"Mommy, kailan po ako dadalawin ni daddy? parang matagal na siyang hindi nagagawi dito," sabi sa akin ni Blake. Halata ko ang lungkot sa kanyang tinig. Isa iyon sa nagpapabigat ng aking kalooban. "Anak, hindi ko pa alam eh. Baka busy pa ang daddy mo.." mahina kong sagot sa kanya. Hinagod ko ang kanyang buhok, bakit? ayaw mo na bang makita si mommy? hindi na ba ako sapat sayo?" "Mommy naman.. mahalaga po kayo sa akin. Pero di ba, ngayon pa lang kami nagkakalapit ni daddy, kaya dapat, magkasama ko rin siya." nakangiting sagot niya sa akin, "bakit po? ayaw na ba niya sa akin?" "Hindi naman anak. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng daddy mo, hindi ba? baka talagang marami lang siyang ginagawa ngayon." nilalaro ng kanyang daliri ang labi ng kanyang anak, "nakakatuwa, kamukhang kamukha ka niya..""Talaga po?" lumiwanag na ang mukha ni Blake pagkarinig sa kanyang sinabi. "Sana po, puntahan na ko ni daddy no? tawagan po kaya natin siya?"Napatingin ako kay Trina. Nalulungkot ang mukha
"Hindi rin kita masasagot, dahil hindi din namin alam," napakagat ako sa aking pang ibabang labi, ng sabihin ko iyon. Naaalala ko na naman ang mga bangkay na nakita namin sa unit ni Drake. "Bakit may yellow cautions sa unit? as if naman may namatay doon," natatawang tanong ni Bruno. Ngunit seryoso ko siyang tiningnan, kaya bigla siyang tumahimik pagtawa, "me-meron nga?" alanganin ang kanyang mga salitang tanong sa akin. Tumayo ako at nagtungo sa glass wall, at tinanaw ko ang mga sasakyan sa parking lot ng hospital, "yung katulong at doctor na kaibigan ni Jhoanna ang natagpuan doon.." "Si doctor Lizbeth?" nanlaki ang mga mata ni Bruno, "baby, siya yung doctor ko dito." "Siya nga.. may hinala ang mga pulis na pinatay ang mga iyon, maaaring ni Jhoanna, dahil kakagaling lang sa ospital ni Drake noong ilabas siya ni Jhoanna ng unit nila. Ngayon, hindi din namin makontak si Drake." paliwanag ko sa kanila. "Sabi ko na nga ba, may sayad ang Jhoanna na yun! kakaiba ang ikinikilos niy
AYON SA REPORT , NAWAWALA DAW ANG ACTOR NA SI DRAKE SANCHEZ NA NGAYON AY HINAHANAP NG KANYANG MGA KAMAG ANAK. WALANG MAKAPAGSABI KUNG NASAAN ANG BINATA. TIKOM ANG BIBIG NG KANYANG MGA KAMAG ANAK AT MGA KAIBIGAN. AYON SA SOURCE, ANG HULING KASAMA NI DRAKE AY ANG ACTRESS TURNED DOCTOR NA SI JHOANNA LEDESMA. HINDI-- "Bwesit!" naiinis na sabi ni Jhoanna. "Lintik na mga to, hindi pa mamatay lahat!" itinapon niya ang hawak na remote. Kinagat niya ang kanyang mga kuko. Ganito siya kapag natetense. Sinilip niya si Drake sa basement. Naroon ito at nakatulala na naman. "Hindi kaya mabaliw to kakasaksak ko sa kanya ng gamot?" napapaisip siya bigla, "pero deserve niya naman.. nakaratay ako dahil sa kanya.. pati kaibigan ko, napatayo ko rin. Nakakainis.." Narinig ni Mia, na nag uusap sila ng kaibigan niyang si Lizbeth tungkol sa tatay ng kanyang dinadala, yung isa niyang kasamahang doctor. Alam niyang isusumbong siya nito sa magulang ni Drake, kaya kinausap agad niya ang babae. "May
"Hindi pa rin namin malocate ang kinaroroonan ni Jhoanna. Nakabantay pa rin ang mga pulis sa kanilang tahanan," wika ni kuya Cris, habang inilatag niya ang isang papel na sa tingin ko ay mapa. "Wala siya sa kanilang bahay. Sinusundan namin ang kanyang mga magulang, ngunit tanging sa grocery store lang ang mga iyon nagtutungo." "Wala bang ibang bahay ang babaeng yan?" tanong ni tito Frank. "Ayun sa kanyang ama, pero hindi naman tayo naniniwala, wala na daw ibang bahay si Jhoanna. Sa kanila daw yun laging umuuwi." sagot ulit ni Cris. "Ang dami na ng pinagdadaanan ng pamilya natin. Wag mo na lang itong babanggitin sa papa.. hindi pa siya nakakamove on sa pagkawala ni Marcus. Ayokong magpatung patong pa ang kanyang dinadala. Tayo na lang ang rumesolba nito," tugon naman ni tito Frank kay Cris. Nakikinig lang kami ni tita Leona sa tabi. Ni isa sa amin ay walang mangahas na magsalita. Wala rin naman kaming maiiambag sa sitwasyong iyon kundi panalangin."Wala pa kaming lead kahit saan ti
"Nasaan ang anak ko? sino ang kumuha sa anak ko!" naghehestirikal na ako habang nasa lobby ng ospital. Ibinalita sa akin na may kumuha sa aking anak. Hindi ko malaman kung sino ang nagtraydor sa akin. Bakit may nakapasok doon ng hindi namamalayan ng gwardiya sa labas. "Ma'am, huminahon kayo," awat sa akin ng isang nurse. "Huminahon? putang ina! hihinahon ako? nawawala ang anak ko!" sigaw ko, "nasaan si Trina!!" sigaw ko pa sa kanila. "Ah.. eh.. ma'am.. " napayuko ang nurse sa aking harapan, "si--si ma'am Ti-Trina po- na-nasa operating room." "Bakit?" napamulagat siya ng malaman iyon. "Sa-sabi po ng gwardiya, si mam Trina ang nalabas sa bata, pero nakita po namin siya, nasa gilid ng kama ni Blake, may laslas po siya sa leeg, hubad po siya.. puro sugat po ang kanyang mga kamay at braso.. May saksak po siya sa likod. Nagmamadali kong tinakbo ang operating room. Halos liparin ko ang patungo doon. Hindi niya lubos maisip ang nangyari kay Trina. May isang doctor na lumabas buhat doon
Nagmamadaling pumasok si Jhoanna sa bahay. Inilapag niya ang batang si Blake sa sofa. Agad niyang pinuntahan si Drake, na nakaupo lang at nakatulala. May kadena ito sa paa. "Baby, alam mo ba, kinuha ko na ang anak mo, na magiging anak na natin, okay ba yun?" niyakap niya si Drake, "alam mo, ang hirap makalusot, pero nagawan ko ng paraan para sayo." Binalikan niya ang bata, na noon ay natutulog pa. Ininjectionan niya ito ng isang uri ng gamot na unti hunting magdudulot dito ng pagkalimot sa lahat. Pati kay Drake, ganoon din ang ginawa niya. May progress na ito sa lalaki. Siya lang ang pinaniniwalaan nito. Kay Blake naman, bilang bata, mabilis din itong magiging epektibo. "Magluluto muna ako, baby, hintayin mo lang ako dito ha," hinalikan niya ito sa labi. "Baby.. sino ang kasama mo?" hindi ata nito narinig ang sinabi niya kanina. "Anak natin yan. Ngayon kasing magaling ka na, dapat, sama sama tayong mag anak dito, hindi ba?" hinaplos niya ang buhok nito. "Bakit ako nakakadena?"
"Hindi po kaya niya ako hinahanap ngayon?" naupo ito sa kanyang tabi," hindi po kaya?" unti hunting naglandas ang luha ng bata sa kanyang pisngi. "Blake,' niyakap niya ito. Nahahabag siya, subalit walang puwang ang awa at kunsensiya sa kanya. Hindi siya maaaring maawa dito. Hindi pwede! Lumingon siya sa kabilang bahagi niya. Iniwasan niyang makita ang hitsura ng bata. "Kumain ka na," nilagyan niya ito ng pagkain sa plato, "pagkatapos mong kumain, dadalahin kita sa daddy mo.." Magandang advantage din na sanay sa kanya si Blake. Hindi na ito masyadong nagtatanong at sanay ito na kasama siya. Madalas naman itong iniiwan ni Justine sa kanya. Alam niya sa kanyang sarili na susunod sa kanya ang bata kahit ano man ang kanyang sabihin. Maniniwala ito sa kanya at sisiguraduhin niyang kamumuhian nito ang sariling ina. Pinapanood niya ito habang kumakain. Magaling humawak ng kubyertos ang batang ito, at alam kung paano gamitin ang mga utensils ng maayos, halatang naturuan ito ng maigi. "
Pinapakain na niya si Drake, ng bigla itong magsalita. 'Naiinip na ko. Sana, nakakapaglakad lakad man lang ako dito sa loob ng bahay. Nakakapagod na ang palagiang nakahiga at nakaupo," reklamo nito sa kanya. Labis na ang pangangayayat nito, dahil hindi sanay ang katawan ni Drake na walang ginagawa.Napabuntong-hininga siya habang tinitignan si Drake. Kitang-kita niya ang pagka-frustrate nito, at naunawaan niya ang pinagdadaanan ng kaibigan. “Pasensya ka na, Drake. Alam kong hirap ka na sa sitwasyon mo ngayon. Pero kailangan mong magpagaling,” malumanay niyang sabi habang ipinapahawak sa kanya ang kutsara ng pagkain. “Pero... pwede tayong maghanap ng paraan para maibsan ang pagkainip mo. Siguro puwede kang mag-ehersisyo nang kaunti dito sa kama, o kaya ay gumawa ng ilang bagay na ikasisiya mo habang nagpapagaling.”Tumingin si Drake sa kanya, may kaunting ningning sa mga mata na parang may pag-asang nabuhay. “Talaga? Maaari bang magawa ko 'yon?” tanong nito.“Oo naman, Drake. Kahit