"ARE you ok, Gianna?"Napapitlag siya nang maramdaman niya si Gabriel sa likod niya. Hinawakan nito ang braso niya. Ngumiti siya nang lingunin ito."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang si daddy dahil excited na akong makalaya siya at makasama ulit." Pero ang totoo iniisip niya ang mga sinabi ni Oliver sa kaniya kanina. Ginugulo pa rin siya nito ang ang nararamdaman niya."Iyon lang ba?"Lumungkot ang mukha niya. "Actually, Marami akong iniisip Gabriel. H-hindi ko alam kung pagkatapos ba ng lahat ng ito, tapos na rin ang paghihirap ng pamilya ko. Baka kasi umpisa pa lang ito," nababahala niyang sambit.Marahan nitong hinaplos ang braso niya. Nakaupo sila sa upuan na nasa tabi ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay."Gianna, ang mahalaga ang isipin mo 'yong ngayon. Makakalaya na ang daddy mo at isipin mo na lang kung paano mo mababawi 'yong nga panahong hindi mo siya kasama. We know that this is not the end of all the hardship, but this is the way of preparing you t
"A-ANONG nangyari sa daddy ko?" naghehestirikal na tanong ni Gianna sa mga police nang makarating sila ni Gabriel sa kulungan. Kanina pa siyang hindi mapakali dahil sa binalita ng police."M-Ma'am, dinala ho sa hospital ang inyong ama matapos niyang mawalan ng malay dahil sa matinding pangbubugbog sa kaniya," malungkot na sabi ng officer ng kulungan. "I'm sorry, Maam for what happened to your dad."Napaawang ang bibig niya. Tinakasan siya ng lakas at muntik nang matumba kung wala roon si Gabriel para alalayan siya.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi pa ba tapos? Paanong nangyari iyon sa kaniyang ama? Kulang pa ba lahat ng pahirap sa pamilya niya? Paano niya kakayanin lahat?"N-nasaan siya...n-nasaan si Daddy!" puno ng takot niyang tanong. Pumasok siya sa kulungan pero agad siyang pinigilan ni Gabriel."Dinala na ho sa hospital ang ama ninyo.""P-paano nangyari sa daddy ko iyon?" Puno ng galit at pagtataka na tiningnan niya ang mga police na nasa harap niya. "H-hind
"W-WHAT is the meaning of this, Gabriel?"Agad naghiwalay sa pagkakayakap is Gabriel at Gianna nang marinig nila ang boses ni Oliver. Bumakas ang gulat sa kanilang mga mukha."So, tama nga? May relasyon kayong dalawa ni Gabriel? How desperate and pathetic you are, Gianna para pumatol sa kaniya?"Nagkatinginan sila ni Gabriel. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumayo, saka lumapit kay Oliver."At anong pakialam mo kung pumatol man ako kay Gabriel?" diretsong tanong niya. "Wala ka nang pakilam kung kaninong lalaki man ako pumatol, Oliver dahil hindi mo ako pag-aari." Lumabas ang galit sa emosyon niya.Ngumisi ito at suminghap. "At sa tingin mo naka-jackpot ka sa kaniya?"Saglit siyang yumuko. Matatalim na tingin ang pinukol niya rito."Oliver, kung nandito ka para insultuhin ang pagkatao ko, para magbunyi sa paghihirap ko, umalis ka na. Mahabag ka naman sa akin kahit konti lang. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo naman ako. Umalis ka na
KANINA pang tulala si Gianna habang iniisip niya ang mga sinabi ni Gabriel kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang gusto nitong pakasalan siya kahit hindi ito sigurado sa nararamdaman para sa kaniya."Marry me, Gianna!"Alam niyang may utang na loob siya at nangako kay Gabriel na gagawin niya ang lahat ng gusto nito dahil sa kabutihang ginawa nito sa pamilya niya kaya wala siyang karapatang tumanggi kahit hindi malinaw sa kaniya ang totoong dahilan nito para bigla siyang alukin ng kasal pero alam niyang sa loob niya, may naramdaman siyang saya pero hanggang saan?"Gianna! Gianna!"Napapitlag siya nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Tumambad sa kaniya si Stella na nagtataka."Kanina pa ako rito pero parang walang kang nakikita. Ok ka lang ba?" Kumurap siya at inayos ang buhok na humarang sa kaniyang mukha."I'm sorry, Stella malalim lang ang iniisip ko.""Gaano ba kalalim at hindi mo man lang napansin na pumasok ako.""Marami lang gumugulo sa isip ko, Stella at hindi
"MOM, I'm getting married soon kaya sana gumising ka na para samahan akong maglakad sa aisle kasama si dad. Gusto kong masaksihan ninyo ang araw na iyon kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Gabriel para sa akin. Ang alam ko lang, he's the best groom for me at kung siya man ang pakakasalanan ko at makakasama sa habang buhay ok lang dahil napakabuti niya sa pamilya natin. At kung sa paraang iyon masusuklian ko siya, handa ako." Marahan niyang hinaplos ang palad ng kaniyang ina at inangat iyon."Marami nang nangyari, mom at gusto ko paggising niyo, maayos na ang lahat."Inilapit niya sa kaniyang labi ang likod ng palad nito at h******n iyon, saka niyakap ang katawan nitong wala pa ring malay. Hindi siya tumitigil na kausapin ang ina at kaniyang ama dahil alam niyang kahit walang malay ang mga ito, naririnig siya nito at nagbabakasali siyang sa pamamagitan ng boses at kwento niya, makatulong iyon para magising ang mga ito.Matapos niyang kausapin ang mga magulang niya, nagpasiya siy
"WHY you're here? Anong kailangan mo?" tanong ni Gabriel kay Oliver nang pumasok ito sa office niya na seryoso ang mukha."I know what you're doing, Gabriel."Ngumiti siya. "And? It has nothing to do with you, Oliver.""What's mine is mine, Gabriel at ayaw kong may kahati sa kahit anong bagay na gusto ko." Bakas ang inis at galit sa boses nito.Kumunot ang noo niya. "Sino bang tinutukoy mo? Are you talking about Gianna?"Lumapit pa ito at padabog na pinatong ang mga palad sa table niya habang matalim na nakatingin sa mga mata niya pero hindi siya nagpatinag."Stop acting like you don't know what I'm talking about, Gabriel. Anong binabalak mo at tinulungan mo si Gianna na makawala sa akin? Kinakalaban mo ba ako?" "Binabalak ko? Genuine ang pagtulong ko sa kaniya at wala akong ibang dahilan."Ngumisi ito. "Wala? I know you, Gabriel at alam kong hindi mo gagawin iyon nang wala kang binabalak. Are you trying to use her to provoke me?""Provoke you? For what?"Padabog nitong hinampas ang
MAS KINABAHAN si Gianna nang bumuhos ang malakas na ulan. Galit siya kay Oliver pero hindi niya gustong mapahamak ito dahil hindi pa naman siya ganoon kasama para gustuhin itong maaksidente.Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi siya mapakali kaya nagpasiya siyang bumaba ng silid at tingnan kung nasa hospital na nga si Oliver. Nagsuot siya ng jacket.Sinubukan niyang tawagan ang numero nito pero mas lalo lang siyang kinabahan ng hindi nito sinagot iyon."Nasaan ka na ba, Oliver?"Mayamaya'y may sasakyang huminto sa tapat ng hospital at lumabas mula roon si Oliver na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na rin tuwid ang lakad nito, indikasyon na lasing nga ito.Nakahinga siya ng maluwag. Masamang damo nga pala ito at hindi basta-basta mamamatay."G-Gianna? You're here." Bumakas agad ang masayang ngiti sa mga labi nito. Namumungay na rin ang magaganda nitong mga mata na isa sa nagustuhan niya rito.Basang-basa na ito nang makalapit sa kaniya."Nag-aalala ka pa rin sa
TAHIMIK lang si Gianna na nakatingin sa labas ng bintana habang bumubuhos ang ulan. Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala kay Oliver dahil lasing ito pero kailangan niyang ipakita sa binata na wala na siyang pakialam pa rito.Habang malalim ang iniisip niya, napaigtad siya nang may kumatok sa silid at pumasok doon ang nurse. Hindi na niya namalayan ang oras sa dami ng iniisip niya."Ma'am, i-che-check ko lang po ang pasyente," paalam ng babaeng nurse na nakangiti sa kaniya.Gumanti siya at tumango. Pinanood niya lang ito sa ginagawa sa kaniyang ina."Siyanga po pala, kakilala niyo po ba 'yong lalaki sa labas?"Kumunot ang noo niya."Lalaki? Bakit?" "Kanina pa po kasi diyan sa labas ng silid niyo. Basang-basa nga po ang katawan at parang nilalamig na," sabi nito.Napaawang ang bibig niya. Si Oliver ba ang tinutukoy nitong lalaki sa labas? Hindi pa rin ito umuwi? Nababaliw na talaga ito.Nasapo niya ang noo at napabuntonghininga. Hindi na siya sumagot sa nurse. Humakbang siya palabas n
HINDI alam ni Gianna kung sadyang manhid na siya o natuyo na ang luha sa mga mata niya. Ni wala nang luhang pumatak mula roon hanggang sa mailibing ang kaniyang ina. Isa lang ang nasa isip niya, ang makaganti sa lahat ng taong dahilan kung bakit sila naghihirap ng ganoon."Hindi ka ba muna magpapahinga, Gianna?" nag-aalalang tanong ni Gabriel habang nakatingin lang siya sa puntod ng ina. Siya, si Gabriel at Stella lang ang kasama niya sa sementeryo dahil wala ni isang gustong makipaglibing."Kahit naman magpahinga ako, hindi pa rin noon mapapawi ang lahat ng pagod ko, Gabriel," malungkot niyang sabi. "Pagod na pagod na ako pero hindi ko kayang magpahinga dahil hindi ko alam kung saan ako napapagod o baka pagod na ako sa lahat."Naramdaman niyang umakbay si Gabriel sa kaniya at marahan siyang tinapik-tapik sa balikat."Naiintindihan ko, Gianna dahil ganiyan din ang naramdaman ko nang mawala si daddy. Pakiramdam ko, kalahati ng mundo ko bumagsak at hindi ko na alam kung paano iyon aayus
"GOOD MORNING, Ma'am may na-receive po kaming funeral standing flowers para raw po sa burol ni Mrs. Nora Fajardo," bungad ng empleyado ng funeral homes nang pumasok ito at nakita si Gianna.Kumunot ang noo niya at napatingin kay Stella. Kumibit-balikat lang ito.Lumapit siya sa lalaki at pinasok nito ang standing flowers na kulay red. Kumunot ang noo niya. Red? Akma bang magbigay ng pulang bulaklak sa burol? "Sinong nagpadala nito?" tanong niya na bakas ang pagkainis doon. "Red flowers para sa burol? Sinong tao ang magpapadala niyan?" Hindi na niya napigilan ang galit niya."Pinadala daw po ni Mr. and Mrs. Tolentino."Nagpantig ang tenga niya sa narinig na pangalan. Nakuyom niya ang mga kamao at galit na nilapitan ang bulaklak. Nakasulat pa sa sash niyon ang salitang 'Condolence'.Lumapit din si Stella at gulat din ito. "Ganoon na ba talaga sila kasama para padalhan nila ng pulang rosas ang burol ng mommy mo? Mga demonyo sila at walang mga puso!"Lumalim ang paghinga niya dahil sa g
NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara
"M-MOM!" Pakiramdam ni Gianna ay namanhid ang buong katawan niya habang nakikita niya kung paano sinusubukang i-revive ng mga doctor ang kaniyang ina."N-nooo! H-hindi pwede," aniya na parang nawawala na sa kaniyang sarili. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang isa man sa kaniyang mga magulang. Sila ang mundo niya at tanging kinakapitan. Sila ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin siya at lumalaban.Hindi na niya nakikita ang paligid, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan ang paghakbang niya. Hindi niya magawang tumakbo palapit sa kaniyang ina."G-Gianna." Inalalayan siya ni Stella."Clear!" Nakailang subok na ang mga doctor pero parang walang nangyayari.Nang mapagtanto niya ang lahat, sunod-sunod siyang umiling. "H-hindi! Nooo! H-hindi 'to totoo," hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi niya kakayanin."Time of death, 10:30 am."Gumuho ang lahat sa kaniya nang marinig ang sinabi ng doctor. Lahat ng lakas at tapang niya, n
KINAUMAGAN nagising siyang wala na si Gabriel sa tabi niya. Nakaramdam siya ng lungkot pero napawi rin iyon nang makita niya ang breakfast na niluto nito na nasa side table. May iniwan din itong notes doon.Binasa niya ang notes nito. "Baby, hindi na kita ginising dahil alam kong napagod ka kagabi. Here's your food. I cooked this for you." May smiley emoji pa roon.Hindi niya namalayang kanina pa pala siyang nakangiti dahil sa hatid niyong saya. Kinikilig ba siya? No! Hindi dapat siya mahulog kay Gabriel dahil alam niya kung anong relasyon mayroon silang dalawa. May utang siya rito at binabayaran niya lang ito sa paraang alam at kaya niya.Matapos niyang kumain at maligo, lumabas na siya ng condo dahil dadalawin niya sa hospital ang kaniyang mga magulang. Naging routine na niya iyon dahil sabi ng doctor, makakatulong ng malaki kung palagi niyang kakausapin ang mga ito.Habang nasa byahe siya, nabasa niya ang text ni Stella."Where are you?""Papunta ako ng hospital," reply niya."Ok,
HINAYAAN niya si Gabriel na lakbayin ng mga kamay nito ang katawan niya at sa bawat haplos nito, mas nagnanais ang katawan niyang maramdaman ito. Nakakapaso pero gusto niya ang pakiramdam na iyon.Nang dumako sa hita niya ang kamay nito, nagulat siya nang itaas nito iyon at pinatong sa balakang nito habang ang mga labi nito'y walang tigil sa paghalik sa kaniyang mga labi pababa sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa ginagawa nito pero iyon ang gusto ng katawan niya."Ahh! Uhh-uhhh Ahh!" Hindi na niya mapigilan ang sarili na umungol ng malakas dahil sa ginagawa nito. Nakakapanghina at tila ba may kung ano sa kaniya na gustong sumabog.Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito nang ang kamay nito ay dumako sa noo ng kaniyang pagkababa3. Pababa iyon hanggang sa kaniyang mga hiwa na pakiramdam niya'y namamasa na dahil sa init na nararamdaman nilang pareho. Napalunok siya nang magsimula ang mga daliri nitong haplusin ang bagay na iyon.Napapasinghap siya at napapaigtad sa tuwing dumadaan iy
NANG makarating sila sa condo na pag-aari ni Gabriel, agad hinalikan ni Gianna ang binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak na nasa katawan niya o dahil gusto niyang maramdaman ang kaya nitong iparamdam sa kaniya.Saglit na natigilan si Gabriel at nagulat pero kapagkuwa'y, gumanti ito sa bawat halik na ginagawad niya rito. Nagsilbing ingay sa apat na sulok ng silid ang tunog ng bawat paglapat ng kanilang mga labi."G-Gianna, what are you doing?" habol-hiningang tanong ni Gabriel nang bahagya siya nitong ilayo sa kaniya.Hindi niya makapa ang hiya bagkus ayaw na niyang pigilan ang sarili."What I'm doing? I'm paying you, for your kindness, para sa lahat ng utang ko," sabi niya at ngumiti. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo.Nang hahalikan niya ulit ito, pinigilan siya nito sa balikat."Why?" she asked."H-hindi mo kailangang gawin ito, Gianna. I didn't asked you to pay me with your body."Tumawa siya. Hinawakan niya ang braso nito at inalis sa kaniyang balikat. Mas nagulat
"HEYY! You ok? Kanina ka pang umiinom and you're drunk, Gianna." Hinawakan ni Gabriel ang braso niya nang akmang iinom ulit siya ng alak. Kanina pa siyang umiinom nang iwan siya nito para kausapin ang mga kaibigan nito sa business industry. Magulo ang isip niya at kahit anong gawin niya, apektado siya sa mga sinabi ni Madison sa kaniya tungkol kay Gabriel."I-I'm fine, Gabriel. Kaya ko ang sarili ko, I've grown enough to handle myself." Tumawa pa siya habang bakas sa hitsura niya ang tama ng alak. Nararamdaman na rin niya iyon dahil umiikot na ang paningin niya at namumungay ang mga mata."I know pero lasing ka na, tama na." Inagaw nito ang wine glass sa kamay niya at ipinatong sa table.Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hilahin palapit dito at hinapit ang baywang niya. Nagdikit ang kanilang mga katawan at sa hindi niya malamang dahilan, may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniya. "Kung hindi ka titigil sa pag inom, I'll kiss you," banta nito.Napalunok siya. Bakit gano
MARIIN na napapikit si Gianna habang nasa harap siya ng salamin sa comfort room ng hotel. Bumuntonghininga siya, saka tiningnan ang sarili. Ok pa ba siya pagkatapos ng lahat? Kaya pa ba niyang iharap ang sarili sa mga tao habang alam niyang hinuhusgahan siya ng mga ito dahil sa pagpatol niya kay Gabriel?Napalunok siya, saka bumuga ng hangin."Let them think what they want to think, Gianna," mahina niyang sabi sa sarili.Nagpasiya na rin siyang lumabas ng silid at bumalik sa reception area dahil baka hinahanap na siya ng Gabriel pero nagulat siya nang biglang may humila sa kaniya. "O-Oliver!" gulat na aniya. Dinala siya nito sa dulo ng hallway kung saan walang tao. "What's this, Oliver?"Seryoso siya nitong tiningnan. "F*ck, Gianna! What do you think you're doing? Pakakasalan mo si Gabriel, for what? To save your family or to gain his wealth?"Ngumisi siya. "At ano naman sa iyo, Oliver? It's none of your business kung sino mang lalaki ang pakakasalan ko and since you're now happily