KINAUMAGAHAN, nagising si Gianna dahil sa pagdating ni Gabriel. Nang makita niya ito, nagising agad ang buong diwa niya nang maalalang nandoon si Oliver. Hindi pwedeng magkita ang dalawa at wala rin siyang balak sabihin kay Gabriel ang nangyari nang nagdaang gabi.Nakahinga siya ng maluwag nang pagtingin niya sa sofa kung saan ito natulog ay wala na ito roon. Nasapo niya ang dibdib."Are you ok? Nagulat ba kita?" nagatatakang tanong ni Gabriel. Kumunot pa ang noo nito.Nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri niya."N-no, nabigla lang ako ng gising," dahilan niya. "Kanina ka pa ba dito?" "Hindi kadarating ko lang rin. I just bought some food dahil alam kong hindi ka na naman kakain."Pumunta si Gabriel sa table at nilapag doon ang pagkaing binili nito.Tumayo siya at pumunta sa table. Gutom na nga siya lalo't naamoy niya ang masarap na pagkaing binili ni Gabriel. Sa mamahaling restaurant pa ata ito bumili niyon."Thank you, Gabriel," masayang sabi niya."Sige na Kumain ka na at m
"HINDI ba masyadong mahal 'yan para sa isang okasyon lang?" komento ni Gianna nang makita ang presyo ng gown na gusto ni Gabriel para sa kaniya."I don't care about the price, Gianna gusto kong mapansin ka ng lahat so we can get that moment."Napakiling siya. Hindi niya alam pero bakit gusto nito na agawin nila ang moment na iyon? Pinsan niya si Madison at magiging parte na rin ng pamilya nito si Oliver."P-pero hindi kaya mapahiya ka lang? Tayo? Paano kung masira natin ang kasal nila at magalit si Madison, si Oliver?" "We're not going to ruin the wedding, Gianna pupunta lang tayo doon because they invited us. Don't worry, ok? Nothings gonna happen." Ngumiti ito sa kaniya. "Mabuti pa, sukatin mo na 'tong gown so we can see if it's fits for you." Binalingan nito ang sales lady. "Guide her," utos nito na parang boss.Nilapitan siya ng sales lady at iginiya siya sa fitting room. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa ganda ng gown na sinusuot sa kaniya ng sales lady. Bawat details niyon
PAKIRAMDAM NI Gianna ay lahat ng mga mata'y nakatingin sa kaniya. Hindi siya makahinga at kahit namumula ang mga labi niya dahil sa lipstick, alam niyang namumutla siya. Hindi niya alam kung paano haharap sa mga tao sa loob at higit lalo kay Madison, Oliver at sa pamilya nito. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kaniya dahil kasama niya si Gabriel?"S-sigurado ka ba na ako ang isasama mo sa paglakad mo sa aisle? I-it's not a good idea, Gabriel dahil mas lalo tayong pag-iinitan ni Oliver," pabulong niyang sabi habang naka-abresyete siya sa binata.Ngumiti si Gabriel na para bang hindi man lang apektado sa mangyayari."Gianna, believe me, ok?""P-pero nakakahiya na hindi naman ako dapat maglalalad sa aisle and yet I'm here walking with you. Hindi tayo susunod sa program na gusto nila?""They will understand it, Gianna."Napabuntonghininga siya. Magsasalita pa sana siya nang bumukas na ang malaking pinto ng simbahan, hudyat na papasok na ang mga abay at iba pang kasama sa ceremony ng
NAGSIMULA ang seremonya ng kasal nila Oliver at Madison na wala siyang reaction. Panaka-naka siyang nililingon ni Oliver na para bang gusto nitong sabihin na pigilan niya ang kasal na iyon pero hanggang sa matapos ang seremonya, wala siyang imik. Tiniis niya ang nararamdamang hindi niya maintindihan kahit ang totoo, gusto na niyang tumakbo palayo.Kita niya ang saya sa mukha ni Madison na hindi naman niya makita sa mukha ni Oliver. Nababahala siya na baka maging issue sa mga bisita ang palagi nitong pagtapon ng tingin sa kaniya na para bang siya ang pinakasalan nito. Wala naman na itong magagawa dahil kasal na ito kay Madison."Are you ok? Kanina ka pang tahimik," untag ni Gabriel kay Gianna habang lulan sila ng sasakyan patungo sa reception ng kasal. Sa totoo nga lang, ayaw na sana niyang pumunta pa roon pero tama si Gabriel, baka mas maging issue kung hindi siya magpapakita roon at magmumukha siyang bitter pa rin kay Oliver.Simple siyang ngumiti at tumango. "I'm fine, Gabriel baka
MARIIN na napapikit si Gianna habang nasa harap siya ng salamin sa comfort room ng hotel. Bumuntonghininga siya, saka tiningnan ang sarili. Ok pa ba siya pagkatapos ng lahat? Kaya pa ba niyang iharap ang sarili sa mga tao habang alam niyang hinuhusgahan siya ng mga ito dahil sa pagpatol niya kay Gabriel?Napalunok siya, saka bumuga ng hangin."Let them think what they want to think, Gianna," mahina niyang sabi sa sarili.Nagpasiya na rin siyang lumabas ng silid at bumalik sa reception area dahil baka hinahanap na siya ng Gabriel pero nagulat siya nang biglang may humila sa kaniya. "O-Oliver!" gulat na aniya. Dinala siya nito sa dulo ng hallway kung saan walang tao. "What's this, Oliver?"Seryoso siya nitong tiningnan. "F*ck, Gianna! What do you think you're doing? Pakakasalan mo si Gabriel, for what? To save your family or to gain his wealth?"Ngumisi siya. "At ano naman sa iyo, Oliver? It's none of your business kung sino mang lalaki ang pakakasalan ko and since you're now happily
"HEYY! You ok? Kanina ka pang umiinom and you're drunk, Gianna." Hinawakan ni Gabriel ang braso niya nang akmang iinom ulit siya ng alak. Kanina pa siyang umiinom nang iwan siya nito para kausapin ang mga kaibigan nito sa business industry. Magulo ang isip niya at kahit anong gawin niya, apektado siya sa mga sinabi ni Madison sa kaniya tungkol kay Gabriel."I-I'm fine, Gabriel. Kaya ko ang sarili ko, I've grown enough to handle myself." Tumawa pa siya habang bakas sa hitsura niya ang tama ng alak. Nararamdaman na rin niya iyon dahil umiikot na ang paningin niya at namumungay ang mga mata."I know pero lasing ka na, tama na." Inagaw nito ang wine glass sa kamay niya at ipinatong sa table.Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hilahin palapit dito at hinapit ang baywang niya. Nagdikit ang kanilang mga katawan at sa hindi niya malamang dahilan, may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniya. "Kung hindi ka titigil sa pag inom, I'll kiss you," banta nito.Napalunok siya. Bakit gano
NANG makarating sila sa condo na pag-aari ni Gabriel, agad hinalikan ni Gianna ang binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak na nasa katawan niya o dahil gusto niyang maramdaman ang kaya nitong iparamdam sa kaniya.Saglit na natigilan si Gabriel at nagulat pero kapagkuwa'y, gumanti ito sa bawat halik na ginagawad niya rito. Nagsilbing ingay sa apat na sulok ng silid ang tunog ng bawat paglapat ng kanilang mga labi."G-Gianna, what are you doing?" habol-hiningang tanong ni Gabriel nang bahagya siya nitong ilayo sa kaniya.Hindi niya makapa ang hiya bagkus ayaw na niyang pigilan ang sarili."What I'm doing? I'm paying you, for your kindness, para sa lahat ng utang ko," sabi niya at ngumiti. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo.Nang hahalikan niya ulit ito, pinigilan siya nito sa balikat."Why?" she asked."H-hindi mo kailangang gawin ito, Gianna. I didn't asked you to pay me with your body."Tumawa siya. Hinawakan niya ang braso nito at inalis sa kaniyang balikat. Mas nagulat
HINAYAAN niya si Gabriel na lakbayin ng mga kamay nito ang katawan niya at sa bawat haplos nito, mas nagnanais ang katawan niyang maramdaman ito. Nakakapaso pero gusto niya ang pakiramdam na iyon.Nang dumako sa hita niya ang kamay nito, nagulat siya nang itaas nito iyon at pinatong sa balakang nito habang ang mga labi nito'y walang tigil sa paghalik sa kaniyang mga labi pababa sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa ginagawa nito pero iyon ang gusto ng katawan niya."Ahh! Uhh-uhhh Ahh!" Hindi na niya mapigilan ang sarili na umungol ng malakas dahil sa ginagawa nito. Nakakapanghina at tila ba may kung ano sa kaniya na gustong sumabog.Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito nang ang kamay nito ay dumako sa noo ng kaniyang pagkababa3. Pababa iyon hanggang sa kaniyang mga hiwa na pakiramdam niya'y namamasa na dahil sa init na nararamdaman nilang pareho. Napalunok siya nang magsimula ang mga daliri nitong haplusin ang bagay na iyon.Napapasinghap siya at napapaigtad sa tuwing dumadaan iy
"DAD, konting panahon pa at ibibigay ko sa inyo ang hustisyang pinagkait nila sa atin. Hindi ako titigil hanggat hindi nila napagbabayaran lahat ng kasalanan nila sa pamilya natin," mahinang sabi ni Gianna habang hawak niya ang kamay ng ama na nanatili pa ring walang malay."Nasimulan ko na ang paghihiganti ko at wala nang atrasan pa. Tapos na tayo sa mga panahong nanahimik tayo at hinayaan silang sirain ang pamilya natin." Ramdam ang matinding sakit at pait sa kaniyang mga tinuran.Matapos niyang dalawin ang kaniyang ama, pumunta naman siya sa isang coffee shop para katagpuin roon si Stella na matagal na niyang iniwasan dahil kailangan muna niyang ihanda ang sarili sa malaking pagbabago niya and now she's ready.Pumasok siya sa coffee shop at agad hinanap ang kaibigan. Nginitian niya ito nang makita itong nakaupo sa may malapit sa glass wall pero mukhang hindi siya nito nakita dahil wala itong reaction. Napakunot noo tuloy siya.Dumeretso siya nang lakad patungo sa kinauupuan nito ka
KINAUMAGAN, nagising si Gianna na may humahalik sa kaniya habang balot ng kumot ang hubad niyang katawan."Hmm!" ungol niya, inaantok pa rin kasi siya."Good morning, baby," pabulong na sabi ni Gabriel sa kaniya."It's too early, Gabriel." Hindi pa rin siya nagmumulat ng mata.Nagpatuloy si Gabriel sa paghalik sa pisngi niya at sa kaniyang labi.Kapagkuwa'y nagulat siya at napamulat nang bigla na lang itong pumaibabaw sa kaniya. Dama niya ang kahubaran nito sa kaniya."Gabriel!" Napangiti siya nang makita itong nakatingin sa kaniya."You're sexy when you're in bed, Gianna," puri pa nito."Gabriel, ano ba? Nakikiliti ako," nangingiting daing niya. Hindi pa ba sapat dito ang ginawa nila kagabi?"You smell so good.""Opps! Stop, Gabriel may seminar pa akong a-attend-an," pigil niya nang hahalikan ulit siya nito sa labi. "Hindi ka pa ba pagod kagabi?"Umiling siya. "Hindi ako marunong mapagod, Gianna kaya ko nga ang three rounds," pagbibiro nito.Natampal niya ang braso nito. "Baliw—" Hind
"HEY, I'M HERE!" Lumingon siya sa kaniyang gilid habang hawak niya ang kaniyang cellphone at kausap doon si Gabriel. Nandoon ang binata sa pinto habang nakatayo at nakatingin sa kaniya. Hindi nga niya alam kung bakit nito nalaman na lunch break niya mula sa business seminar na in-attend-an niya.Hindi pa rin siya sanay sa bagong lifestyle niya pero pinag-aaralan niya iyon para maging mas makatotohanan. Sinasanay niya ang sariling mag-make up ng fierce at magsuot nga mga damit na magpapalabas ng fierceness at pagiging decent niya. Kahit pa paano nga'y nagmumukha na siyang businesswoman.Sumalubong sa kaniya ang maliwanag na ngiti ni Gabriel na para bang umaaliw sa kaniyang paningin.Ngumiti siya at binaba ang tawag. May bitbit ito sa kabilang kamay habang inilagay nito sa bulsa ang kaliwang kamay."What are you doing here?" nagtataka niyang tanong. Sa Laguna pa kasi ang seminar na iyon at ilang oras pa ang layo mula sa Manila."I'm here to deliver your food," anito at inilahad ang pap
"WHAT'S this?" tanong ni Gianna nang ilapag ni Gabriel ang envelope sa table sa harap niya."Documents na nagpapatunay na pag-aari mo na ang 25% shares ng kompanya."Nanlaki ang mata niya sa narinig. Napaawang pa ang bibig niya."Huh? W-what do you mean?""Simula na 'to ng hakbang natin sa paghihiganti mo, Gianna. Wala kang power because you don't have a money at sa mundong ito, pera ang unang sandata na dapat mayroon ka." Binuklat nito ang papel. "This document shows that you own the 25% shares of the company and you bought it.""P-pero bakit kailangan kong magkaroon ng shares sa company ng pamilya mo? Pagdududahan nila ako kung paano ko na-afford na bumili ng shares sa company." Hindi pa rin siya makapaniwala."Of course they would question you about the 25% shares pero dahil in-announce ko na sa lahat na ikakasal tayo, it make sense now na mayroon ka nang 25% na shares sa company," paliwanag nito."A-anong gagawin ko sa shares na iyon? I'm not into business. Wala akong alam sa pagp
"HINDI ba dapat dinidemanda mo na 'yang si, Oliver? He's crossing the line too much, Gianna," inis na sabi ni Stella habang nagkakape sila sa isang sikat na coffee shop sa mall na kinaroroonan nila. Binaba niya ang tasa ng kape. "Sa tingin mo mananalo ako kapag dinimanda ko si Oliver? He has the power to twist the truth, Stella at alam nating pareho ang kaya niyang gawin, ang connections na mayroon siya." Napaisip ang kaibigan niya. "Pero paano? Hahayaan na lang natin lahat ng ginagawa niya sa iyo kahit na crime na iyon?" Bumuntonghininga siya. "Wala tayong magagawa, Stella kung iaaasa natin sa pulis ang lahat dahil kayang-kayang lusutan iyon ni Oliver. Nagawa nga niyang baliktarin ang pamilya ko, 'di ba?" "Napakasama talaga ng, Oliver na 'yan!" "Darating din ang oras para sa kaniya, Stella. Naniniwala pa rin akong pagbabayaran niya lahat ng kasamaan niya." "Seryoso ka na ba talaga na humingi ng tulong kay Gabriel?" Tumango siya. "Wala akong ibang choice sa ngayon, Stella kung '
ISANG malakas na sampal ang natamo ni Oliver nang makawala siya sa pagahawak at paghalik nito sa kaniya. Mariin niyang pinahid ang kaniyang labi na para bang nandidiri sa halik nito."Pwe! Nakakadiri, Oliver! Diring-diri ako sa iyo, sa halik mo," pang-iinsulto niya."Sinusubukan mo ba talaga ako, Gianna? Gusto mong makita ang demonyong sinasabi mo?" Muli nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya papasok sa silid ng kaniyang ama. Marahas siya nitong tinulak sa sofa, napaupo siya roon. Mabilis itong pumaibabaw sa kaniya at sinubukang halikan siya sa labi pero pilit niyang iniiwas iyon."O-Oliver, ano ba? T-tama na!" sigaw niya rito.Nahuli nito ang dalawang braso niya at mahigpit iyong hinawakan, saka pinaghahalikan siya sa kung saan man lumapat ang mga labi nito."Ito ang gusto mo, 'di ba? Ang makita ang demonyong sinasabi mo? Now, ipapakita ko sa iyo kung paano ako maging demonyo."Mas humigpit ang hawak nito sa braso niya dahil sa pagpupumiglas niya."Hayop ka talaga, Oliver!" g
HINDI alam ni Gianna kung sadyang manhid na siya o natuyo na ang luha sa mga mata niya. Ni wala nang luhang pumatak mula roon hanggang sa mailibing ang kaniyang ina. Isa lang ang nasa isip niya, ang makaganti sa lahat ng taong dahilan kung bakit sila naghihirap ng ganoon."Hindi ka ba muna magpapahinga, Gianna?" nag-aalalang tanong ni Gabriel habang nakatingin lang siya sa puntod ng ina. Siya, si Gabriel at Stella lang ang kasama niya sa sementeryo dahil wala ni isang gustong makipaglibing."Kahit naman magpahinga ako, hindi pa rin noon mapapawi ang lahat ng pagod ko, Gabriel," malungkot niyang sabi. "Pagod na pagod na ako pero hindi ko kayang magpahinga dahil hindi ko alam kung saan ako napapagod o baka pagod na ako sa lahat."Naramdaman niyang umakbay si Gabriel sa kaniya at marahan siyang tinapik-tapik sa balikat."Naiintindihan ko, Gianna dahil ganiyan din ang naramdaman ko nang mawala si daddy. Pakiramdam ko, kalahati ng mundo ko bumagsak at hindi ko na alam kung paano iyon aayus
"GOOD MORNING, Ma'am may na-receive po kaming funeral standing flowers para raw po sa burol ni Mrs. Nora Fajardo," bungad ng empleyado ng funeral homes nang pumasok ito at nakita si Gianna.Kumunot ang noo niya at napatingin kay Stella. Kumibit-balikat lang ito.Lumapit siya sa lalaki at pinasok nito ang standing flowers na kulay red. Kumunot ang noo niya. Red? Akma bang magbigay ng pulang bulaklak sa burol? "Sinong nagpadala nito?" tanong niya na bakas ang pagkainis doon. "Red flowers para sa burol? Sinong tao ang magpapadala niyan?" Hindi na niya napigilan ang galit niya."Pinadala daw po ni Mr. and Mrs. Tolentino."Nagpantig ang tenga niya sa narinig na pangalan. Nakuyom niya ang mga kamao at galit na nilapitan ang bulaklak. Nakasulat pa sa sash niyon ang salitang 'Condolence'.Lumapit din si Stella at gulat din ito. "Ganoon na ba talaga sila kasama para padalhan nila ng pulang rosas ang burol ng mommy mo? Mga demonyo sila at walang mga puso!"Lumalim ang paghinga niya dahil sa ga
NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara