Ba't naman gano'n?
Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa?
Anong pwedeng dahilan niya?
I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan.
O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto.
Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa.
Tama! Maghihintay pa ako ng konti.
"Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan.
"Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya.
Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"May problema po ba?"
Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti.
"Wala po. Ayos lang po ako. Magtu-tour pa ba tayo?" Pinilit kong pinasigla ang boses ko.
Marahan naman itong umiling.
"Hindi na po, Lady. Naipakita ko na sa inyo lahat ng pwede niyong makita dito sa mansiyon."
"Hindi po ba talaga pwedeng puntahan ang west wing?"
"Hindi po." Marahan itong umiling.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapanguso. Gustong-gusto ko talagang makita ang west wing at labis-labis rin ang aking kyuryosidad kung anong mayroon doon para ipagbawal ang pagpunta sa bahaging iyon ng mansiyon.
"Curious po kasi ako kung anong hitsura ng west wing eh."
Try lang, baka sakaling maawa siya sa'kin at pagbigyan niya ako.
"Wala naman pong masyadong espesyal doon. Puro kwarto lang po ang nandoon, Lady."
Humakbang ito kaya naman agad na rin akong sumunod.
"Gaano po karami ang rooms doon?"
Nagawa ko siyang masabayan sa paglalakad.
"Labing-dalawa po."
Napahinto ako sa paghakbang dahil sa narinig. Lalo tuloy akong napakunot-noo.
Twelve times na ring nabyudo si Oryrius Delacorte. Nangangahulugang tig-isa roon ng kwarto ang mga dati niyang asawa.
"Ibig sabihin po, wala pong para sa'kin?"
Nang mapunta ang tingin ko sa kanya ay noon ko nalaman na nakahinto rin pala siya at nakatingin sa'kin.
"Nakalaan na po ang west wing para sa mga dating Madam. Wala na pong espasyo doon, Lady. Pagmamay-ari na po nila ang mga silid doon." Malumanay niyang paliwanag. Magaan ang tinig niya, tila ba wala sa hitsura niya ang marunong sumigaw.
"Kung gano'n po, saan po ako mag-i-stay?"
"Hindi ko alam, Lady. Si Master Oryrius lang po ang nakakaalam."
Hindi na ako nakaimik pa nang makita ko ang pagdating ng isang katulong. Nang magtama ang aming mata ay yumukod ito sa'kin bilang paggalang. Matapos iyon ay lumapit ito kay helper Sabel. Sandali itong bumulong sa kanya matapos iyon ay kaagad ring dumako ang tingin sa akin ni Helper Sabel.
"Lady Lora, mayroon daw po kayong bisita."
Awtomatiko namang napakunot ang noo ko.
"Bisita?"
Bago pa makasagot ang kahit sinuman sa kanila ay nakuha ng atensiyon ko ang pamilyar na boses.
"Hi, Lee."
Kaagad akong lumingon sa pinagmulan ng tinig. Bumungad sa'kin ang matangkad na lalaking sakto lang ang body built. Hindi naman siya payat ngunit tila mas matipuno ang pangangatawan ni Oryrius. Singkit ang mata nito. Matangos ang ilong at mamula-mula ang makipot nitong labi. Hanggang balikat ang buhok nitong nakapusod.
Agad nanlaki ang mata ko nang makilala ko siya.
"Lowell? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko napigilang maibulalas.
Lalo namang tumamis ang ngiti nito sa labi.
"Masama bang bisitahin ko ang bestfriend ko?"
Awtomatiko namang napunta ang tingin ko sa dalawang katulong. Nakaalis na ang isa sa kanila at tanging si helper Sabel na lamang ang naiwan.
Nakatayo ito sa 'di kalayuan, tila binigyan kami ng sapat na espasyo para makapag-usap. Gayunpaman ay napraning pa rin ako.
"Halika nga dito." Mabilis kong hinila si Lowell patungo sa veranda na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin.
"Hindi ka dapat nagpunta rito. Baka makita ka ni Rius."
Nagkibit-balikat naman ito.
"Ano naman ngayon kung makita niya ako?" Tila balewalang turan nito.
"Ito naman eh. Alam mo naman ang totoo 'di ba?" Nakasimangot akong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.
Napabuga naman siya ng hangin dahil sa tinuran ko.
"Yes. Kaya nga mas lalong hindi mo ako mapipigil na dalawin ka. Paano na lang kung may gawing masama sa'yo ang kriminal na 'yon?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya gamit ang palad ko. Awtomatiko ring iginala ko ang paningin ko sa paligid kung may iba pang tao roon.
Nakahinga ako nang maluwag nang masiguro kong walang nakarinig sa sinabi niya. Subalit pinandilatan ko siya ng mata.
"Bunganga mo! Baka may makarinig sa'yo."
Marahan niyang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.
"Yucky bes, ang asim ng kamay mo." Nakangiwing turan niya pagkatapos ay pinunas niya ang bibig niya gamit ang palad niya.
"Pasmado kamay mo, lasang suka. Yucky." Tila nadidiri niyang wika.
Tumalim naman ang titig ko sa kanya kasabay ng pag-amoy ko sa palad ko.
"Iww. Amoy bad breath. Nag-tooth brush ka ba bes?" Tila nadidiring ipinunas ko ang kamay ko sa tapat ng balakang ko.
Siyempre sabi ko lang ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko siya gantihan sa sinabi niyang pasmado at amoy maasim ang kamay ko.
"Hoy, sinungaling ka talaga! Ang bango kaya ng hininga ko. Kahit amuyin mo pa oh."
Lumapit siya sa'kin kaya naman awtomatiko akong napaatras at natawa ng malakas.
"Oo na, peace na." Joke ko lang namang may naamoy akong amoy bad breath. Gusto ko lang siyang asarin dahil alam kong inaasar din niya ako.
"Asar much ka eh. Next time kasi huwag mo na lang akong puntahan dito kung 'di ka ready. Dahil siguradong mapipikon ka kang sa'kin." Nakatawang turan ko.
Napabuga naman siya ng hangin. Sumeryoso din ang mukha nito.
"Nag-alaala lang kasi ako sa'yo. Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pa siyang pakasalan."
Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya.
Parang hinaplos ang puso ko sa concern na nakita ko sa kanya ngunit determinado akong alamin ang totoo at bigyan ng hustisya ang kaibigan kong si Ciara."Nasabi ko na sa'yo noon, 'di ba?"
Muli siyang napabuntong-hininga.
"Pwede kang mag-imbestiga kahit hindi mo siya pakasalan."
Pinameywangan ko siya.
"At paano ako makakapasok sa bahay niya, aber?"
Noong una kong sabihin ang plano ko sa kanya ay nagtalo lang kami kaya naman sinikreto ko na lang sa kanya ang kasal. Nag-message lang ako sa kanya at in-inform siya, ilang minuto bago ang seremonya ng kasal.
"May iba pang paraan, hindi ganito. Pinapahamak ko lang ang sarili mo sa ginagawa mo." Ramdam ko ang concern niya ngunit buo na ang loob ko.
"You know what, naisip ko rin noon na may iba pang paraan. Pwede akong mag-apply na katulong niya o kaya kahit anong trabaho na pwede akong mapalapit sa kanya kaso kailan kaya magkakaroon ng hiring? Ito lang ang nakita kong pinakamabilis na paraan. At isa pa, mas okay 'to kasi sigurado talagang mapapalapit ako sa kanya. Malaya akong makakakilos sa loob ng bahay niya."
"Delikado pa rin. Pa'no kung mapahamak ka?"
"Paulit-ulit na lang ba tayo? At saka wala ka bang bilib sa'kin? Marunong naman ako ng martial arts. Marunong din naman akong humawak ng baril. Kaya kong protektahan ang sarili ko."
Nailing ito bago siya napahilot sa kanyang sentido.
"Kahit kailan talaga, matigas ulo mo." Kitang-kita pa rin ang pagtutol sa kanyang mga mata.
"You know what, kung ang sadya mo, i-check kung ligtas ako, pwede ka namang tumawag na lang."
Napabuga ito ng hangin.
"Ikaw talaga. Actually, may isa pa akong sadya."
Bumuntong-hininga ito bago siya humugot sa kanyang bulsa.
"I came here to give you this."
Iniabot niya sa'kin ang isang maliit na parihabang bagay.
"Ano 'to?" Puno ng kyuryosidad kong tinanggap ang iniabot niya sa'kin.
Tila keychain lang ito pero nang titigan ko nang husto ay nalamang kong USB pala ito.
"Nandiyan 'yong mga nakalap ng private investigator na impormasyon tungkol sa mga namayapang asawa ni Oryrius Delacorte."
Tila hinaplos ang puso ko sa narinig. Lantaran ang pagtutol niya sa ginagawa kong pag-iimbestiga ngunit hindi niya pa rin ako natiis.
"Thank you." Parang maluluha ako sa labis na tuwa.
Aside from having Ciara and Uncle Connor, I mean Daddy, I am also very blessed having Lowell Gonzalo in my life.
"Gusto ko na ring matapos na para makaalis ka na rito. Araw-araw akong nag-aalala sa'yo."
"Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Kaya ko ang sarili ko. Hindi lang ako si Maganda, si Malakas din ako." Nakangiting turan ko para kahit papaano ay mawala ang lukot sa mukha niya.
Sandali naman niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang bumalik ang tingin niya sa mukha ko ay saka siya nagsalita.
"Kaya pala hindi ko ma-identify kung lalaki ka ba o babae."
Anong sabi niya?
Tila umusok ang ilong ko sa narinig.
"Anong sabi mo?" Pinanlisikan ko siya ng mata. Humakbang ang paa ko palapit sa kanya ngunit agad naman siyang umatras.
"Joke lang." Nag-peace sign ito habang tumatawa.
Kumuyom ang kamao ko at nakahanda na sana akong sugurin siya ngunit nakuha ng atensiyon ko ang pagtikhim.
Natigil ako at marahang ibinaba ang aking kamao. Awtomatikong napunta ang tingin ko sa pinagmulan ng tikhim.
Bumungad sa'kin ang napakagwapong lalaki na nakasuot ng itim na business suit.
Nang mapunta ang tingin ko sa kanyang mukha ay wala itong kangiti-ngiti.
"Rius." Tila kusang lumabas iyon sa aking labi.
Hindi naman ito umimik. Nanatili ang tingin nito kay Lowell. Gano'n rin si Lowell. Pareho silang walang kaemo-emosyon.
Napatikhim na lang ako.
"Nakauwi ka na pala," turan ko. Ngunit ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nanatili ang atensyon nito sa kaibigan ko.
Tila naman nanuyo ang lalamunan ko. Parang nakaramdam ako ng tensiyon kahit sa simpleng titigan lang nila.
"Lowell, hapon na, hindi ka pa ba uuwi?"
Nakuha ko naman ang atensiyon ni Lowell. Kaagad itong tumingin sa'kin. Lumamlam din ang mga mata nito.
"Sige, aalis na ako. Take care of your self." Marahan niyang hinagod ang balikat ko.
"Sige na, ingat ka sa biyahe. Salamat sa pagbisita."
Tinanguan niya ako bago siya tuluyang humakbang paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Matapos ang ilang hakbang ay muli pa itong lumingon. Binigyan ko na lamang siya ng tipid na ngiti. Hindi ko na rin inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan siyang lumiko ay at mawala sa paningin ko.
"You know him?"
Tila biglang kumabog ang puso ko nang marinig ko ang tinig ni Oryrius. Ngunit nang makahuma ako ay kinalma ko ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.
"Oo. Bakit? Kilala mo rin ba siya?"
"Ofcourse. He is also a known businessman and I've encountered him for many times."
Bago pa ako makaimik ay muli itong nagsalita.
"How about you? Paano mo siya nakilala?"
"He is my bestfriend."
Tinitigan ako nito sa mata na para bang sinuri kung nagsasabi ako ng totoo.
"Nakilala ko siya during college days. Ilang beses ko siyang naging kaklase sa ilang subject."
Totoo naman iyon at wala akong planong itago iyon kay Oryrius. At saka proud ako na gano'n ang naging relasyon namin ni Lowell, from classmates to bestfriend.
"I see. But do you really think you can trust him?"
Awtomatikong napaarko ang kilay ko sa narinig.
Ang kapal din ng mukha niya.
Siya kaya, mukha bang mapagkakatiwalaan?
"Bakit naman hindi? Mabuting tao si Lowell."
Nailing naman ito.
"Hindi ka nakakasiguro, Lora. Maaaring iba ang nakikita mo sa kanya at ang tumatakbo sa isip niya."
Pinameywangan ko siya.
"Anong point mo ngayon? Niloloko niya ako?"
"Yes." Mabilis at buong kumpiyansa niyang sagot. Mariin itong tumitig sa mga mata bago siya muling magsalita.
"Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya, Lora." Muli niyang wika.
Tila tumagos sa kaibuturan ko ang sinabi niya ngunit lakas loob kong sinalubong ang titig niya.
"Kaibigan ko si Lowell. Ilang taon ko na siyang kilala. Sure akong safe ako sa kanya. Hindi-hindi ako mapapahamak sa kanya."
"Hindi ka nakakasiguro. Just a reminder, don't trust easily to people around you."
Napailing na lamang ako.
"Kahit anong sabihin mo, hindi magbabago ang tingin ko kay Lowell."
Matalim ang tingin kong tumalikod at humakbang papasok ng mansiyon.
Nagpupuyos ang damdamin ko dahil sa panghuhusga niya sa kaibigan ko.
Ang kapal ng face ng lalaking 'yon! Palibhasa siya itong hindi dapat pagkatiwalaan.
Napakuyom ako ng kamao.
Masakit sa loob ko ang mga sinabi niya.
Kaibigan ko si Lowell at kilalang-kilala ko na siya.
Balang araw ay malalantad ang katotohan. Sa huli ay lalabas ang kasamaan niya at maisasampal ko sa pagmumukha niya na hindi ako nagkamali sa pagpili kay Lowell bilang kaibigan. Nagkamali siya ng paghusga kay Lowell.
Nanggalaiti akong tumungo sa silid na tinuluyan ko kagabi.
"May araw ka rin sa'kin, Rius!"
"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r
"Hintayin niyo po ako." Mabilis kong saad. "Po?" Tila 'di makapaniwala si Helper Sabel sa narinig. "Hintayin niyo po ako hanggang sa makalabas ako rito." Muli kong saad habang taranta kong isinusuot ang underwear ko. Wala akong narinig na respond sa kanya kaya lalo kong minadali ang pasusuot ng damit ko. "Ate Sabel?" Muli kong tawag sa kanya habang sinusuot ang bestida ko. "Lady?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig niya. Akala ko ay iniwan na niya ako. "Wait lang po saglit." Nang tuluyan kong maisara ang zipper ng bestida ko ay mabilis kong binuksan ang pinto. Kaagad namang bumungad sa'king paningin si Helper Sabel na nakatayo sa labas ng banyo na tila naghihintay. "Nandito na ako." Ginawaran ko siya ng ngiti kahit para akong dinaanan ng delubyo. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko at idagdag pang hindi pa ako nakakapagsuklay. Laking pasasalamat ko na hinintay niya ako. Mabuti na 'yong kasama ko siyang lumabas. Baka nandito pa sa loob ng kwarto si Oryri
Chantelle Cordova. Umugong sa isipan ko ang pangalang iyan. Ilang sandali ko pang tinitigan ang naka-imprentang pangalan bago dumako ang tingin ko sa iba pang information na nasa laptop. Infairness, pangalan pa lang, pang malakasan na. At tunog maganda rin. Umayos ako ng upo sa kama habang titig na titig sa laptop na nasa ibabaw ng unan at nakapatong sa kandungan ko. Tahimik kong binasa ang laman ng dokumento. Chantelle Roxas Cordova, or also known as Elle Cordova was born on August 28, 1996. She is a popular singer in the Philippines. She came from a wealthy family and she is the only heiress of Corvoda family. Matapos kong basahin ang article mula sa USB na bigay sa akin ni Lowell Gonzalo ay hindi ko naiwasang mapaisip. Magkaedaran lang pala kami ng Chantelle Cordova na ito. Pitong araw lang ang tanda ko sa kanya. Muli akong tumitig sa screen ng laptop.As I scroll down, narating ko ang mga photos ni Chantelle Cordova. Hugis bigas ang mukha nitong may singkit na mga mata, ma
"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
Sa west wing. Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon. Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko. Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan? Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso. "Lora." Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit. "I will be attending an important meeting today and I might go home late." Awtomatikong napataas ang isang kilay
Nanginginig ang kamay kong hinugot ang susi sa bulsa ng suot kong short. Nanuyo ang lalamunan ko nang simulan kong subukan ang susing hawak ko. Lumakas ang kabog ng puso ko nang hindi sumakto ang unang susi na napili ko. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa nasundan at muli pang nasundan. "Please naman, makisama ka naman." Butil-butil ang pawis kong nagpalingon-lingon. Sana lang, wala sa mga katulong ang mapadpad dito. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Gano'n na lamang ang kabog ng puso ko nang sumakto ang susi. Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin ko iyon. Tila lalo ring lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ang doorknob at pihitin iyon. "Wala na talagang atrasan 'to, self." Lakas loob kong pinihit ang doorknob at tinulak ang pinto. Sa pagbukas ng pinto, tila ba nag-slow motion ang paligid. Bumungad sa akin ang kadiliman at katahimikan. Napalunok na lamang ako. "Kung sino man po ang may-ari ng room na 'to, sorry na po agad. Pasok p
Tumunog ang sikmura ko. Takte naman! Bakit ngayon pa? Alanganin akong napabaling kay Oryrius Delacorte. Nasalo ng aking mga mata ang magandang uri ng mga mata nito. Argh! Nakakahiya! For sure, narinig niya 'yon. "C'mon, let's have our lunch." Nanatili itong walang kangiti-ngiti kasabay ng pagpapatiuna nito sa paglalakad. Tila balewala sa kanya ang narinig niya kaya naman napasunod na lamang ako sa kanya. Naging tahimik ang tanghalian. Sobrang gutom ako kaya nasa pagkain talaga ang atensiyon ko. Tila balewala naman kay Oryrius kahit mukha akong patay gutom. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap pero nanatili naman siyang no comment. Bahala siya kung gusto niya akong husgahan sa utak niya. Kahit naman maging bad shot ako sa paningin niya, wala akong pakialam tutal ang ending naman namin ay ang pagiging mortal enemy. Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan lang niya ako. Hindi katulad kagabi na sweet-sweetan ang peg niya. Ngayon, kahit isang butil ng kanin ay 'di niya magawang ia
Pupunta kami sa west wing? At ayos lang sa kanya? Sure ba talaga siya? "Pero bago sana tayo mag-tour sa west wing," sandali itong tumigil sa pagsasalita at pinakatitigan niya akong mabuti. "Pwede bang maligo ka muna?" Anong sabi niya? Awtomatikong nanlisik ang mga mata ko. Nanlaki rin ang butas ng ilong ko sa narinig. "C'mon, hindi ka dapat magalit. I am just concern with your hygiene." Mahinahon ang tinig nito at tila wala namang halong pang-iinsulto ngunit hindi pa rin naibsan ang galit ko. "Hoy! Para sa kaalaman mo, kahit hindi ako maligo ng one year, mabango pa rin ako." Panandaliang nangunot ang noo nito pagtapos gumuhit ang pigil na ngiti sa labi nito. "Really, huh?" Tumayo ako sa pagkakaupo at pinameywangan siya. "Kung gusto mo, paamoy ko pa sa'yo kili-kili ko." Nailing naman itong ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Tila ba hindi ito naniniwalang kaya kong gawin iyon. Nagpupuyos ang damdamin kong humakbang palapit sa kanya. Kaagad naman siyang bumaling sa akin. Na
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Paano ako pupuslit?Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin. Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho. Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.Mukha siyang mabait.Sayang at hindi ko siya nakilala.At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.Parang pamilyar siya sa akin .“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.“
“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius. “Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding. “May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko. “It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.” Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius. “So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa. Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba? Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon. Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin. “ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha