Share

Chapter Three

Author: Bloodrose
last update Last Updated: 2022-10-22 09:58:31

Habang tinatanaw ni Nathaniel ang pagtakbo ng dalaga papasok sa loob ng mansiyon ay hindi maiwasan ng binata ang mapailing. Mahirap talaga kapag mga tulad nitong laki sa layaw. 

"Sabihin mo sa akin Nathaniel, ano nga ba ang dahilan kung bakit kayo magkasama ng aking anak?"

"Tulad ng sinabi ko kanina ay nagkita lamang kami ni Lola sa bayan. Coincidence."

"Alam kong may iba pang dahilan Capitan. Sa nakaraang bakasyon ng aking anak ay alam kong hindi naging maganda ang unang pagkaka-kilala nyo."

"Aksidenteng, muntik ko nang mabangga ang anak n'yo at mabuti na Lang at agad na nakabig ni Lola ang manibela. Pagkatapos ay tumilapon siya sa damuhan."

"Talagang ang batang iyon! Wala nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko," wika ng Don na bahagyang hinilot ang sentido nito. 

"Wag kang mag-alala, Senyor, walang kahit na anong bali o gasgas ang anak n'yo. Masuwerte na lamang siya at sa damuhan siya tumilapon kasama ang kanyang motorsiklo," paliwanag ni Nathaniel sa Don. 

"Nathaniel, hindi lingid sa aking kaalaman ang nangyari sa pagitan n'yo ng aking anak." Kapagdaka ay wika ng huli. 

Napakunot ang noo ni Nathaniel at 'di maiwasang magtanong. "Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Dumating sa akin ang balitang nilatigo mo daw si Lola?" 

"Ano sa palagay nyo, Sir?" balik tanong ni Nathaniel kay Mattias. 

"Sinasabi mo bang totoo ang balitang iyon, Nathaniel?" 

"Hindi ko ipagkakaila ngunit hindi ko rin aaminin, Don Mattias," tugon ni Nathaniel sa matigas na boses.  

Napabuntong-hininga si Don Mattias bago muling magsalita. "Siguro nga ay hindi ko masyadong nalalaman ang mga pinaggagawa ng aking anak noong huling bakasyon nya dito sa hacienda. Ako na ang humihingi ng dispensa at sana'y habaan mo pa ang pasens'ya sa batang iyon."

Natahimik si Nathaniel dahil sa sinabi ng Don. Nakita niya sa mukha nito ang hirap para disiplinahin ang kaisa-isang anak nito. 

"Kung darating man ang araw na magkaroon ng lalaking makakasama ang aking anak ay hinahangad kong sana ikaw ang lalaking mamahalin ng aking unica hija, Capitan. Alam kong kaya mong supilin ang anumang ugali ng aking anak. At sa nakalipas na isang taon na pananatili mo rito sa aming bayan ay nakuha mo kaagad ang simpatya ng mga tao," mahabang wika ng Don. 

"Sa palagay ko ay hindi kayang pakitunguhan ng anak n'yo ang isang katulad ko," tugon niya. 

"Kilala ko ang aking anak, Capitan, alam kong minsan ay matigas ang kanyang ulo, ngunit marunong siyang makibagay at makisalamuha."

Sa ating dalawa ay mas kilala ko ang iyong anak, kaysa sa iyo Mattias Castillon! 

"Sa palagay ko ay nasa sa iyo ang problema Mr. Castillon, kung sana ay hindi ninyo hinahayaan na paikutin kayo ni Lola sa kanyang palad ay marahil hindi mahirap para sa inyo na pasunurin siya," tugon no Nathaniel kay Don Mattias.

"Siguro ay tama ka, Capitan. Simula kasi nang mawala ang kanyang Mama ay binigay ko ang lahat ng luho ng aking anak, sa pag-aakalang mapupunan ko ang pagiging ama at ina para sa kanya," malungkot na wika ng Don. 

"Bakit hindi n'yo subukang maging matigas kahit minsan lang? Para matuto naman siya kahit paano."

Napatangu-tango si Don Mattias dahil sa sushesyon ni Nathaniel. Naisip nitong tama ang kanyang sinabi. 

"Hindi na ako magtatagal Mr.Castillon, mauuna na ako at may importante pa akong lakad," paalam ni Nathaniel.

"Ikaw ang bahala, Capitan. Teka may masasakyan ka ba pabalik ng bayan?"

"Kung maaari sana ay hihiramin ko muna iyong sasakyan na magagamit ko pabalik ng bayan? Magpapadala na lang ako ng tauhan ko para maibalik ang sasakyan."

"Aba'y walang problema, Capitan, teka at ipapatawag ko si Caloy upang ihanda ang sasakyan na gagamitin mo," wika ng Don at mabilis na lumakad papasok ng mansiyon.  

Ilang sandali lang ay lumabas si Mang Caloy dala ang isang susi ng sasakyan. Agad na inabot ng katiwala ang susi sa kanya. 

"Capitan, pinapaabot ni Don Mattias," wika ng matandang katiwala. 

Nagpasalamat siya sa matanda at inabot ang susi ng sasakyan. Agad na sumakay si Nathaniel sa wrangler jeep ng mga Castillon at agad na pinaandar ito at pinatakbo. Ang hindi alam ni Nathaniel ay nakatanaw si Lola sa kanyang pag-alis mula sa bintana ng silid nito. Mayamaya ay bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at mabilis na pumasok si Don Mattias. 

"Lola, ano ba itong sinabi sa akin ni Capitan na kamuntikan ka na raw niya mabangga?" pigil ang galit sa tinig ng Don. 

"Pa, wala naman nangyaring masama sa akin," pagdadahilan niya.

"Walang nangyari? Paanong wala kung tumilapon ka pa pala sa damuhan kasama ang motorsiklo mo?" 

"Pa, I'm okay, there's nothing to worry about," wika niya sa kanyang ama na nilapitan ito at niyakap. 

"Simula bukas ay ayoko ng makita ang motorsiklo mo, Lola!" galit na wika ng kanyang ama. 

"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" nagtataka na tanong niya.

"Gusto kong i-dispose mo ang motorsiklo mo ngayon din." Utos ng kanyang ama. 

"Pa, ano'ng gagamitin ko rito sa hacienda?" hiyaw ni Lola. 

"Tapos na ang usapan, Lola, bukas na bukas din ay ipapakuha ko sa mga pinsan mo ang motorsiklo mo!" pinal na wika ng kanyang ama. 

"Pero, Pa!" mariin na pagtutol niya. 

"Narinig mo ang sinabi ko, Lola."

"Pero, Pa! Alam mong matagal nang wala si Windy," maktol niya sa kanyang ama. 

Si Windy ay ang paborito niyang kabayo. Gusto sanang sabihin ng Don ang tungkol sa kabayo ngunit pinigilan nito ang sarili. Bahala ang anak nito ang mismong makakita.

"Tandaan mo ang sinabi ko, Lola!" wika ng kanyang ama bago ito naglakad palabas ng kanyang kwarto. 

Galit na galit si Lola nang humiga sa kanyang kama. Wala siyang ibang sinisisi kundi ang walanghiyang Nathaniel na iyon. 

Dahil sa matinding galit ni Lola ay naglakbay ang isip ng dalaga pabalik sa nakaraan. Nakaraan kung saan nagsimula ang matinding nararamdaman niya para rito. Isang taon na ang nakalipas nang makita at makilala ni Lola si Captain Nathaniel Montelibano sa sapa, ang sikretong paraiso ng dalaga. Iyon din ang simula ng pag-usbong ng kanyang nararamdaman para huli.  

Dahan-dahang ipinikit ni Lola ang kanyang mga mata at sinimulang sariwain sa kanyang isipan ang nakaraan. Nakaraan na siyang naglikha ng una niyang pagkabigo sa pag-ibig. Pag-ibig na hindi kayang tugunan ni Nathaniel, ang unang lalaking pinag-aksayahan niya ng oras at panahon. Si Nathaniel na bukod tanging hindi natinag sa kanya. 

Related chapters

  • Memories Of Yesterday    Chapter Four

    Kakarating lamang ni Lola, sa Hacienda El Abra ng hapon na iyon nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanilang mansiyon ang grupo ng mga sundalo na naglalakad sa labas ng bakuran ng kanilang hacienda. Ang bahaging nilalakaran ng mga ito ay patungo sa gubat kung saan nandoon din ang pinakahuling bahagi na ng kanilang lupain."Hija, ano ang tinatanaw mo diyan?" narinig niyang tanong ni Don Mattias mula sa kanyang likuran. Sandaling nilingon ng dalaga ang kanyang ama bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga sundalong naglalakad. "Wala naman po, Pa. Tinitingnan ko lamang ang mga sundalong naglalakad papasok sa kagubatan kung saan ay huling bahagi na ng hacienda." tugon naman niya.Tumayo sa kanyang tabi ang matanda at saka rin nito dinako ang mga mata sa direksyon na kanyang tinutukoy. Siya naman ang nagtanong sa matanda. "Pa, kailan pa nagkaroon ng sundalo na umaaligid dito malapit sa hacienda?" "Ah, medyo matagal-tagal na rin simula ng may mga sundalong pumapasok sa loob

    Last Updated : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Five

    Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na si Lola. Saglit na pinagmasdan niya ang paligid ng hacienda mula sa balkonahe ng kanyang silid. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang pang-umagang ihip ng hangin at saglit na ipinikit ang mga mata. Napangiti siya pagkatapos ay dali-daling muling pumasok sa kanyang silid at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa pinto ng banyo at agad na binuksan ang kanyang cabinet upang kumuha ng damit. Mabilis niyang isinuot ang puting long sleeves na tinernohan niya ng isang maong na pantalon pagkatapos ay ipinaloob niya ang laylayan ng kanyang long sleeves sa loob ng kanyang pantalon. At dahil mangangabayo siya'y isang itim na boots ang kanyang isunuot pagkatapos ay bumaling siya sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang itsura. Pinasadahan na rin niya ng suklay ang hanggang balikat na buhok at pagkatapos ay itinali ito nang sa gayon ay hindi maging sagabal kapag mabilis na niyang pinapatakbo si Wind

    Last Updated : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Six

    Bilisan mo pa,Windy!" sigaw niya sa kanyang kabayo.Isa lang ang pinakapaborito niyang pinupuntahan kapag nasa hacienda siya. Ang pinakadulong bahagi ng hacienda el abra, kung saan naroon ang isang tagong sapa. At doon sila patutungo ngayon ni Windy, na alam niyang matutuwa rin ito tulad niya. Habang mabilis ang pagtakbo ng kanyang kabayo ay unti-unti na niyang natatanaw ang kagubatang nais niyang puntahan."Malapit na tayong makarating sa paborito nating lugar Windy" pag-kausap niya sa kanyang kabayo na mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa pinakadulong bahagi ng kanilang Hacienda. Patalon na bumaba si Lola, sa kanyang kabayo at sandaling hinimas ang likuran nito."Alam kong sabik ka rin sa lugar na ito Windy," wikz niya sa kabayo.Humalinghing naman ito na tila ba nauunawaan ang kanyang sinabi pagkatapos ay tumalon-talon ito.Napahalakhak ang dalaga dahil sa ginawang iyon ng kanyang kabayo. Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang halakhak

    Last Updated : 2023-10-19
  • Memories Of Yesterday    Chapter One

    Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby. Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motor

    Last Updated : 2022-10-22
  • Memories Of Yesterday    Chapter Two

    Hindi maintindihan ni Lola kung bakit bigla- bigla siyang kukumustahin ng binata gayong sa nakalipas na isang taon ay puro kagaspangan ang naging pagtrato nito sa kanya. "Lola, tungkol sa nangyari noong araw na iyon," wika ng binata. "Kalimutan mo na iyon, Nathaniel. Matagal ko nang kinalimutan ang nangyaring iyon," tugon naman niya. "Kinabukasan ay pumunta ako sa mansiyon nyo para humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang sabi ni Don Mattias ay pumunta sa Maynila ng araw na iyon.""Tulad ng sinabi ko'y matagal ko ng kinalimutan iyon."Lumiko pakanan si Nathaniel at nagpatuloy. "Siya nga?""Oo, naghilom na ang latay kaya wag mo nang alalahanin iyon. Bakit ba kasi kailangan mo pang ungkatin ang tungkol doon?"Hindi sumagot si Nathaniel pero dinig ng dalaga ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Aminado si Lola na sa muling pagkikitang iyon ay nagkaroon muli ng epekto sa kanya ang binata. At ang tinutukoy nitong latay ay ang tatlong pilat sa kanyang likod likha ng kanyang sariling latig

    Last Updated : 2022-10-22

Latest chapter

  • Memories Of Yesterday    Chapter Three

    Habang tinatanaw ni Nathaniel ang pagtakbo ng dalaga papasok sa loob ng mansiyon ay hindi maiwasan ng binata ang mapailing. Mahirap talaga kapag mga tulad nitong laki sa layaw. "Sabihin mo sa akin Nathaniel, ano nga ba ang dahilan kung bakit kayo magkasama ng aking anak?""Tulad ng sinabi ko kanina ay nagkita lamang kami ni Lola sa bayan. Coincidence.""Alam kong may iba pang dahilan Capitan. Sa nakaraang bakasyon ng aking anak ay alam kong hindi naging maganda ang unang pagkaka-kilala nyo.""Aksidenteng, muntik ko nang mabangga ang anak n'yo at mabuti na Lang at agad na nakabig ni Lola ang manibela. Pagkatapos ay tumilapon siya sa damuhan.""Talagang ang batang iyon! Wala nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko," wika ng Don na bahagyang hinilot ang sentido nito. "Wag kang mag-alala, Senyor, walang kahit na anong bali o gasgas ang anak n'yo. Masuwerte na lamang siya at sa damuhan siya tumilapon kasama ang kanyang motorsiklo," paliwanag ni Nathaniel sa Don. "Nathaniel, hindi l

  • Memories Of Yesterday    Chapter Two

    Hindi maintindihan ni Lola kung bakit bigla- bigla siyang kukumustahin ng binata gayong sa nakalipas na isang taon ay puro kagaspangan ang naging pagtrato nito sa kanya. "Lola, tungkol sa nangyari noong araw na iyon," wika ng binata. "Kalimutan mo na iyon, Nathaniel. Matagal ko nang kinalimutan ang nangyaring iyon," tugon naman niya. "Kinabukasan ay pumunta ako sa mansiyon nyo para humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang sabi ni Don Mattias ay pumunta sa Maynila ng araw na iyon.""Tulad ng sinabi ko'y matagal ko ng kinalimutan iyon."Lumiko pakanan si Nathaniel at nagpatuloy. "Siya nga?""Oo, naghilom na ang latay kaya wag mo nang alalahanin iyon. Bakit ba kasi kailangan mo pang ungkatin ang tungkol doon?"Hindi sumagot si Nathaniel pero dinig ng dalaga ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Aminado si Lola na sa muling pagkikitang iyon ay nagkaroon muli ng epekto sa kanya ang binata. At ang tinutukoy nitong latay ay ang tatlong pilat sa kanyang likod likha ng kanyang sariling latig

  • Memories Of Yesterday    Chapter One

    Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby. Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motor

DMCA.com Protection Status