Share

Chapter 28: best wishes!

KANINA pang tulala si Gianna habang iniisip niya ang mga sinabi ni Gabriel kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang gusto nitong pakasalan siya kahit hindi ito sigurado sa nararamdaman para sa kaniya.

"Marry me, Gianna!"

Alam niyang may utang na loob siya at nangako kay Gabriel na gagawin niya ang lahat ng gusto nito dahil sa kabutihang ginawa nito sa pamilya niya kaya wala siyang karapatang tumanggi kahit hindi malinaw sa kaniya ang totoong dahilan nito para bigla siyang alukin ng kasal pero alam niyang sa loob niya, may naramdaman siyang saya pero hanggang saan?

"Gianna! Gianna!"

Napapitlag siya nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Tumambad sa kaniya si Stella na nagtataka.

"Kanina pa ako rito pero parang walang kang nakikita. Ok ka lang ba?"

Kumurap siya at inayos ang buhok na humarang sa kaniyang mukha.

"I'm sorry, Stella malalim lang ang iniisip ko."

"Gaano ba kalalim at hindi mo man lang napansin na pumasok ako."

"Marami lang gumugulo sa isip ko, Stella at hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status