Share

Chapter 31: i'm sorry, Gianna!

MAS KINABAHAN si Gianna nang bumuhos ang malakas na ulan. Galit siya kay Oliver pero hindi niya gustong mapahamak ito dahil hindi pa naman siya ganoon kasama para gustuhin itong maaksidente.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi siya mapakali kaya nagpasiya siyang bumaba ng silid at tingnan kung nasa hospital na nga si Oliver. Nagsuot siya ng jacket.

Sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero mas lalo lang siyang kinabahan ng hindi nito sinagot iyon.

"Nasaan ka na ba, Oliver?"

Mayamaya'y may sasakyang huminto sa tapat ng hospital at lumabas mula roon si Oliver na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na rin tuwid ang lakad nito, indikasyon na lasing nga ito.

Nakahinga siya ng maluwag. Masamang damo nga pala ito at hindi basta-basta mamamatay.

"G-Gianna? You're here." Bumakas agad ang masayang ngiti sa mga labi nito. Namumungay na rin ang magaganda nitong mga mata na isa sa nagustuhan niya rito.

Basang-basa na ito nang makalapit sa kaniya.

"Nag-aalala ka pa rin sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status