Share

Chapter Four

Author: Bloodrose
last update Huling Na-update: 2022-10-22 10:01:51

Kakarating lamang ni Lola, sa Hacienda El Abra ng hapon na iyon nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanilang mansiyon ang grupo ng mga sundalo na naglalakad sa labas ng bakuran ng kanilang hacienda. Ang bahaging nilalakaran ng mga ito ay patungo sa gubat kung saan nandoon din ang pinakahuling bahagi na ng kanilang lupain.

"Hija, ano ang tinatanaw mo diyan?" narinig niyang tanong ni Don Mattias mula sa kanyang likuran. 

Sandaling nilingon ng dalaga ang kanyang ama bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga sundalong naglalakad. 

"Wala naman po, Pa. Tinitingnan ko lamang ang mga sundalong naglalakad papasok sa kagubatan kung saan ay huling bahagi na ng hacienda." tugon naman niya.

Tumayo sa kanyang tabi ang matanda at saka rin nito dinako ang mga mata sa direksyon na kanyang tinutukoy. Siya naman ang nagtanong sa matanda.  

"Pa, kailan pa nagkaroon ng sundalo na umaaligid dito malapit sa hacienda?" 

"Ah, medyo matagal-tagal na rin simula ng may mga sundalong pumapasok sa loob ng gubat na iyan. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay napabalita sa buong bayan na mas dumami ang mga taong labas. Kaya iyan at madalas nang may mga sundalong nagsasagawa ng operasyon."

"Grabe na ba kagulo ang bayan natin, Papa?" nakakunot ang noo na tumingin sa kanyang ama. 

"Hindi naman, anak. Kaya lang ay bumababa na rin dito sa patag ang mga taong labas. Natural lamang siguro na maging maagap ang mga alagad ng batas." tugon naman sa kanya ng kanyang ama na nanatiling nakatanaw sa dulong bahagi ng hacienda. 

Wala na ang mga sundalo na kanina lamang ay tinatanaw niya. Nakapasok na ito sa loob ng kagubatan. Marahil ay nililibot ng mga ito ang gubat na iyon upang masiguro na walang naliligaw na mga taong labas. O kung ano pa man ang dahilan ng mga ito sa pagtungo sa kagubatang iyon. 

"Hay! Kahit saang lugar talaga ay may mga masasamang loob."

"Kaya habang naririto ka sa hacienda ay kailangan mong mag-ingat, anak. At isa pa'y iwasan mo muna ang pagpasok sa gubat dahil hindi natin alam ay baka may taong labas na pala na gumagala." 

"Pa! Alam mo naman na nakahiligan ko ng pasukin ang gubat na iyon dahil nandoon ang sapa kung saan ko pinapaliguan si Windy." Doon nila minsan ginugugol ni Windy ang buong araw niya tuwing umuuwi siya ng hacienda.

"Huwag nang matigas ang ulo mo! Para sa iyong kabutihan lamang ang sinasabi ko. Lalo na at hindi na gaanong ligtas dito sa lugar natin dahil sa mga gumagalang taong labas." wika ng kanyang ama na tumingin sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang si Lola at saka siya tumango bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng kanyang ama. 

"Kung naiinip ka rito sa loob ng mansion ay pwede ka pa rin naman mangabayo tulad ng nakasanayan mo. Maluwag ang hacienda at nasisiguro kong hindi mo malilibot ang buong hacienda sa pangangabayo."

Umirap si Lola at saka napipilitang muling sumagot.  "Yes Pa!" 

"O, siya ako'y bababa na muna at may kailangan akong asikasuhin. Magpahinga ka na muna o 'di naman ay mag-merienda. Nagpahanda ako ng masarap na pagkain kay Meding."

Si Nana Meding ay ang nagsisilbing mayordoma ng hacienda. Matagal na itong nagsisilbi sa mga Castillon. Simula pa lamang ito sa edad na labing-walong taong gulang ay naroroon na ito. Tumanda na ito sa pagsisilbi sa pamilya nila. Si Nana Meding na rin ang nag-alaga sa kanya simula pa noong pinanganak siya hanggang nagdalaga siya.

"Sige po, Pa. Susunod na lang ako."

"Sige. Ikaw ang bahala," wika ng kanyang ama, at humalik muna ito sa kanyang pisngi bago siya nito talikuran. 

Naglakad na ito patungo sa loob ng kanyang silid. Ilang sandali pa na nanatili siya sa balkonahe habang nakatanaw sa bahagi ng kanilang lupain kung saan tumungo ang mga sundalo. Tatalikod na sana siya nang mapansin niya na lumabas na ang mga sundalo sa kagubatan. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa grupo ng mga sundalo na nakalabas na ng kagubatan. 

"Bakit kaya bigla silang bumalik?" tanong ni Lola sa kanyang sarili habang patuloy na nakatingin sa mga sundalo.  

Nakita niyang may isang sundalo na dumako ang tingin sa gawi niya. Kahit na medyo malayo ang bahaging iyon ay tanaw niya pa rin ang mga ito. At malinaw pa mula sa kinakatayuan niya ang mga ito dahil nasa balkonahe siya. Napansin niyang sandaling napahinto sa paglalakad ang isang sundalo habang nakatingin ito sa gawi niya. Ilang segundo itong tumigil sa bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Napailing na lamang si Lola at saka niya nilisan ang balkonahe at nagtungo na lamang sa kusina. Pagdating sa kusina ay agad na nakita niya si Nana Meding. Dahan-dahan siyang lumakad palapit rito bago niya ito ginulat.

"Boo! Nana Meding!" malakas na tawag niya sa pangalan ng matandang mayor doma at saka siya malakas na humalakhak dahil nabitawan ng matanda ang hawak nitong sandok.

"Pambihira kang bata ka!" wika ng matanda habang tahip ng kamay nito ang dibdib.

"Nana Meding, nagulat po ba kayo?" kunwari ay tanong niya.

"Ikaw talagang bata ka! Tinanong mo pa, eh halos atakihin na ako sa puso dahil sa pagsulpot mo!"

Napangiti si Lola pagkatapos ay mabilis na niyakap ng mahigpit ang mayordoma.

"Sorry po, Nana, miss ko lang po kayo," nakangiting wika niya at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Naramdaman niya na gumanti ito ng yakap sa kanya at hinaplos nito ang kanyang ulo.

"Naku! Ang alaga ko dalaga na pero parang baby pa rin kung maglambing. Aba'y ako man ay na-miss ka ng sobra," tugon naman nito pagkatapos ay humiwalay na ito mula sa kanyang pagkakayakap. "Sandali lamang, anak, at tatapusin ko lang ang niluluto kong minindal." 

"Ano po ba ang niluluto n'yo?" tanong niya sa matandang katulong pagkatapos ay tiningnan niya ang laman ng malaking kaldero.

"Ginataang bilo-bilo at saka banana cue. Alam kong darating ka kaya ipinagluluto kita ng paborito mong ginataang bilo-bilo." tugon naman nito habang hinahalo ang laman ng kaldero.

Namilog ang mga mata ni Lola, pagkarinig niya sa ginataaang bilo-bilo. Paborito niya kasi ang merienda na iyon.

"Wow! Ang sarap niyan, Nana!" nakangiting wika niya. 

"Aba s'yempre! Ako yata ang nagluto." masayang tugon naman nito sa kanya.

"Excited na 'kong matikman 'yan," wika niya na muling tumingin sa laman ng kaldero habang kumukulo ito.

"Maupo ka na at malapit ng maluto ito," tugon naman ng matanda sa kanya.

Agad naman siyang tumalima at umupo habang hinihintay na maihain ang pagkain.  

Kaugnay na kabanata

  • Memories Of Yesterday    Chapter Five

    Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na si Lola. Saglit na pinagmasdan niya ang paligid ng hacienda mula sa balkonahe ng kanyang silid. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang pang-umagang ihip ng hangin at saglit na ipinikit ang mga mata. Napangiti siya pagkatapos ay dali-daling muling pumasok sa kanyang silid at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa pinto ng banyo at agad na binuksan ang kanyang cabinet upang kumuha ng damit. Mabilis niyang isinuot ang puting long sleeves na tinernohan niya ng isang maong na pantalon pagkatapos ay ipinaloob niya ang laylayan ng kanyang long sleeves sa loob ng kanyang pantalon. At dahil mangangabayo siya'y isang itim na boots ang kanyang isunuot pagkatapos ay bumaling siya sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang itsura. Pinasadahan na rin niya ng suklay ang hanggang balikat na buhok at pagkatapos ay itinali ito nang sa gayon ay hindi maging sagabal kapag mabilis na niyang pinapatakbo si Wind

    Huling Na-update : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Six

    Bilisan mo pa,Windy!" sigaw niya sa kanyang kabayo.Isa lang ang pinakapaborito niyang pinupuntahan kapag nasa hacienda siya. Ang pinakadulong bahagi ng hacienda el abra, kung saan naroon ang isang tagong sapa. At doon sila patutungo ngayon ni Windy, na alam niyang matutuwa rin ito tulad niya. Habang mabilis ang pagtakbo ng kanyang kabayo ay unti-unti na niyang natatanaw ang kagubatang nais niyang puntahan."Malapit na tayong makarating sa paborito nating lugar Windy" pag-kausap niya sa kanyang kabayo na mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa pinakadulong bahagi ng kanilang Hacienda. Patalon na bumaba si Lola, sa kanyang kabayo at sandaling hinimas ang likuran nito."Alam kong sabik ka rin sa lugar na ito Windy," wikz niya sa kabayo.Humalinghing naman ito na tila ba nauunawaan ang kanyang sinabi pagkatapos ay tumalon-talon ito.Napahalakhak ang dalaga dahil sa ginawang iyon ng kanyang kabayo. Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang halakhak

    Huling Na-update : 2023-10-19
  • Memories Of Yesterday    Chapter One

    Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby. Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motor

    Huling Na-update : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Two

    Hindi maintindihan ni Lola kung bakit bigla- bigla siyang kukumustahin ng binata gayong sa nakalipas na isang taon ay puro kagaspangan ang naging pagtrato nito sa kanya. "Lola, tungkol sa nangyari noong araw na iyon," wika ng binata. "Kalimutan mo na iyon, Nathaniel. Matagal ko nang kinalimutan ang nangyaring iyon," tugon naman niya. "Kinabukasan ay pumunta ako sa mansiyon nyo para humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang sabi ni Don Mattias ay pumunta sa Maynila ng araw na iyon.""Tulad ng sinabi ko'y matagal ko ng kinalimutan iyon."Lumiko pakanan si Nathaniel at nagpatuloy. "Siya nga?""Oo, naghilom na ang latay kaya wag mo nang alalahanin iyon. Bakit ba kasi kailangan mo pang ungkatin ang tungkol doon?"Hindi sumagot si Nathaniel pero dinig ng dalaga ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Aminado si Lola na sa muling pagkikitang iyon ay nagkaroon muli ng epekto sa kanya ang binata. At ang tinutukoy nitong latay ay ang tatlong pilat sa kanyang likod likha ng kanyang sariling latig

    Huling Na-update : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Three

    Habang tinatanaw ni Nathaniel ang pagtakbo ng dalaga papasok sa loob ng mansiyon ay hindi maiwasan ng binata ang mapailing. Mahirap talaga kapag mga tulad nitong laki sa layaw. "Sabihin mo sa akin Nathaniel, ano nga ba ang dahilan kung bakit kayo magkasama ng aking anak?""Tulad ng sinabi ko kanina ay nagkita lamang kami ni Lola sa bayan. Coincidence.""Alam kong may iba pang dahilan Capitan. Sa nakaraang bakasyon ng aking anak ay alam kong hindi naging maganda ang unang pagkaka-kilala nyo.""Aksidenteng, muntik ko nang mabangga ang anak n'yo at mabuti na Lang at agad na nakabig ni Lola ang manibela. Pagkatapos ay tumilapon siya sa damuhan.""Talagang ang batang iyon! Wala nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko," wika ng Don na bahagyang hinilot ang sentido nito. "Wag kang mag-alala, Senyor, walang kahit na anong bali o gasgas ang anak n'yo. Masuwerte na lamang siya at sa damuhan siya tumilapon kasama ang kanyang motorsiklo," paliwanag ni Nathaniel sa Don. "Nathaniel, hindi l

    Huling Na-update : 2022-10-22

Pinakabagong kabanata

  • Memories Of Yesterday    Chapter Four

    Kakarating lamang ni Lola, sa Hacienda El Abra ng hapon na iyon nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanilang mansiyon ang grupo ng mga sundalo na naglalakad sa labas ng bakuran ng kanilang hacienda. Ang bahaging nilalakaran ng mga ito ay patungo sa gubat kung saan nandoon din ang pinakahuling bahagi na ng kanilang lupain."Hija, ano ang tinatanaw mo diyan?" narinig niyang tanong ni Don Mattias mula sa kanyang likuran. Sandaling nilingon ng dalaga ang kanyang ama bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga sundalong naglalakad. "Wala naman po, Pa. Tinitingnan ko lamang ang mga sundalong naglalakad papasok sa kagubatan kung saan ay huling bahagi na ng hacienda." tugon naman niya.Tumayo sa kanyang tabi ang matanda at saka rin nito dinako ang mga mata sa direksyon na kanyang tinutukoy. Siya naman ang nagtanong sa matanda. "Pa, kailan pa nagkaroon ng sundalo na umaaligid dito malapit sa hacienda?" "Ah, medyo matagal-tagal na rin simula ng may mga sundalong pumapasok sa loob

  • Memories Of Yesterday    Chapter Three

    Habang tinatanaw ni Nathaniel ang pagtakbo ng dalaga papasok sa loob ng mansiyon ay hindi maiwasan ng binata ang mapailing. Mahirap talaga kapag mga tulad nitong laki sa layaw. "Sabihin mo sa akin Nathaniel, ano nga ba ang dahilan kung bakit kayo magkasama ng aking anak?""Tulad ng sinabi ko kanina ay nagkita lamang kami ni Lola sa bayan. Coincidence.""Alam kong may iba pang dahilan Capitan. Sa nakaraang bakasyon ng aking anak ay alam kong hindi naging maganda ang unang pagkaka-kilala nyo.""Aksidenteng, muntik ko nang mabangga ang anak n'yo at mabuti na Lang at agad na nakabig ni Lola ang manibela. Pagkatapos ay tumilapon siya sa damuhan.""Talagang ang batang iyon! Wala nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko," wika ng Don na bahagyang hinilot ang sentido nito. "Wag kang mag-alala, Senyor, walang kahit na anong bali o gasgas ang anak n'yo. Masuwerte na lamang siya at sa damuhan siya tumilapon kasama ang kanyang motorsiklo," paliwanag ni Nathaniel sa Don. "Nathaniel, hindi l

  • Memories Of Yesterday    Chapter Two

    Hindi maintindihan ni Lola kung bakit bigla- bigla siyang kukumustahin ng binata gayong sa nakalipas na isang taon ay puro kagaspangan ang naging pagtrato nito sa kanya. "Lola, tungkol sa nangyari noong araw na iyon," wika ng binata. "Kalimutan mo na iyon, Nathaniel. Matagal ko nang kinalimutan ang nangyaring iyon," tugon naman niya. "Kinabukasan ay pumunta ako sa mansiyon nyo para humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang sabi ni Don Mattias ay pumunta sa Maynila ng araw na iyon.""Tulad ng sinabi ko'y matagal ko ng kinalimutan iyon."Lumiko pakanan si Nathaniel at nagpatuloy. "Siya nga?""Oo, naghilom na ang latay kaya wag mo nang alalahanin iyon. Bakit ba kasi kailangan mo pang ungkatin ang tungkol doon?"Hindi sumagot si Nathaniel pero dinig ng dalaga ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Aminado si Lola na sa muling pagkikitang iyon ay nagkaroon muli ng epekto sa kanya ang binata. At ang tinutukoy nitong latay ay ang tatlong pilat sa kanyang likod likha ng kanyang sariling latig

  • Memories Of Yesterday    Chapter One

    Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby. Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motor

DMCA.com Protection Status