Walang mapag-sidlan ang kaligayahan sa puso ni Keirah. Hanggang sa bahay ay hindi niya maiwasang kiligin. Habang naliligo, nakangiti siya. Kumakain, nakangiti siya. Kahit nga sa pag-tae, nakangiti siya. Mababaliw na siya sa tuwa. Nag-yes ba talaga siya kay Davidson? Formal proposal na lang ba ang kulang? Hindi na siya tuloy makapag-hintay na mag-propose ang binata. Eh kung siya na lang kaya ang mag-propose dito? Nangingiti na naman siya sa ideya. Hays, kinikilig talaga siya, ano ba?! "Keirah, heto na ang mga damit mo," pukaw ni Yaya Lolly sa pagde-daydream niya. Pumasok ito sa kwarto niya na may dala-dalang basket na may laman na malilinis ng damit. "Sige yaya, ako na mag-aayos. Labhan ko kaya ulit," alam niyang wala siya sa sarili nang sabihin niya yun. Natutuwa lamang talaga siya. "Ano? Naloloka ka ba? Malinis na yan ah," nakapamewang na wika ng Yaya. Hindi niya ma-gets ang alaga. "Kumain lang kayo ng kumain, Yaya. Ako na mag-huhugas," nakangiting nagpagulong-gul
Natapos ang kwentuhan nilang dalawa. Wala naman siyang masyadong ganap kaya naisipan niya na lang mag-shopping at pumunta ng salon. Tutal next day pa naman ang next meeting nila ng client niyang si Mrs. Liu. Makikipag-laro din sana siya kay Matmat, but unfortunately, nasa school ang bata. "Ma'am, treatment only?" tanong ng staff ng salon. "Hmm what if, mag-pagupit kaya ako, above shoulder," aniya at nangisi sa ideyang pumasok sa isip. "Hala ma'am, kay-haba na po ng buhok niyo. Sayang naman po," pigil ng barbera sa kanya. "Hmm, sige." Hindi ito maaari, nabo-bored lang siya. Inilihis ni Keirah ang isipan para mawala sa isipan ang mag-pagupit. But several minutes later... "Woah, ang ganda mo naman pala, Ma'am kapag short-haired." Sinisipat-sipat niya na ang sarili sa salamin at namamangha na sa kanyang 'new look'. 'You can't defeat your boredom' sermon niya sa sarili. Pero okay na rin yun, parang bumata siya ng five years, haha. Ganito ang gupit niya nang magkak
"Hmm, may problema ba? Tulala kayong dalawa?" natatawang ani Keirah habang papasok sa opisina ni Davidson. Para naman kasing nakakita ng multo ang dalawang lalake kung titigan siya. Dahil ba sa new look niya? Nagagandahan ba sila sa kanya? 'Hays ako lang 'to!' "W-what are you doing here?" tanong agad ni Davidson nang lumapit sa kanya ang lalake. Hinawakan nito ang kamay niya saka giniya siya sa couch. Uupo sana ang dalaga sa tabi ni Alexander ngunit pumagitna si Davidson sa pagitan nila. "Well, gusto ko lang sana kamustahin ka," ani Keirah at hindi na pinansin ang naramdamang tensyon sa pagitan ng mag-kapatid. "Really? Okay lang naman ako," tipid na sagot ng binata. Napansin ni Keirah ang katahimikan ng dalawa ngunit binalewala niya na lang yun. Ang hinihintay niya ngayon ay ang compliment ni Davidson sa new look niya. Sa laki ng pinutol sa buhok niya'y imposible namang hindi pa napansin ng binata yun. 'Kainis' Nakakailang na ang katahimikan ng paligid. Sumulyap s
"STACY?!" "Keirah?!" maging si Stacy ay nagulat nang makita siya. Nanlalaki ang mga nitong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Alexander. "Bakit kayo mag-kasama?" "Stacy, what are you doing here?" -si Alexander ay napatayo sa kinuupuan. Hindi niya lubos-maisip kung bakit napadpad ang dalaga sa bar niya. Iniwan niya na nga ito sa bahay nila, sinundan pa talaga siya. "Do you know each other?" tanong ni Keirah at kay Alexander ang tingin. Nagpamewang si Stacy at tiim ang panga na sila'y tinitigan. "Huh, kaya pala bigla ka na lang umalis, Alex. Ano mo ba siya?" Natigilan si Keirah sa inasta ng babae. Pagseselosan ba siya nito? May attitude pala itong tinatago. Ang pinagtataka niya lang ay bakit magkakilala ang dalawa. "We're just friends," si Keirah na ang sumagot. Mesdyo hindi niya nagustuhan ang matabil nitong dila. "Eh bakit dalawa lang kayo? Is it posible to circle of friends na dalawa lang at opposite sex pa?" pagtataray pa rin ni Stacy. "Stacy, 'wag mo ng itu
"Ano naman pong favor?" kunot-noong tanong ni Yuki na medyo nagtataka. "Just take a picture," inabot ni Cassidy kay Yuki ang camera na palagi niyang dala. Nagtatakang tinitigan ni Yuki yun. Ano na naman bang kalokohan ang pinaplano nitong amo niya? Iiling-iling na lamang na inabot ni Yuki ang camera. Natigilan siya nang lumakad papalapit si Cassidy sa direksyon ni Davidson. Abala ang binata sa pagtingin ng jewelries. ~~ "Hi Dave. How are you?" Bahagyang nagulat si Davidson sa biglang pag-sulpot ni Cassidy sa tabi niya. Inangkla rin nito ang braso sa braso niya. Agad din naman siyang nakabawi at nginitian ang dalaga. "Cassidy, anong ginagawa mo rito? Get your hands off me, baka may makakita sa atin. Mag-viral pa," nakatawang paalala ni Davidson sa nakababatang kaibigan. Ngumuso ang dalaga at tila nag-pacute pa sa kanya. "Hmp, ano naman kung mag-viral?" "Cassidy-" "Okay, I got it," inalis ng dalaga ang braso sa kanya saka tinaas na para bang sumusuko. "So, what are
Ilang beses pang pinasadahan ng basa ni Keirah ang link na pinakita ni Melanie sa kanya. “Is this real? Ikakasal na si Cassidy? With whom?” takang tanong ni Keirah sa mga kaibigian. ‘Who is this mysterious guy na ikakasal sa ating Queen, Cassidy Ramirez?’ Yan ang naka-sulat sa front page ng link. Dahil sa kuryusidad na namuo sa kanila, binuksan nila yung link para lang magulat sa mga nilalaman nun. “Besh, si sir Dave ‘to, diba? Totoo ba ‘to?” dahan-dahan ang pag-lingon ni Melanie kay Keirah. “Oo nga. Pero imposible yan,” hindi makapaniwalang reaksyon naman ni Eunice. Habang si Keirah ay nanginig ang mga kamay at muntik pa niyang mabitawan ang cellphone ni Melanie. Malinaw pa sa tubig ng batis itong nakikita niya. Si Davidson yun, hindi naman siguro nagsisinungaling ang nag-upload ng link na ito. Kitang-kita ng dalawang mata niya at kilalang-kilala niya ang bulto ni Davison kahit ano pang anggulo. Makikita sa mga leaked photos si Davidson na nakatayo kaharap si Cass
"Sandra, cancel all my schedule for today. Hindi ka rin tatanggap ng appointment. Maliwanag ba? I'll take an off." "Y-yes sir," kumahog si Sandra na umalis para sundin ang utos niya. Kailangan niyang ayusin 'to. Hindi siya mapapakali hangga't nasa internet ang kumakalat na link. He's so frustrated. Nakukuyom niya ang mga palad na para bang kapag nalaman niya kung sino ang nag-pakalat ng lintik na link na yun, baka hindi lang suntok ang magawa niya rito. "Who the fućk did it?" he said while clenching his teeth. Malaman niya lang talaga kung sino ay may kalalagyan talaga sa kanya. Bumalik siya sa loob ng office niya at hinagilap ang cellphone sa loob ng coat na suot. Nang mahanap, agad niyang ni-dial ang number ni Keirah. Hindi niya alam kung nakarating na sa dalaga ang fake news. Pero malamang sa malamang ay alam na nito ang tungkol do'n. "Keirah, please answer your phone," usal niya nang nakaka-ilang dial na siya ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Muntik pa
Gusto niya lang naman ang mapag-isa ngunit tila ayaw sumang-ayon sa kanya ng pagkakataon. Lalo na at kasunod lang pala ng kotse ni Alexander ang kotse ni Davidson. Kita ng dalaga kung paano nag-madaling bumaba ang dalawa sa kani-kanilang kotse. Si CJ naman ay humakbang palapit sa tabi niya, nabigla pa siya ng hawakan ng binata ang kamay niya. “Keirah,” ani Davison habang papalapit sa kanya. Kasunod nito si Alexander. “Keirah, I have something to tell you.” Tahimik lang ang dalaga habang nakikinig kay Davidson. “Yung kumakalat na link, that’s not true.” Bakas sa mukha ni Davidson ang pag-aalala na baka hindi siya maniwala. Todo explain ang lalake sa kanya. Kesyo hindi naman daw nito gagawin ang mag-propose kay Cassidy at siya raw ang mahal nito. “Davidson, tama na. Nasaktan mo na siya-” “Huwag kang maki-sali dito, Alexander!” gigil na sigaw ni Davidson. Frustrated na nga siya sumasabay pa talaga ito. Ngunit hindi rin nag-patalo si Alexander kay Davidson. “Totoo nam
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah
"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa
Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag
"Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L