"Hmm, may problema ba? Tulala kayong dalawa?" natatawang ani Keirah habang papasok sa opisina ni Davidson. Para naman kasing nakakita ng multo ang dalawang lalake kung titigan siya. Dahil ba sa new look niya? Nagagandahan ba sila sa kanya? 'Hays ako lang 'to!' "W-what are you doing here?" tanong agad ni Davidson nang lumapit sa kanya ang lalake. Hinawakan nito ang kamay niya saka giniya siya sa couch. Uupo sana ang dalaga sa tabi ni Alexander ngunit pumagitna si Davidson sa pagitan nila. "Well, gusto ko lang sana kamustahin ka," ani Keirah at hindi na pinansin ang naramdamang tensyon sa pagitan ng mag-kapatid. "Really? Okay lang naman ako," tipid na sagot ng binata. Napansin ni Keirah ang katahimikan ng dalawa ngunit binalewala niya na lang yun. Ang hinihintay niya ngayon ay ang compliment ni Davidson sa new look niya. Sa laki ng pinutol sa buhok niya'y imposible namang hindi pa napansin ng binata yun. 'Kainis' Nakakailang na ang katahimikan ng paligid. Sumulyap s
"STACY?!" "Keirah?!" maging si Stacy ay nagulat nang makita siya. Nanlalaki ang mga nitong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Alexander. "Bakit kayo mag-kasama?" "Stacy, what are you doing here?" -si Alexander ay napatayo sa kinuupuan. Hindi niya lubos-maisip kung bakit napadpad ang dalaga sa bar niya. Iniwan niya na nga ito sa bahay nila, sinundan pa talaga siya. "Do you know each other?" tanong ni Keirah at kay Alexander ang tingin. Nagpamewang si Stacy at tiim ang panga na sila'y tinitigan. "Huh, kaya pala bigla ka na lang umalis, Alex. Ano mo ba siya?" Natigilan si Keirah sa inasta ng babae. Pagseselosan ba siya nito? May attitude pala itong tinatago. Ang pinagtataka niya lang ay bakit magkakilala ang dalawa. "We're just friends," si Keirah na ang sumagot. Mesdyo hindi niya nagustuhan ang matabil nitong dila. "Eh bakit dalawa lang kayo? Is it posible to circle of friends na dalawa lang at opposite sex pa?" pagtataray pa rin ni Stacy. "Stacy, 'wag mo ng itu
"Ano naman pong favor?" kunot-noong tanong ni Yuki na medyo nagtataka. "Just take a picture," inabot ni Cassidy kay Yuki ang camera na palagi niyang dala. Nagtatakang tinitigan ni Yuki yun. Ano na naman bang kalokohan ang pinaplano nitong amo niya? Iiling-iling na lamang na inabot ni Yuki ang camera. Natigilan siya nang lumakad papalapit si Cassidy sa direksyon ni Davidson. Abala ang binata sa pagtingin ng jewelries. ~~ "Hi Dave. How are you?" Bahagyang nagulat si Davidson sa biglang pag-sulpot ni Cassidy sa tabi niya. Inangkla rin nito ang braso sa braso niya. Agad din naman siyang nakabawi at nginitian ang dalaga. "Cassidy, anong ginagawa mo rito? Get your hands off me, baka may makakita sa atin. Mag-viral pa," nakatawang paalala ni Davidson sa nakababatang kaibigan. Ngumuso ang dalaga at tila nag-pacute pa sa kanya. "Hmp, ano naman kung mag-viral?" "Cassidy-" "Okay, I got it," inalis ng dalaga ang braso sa kanya saka tinaas na para bang sumusuko. "So, what are
Ilang beses pang pinasadahan ng basa ni Keirah ang link na pinakita ni Melanie sa kanya. “Is this real? Ikakasal na si Cassidy? With whom?” takang tanong ni Keirah sa mga kaibigian. ‘Who is this mysterious guy na ikakasal sa ating Queen, Cassidy Ramirez?’ Yan ang naka-sulat sa front page ng link. Dahil sa kuryusidad na namuo sa kanila, binuksan nila yung link para lang magulat sa mga nilalaman nun. “Besh, si sir Dave ‘to, diba? Totoo ba ‘to?” dahan-dahan ang pag-lingon ni Melanie kay Keirah. “Oo nga. Pero imposible yan,” hindi makapaniwalang reaksyon naman ni Eunice. Habang si Keirah ay nanginig ang mga kamay at muntik pa niyang mabitawan ang cellphone ni Melanie. Malinaw pa sa tubig ng batis itong nakikita niya. Si Davidson yun, hindi naman siguro nagsisinungaling ang nag-upload ng link na ito. Kitang-kita ng dalawang mata niya at kilalang-kilala niya ang bulto ni Davison kahit ano pang anggulo. Makikita sa mga leaked photos si Davidson na nakatayo kaharap si Cass
"Sandra, cancel all my schedule for today. Hindi ka rin tatanggap ng appointment. Maliwanag ba? I'll take an off." "Y-yes sir," kumahog si Sandra na umalis para sundin ang utos niya. Kailangan niyang ayusin 'to. Hindi siya mapapakali hangga't nasa internet ang kumakalat na link. He's so frustrated. Nakukuyom niya ang mga palad na para bang kapag nalaman niya kung sino ang nag-pakalat ng lintik na link na yun, baka hindi lang suntok ang magawa niya rito. "Who the fućk did it?" he said while clenching his teeth. Malaman niya lang talaga kung sino ay may kalalagyan talaga sa kanya. Bumalik siya sa loob ng office niya at hinagilap ang cellphone sa loob ng coat na suot. Nang mahanap, agad niyang ni-dial ang number ni Keirah. Hindi niya alam kung nakarating na sa dalaga ang fake news. Pero malamang sa malamang ay alam na nito ang tungkol do'n. "Keirah, please answer your phone," usal niya nang nakaka-ilang dial na siya ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Muntik pa
Gusto niya lang naman ang mapag-isa ngunit tila ayaw sumang-ayon sa kanya ng pagkakataon. Lalo na at kasunod lang pala ng kotse ni Alexander ang kotse ni Davidson. Kita ng dalaga kung paano nag-madaling bumaba ang dalawa sa kani-kanilang kotse. Si CJ naman ay humakbang palapit sa tabi niya, nabigla pa siya ng hawakan ng binata ang kamay niya. “Keirah,” ani Davison habang papalapit sa kanya. Kasunod nito si Alexander. “Keirah, I have something to tell you.” Tahimik lang ang dalaga habang nakikinig kay Davidson. “Yung kumakalat na link, that’s not true.” Bakas sa mukha ni Davidson ang pag-aalala na baka hindi siya maniwala. Todo explain ang lalake sa kanya. Kesyo hindi naman daw nito gagawin ang mag-propose kay Cassidy at siya raw ang mahal nito. “Davidson, tama na. Nasaktan mo na siya-” “Huwag kang maki-sali dito, Alexander!” gigil na sigaw ni Davidson. Frustrated na nga siya sumasabay pa talaga ito. Ngunit hindi rin nag-patalo si Alexander kay Davidson. “Totoo nam
Chapter 1: “Dad, I’m so messed up right now. I think I need your help,” he sighed while talking to his father’s grave. He was currently talking to his father's grave when one of his personal bodyguards approached him. “Did you find him?” he asked. “No, sir. But we received a flight history and he’s now leaving to Tokyo” “ANO? Pumunta kayo ngayon din sa airport!” nagmamadali niyang utos. “Pero sir, isang kotse lang ang dala natin. Pa’no po kayo?” Davidson took a deep breath before he spoke. Kapag talaga nakalayo ang Uncle niya ay humanda talaga sa kanya ang bodyguard niyang tanong nang tanong. “‘Wag nyo ‘kong alalahanin. Just go and hurry before it’s too late” Ngunit hindi nakinig ang bodyguard niya at iniwan pa din nito ang kasama para samahan siya. Napapailing na lamang si Davidson. Nang makaalis ang bodyguard ay siya at ang isa pang bodyguard nalang ang naiwan sa private cemetery na yon. Muling tiningnan ni Davidson ang lapida ng Daddy niya. ‘Rogelio M
KINABUKASAN,, tanghali na ng magising si Davidson. Hindi siya nakatulog sa kakaisip ng napag-usapan nila ng ninong Salvador niya at ang kagustuhan nitong pakasalan niya ang anak nito. ‘What was her name, again? Akira?’ Nakatitig si Davidson sa salamin ng banyo niya. Naalala niya ang sinabi ng ninong niya na hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Well, bakit nga ba kailangan pa ng girlfriend ang isang Davidson Montevella? Nasa kanya na ang lahat. Masaya na siya bilang CEO of Montevella Corp. Ang Montevella lang naman ang pinakamalaking Business Industry sa bansa. Ang Montevella Corp. din ang nagmamay-ari ng mga expensive cars na binebenta ng billion sa loob at labas ng bansa- Ang Neon Sports Cars. Napabuga na lang sa hangin ang binata. Sa kabila pala ng karangyaan niya sa buhay ay malungkot pa din siya. Ten years ago ng bawian ng buhay ang Daddy niya sa sakit nitong lung cancer. Naiwan siyang mag-isa na dala-dala ang responsibilidad bilang isang Montevella. Never siyan