LAYLAY ang mga balikat na naglalakad si Gianna sa hallway patungo sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang mommy. Lutang pa rin at magulo ang isip niya dahil sa mga sinabi ng daddy niya sa kaniya na hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan. Kahit anong isip niya, wala siyang makuhang sagot."Gianna!"Napaigtad siya nang marinig ang galit na boses na iyon. Napaangat siya ng ulo at nagulat nang makita si Oliver na nakatayo sa gilid ng silid ng kaniyang ina."Sa tingin mo matatakasan mo ako? Nagkakamali ka kung akala mo makakatakas ka sa mga kamay ko." Kita niya ang galit sa mukha nito nang lapitan siya at hawakan siya sa braso. "Bakit? May pinagmamalaki ka na ba huh? Sinong lalaki ang ginamitan mo ng katawan mo para bayaran ka at lahat ng utang ng daddy mo, huh?""O-Oliver, ano ba? Nasasaktan ako!" Sinubukan niyang alisin ang kamay nito sa braso niya pero mahigpit iyon."Si Gabriel ba? Siya ba ang pinagmamalaki mo, huh? Akala mo hindi ko malalaman ang relasyon ninyong dalawa?" N
"ARE you ok, Gianna?"Napapitlag siya nang maramdaman niya si Gabriel sa likod niya. Hinawakan nito ang braso niya. Ngumiti siya nang lingunin ito."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang si daddy dahil excited na akong makalaya siya at makasama ulit." Pero ang totoo iniisip niya ang mga sinabi ni Oliver sa kaniya kanina. Ginugulo pa rin siya nito ang ang nararamdaman niya."Iyon lang ba?"Lumungkot ang mukha niya. "Actually, Marami akong iniisip Gabriel. H-hindi ko alam kung pagkatapos ba ng lahat ng ito, tapos na rin ang paghihirap ng pamilya ko. Baka kasi umpisa pa lang ito," nababahala niyang sambit.Marahan nitong hinaplos ang braso niya. Nakaupo sila sa upuan na nasa tabi ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay."Gianna, ang mahalaga ang isipin mo 'yong ngayon. Makakalaya na ang daddy mo at isipin mo na lang kung paano mo mababawi 'yong nga panahong hindi mo siya kasama. We know that this is not the end of all the hardship, but this is the way of preparing you t
"A-ANONG nangyari sa daddy ko?" naghehestirikal na tanong ni Gianna sa mga police nang makarating sila ni Gabriel sa kulungan. Kanina pa siyang hindi mapakali dahil sa binalita ng police."M-Ma'am, dinala ho sa hospital ang inyong ama matapos niyang mawalan ng malay dahil sa matinding pangbubugbog sa kaniya," malungkot na sabi ng officer ng kulungan. "I'm sorry, Maam for what happened to your dad."Napaawang ang bibig niya. Tinakasan siya ng lakas at muntik nang matumba kung wala roon si Gabriel para alalayan siya.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi pa ba tapos? Paanong nangyari iyon sa kaniyang ama? Kulang pa ba lahat ng pahirap sa pamilya niya? Paano niya kakayanin lahat?"N-nasaan siya...n-nasaan si Daddy!" puno ng takot niyang tanong. Pumasok siya sa kulungan pero agad siyang pinigilan ni Gabriel."Dinala na ho sa hospital ang ama ninyo.""P-paano nangyari sa daddy ko iyon?" Puno ng galit at pagtataka na tiningnan niya ang mga police na nasa harap niya. "H-hind
"W-WHAT is the meaning of this, Gabriel?"Agad naghiwalay sa pagkakayakap is Gabriel at Gianna nang marinig nila ang boses ni Oliver. Bumakas ang gulat sa kanilang mga mukha."So, tama nga? May relasyon kayong dalawa ni Gabriel? How desperate and pathetic you are, Gianna para pumatol sa kaniya?"Nagkatinginan sila ni Gabriel. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumayo, saka lumapit kay Oliver."At anong pakialam mo kung pumatol man ako kay Gabriel?" diretsong tanong niya. "Wala ka nang pakilam kung kaninong lalaki man ako pumatol, Oliver dahil hindi mo ako pag-aari." Lumabas ang galit sa emosyon niya.Ngumisi ito at suminghap. "At sa tingin mo naka-jackpot ka sa kaniya?"Saglit siyang yumuko. Matatalim na tingin ang pinukol niya rito."Oliver, kung nandito ka para insultuhin ang pagkatao ko, para magbunyi sa paghihirap ko, umalis ka na. Mahabag ka naman sa akin kahit konti lang. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo naman ako. Umalis ka na
KANINA pang tulala si Gianna habang iniisip niya ang mga sinabi ni Gabriel kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang gusto nitong pakasalan siya kahit hindi ito sigurado sa nararamdaman para sa kaniya."Marry me, Gianna!"Alam niyang may utang na loob siya at nangako kay Gabriel na gagawin niya ang lahat ng gusto nito dahil sa kabutihang ginawa nito sa pamilya niya kaya wala siyang karapatang tumanggi kahit hindi malinaw sa kaniya ang totoong dahilan nito para bigla siyang alukin ng kasal pero alam niyang sa loob niya, may naramdaman siyang saya pero hanggang saan?"Gianna! Gianna!"Napapitlag siya nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Tumambad sa kaniya si Stella na nagtataka."Kanina pa ako rito pero parang walang kang nakikita. Ok ka lang ba?" Kumurap siya at inayos ang buhok na humarang sa kaniyang mukha."I'm sorry, Stella malalim lang ang iniisip ko.""Gaano ba kalalim at hindi mo man lang napansin na pumasok ako.""Marami lang gumugulo sa isip ko, Stella at hindi
"MOM, I'm getting married soon kaya sana gumising ka na para samahan akong maglakad sa aisle kasama si dad. Gusto kong masaksihan ninyo ang araw na iyon kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Gabriel para sa akin. Ang alam ko lang, he's the best groom for me at kung siya man ang pakakasalanan ko at makakasama sa habang buhay ok lang dahil napakabuti niya sa pamilya natin. At kung sa paraang iyon masusuklian ko siya, handa ako." Marahan niyang hinaplos ang palad ng kaniyang ina at inangat iyon."Marami nang nangyari, mom at gusto ko paggising niyo, maayos na ang lahat."Inilapit niya sa kaniyang labi ang likod ng palad nito at h******n iyon, saka niyakap ang katawan nitong wala pa ring malay. Hindi siya tumitigil na kausapin ang ina at kaniyang ama dahil alam niyang kahit walang malay ang mga ito, naririnig siya nito at nagbabakasali siyang sa pamamagitan ng boses at kwento niya, makatulong iyon para magising ang mga ito.Matapos niyang kausapin ang mga magulang niya, nagpasiya siy
"WHY you're here? Anong kailangan mo?" tanong ni Gabriel kay Oliver nang pumasok ito sa office niya na seryoso ang mukha."I know what you're doing, Gabriel."Ngumiti siya. "And? It has nothing to do with you, Oliver.""What's mine is mine, Gabriel at ayaw kong may kahati sa kahit anong bagay na gusto ko." Bakas ang inis at galit sa boses nito.Kumunot ang noo niya. "Sino bang tinutukoy mo? Are you talking about Gianna?"Lumapit pa ito at padabog na pinatong ang mga palad sa table niya habang matalim na nakatingin sa mga mata niya pero hindi siya nagpatinag."Stop acting like you don't know what I'm talking about, Gabriel. Anong binabalak mo at tinulungan mo si Gianna na makawala sa akin? Kinakalaban mo ba ako?" "Binabalak ko? Genuine ang pagtulong ko sa kaniya at wala akong ibang dahilan."Ngumisi ito. "Wala? I know you, Gabriel at alam kong hindi mo gagawin iyon nang wala kang binabalak. Are you trying to use her to provoke me?""Provoke you? For what?"Padabog nitong hinampas ang
MAS KINABAHAN si Gianna nang bumuhos ang malakas na ulan. Galit siya kay Oliver pero hindi niya gustong mapahamak ito dahil hindi pa naman siya ganoon kasama para gustuhin itong maaksidente.Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi siya mapakali kaya nagpasiya siyang bumaba ng silid at tingnan kung nasa hospital na nga si Oliver. Nagsuot siya ng jacket.Sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero mas lalo lang siyang kinabahan ng hindi nito sinagot iyon."Nasaan ka na ba, Oliver?"Mayamaya'y may sasakyang huminto sa tapat ng hospital at lumabas mula roon si Oliver na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na rin tuwid ang lakad nito, indikasyon na lasing nga ito.Nakahinga siya ng maluwag. Masamang damo nga pala ito at hindi basta-basta mamamatay."G-Gianna? You're here." Bumakas agad ang masayang ngiti sa mga labi nito. Namumungay na rin ang magaganda nitong mga mata na isa sa nagustuhan niya rito.Basang-basa na ito nang makalapit sa kaniya."Nag-aalala ka pa rin sa