POV: MarieHanda na ang lahat para sa kanilang kasal. Pati mga abay at sponsors ay nasabihan na rin. Ang kulang na lang ay ang araw ng kaganapan ng kanilang kasal.Nagpaalam si Bernard na pupunta muna sa U.S para personal na masabihan ang mga kamag anak na naroroon. Nag alala siya bigla."Di ba may kasabihanh wag magbiyahe madalas ang ikakasal?" sabi niya dito habang kumakain sila. Nasa bahay sila ni Bernard. Wala doon ina ng lalaki dahil pinuntahan si Dulce dahil may sakit ito."Naku mahal, wag kang masyadong maniwala sa ganun, hindi yan totoo." nakangiting sagot nito sa kanya."Wala namang masamang maniwala hindi ba?" sagot niya dito."Mahal.." hinawakan ni Bernard ang kamay niya "okay lang ako. Ikaw ang laging mag iingat.""Dapat sayo ako mag ingat" wika niya dito. Hinihimas na naman nito ng kakaiba ang kanyang kamay."At bakit naman sa akin? ang misis ko, masyadong mapaghinala.." sagot nito sa kanya."Ayoko ng ganyang hawak.. parang gusto mo na naman akong iakyat sa kwarto at halay
Iginala niya ang kanyang mata. 'Nasaan ako?' Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Hindi niya mawari kung saan may masakit. Parang may nakadagan sa kanyang mabigat na bahay. Hindi niya maibiling ang kanyang ulo.Tahimik ang paligid. Oh wala talaga siyang naririnig? Nakamulat lang siya at nakatingin sa ilaw.May naaaninag siyang tao, hindi niya mawari kung sino. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. May itinatanong ito sa kanyang hindi niya talaga marinig 'Anong nangyayari?' bulong niya sa isipan."Gising na siya!" yun ang umalingawngaw sa kanyang pandinig.May mga yabag na papalapit sa kanya. 'Sino sila?'"Anak.... anak ko----" niyakap siya ng isang babaeng maedad na."Na---nas--saan a--ko?" mahuna niyang tanong."Nasa ospital ka anak," sagog ng babae "naaksidente kayo.""Ka--kami?""Wag ka na munang magsalita. Magpahinga ka lang muna. Ang mahalaga, may malay ka na" sabi ng ina sa kanya.May mga lumapit sa kanyang mga naka uniform na tao. Hindi niya makilala ang mga ito. Wala
"Anak, wag ka munang mag isip ng kung anu ano," nginitian siya nito."Bakit parang... parang ang init ng aking likod? gaano na ako katagal dito?" inililibot niya ang mukha sa buong paligid "sino sila?""Yan ang tatay at kapatid mong si Vahn,""Tatay ko siya?""Oo""Ang bata naman niya para maging tatay ko. At ang kapatid ko, mukha ng matanda.""Anak, Marie, yung matanda ang tatay mo..""Kuya ko siya?" itinuro niya si Vahn."Ate ka niya. Panganay ka.""Isa lang ang kapatid ko?""Tatlo sila. Si Marlon, may trabaho na. Si Vohn, kakambal ni Vahn, naiwan siya para mag asikaso sa bahay""Ako? may trabaho din?""Meron anak. Pero saka ka na mag isip ng ganyan kapag magaling ka na.""Masakit ang likod ko""Vahn, tawagin mo si Doc Armand.""Opo nay"Nagmamadaling umalis si Vahn. Pagbalik nito kasama na nito si Doc Armand at dalawang nurse."Gising ka na pala Marie, anong nararamdaman mo?" tanong ni doc Armand."Masakit ang likod ko doc" sabo ni Marie."Dalawang buwan kang nacomma, kaya matagal
"Kumusta ka na Marie?" isang magandang babae ang lumapit sa kanya kasama ang lalaking sa tingin niya ay asawa nito. "tinawagan kami ni Armand, gising ka na daw."Nakatingin lang siya sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa pagbati nito."Pasensiya na kayo ma'am. May amnesia kasi aiya" sagot ng kanyang ina."Totoo pala ang sinabi ni Armand. Pero sabi naman niya, baka temporary lang yan. Anyway, ako si Ericka, ako ang iyong boss. Secretary kita. At ito naman ang asawa kong si Monte.""Kumusta ka na Marie?" tanong sa kanya ni Monte."Okay naman po ako. Masakit po ang likod ko. Totoo bang nagtatrabaho ako sa inyo?" inosente niyang tanong sa mga ito."Oo, matagal ka ng nagtatrabaho sa amin, five years na" ngumiti si Ericka na sa tingin niya ay lalong nagpaganda dito. Ang dimples nito at alon alon na buhok ay bagay na bagay sa hitsura nito na parang si Mama Mary."Ang tagal ko na pala sa inyo, sana kapag magaling na ako, tanggapin niyo pa rin ako" ngumiti siya sa mga ito."Oo na
Ilang linggo lang ang lumipas, naiuwi na siya sa bahay. Ang mga boss niya ang sumundo sa kanya. Namangha siya sa hitsura ng bahay na tinutuluyan niya."Bahay ko po ba ito ma'am?" tanong niya kay Ericka."Bahay ko ito, walang nakatira dito kaya dito kita pinatira. Yung mataas na building na malapit dito, yan yung opisina natin" mahabang paliwanag ni Ericka sa kanya."Sana maalala ko na ang lahat no? pakiramdam ko kasi wala akong silbi" malungkot niyang sabi."Wag kang magsalita ng ganyan. Wag mo ring pilitin ang sarili mong maalala ang lahat." sagot ni Ericka sa kanya.Tumunog ang doorbell, binuksan ito ng kanyang ina."Magandang araw po" bati ng isang babaeng medyo payat. May kasama itong gwapo na mukhang koreano."Pasok kayo sabi ng kanyang ina."Friend!!"tinakbo siya ng babae saka niyakap. "ano kumusta ka na? balita ko may amnesia ka raw" sabi nito sa kanya."Ah.. eh.. si--sino ka?" nag-iisip siya kung sino ito. Pero pakiramdam niya, kilala niya ang babaeng ito. "Nakalimutan mo na
"Ba--bakit mo naman anak naitanong?" binawi ng kanyang ina ang paningin sa kanya."Nabanggit lang ni Flor kanina.. saka familiar sa akin ang pangalang yun, hindi ko lang maalala." sagot niy."Ah-- eh... ano kasi anak, matagal na naman yun, kakilala mo si Bernard.""Bakit parang sa tono ng pananalita niyo, hindi kami simpleng magkaibigan lang?""Hindi anak, na--nagulat lang ako sa tanong mo. Mabait kasi ai Bernard kaya hinsi mo makalimutan." uminom ng tubig ang kanyang ina."Hindi ko siya boyfriend?" Napabuga ng tubig ang ina niya saka inubo ng inubo. Waring hindi inaasahan ang kanyang tanong. Natigilan talaga ito at hindi makapagsalita. Saka biglang umiyak."Anak.. wag muna natung pag usapan si Bernard.. maaalala mo rin naman siya." hundi na siya nilingon nito pero alam niyang umiiyak ang ina."Kung kakilala ko siya, bakit hindi siya dumalaw sakin? bakit hindi man lang niya ako sinilip?""Anak, magpahinga ka kaya muna? palagay ko napagod ka ngayong araw. Halika na, sasamahan na kita s
"Bernard Guevarra... " nasabi niya ito habang kausap ang kapatid."Ano ate?" tanong ni Vahn."Bernard Guevarra... sino siya?""Saan mo naman nakuha ang pangalang yan?" wika ni Vahn."Ewan ko, pumasok lang siya sa isipan ko eh.. sino kaya siya? yun kaya si Bernard na boyfriend ko?""Nanay!!!! nanay!!!" tawag ni Vahn sa ina. Dumating naman itong humahangos.'Bakit? anong nangyari?" naupo ito agad sa tabi niya "may masakit ba sayo anak?""Sino si Bernard Guevarra?" tanong niya.Napalingon ito kay Vahn, umiling lang ang kapatid."Saan mo naman nakuha ang pangalang yan?" tanong pa nito."Hindi ko alam.. pumasok lang siya sa isipan ko eh. Siya ba ang boyfriend ko?""Boyfriend mo noon.. hiwalay na kayo anak" niyakap siya ng ina.Wala siyang maramdamang emosyon as if hindi siya naniniwala sa sinasabi ng nanay niya."Baka kaya ako naaksidente nanay, baka naghiwalay kami that time, anong palagay nyo?'"Hindi ko rin masabi anak eh." sagot ng ina.Biglang sumakit ang ulo niya."Aarraaay!!!" sigaw
U.S.APresent time:"Ilayo nyo sakin yan!!!!" sigaw niya habang pinapaalis ang mga nurse na nakapaligid sa kanya "hindi ko kayo kailangan mga letse!""Sir.. kailangan nyo na pong inumin ang gamot nyo" pakiusap ng isang nurse sa kanya."Wag nyo na akong pilitin! lalo akong hindi gumagaling!" inis na inis siya sa mga ito. Lagi siyang pinapainom ng gamot pero ang pakiramdam niya, lalo siyang nalulumpo."Nasaan si Ellie?!""Labas lang po si madam para mag grocery.." sagot ng isa pang nurse."Iniwan niya ko sa inyo ha? bakit hindi niya ko isinama?!""Marami po kasing lakad si madam.. mahihirapan po siya kapag kasama kayo" sagot ng isa pang nurse."So, nahihirapan na pala siya sakin ngayon?""Hindi naman po sa ganon sir" nakayuko ang nirse nung sumagot "baka po mapagod lang kayo sir..""Umalis na kayo dito , bago ko ibato sa inyo ang lahat ng gamit dito!" sigaw niya. Walang nagawa ang mga ito kundi lumabas.Ni hindi siya makapunta sa banyo upang umihi. Nililiguan pa siya ng asawa niya bago
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam