira dito kaya dito kita pinatira. Yung mataas na building na malapit dito, yan yung opisina natin" mahabang paliwanag ni Ericka sa kanya.

"Sana maalala ko na ang lahat no? pakiramdam ko kasi wala akong silbi" malungkot niyang sabi.

"Wag kang magsalita ng ganyan. Wag mo ring pilitin ang sarili mong maalala ang lahat." sagot ni Ericka sa kanya.

Tumunog ang doorbell, binuksan ito ng kanyang ina.

"Magandang araw po" bati ng isang babaeng medyo payat. May kasama itong gwapo na mukhang koreano.

"Pasok kayo sabi ng kanyang ina.

"Friend!!"tinakbo siya ng babae saka niyakap. "ano kumusta ka na? balita ko may amnesia ka raw" sabi nito sa kanya.

"Ah.. eh.. si--sino ka?" nag-iisip siya kung sino ito. Pero pakiramdam niya, kilala niya ang babaeng ito.

"Nakalimutan mo na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status