Share

Chapter 86

"Buti, alam mo pa ang daan pauwi dito," nakaupo lang si Jhoanna sa sofa. Nakatalikod siya sa akin. "Hindi ka ba naliligaw?"

"Aalis ba ako ulit? yun ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na, ang tungkol sa amin ng magiging anak mo, Drake. Tapos na kayo ni Justine, subalit yung mag ina pa rin na yun ang iniintindi mo," malamig ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Na parang kasalanan nung mag ina na nag iexist sila.

"Nais din kitang makausap tungkol diyan, Jhoanna. Bakit mo sinabi kay Justine na sinasaktan kita?" wika ko sa kanya, "saan mo nakuha ang lakas mo ng loob upang ipagsabi ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa?"

"Hindi ko iyon sinabi sa kanya, sinisiraan niya lang ako," nanatili siyang nakaupo at nakasandal sa sofa. Pumunta ako sa harapan niya, at nagulat ako sa baril na kanyang hawak, "papatayin na lang kita." Kinalabit niya ang baril, at tumama ang bala sa aking dibdib. Nagdilim ang aking paningin.

"ANAK!!! gising!" tinig iyon ng aking mommy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status