Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby.
Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued.
Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motorista. Hindi siya nag-menor at nagpatuloy. Ngunit sa pagkabigla ng dalaga ay biglang may sumulpot na sasakyan. Agad niyang kinabig pakaliwa ang manibela para lamang mawalan ng balanse. Tumilapon siya sa damuhan kasama ang ng motorsiklo.
"Sh*t!" napamura si Nathaniel dahil sa biglang pagsulpot ng motorsiklo sa harap niya. Huli na rin para kabigin niya ang manibela at nahihintakutang tumitig lamang sa tumilapon na motor.
May pagmamadaling bumaba ng sasakyan si Nathaniel at agad na pinuntahan ang driver ng motorsiklo. Nakahandusay ito sa lupa, nakaunat ng pahalang ang parehong braso. Lumuhod siya at sinipat kung humihinga pa ba ito. Nang makitang hindi ito gumagalaw ay agad na kinabahan ang binata. Kinapa niya ang leeg nito at kaagad na pinulsuhan.
"B-buhay pa ako," mahinang wika ng huli.
Nagulat si Nathaniel nang marinig ang boses nito. Noon niya napagtantong babae pala ang pangahas na driver. Dahan-dahang bumangon ang babae at agad naman niyang inalalayan ito. Kasunod niyon ay tinanggal nito ang helmet; agad na bumagsak ang tuwid at hanggang balikat nitong buhok. Natulala si Nathaniel nang ilang saglit bago nahanap ang boses.
"Are you out of your mind, Lola?! Nagpapakamatay ka ba kaya gano'n kabilis ang pagmamaneho mo?" sermon nito.
"N- Nathaniel," mahinang tawag ni Lola sa binata.
"Come here," inalalayan nito ang pasaway na dalaga at iniupo nang maayos sa kanyang kandunga. "What the fuck is wrong with you?" sunod-sunod na tanong ni Nathaniel sa dalaga.
Nakaramdam ng inis ang dalaga at tinapunan siya nito ng masamang tingin.
"Okay lang ako. 'Yung motorsiklo ko ang tingnan mo dahil bagong bili ko lang 'yan, Montelibano!"
Nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay ng binata nang lapitan nito ang motorsiklo na nakahandusay sa damuhan. Itinayo iyon ni Nathaniel at pinagulong ito papalapit sa dalaga. Pagkatapos ay ibinaba nito ang stand at muling binalingan ang dalaga.
"Maayos pa rin naman ang motorsiklo mo, maliban lang sa konting gasgas nito sa tagiliran at konting crack ng side mirror. Gagana pa naman ito."
"Mabuti kung gano'n. Ang laki pa naman ng ginastos ko d'yan!" galit niyang tugon, magkasalubong ang mga kilay.
"Hindi ka pa rin nagbabago Lola Castillo. Mas importante pa rin sa'yo ang mga materyal na bagay kaysa sa buhay mo." Mariin na umiling si Nathaniel.
"E, ano'ng pakialam mo?! Sino ka para diktahan ako sa mga bagay na gusto ko?!" halos pahiyaw na tugon ni Lola.
"Tsk! Alam ba ng iyong ama na bumili ka ng motorsiklo?" nakatingin na tanong ng binata.
"Walang alam ang Papa tungkol sa pagbili ko ng motorsiklo," biglang lumambot ang tinig ni Lola na tila ba natatakot na maisumbong siya ng binata.
"Kung gayon ay kailangan kong sabihin sa kanya ang nangyaring ito, Lola.
"Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin Nathaniel Montelibano!" mariin na wika ng dalaga, nakakuyom ang mga kamay.
Bumuntong-hininga ang binata bago napailing na lang. Sadyang matigas ang ulo ni Lola Castillon at tunay na hindi niya ikinatutuwa iyon. Sa huli ay pinili na lamang niyang unawain ang kapritso nito.
"O, bakit natahimik ka riyan?" ingos ng dalaga. "Huwag mong sabihing isusumbong mo talaga ako at malilintikan ka sa akin! "
Bahaw ang tawang pinakawalan ni Nathaniel bago lumapit pa nang maigi sa mataray na babae. "Sigurado ka bang okay ka lang? Wala ka bang nararamdaman na masakit sa katawan mo, o di kaya ay pagkahilo?" sunod-sunod na tanong niya.
"Sinabi ko na nga na okay lang ako diba! Bakit ba hindi ka makaintindi?!"
"Alright! If you say so,"
Hindi inaasahan ni Lola na pagkatapos ng isang taon ay muling magku-krus ang landas nila ni Nathaniel Montelibano. Kaninang tumilapon siya sa damuhan ay nakaramdam siya ng matinding kaba. Mabuti na lang at medyo makapal ang suot niyang leather jacket at nakapantalon siya kaya walang anumang gasgas na natamo.
"Lola," tawag ni Nathaniel sa kanya.
"Huh?" mahinang tugon niya.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" muli na namang tanong ng binata.
"Ilang beses mo bang itatanong sa akin iyan Nathaniel?"
"Gusto ko lang makasigurado na walang kahit na anong nabaling buto sa katawan mo,"
"Ewan ko sayo!" inis na tugon niya sa binata at pinuntahan ang kanyang motorsiklo. Akmang sasakay na ito roon nang hawakan ni Nathaniel ang kanyang balikat.
"Ihahatid na kita." Hindi iyon pakiusap.
Nilingon ni Lola ang binata at ngumisi.
"Are you sure Montelibano? Saan mo 'ko ihahatid?"
"Sa hacienda n'yo, saan pa ba?"
"Paano mo ko ihahatid? Ano ang gagamitin mo upang ihatid ako? Iyang bulok mong sasakyan?" Tumawa nang malakas si Lola.
"Alam kong mayaman ka, Castillon, pero hindi ako papayag na insultuhin mo ako ng ganyan!" mariin at tiim-bagang na sabi ng binata.
Hindi nakapagsalita si Lola at agad na yumuko. Hindi niya intensyon na insultuhin ang ito, pero iyon lang ang naisip niyang paraan upang mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Kung ayaw mo sa bulok kong sasakyan ay wala akong magagawa."
Nilapitan siya ni Nathaniel at hinawakan ang manibela ng kanyang motorsiklo.
"Teka, anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Ihahatid ka," tugon nito bago sumakay sa kanyang motorsiklo.
"Kaya kong umuwi mag-isa. Hindi naman ako menor-de-edad na kailangang bantayan," protesta niya.
"Alam kong kaya mo, pero hindi kita hahayaang umuwi mag-isa. Wala nang maraming sinasabi, sakay na."
"P-pero," nauutal na kontesta n'ya.
"Aangkas ka ba o ako pa ang magsasakay sa'yo sa motorsiklo mo?" pagbabanta ng binata sa kanya.
"Oo na!" inis na tugon niya. Padabog siyang umangkas sa likod ng motorsiklo.
"Susunod ka rin pala, eh," wika ng binata at pinaandar ang kanyang motorsiklo.
"Ito na nga 'di ba, bakit ang dami mo pang sinasabi?"
"Humawak kang mabuti sa likod ko at baka ika'y mahulog."
"No way!" mabilis niyang tugon sa binata.
"Ikaw ang bahala."
Mabilis na pinatakbo ni Nathaniel ang motorsiklo dahilan upang mapahawak si Lola sa bewang ng binata.
"Ano ba! Pwede bang dahan-dahan naman sa pagpapatakbo?!" galit na wika ni Lola.
"Kumusta ka na, Lola?" sa halip ay tugon ng binata.
"Okay lang ako, Nathaniel. Hindi mo kailangang umasta na parang maganda ang naging simula natin."
Nagkibit-balikat na lamang si Nathaniel at hindi pinansin ang pagtataray ng dalaga.
Hindi maintindihan ni Lola kung bakit bigla- bigla siyang kukumustahin ng binata gayong sa nakalipas na isang taon ay puro kagaspangan ang naging pagtrato nito sa kanya. "Lola, tungkol sa nangyari noong araw na iyon," wika ng binata. "Kalimutan mo na iyon, Nathaniel. Matagal ko nang kinalimutan ang nangyaring iyon," tugon naman niya. "Kinabukasan ay pumunta ako sa mansiyon nyo para humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang sabi ni Don Mattias ay pumunta sa Maynila ng araw na iyon.""Tulad ng sinabi ko'y matagal ko ng kinalimutan iyon."Lumiko pakanan si Nathaniel at nagpatuloy. "Siya nga?""Oo, naghilom na ang latay kaya wag mo nang alalahanin iyon. Bakit ba kasi kailangan mo pang ungkatin ang tungkol doon?"Hindi sumagot si Nathaniel pero dinig ng dalaga ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Aminado si Lola na sa muling pagkikitang iyon ay nagkaroon muli ng epekto sa kanya ang binata. At ang tinutukoy nitong latay ay ang tatlong pilat sa kanyang likod likha ng kanyang sariling latig
Habang tinatanaw ni Nathaniel ang pagtakbo ng dalaga papasok sa loob ng mansiyon ay hindi maiwasan ng binata ang mapailing. Mahirap talaga kapag mga tulad nitong laki sa layaw. "Sabihin mo sa akin Nathaniel, ano nga ba ang dahilan kung bakit kayo magkasama ng aking anak?""Tulad ng sinabi ko kanina ay nagkita lamang kami ni Lola sa bayan. Coincidence.""Alam kong may iba pang dahilan Capitan. Sa nakaraang bakasyon ng aking anak ay alam kong hindi naging maganda ang unang pagkaka-kilala nyo.""Aksidenteng, muntik ko nang mabangga ang anak n'yo at mabuti na Lang at agad na nakabig ni Lola ang manibela. Pagkatapos ay tumilapon siya sa damuhan.""Talagang ang batang iyon! Wala nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko," wika ng Don na bahagyang hinilot ang sentido nito. "Wag kang mag-alala, Senyor, walang kahit na anong bali o gasgas ang anak n'yo. Masuwerte na lamang siya at sa damuhan siya tumilapon kasama ang kanyang motorsiklo," paliwanag ni Nathaniel sa Don. "Nathaniel, hindi l
Kakarating lamang ni Lola, sa Hacienda El Abra ng hapon na iyon nang matanawan niya mula sa balkonahe ng kanilang mansiyon ang grupo ng mga sundalo na naglalakad sa labas ng bakuran ng kanilang hacienda. Ang bahaging nilalakaran ng mga ito ay patungo sa gubat kung saan nandoon din ang pinakahuling bahagi na ng kanilang lupain."Hija, ano ang tinatanaw mo diyan?" narinig niyang tanong ni Don Mattias mula sa kanyang likuran. Sandaling nilingon ng dalaga ang kanyang ama bago muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga sundalong naglalakad. "Wala naman po, Pa. Tinitingnan ko lamang ang mga sundalong naglalakad papasok sa kagubatan kung saan ay huling bahagi na ng hacienda." tugon naman niya.Tumayo sa kanyang tabi ang matanda at saka rin nito dinako ang mga mata sa direksyon na kanyang tinutukoy. Siya naman ang nagtanong sa matanda. "Pa, kailan pa nagkaroon ng sundalo na umaaligid dito malapit sa hacienda?" "Ah, medyo matagal-tagal na rin simula ng may mga sundalong pumapasok sa loob
Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na si Lola. Saglit na pinagmasdan niya ang paligid ng hacienda mula sa balkonahe ng kanyang silid. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang pang-umagang ihip ng hangin at saglit na ipinikit ang mga mata. Napangiti siya pagkatapos ay dali-daling muling pumasok sa kanyang silid at mabilis na nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ay lumabas siya sa pinto ng banyo at agad na binuksan ang kanyang cabinet upang kumuha ng damit. Mabilis niyang isinuot ang puting long sleeves na tinernohan niya ng isang maong na pantalon pagkatapos ay ipinaloob niya ang laylayan ng kanyang long sleeves sa loob ng kanyang pantalon. At dahil mangangabayo siya'y isang itim na boots ang kanyang isunuot pagkatapos ay bumaling siya sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang itsura. Pinasadahan na rin niya ng suklay ang hanggang balikat na buhok at pagkatapos ay itinali ito nang sa gayon ay hindi maging sagabal kapag mabilis na niyang pinapatakbo si Wind
Bilisan mo pa,Windy!" sigaw niya sa kanyang kabayo.Isa lang ang pinakapaborito niyang pinupuntahan kapag nasa hacienda siya. Ang pinakadulong bahagi ng hacienda el abra, kung saan naroon ang isang tagong sapa. At doon sila patutungo ngayon ni Windy, na alam niyang matutuwa rin ito tulad niya. Habang mabilis ang pagtakbo ng kanyang kabayo ay unti-unti na niyang natatanaw ang kagubatang nais niyang puntahan."Malapit na tayong makarating sa paborito nating lugar Windy" pag-kausap niya sa kanyang kabayo na mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa pinakadulong bahagi ng kanilang Hacienda. Patalon na bumaba si Lola, sa kanyang kabayo at sandaling hinimas ang likuran nito."Alam kong sabik ka rin sa lugar na ito Windy," wikz niya sa kabayo.Humalinghing naman ito na tila ba nauunawaan ang kanyang sinabi pagkatapos ay tumalon-talon ito.Napahalakhak ang dalaga dahil sa ginawang iyon ng kanyang kabayo. Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang halakhak

Napangiti si Lola habang mabilis na pinapatakbo ni Lola ang kanyang bagong biling KLX 140G. She traded her second hand civic and bought that bike to be her new baby. Sigurado siyang abot-langit ang galit ng kanyang ama kapag nakita siya nito mamaya. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo habang panay ang tingin sa mga kapwa niya biyahero. Pakiramdam niya ay hawak niya ang mundo habang pinapaspas ng karipas ang motor. At ang kaalamang mas magaling pa siya magmaneho kaysa sa mag ito ay lalong nagdulot ng matinding kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang babae ang driver niyon kung ang suot ay white t-shirt na pinatungan niya ng leather jacket at isang faded ripped jeans, boots naman ang kanyang panapin sa mga paa. Masigasig niyang pinaharurot ang motor at nilagpasan ang ibang sasakyan. Ilang sandali lang ay narating niya Tangadan tunnel kung saan papasok ito patungong Bangued. Pinili niyang lumiko sa one way sa pag-aakalang walang makakasalubong na ibang motor