MAS KINABAHAN si Gianna nang bumuhos ang malakas na ulan. Galit siya kay Oliver pero hindi niya gustong mapahamak ito dahil hindi pa naman siya ganoon kasama para gustuhin itong maaksidente.Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi siya mapakali kaya nagpasiya siyang bumaba ng silid at tingnan kung nasa hospital na nga si Oliver. Nagsuot siya ng jacket.Sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero mas lalo lang siyang kinabahan ng hindi nito sinagot iyon."Nasaan ka na ba, Oliver?"Mayamaya'y may sasakyang huminto sa tapat ng hospital at lumabas mula roon si Oliver na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na rin tuwid ang lakad nito, indikasyon na lasing nga ito.Nakahinga siya ng maluwag. Masamang damo nga pala ito at hindi basta-basta mamamatay."G-Gianna? You're here." Bumakas agad ang masayang ngiti sa mga labi nito. Namumungay na rin ang magaganda nitong mga mata na isa sa nagustuhan niya rito.Basang-basa na ito nang makalapit sa kaniya."Nag-aalala ka pa rin sa
TAHIMIK lang si Gianna na nakatingin sa labas ng bintana habang bumubuhos ang ulan. Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala kay Oliver dahil lasing ito pero kailangan niyang ipakita sa binata na wala na siyang pakialam pa rito.Habang malalim ang iniisip niya, napaigtad siya nang may kumatok sa silid at pumasok doon ang nurse. Hindi na niya namalayan ang oras sa dami ng iniisip niya."Ma'am, i-che-check ko lang po ang pasyente," paalam ng babaeng nurse na nakangiti sa kaniya.Gumanti siya at tumango. Pinanood niya lang ito sa ginagawa sa kaniyang ina."Siyanga po pala, kakilala niyo po ba 'yong lalaki sa labas?"Kumunot ang noo niya."Lalaki? Bakit?" "Kanina pa po kasi diyan sa labas ng silid niyo. Basang-basa nga po ang katawan at parang nilalamig na," sabi nito.Napaawang ang bibig niya. Si Oliver ba ang tinutukoy nitong lalaki sa labas? Hindi pa rin ito umuwi? Nababaliw na talaga ito.Nasapo niya ang noo at napabuntonghininga. Hindi na siya sumagot sa nurse. Humakbang siya palabas n
KINAUMAGAHAN, nagising si Gianna dahil sa pagdating ni Gabriel. Nang makita niya ito, nagising agad ang buong diwa niya nang maalalang nandoon si Oliver. Hindi pwedeng magkita ang dalawa at wala rin siyang balak sabihin kay Gabriel ang nangyari nang nagdaang gabi.Nakahinga siya ng maluwag nang pagtingin niya sa sofa kung saan ito natulog ay wala na ito roon. Nasapo niya ang dibdib."Are you ok? Nagulat ba kita?" nagatatakang tanong ni Gabriel. Kumunot pa ang noo nito.Nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri niya."N-no, nabigla lang ako ng gising," dahilan niya. "Kanina ka pa ba dito?" "Hindi kadarating ko lang rin. I just bought some food dahil alam kong hindi ka na naman kakain."Pumunta si Gabriel sa table at nilapag doon ang pagkaing binili nito.Tumayo siya at pumunta sa table. Gutom na nga siya lalo't naamoy niya ang masarap na pagkaing binili ni Gabriel. Sa mamahaling restaurant pa ata ito bumili niyon."Thank you, Gabriel," masayang sabi niya."Sige na Kumain ka na at m
"HINDI ba masyadong mahal 'yan para sa isang okasyon lang?" komento ni Gianna nang makita ang presyo ng gown na gusto ni Gabriel para sa kaniya."I don't care about the price, Gianna gusto kong mapansin ka ng lahat so we can get that moment."Napakiling siya. Hindi niya alam pero bakit gusto nito na agawin nila ang moment na iyon? Pinsan niya si Madison at magiging parte na rin ng pamilya nito si Oliver."P-pero hindi kaya mapahiya ka lang? Tayo? Paano kung masira natin ang kasal nila at magalit si Madison, si Oliver?" "We're not going to ruin the wedding, Gianna pupunta lang tayo doon because they invited us. Don't worry, ok? Nothings gonna happen." Ngumiti ito sa kaniya. "Mabuti pa, sukatin mo na 'tong gown so we can see if it's fits for you." Binalingan nito ang sales lady. "Guide her," utos nito na parang boss.Nilapitan siya ng sales lady at iginiya siya sa fitting room. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa ganda ng gown na sinusuot sa kaniya ng sales lady. Bawat details niyon
SUMASABAY sa bawat pintig ng masayang awitin ang katawan ni Gianna na nagbibigay sa kaniya ng satisfaction at sayang kailangan niya. Gusto niyang maglibang, aliwin ang sarili at maglasing. Nalaman kasi niyang ikakasal na ang ex-boyfriend niya sa taong tinuring niyang kaibigan.Nang mapagod siya, naglakad siya palayo sa gitna ng dance floor at dahil sa tama ng alak, hindi na niya maintindihan ang paligid. Naglakad lang siya nang biglang nawalan siya ng balanse at umasang babagsak sa matigas na sahig pero naramdaman niya ang brasong pumulupot sa baywang niya. Nanliit ang mga mata niya at napakapit sa dibdib ng ekstrangherong iyon."F*ck!" aniya. Nag-angat siya ng tingin. "Y-you saved me Mr. handsome." Kahit nahihilo na siya, gwapo pa rin ang tingin niya sa binata. "Ikaw ba ang ex-boyfriend ko? Nandito ka ba para sunduin ako and to get back at me?" Ngumiti pa siya habang sinusundot ng daliri niya ang makinis at malambot na mukha ng binata."You're drunk, Ms. Fajardo.""I know b-but not
"HOW could you do this to my family, Oliver?" galit na sabi ni Gianna mula sa kabilang linya nang sagutin ni Oliver ang tawag niya. "Oww! Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Aren't you miss me?" Nakikita niya sa isip ang ngisi nito na mas lalong nagpapagalit sa kaniya. "F*ck, Oliver! Don't play around dahil matagal na tayong wala so please let my family go. Alam kong pakana mo ang investment scam na iyon para isisi kay daddy ang lahat and what? What do you want from me?" Nasuklay niya ang kaniyang buhok. Narinig niya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. "I lost millions, Gianna at hindi pwedeng walang gawin. Your dad will pay me or he will go to jail," banta nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "He's innocent, Oliver at alam mo 'yon. You, ikaw ang pumain para kagatin ni dad ang pinahiram mong pera for what? For you to control him? To control me?" "I was just being kind to your family, Gianna. Your family needs money at binigyan ko kayo out of my kindness." "No, Oliver y
MABILIS na tinungga ni Gianna ang wine glass na may lamang alak. Napangiwi siya nang gumuhit ang pait niyon sa kaniyang lalamunan."Gianna, stop kanina ka pang umiinom," saway ni Stella sa kaniya, ang nag-iisang matalik niyang kaibigan."I need it, Stella. Kailangan kong magpakalasing dahil pakiramdam ko ang dami kong maling desisyon na nagresulta sa pagkapahamak ni daddy." Halos ipikit na niya ang kaniyang mata dahil sa pait ng alak na naiwan sa kaniyang dila."Pero pagkatapos ba niyan wala na ang problema? Gianna, hindi mali ang desisyon mo, mali ang taong binigyan mo ng ganoong desisyon. Ok naman si Oliver noong kayo pa, nagbago lang siya ng makilala niya si Madison."Natawa siya. "Pakiramdam ko nga sa tatlong taong relasyon namin, naglaro lang siya kasama ako at wala siyang balak mag-settle down na kasama ako and now ginugulo pa rin niya ako. He's a devil, Stella." Pinahid niya ang gilid ng kaniyang labi.Bumuntonghininga ang kaibigan niya. "Paano na ngayon 'yan? Ayaw kang tulung
TINITIGAN ni Gianna ang hawak niyang calling card saka binalingan ang building kung saan nandoon ang law firm ni Atty. Charles Benitez. Wala siyang ideya kung sino ang atty na iyon pero gusto niyang magbakasali dahil si Gabriel naman ang nag-introduce niyon sa kaniya.Bumuntonghininga siya bago tuluyang pumasok sa gusali. Dumeresto siya sa elevator. Kinakabahan siya dahil hindi rin sigurado na papayag ang atty na ni-recommend ni Gabriel sa kaniya.Bumukas ang elevator at agad siyang dumeresto sa law firm ni Charles. Nadatnan niya roon ang secretary ng lalaki."Nandiyan po ba si Atty. Charles Benitez?" tanong niya."Sino po sila?" nakangiting tanong ng babae."Gianna Fajardo," aniya. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya papasukin. Kailangan na niyang makakuha ng abogado para sa kaniyang ama.Mas lumawak ang ngiti ng magandang sekretarya matapos nitong tiningnan ang isang record. "Pwede na po kayong pumasok." "Thank you," aniya at bahagyang yumuko.Bumuntonghininga muna siya bago tul