Mark your calendar. Tonight, on the first full moon of the year, I will marry my bestfriend's widow.
Iginala ko ang aking paningin. Mula sa mga sanga ng matatayog na mga puno ay nakalambitin ang mga puting paper laterns. Sa ibang bahagi ng mga sanga ay mayroong nakalambitin na LED lights na lalong nagpaganda sa disenyo ng paligid. Kung titingnan ito mula sa malayo ay tila nagmumukha itong mga alitaptap na aandap-andap.
Kung tutuusin ay malalim na ang gabi ngunit maliwanag ang paligid dahil sa mga nakahilera na kalalakihan na unipormado ng itim na tuxedo. May hawak ang bawat isa sa kanila na malalaking torch. Para silang mga estatwa sa kanilang kinatatayuan at tila nagsilbi silang bakod sa venue. Artipisyal ang mga hawak nilang torch, tila kahoy ang disenyo ng handle nito. Naglalabas iyon ng light effect na tila nagmumukhang tunay na apoy.
Infairness, magaling pumili ng lugar ang aking groom. Kahit nasa gitna kami ng gubat ay malawak naman ang espasyo. Nasa higit dalawang daang katao ang bisita. Napanindigan naman ang forest wedding na tema ng kasal. Gawa sa kahoy ang mga mahabang upuan na may sandalan. Napapalamutian iyon ng artipisyal na dahon at bulaklak na lalong nakadagdag ng ganda sa paligid.
Infairness ulit sa groom. Mukhang hindi siya kuripot dahil halatang pinagkagastusan nng husto ang kasal. Venue pa lang ay pak na pak na.
I started walking with confidence. Why not? I am wearing the most expensive gown in town. Isa itong off shoulder ballgown wedding dress. Simple lang naman nang disensyon kung tutuusin per napapalamutian ito ng white gems na nagpamahal nang husto sa gown. Maging ang suot kong accessories ay mayroong diyamanteng bato.
Totoo nga yatang napakayaman ng lintek!
Sabagay, hindi na ako magtataka. Sa labing-dalawang beses siyang nabyudo, tiyak na kinamkam niya ang ari-arian ng dati niyang mga asawa. Ayon pa naman sa nakuha kong impormasyon, pawang galing sa mayayaman at kilalang pamilya ang mga ito. Ayon sa record, taon-taon ay lalong yumayaman ang damuho.
Smells fishy. Doon palang, mukhang pwede na siyang magkaroon ng motibo para gumawa ng krimen.
Nang tumapat ang aking paa sa tapat ng arko na may disensyong twigs, artipisyal na dahon at bulaklak ay nagsimula ring umugong ang tunog ng trumpeta. Ilang sandali lamang ay pumailanlang na ang malamyos na tunog mula sa piano at violin.
Gaya ng mga lalaking nakahawak ng torch ay unipormado rin ng kulay itim na tuxedo ang mga musikero.
Wedding in the middle of a forest.
Weird kung weird, pero kahit papaano naman ay maganda ang ginawa ng event organizer. Labis akong namangha sa kanilang ginawang dekorasyon.
Sa bawat paghakbang ng aking paa sa nakalatag na red carpet ay sumisindi rin ang replika ng buwan na nakahilera sa magkabilang gilid ng carpet.
Nang mapunta ang tingin ko sa dulo ng altar ay natagpuan ng aking mga mata ang lalaking kanina pa nakatitig sa'kin. Nasa six feet ang height nito. Kitang-kita ang matipuno nitong pangangatawan sa suot nitong gray three-piece suit.
Infairness! Kahit sa malayo, mukha pa rin siyang gwapo.
Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay lalo ko siyang natitigan nang husto. Ilang beses ko na ring nakita ang mukha niya pero ito ang unang pagkakataong nakita ko siya nang malapitan.
Lalaking-lalaki ang makapal nitong kilay. Nakakahalina ang mga bilumata nitong kulay abo at ang malantik nitong pilik-mata. Perpekto ang tangos ng ilong nito. Mamula-mula rin ang labi nitong tila kaylambot. Mapapansin rin ang pangahan nitong mukha na lalong nakadagdag sa kanya ng angas.
Sa kakisigan niyang taglay ay pwede na siyang maging bida sa romance movie.
Sayang siya. Sayang na sayang.
Nakakapanghinayang lang ang kagwapuhan niya dahil ang magiging ending ng kwento namin ay ang pagpapakulong ko sa kanya o maaaring ang pagkitil ko sa kanyang buhay.
"Ladies and gentlemen, we are all gathered today to join Oryrius and Loralee as they unite their hearts in the holy matrimony."
Napabaling ako sa pinagmulan ng tinig. Nagmula iyon sa lalaking nakasuot ng brown suit. Matamis ang ngiti nito kasabay ng pagbigkas ng mga salitang binitiwan. Puti na ang bigote nito at nagsisimula na ring makalbo ang bumbunan dahil sa katandaan. Duda ko ay isa itong judge dahil 'di naman siya mukhang pari. Masyadong materyoso ito para maging alagad ng Diyos. Bukod kasi sa gold na relo nito ay mayroon pang malaking singsing sa daliri nitong may malaking bato na kulay moss green. Mukhang katerno ng suot niyang pendant na gano'n din ang kulay ng bato.
Nagsimula ang seremonya ng kasal. Nagpatianod lamang ako sa mga pangyayari. Pinilit kong ngumiti kahit kumukulo ang aking dugo. Nang hawakan ni Oryrius Delacorte ang aking kamay ay pilit kong kinalma ang aking sarili kahit sa totoo lamang ay gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa labis na puot.
"I, Oryrius," Panimula niya dahilan para matuon ang pokus ko sa anong dapat kong sabihin.
"I, Loralee." Walang emosyong kong saad.
Dumako ang tingin niya sa'kin. Kahit nakasuot ako ng belo ay para bang tumagos ang kulay abo niyang mga mata roon. Tila naabot nito ang kasuluk-sulukan ng aking kaluluwa. Para akong nahihipnotismo at para bang kusang bumuka ang aking bibig upang sabayan siya sa pagsasalita.
"promise to cherish, honor and sustain you, in sickness and in health, in poverty and in wealth. My heart and soul is yours in any circumstances 'till forever."
Nang bumitaw sa'kin ang kanyang mata ay parang bumalik ang sarili kong kamalayan.
"Rings symbolize vows and promises. Ring has no end, it signifies true and never ending love. Oryrius and Loralee, you may now give the ring to each other."
Matamis ang ngiti ng batang lalaki na nasa walong taong gulang ang edad nang lumapit ito sa amin habang tangan-tangan ang hugis pusong kinalalagyan ng singsing.
Buong ingat na hinawakan ni Oryrius Delacorte ang aking daliri at itinapat ang singsing sa aking palasingsingan.
"Loralee, take this ring as a symbol of my wholehearted acceptance to whoever you are and as a reminder of my responsibilities as husband to you."
Walang imik ko namang kinuha ang singsing na para sa kanya at itinapat iyon sa kanyang daliri.
"Oryrius, I give you this ring as a visible symbol of my promises. Take this as I pledge my intention."
My intention of knowing the truth behind Ciara's death and my promise to give her the justice she deserves.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi, ngiting sa kaibuturan ko ay nangangahulugan ng aking totoong hangarin.
Ngunit unti-unting nabura ang aking ngiti nang magtama ang mga mata namin. Tila ba may nakita akong lungkot sa mga mata ni Oryrius Delacorte.
"I will wear it gladly, Loralee. Do whatever you want because from this day, I am entrusting my life and heart to you."
Napakurap ako. Masyadong tagos sa puso ang salitang kanyang binitiwan at ang mga mata nitong tila nangungusap.
Bago pa ako lamunin ng damdaming nakikita sa kanyang mga mata ay nagsalita ang matandang lalaki.
" By the authority vested in me, I now pronounce you, husband and wife. Oryrius, you may now kiss your bride."
Lumakas ang kabog ng aking puso nang lumapit ang mukha ni Oryrius sa aking mukha. Napapikit na lamang ako nang tuluyan niyang sakupin ang aking labi. Panandalian lamang ang paglapat ng mainit niyang labi sa aking labi ngunit tila naiwan ang iyon sa buo kong sistema at pagkatao.
Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ko ang alulong. Tila alulong ng mga aso. Unti-unting nanindig ang aking balahibo. Gumapang ang kilabot sa aking katawan.
Ang creepy.
Bakit naman kasi ngayon pa umalulong ang mga aso?
Awtomatiko akong napalingon kay Oryrius ngunit tila wala naman itong pakialam sa mga alulong. Nakaguhit ang munting ngiti sa kanyang labi habang nakatingala. Nang sundan ko ang kanyang tingin ay tumambad sa aking mga mata ang maliwanag na buwan. Hindi ko maipaliwanag pero tingin ko, mas lumaki ito kaysa sa karaniwan.
Nang tumitig ako roon ay tila nagkaroon ako ng kakaibang enerhiya. Lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang ibayong tapang upang isakatuparan ang aking plano.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Ngayong gabi, magiging saksi ang maliwanag na buwan sa pagsisimula ng aking paghihiganti.
Nang mapunta ang tingin ko sa mga bisita ay nakaguhit ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Tila ba masaya sila. Napaka-ironic lang dahil isa lang naman itong arrange marriage.
Naiiling na hinanap ng aking mga mata si Connor Billiones, ang aking kaisa-isang kakampi.
Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil natagpuan ko siya sa pinakaharap na upuan ng mga guest.
Makikita ang katandaan sa mukha nito dahil nagsisimula nang mangulubot ang kanyang balat. Manipis rin ang buhok nitong kulay kayumanggi. Halatang artipisyal lamang ang kulay no'n upang maitago ang pamumuti ng buhok nito. Gayunpaman ay makikita pa rin ang kakisigan nitong taglay dahil sa matangos na ilong at magandang ngiti. Hindi maikakailang galing ito sa mayamang pamilya dahil sa suot nitong suit na ginawa pa ng sikat na designer.
Nang magtama ang aming mga mata ay gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. Ngisi na tila nagsasabing nagtagumpay kami.
"You're not a Billiones anymore, Loralee." Agad nabura ang aking ngiti. Agad rin akong napatingin sa pinagmulan ng tinig.
Nasalo ng aking paningin ang kanyang kulay abong mga mata.
"Mula ngayon, masanay ka na, isa ka nang Delacorte."
Nang hindi ako umimik ay muli siyang nagpatuloy.
"You're my wife now."
Sinuklian ko siya ng ngiti.
Yes! Finally! I am Oryrius Delacorte's wife now.
"Or it would be better if we all each other as mate."
Marahan na lamang akong tumango kahit hindi ko naiintidihan kung bakit iyon ang gusto niyang endearment.
Sabagay, mas okay na iyon kaysa sa ibang call sign na masyadong cheesy.
So, I am claiming it now. I am now Oryrius Delacorte's mate....
Mate, the thirteenth.
Pabagsak akong nahiga sa malawak at malambot na kama. Suot-suot ko pa rin ang aking wedding gown. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay nanlalata ako. Kung kailan tapos na ang pagtitipon ay saka ko naman naramdaman ang labis na pagod. Nang dumampi sa aking balat ang malamig na hanging nagmumula sa aircon ay tila hinihila nito ang aking mata upang pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagdaloy ng alaala sa aking isipan. "Sigurado ka bang pakakasalan mo siya?" Tumabi ako ng upo sa aking bestfriend na si Ciara. Kaagad rin itong bumaling sa'kin. Kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata. "Mahal ko si Oryrius, Lee." "Madami namang iba diyan, 'yong binata talaga at hindi biyudo." No comment ako sa lahat ng naging karelasyon ni Ciara noon ngunit iba ngayon ang usapan. Hindi ko natiis na isatinig ang aking gustong sabihin. "Hindi masamang mag-asawa ng biyudo kung kasing gwapo, hot at yaman ni Oryrius Delacorte." Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "At napakasuwerte
"Ano bang pinagsasabi mo? Siyemre hindi noh." Mabilis kong bulalas. Pinilit kong itinago ang kabang aking nadarama. Mukhang malakas ang radar ng damuho. Dapat siguro igihan ko ang pag-arte. Baka mamaya ay mahalata niya ako. Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwedeng mapurnada ang plano namin. "Alam mo, masyado kang nag-a-assume ng mga bagay-bagay. Joke lang naman 'yon. At saka may sinabi ba akong killer ka?" Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tila hindi siya kumbinsido. Napatikhim na lang ako. "Pakakasalan ba kita kung killer ang tingin ko sa'yo?" Wala na akong choice kundi echosin siya. Mahina naman siyang napabuntong-hininga. Ngunit hindi naman siya umimik kaya naman sinamantala ko iyon upang ibahin ang usapan. "I'll just change my clothes." Kaagad na rin akong tumayo at bumaba sa kama. Binilisan ko talaga kilos ko upang huwag na siyang makaangal pa. Kulang na lang ay mag-transform ako bilang si 'the flash'. Kandatalisod tuloy ako dahil sa pagkata
Mind reader ba si Oryrius Delacorte? Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Napakurap-kurap ako. Hindi kaya alien siya? O baka naman isang maligno? Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius. Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya. Napailing na lamang ako. Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko. Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.
Naguguluhan ako. Ba't naman gano'n? Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa? Anong pwedeng dahilan niya? I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan. O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto. Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa. Tama! Maghihintay pa ako ng konti. "Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan. "Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "May problema po ba?" Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti. "Wala po. Ayos lang po ako.
"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r
"Hintayin niyo po ako." Mabilis kong saad. "Po?" Tila 'di makapaniwala si Helper Sabel sa narinig. "Hintayin niyo po ako hanggang sa makalabas ako rito." Muli kong saad habang taranta kong isinusuot ang underwear ko. Wala akong narinig na respond sa kanya kaya lalo kong minadali ang pasusuot ng damit ko. "Ate Sabel?" Muli kong tawag sa kanya habang sinusuot ang bestida ko. "Lady?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig niya. Akala ko ay iniwan na niya ako. "Wait lang po saglit." Nang tuluyan kong maisara ang zipper ng bestida ko ay mabilis kong binuksan ang pinto. Kaagad namang bumungad sa'king paningin si Helper Sabel na nakatayo sa labas ng banyo na tila naghihintay. "Nandito na ako." Ginawaran ko siya ng ngiti kahit para akong dinaanan ng delubyo. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko at idagdag pang hindi pa ako nakakapagsuklay. Laking pasasalamat ko na hinintay niya ako. Mabuti na 'yong kasama ko siyang lumabas. Baka nandito pa sa loob ng kwarto si Oryri
Chantelle Cordova. Umugong sa isipan ko ang pangalang iyan. Ilang sandali ko pang tinitigan ang naka-imprentang pangalan bago dumako ang tingin ko sa iba pang information na nasa laptop. Infairness, pangalan pa lang, pang malakasan na. At tunog maganda rin. Umayos ako ng upo sa kama habang titig na titig sa laptop na nasa ibabaw ng unan at nakapatong sa kandungan ko. Tahimik kong binasa ang laman ng dokumento. Chantelle Roxas Cordova, or also known as Elle Cordova was born on August 28, 1996. She is a popular singer in the Philippines. She came from a wealthy family and she is the only heiress of Corvoda family. Matapos kong basahin ang article mula sa USB na bigay sa akin ni Lowell Gonzalo ay hindi ko naiwasang mapaisip. Magkaedaran lang pala kami ng Chantelle Cordova na ito. Pitong araw lang ang tanda ko sa kanya. Muli akong tumitig sa screen ng laptop.As I scroll down, narating ko ang mga photos ni Chantelle Cordova. Hugis bigas ang mukha nitong may singkit na mga mata, ma
"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Paano ako pupuslit?Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin. Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho. Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.Mukha siyang mabait.Sayang at hindi ko siya nakilala.At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.Parang pamilyar siya sa akin .“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.“
“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius. “Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding. “May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko. “It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.” Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius. “So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa. Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba? Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon. Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin. “ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha