"Drake..." sinugod ako ng yakap ni Jhoanna pagkakita niya sa akin, 'buti umuwi ka na. Miss na miss na kita!" Mukhang hindi naliligo si Jhoanna, nangangamoy isang linggo na ang pawis nito. Ang damit nito ay gaya pa rin noong damit nito noong sugurin nito si Justine ilang araw na ang nakakaraan. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming condo. Madumi iyon. Parang walang pumupuntang tagalinis. Ang lababo namin ay parang may mga nabubulok ng pagkain! "Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanya, "bakit parang dumpsite ang ating tahanan?" "Ah.. eh pa-pasensiya ka na. Hindi kasi ako nagpapapunta ng tagalinis dito.. gusto kong mapag isa," sagot niya sa akin. "Nasaan na yung iniwan ni mommy dito na makakasama mo?" tanong ko sa kanya. "Naku, pinalayas ko na! Magnanakaw kasi," sagot pa niya, "nahuli king binubuklat ang ating gamit, kaya ayun, pinalayas ko na lang. Marahil hindi iyon uuwi sa inyo, kasi nga alam niyang malalaman niyo
"What the----" hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin, dahil bigla na lang akong nahilo. At bago pa man ako tuluyang nawalan ng malay, nakita ko pa si Jhoanna na may hawak na syringe. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.Naramdaman ko na lang na parang itinutulak niya ako habang nakasakay ako ng wheelchair. Hindi ko na maalala kung paano ako nakababa hanggang groundfloor.Isinakay niya ako sa kotse niya, saka siya lumulan at nilisan na namin ang lugar na iyon.At nong sumunod na magising na ako, Nakahiga na ako sa kama. Hindi ko maigalaw ang aking binti. Myay dextrose ako sa kanang kamay.Gusto kong sumigaw, subalit walang tinig ang nais lumabas sa aking bibig."Ito na ba ang panaginip ko noong nakaraan?" sabi ko sa aking isipan, "katapusan ko na ba?"Bumukas ang pinto, pumasok ang nakangiting si Jhoanna na bagong paligo. Nakatapis lang ang babaeng ito. May dala na naman itong syringe.Mababakas sa aking mga mata ang labis na galit. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Nais k
"Bakit kaya hindi pumapasok si Liz?" tanong ni Trina sa akin, "nagriring naman ang phone niya kahapon. Ang reply niya lang ay emergency." "Baka nga may emergency na hindi lang niya masabi sa atin," sagot niya sa kaibigan. "Si Drake din, hindi nagagawi dito," sabi pa nito, "hindi kaya nagpakasal na sila ni Jhoanna?" "Ewan," kahit ako ay nagtataka din na walang paramdam si Drake, halos isang linggo na simula noong una silang magkita. "Tanungin mo kaya yung parents niya, baka alam kung nasaan siya?" suhestiyon pa ni Trina, "malay mo naman, alam nila kung nasaan ang anak nila." "Nahihiya ako, baka isipin nila, hinahabol ko yung anak nila," tanggi niya sa sinasabi nito "Baliw, may anak naman kayo no, bakit naman nila iisipin yun. Isa pa, hinahanap siya ng anak mo," sabi pa nito sa kanya. "So? ako na ang unang tatawag? paano kung si Jhoanna ang makasagot?" sabi ko sa kanya, "eh di ginera na naman ako ng babaeng eskandalosa na iyon. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa gulo no
"Nagmessage nga siya sa amin hija noong isang araw, na marami daw siyang trabaho. Sanay naman kami na ganun siya," nakaupo ako sa harapan nina tita at tito, habang umiinom kami ng kape, "marami kasi siyang project na hindi nagawa hindi ba? hindi rin naman namin madalaw ang aming apo, dahil sinisigurado namin na maayos ang bahay paglabas niya," napagkasunduan kasi nila na doon muna sila habang nagpapagaling si Blake, at personal daw itong aalagaan ng lola niya. "Nagmssage din nga po siya sakin kahapo, pero parang galit siya," nakatungo kong sabi. "Baka pagod lang siya or anything, wag mo ng masyadong alalahanin ang lalaking iyon. Alam mo namang mainitin ang ulo nun," natatawang sagot ni tita sa akin. "Kumusta naman ang aking apo? pasensiya na kamo at may inaasikaso lang ako kaya hindi ko siya mapuntahan, wag siya kamong mag alala, si lolo ang susundo sa kanya," nakangiti si tito habang nakaakbay sa kanyang asawa. "Naku, hinahanap nga po kayong madalas. Namimiss na daw kayo," na
"Anong wala? paanong wala?" tanong ni tito sa guard, "hindi niyo alam na wala ang anak ko dito?" "Umalis po kasi sila ni Mam Jhoanna. Mahigit isang linggo na po yun. May sakit po ata si sir nun, kasi po, nakasabay sa wheelchair. Sabi po ni mam, kakagaling lang po ni sir sa hospital," napapakamot sa ulo na sabi ng gwardiya. "Ibinilin nga rin po ni mam, na wag na munang palinisan ang kanilang unit, kasi daw po, nakakalat ang iba nilang gamit." "Saan daw sila pupunta?" tanong pa ni tito dito. "Parang magbabakasyon po ata. Hindi na po kami masyadong nag usisa, kasi mabilis pong magalit si Miss Jhoanna." sagot nito. "Nasaan ang CCTV dito?" nakisabat na ako sa usapan, "gusto ko lang malaman kung talagang kasama ni Jhoanna si Drake." "Kailangan po muna kayong magtungo sa pulis, kasi nasa policy po ng mga nakatira dito na kung hindi sila ang magpapaview, bawal po," napailing pa ang gwardiya pagkasabi niyon sa amin. "Pasensiya na po kayo, napag utusan lang po ako." Kailangan pa nam
Kagimbal gimbal ang nasa loob ng kwartong iyon. Sa totoo lang, kahit ipaamoy sa aso ay hindi makakaya ang sangsang na amoy na naroroon. Bangkay ng dalawang babae ang nasa silid na iyon, na napag alamang ang katulong na ibinigay nina tita, at ang doctor na si Liz. Labis ang lungkot na naramdaman ko, nang makita ko ang suot ng isang bangkay na naroroon. Paboritong damit iyon ng doctor ng aking anak. Masahol pa sa hayop ang nangyari sa mga biktima doon, at dalawa lang ang itinuturing salarin, si Jhoanna, o si Drake. Pero ano namang reason ni Drake upang gawin iyon sa mga biktima? "Kakilala niyo ba sila mam?" tanong ng imbestigador sa akin. "Yung isa, na nakadress na maroon, si Doctor Lizbeth de Vera. Nagtatrabaho siya sa ospital na pag aari ko. Huli ko siyang nakita doon, bago niya ihatid dito si Jhoanna," paliwanag ko sa kanila. Alam ko naman na itatanong din nila iyon kung saka sakali. "Sa palagay niyo ba, may alitan sina Jhoanna Ledesma, at ang biktima?" sunod na tanong n
Sa palagay mo ba, si Jhoanna ang may pakana ng lahat?" tanong sa akin ni Trina, "ang lakas naman ng loob niya kung nagkataon." "Doctor yun, maraming alam sa mga gamot. Base sa nakita naming hitsura ni Drake, parang wala siyang lakas ng mga araw na iyon. Nanghihina siya." kwento ko sa kanya, "hindi normal na routine ni Drake yung nakita namin." 'Sa palagay ko, may ginamit si Jhoanna upang magkaganun si Drake. Ang ikinakatakot ko, baka mamaya, kung saan niya ito dinala. Alam mo naman ang tao kapag nawawala na sa sarili, hindi ba? Hindi na niya alam kung ano ang mga ginagawa niya." "Tama ka friend," sagot ni Trina sa akin, "ano ba ang balak ng tatay niya?" "Kakausapin niya ang mga pinsan ni Drake upang makahingi ng tulong. Hindi maaaring hindi namin matagpuan si Drake, ngayon pa bang alam niyang may anak kami na labis na nasasabik sa kanya, hindi ba?" tugon ko sa kanya, "sana, magkaroon agad ng lead kung nasaan na ang babaeng iyon." "Mahirap paniwalaan na kaya palang gawin ng b
"Mommy, kailan po ako dadalawin ni daddy? parang matagal na siyang hindi nagagawi dito," sabi sa akin ni Blake. Halata ko ang lungkot sa kanyang tinig. Isa iyon sa nagpapabigat ng aking kalooban. "Anak, hindi ko pa alam eh. Baka busy pa ang daddy mo.." mahina kong sagot sa kanya. Hinagod ko ang kanyang buhok, bakit? ayaw mo na bang makita si mommy? hindi na ba ako sapat sayo?" "Mommy naman.. mahalaga po kayo sa akin. Pero di ba, ngayon pa lang kami nagkakalapit ni daddy, kaya dapat, magkasama ko rin siya." nakangiting sagot niya sa akin, "bakit po? ayaw na ba niya sa akin?" "Hindi naman anak. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng daddy mo, hindi ba? baka talagang marami lang siyang ginagawa ngayon." nilalaro ng kanyang daliri ang labi ng kanyang anak, "nakakatuwa, kamukhang kamukha ka niya..""Talaga po?" lumiwanag na ang mukha ni Blake pagkarinig sa kanyang sinabi. "Sana po, puntahan na ko ni daddy no? tawagan po kaya natin siya?"Napatingin ako kay Trina. Nalulungkot ang mukha
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason