Pabagsak akong nahiga sa malawak at malambot na kama. Suot-suot ko pa rin ang aking wedding gown. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay nanlalata ako. Kung kailan tapos na ang pagtitipon ay saka ko naman naramdaman ang labis na pagod.
Nang dumampi sa aking balat ang malamig na hanging nagmumula sa aircon ay tila hinihila nito ang aking mata upang pumikit. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagdaloy ng alaala sa aking isipan.
"Sigurado ka bang pakakasalan mo siya?" Tumabi ako ng upo sa aking bestfriend na si Ciara.
Kaagad rin itong bumaling sa'kin. Kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata.
"Mahal ko si Oryrius, Lee."
"Madami namang iba diyan, 'yong binata talaga at hindi biyudo."
No comment ako sa lahat ng naging karelasyon ni Ciara noon ngunit iba ngayon ang usapan. Hindi ko natiis na isatinig ang aking gustong sabihin.
"Hindi masamang mag-asawa ng biyudo kung kasing gwapo, hot at yaman ni Oryrius Delacorte." Lalong lumawak ang kanyang ngiti. "At napakasuwerte ko dahil ako ngayon ang nasa present niya."
Kitang-kita sa kanyang mga mata ang ligaya ngunit hindi ko pa rin nagawang pigilan ang aking bibig.
"Hindi ka ba natatakot? Eh mukhang isinumpa ang lalaking iyon eh. Lahat ng napapangasawa niya namamatay."
Mahina naman itong humalakhak.
"Ano ka ba! Hindi ako mamatay, bes."
Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit yata magka-world war ay hindi pa rin magbabago ang isip niya.
"Ang ganda mo para mapunta lang sa biyudo."
Wala akong maipipintas sa mukha ni Ciara. Makinis at maputi ang balat nito. Kulay mahogany brown ang buhok nitong straight at tila kay lambot. Bumagay iyon sa hugis puso nitong mukha. Bilugan ang mga mata nito na tila napakainonsenteng tingnan. Matangos ang ilong nito ngunit ang pinakahahangaan ko sa kanya ay ang labi nitong laging may nakahandang ngiti.
"Napakagwapo din naman ni Ory. Hindi ako lugi sa kanya." Nakangiting turan nito.
Napailing na lamang ako. Pag-ibig nga naman talaga, minsan ay nakakatanga.
"Pang-ilang asawa ka niya kung sakali?"
"Twelve." Walang kaabog-abog nitong sagot.
"Woah! Hanep! Ibig sabihin eleven times na siyang nabyudo. Tapos ngayon, mag-aasawa na naman siya ulit?" Hindi ko napigilang mapabulalas.
"Ikamamatay ba niya kung magiging single siya?"
Mahina naman siyang natawa sa naging reaksyon ko.
"Grabe! Kailan ba magsasawa sa pag-aasawa ang lalaking 'yan?" Naiiling kong turan.
"Siguro kapag nasa thirteenth wife na." Nakatawang turan ni Ciara dahilan upang panlakihan ko siya ng mata.
"Hoy!" Mahina ko siyang itinulak sa kanyang braso gamit ang aking balikat. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Kinilabutan ako sa'yo eh!"
Lalo naman siyang natawa.
Aaminin kong tutol ako. Hindi ko gusto si Oryrius Delacorte para sa kaibigan ko pero sa huli ay sinuportahan ko pa rin ang gusto ni Ciara. Kung saan siya masaya, doon ako.
Nagiging judgmental lang siguro ako. Siguro ay may nakita ang aking best friend na hindi ko naa-appreciate. Gano'n naman talaga ang life, kanya-kanyang trip, kanya-kanyang taste. Sa ganitong pagkakataon, ang dapat kong gawin ay respetuhin na lang ang desisyon niya.
Whirlwind romance. Iyon siguro ang tawag sa pag-iibigan nina Oryrius at Ciara. Tatlong buwan pa lamang ang relasyon nila noong magpakasal sila.
Ngunit kung gaano kabilis ang kasalan ay gano'n din kabilis na natapos ang kanilang kwento ng pag-iibigan.
Makalipas ang isang buwan matapos ang kasal nila ay dumating sa'kin ang isang masamang balita.
"Wala na si Ciara, Hija. Iniwan na tayo ng kaibigan mo."
Tila binagsakan ako ng langit. Tila nawasak ang puso ko sa sinabi ni Uncle Connor. Kusang bumuhos ang aking mga luha nang makita ko ang urn jar na nasa harap ng malaking larawan ng aking kaibigan.
"Cia, tell me, t's a joke." Tuloy-tuloy ang aking pagluha. Malinaw ang katotohanang patay na ang kaibigan ko ngunit ilang ulit kong hiniling na sana joke lang ito o 'di kaya ay panaginip lang.
"Anong nangyari, uncle?" Pinunas ko ang aking luha kasabay ng pagbaling ko ng tingin kay Uncle Connor.
"Car accident daw, Hija." Namumugto rin ang mga mata nito. Halatang galing lang din ito sa pag-iyak.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa larawan ni Ciara ay muli na namang tumulo ang aking luha. Para akong sasabog. Parang kahalati ng pagkatao ko ang namatay.
"Hindi totoo 'to." Napailing-iling ako sa gitna ng aking paghikbi.
Naramdaman ko ang marahang paghagod ni uncle Connor sa aking likod. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Iyan ba 'yong bagong asawa ni Oryrius Delacorte?" Natigilan ako sa narinig. Tinig iyon mula sa isang babae. Nang sundan ko ng tingin ang tinig ay nakita ko ang babaeng nasa kwarenta ang edad. Pusturang-pustura ito, halatang galing sa buena familia. May kasama itong babae na hindi nalalayo sa kanyang edad. Maikli lang ang buhok nito. Magkatabing nakaupo ang mga ito sa upuang nilaan para sa m nakikilamay.
Pinunas ko ang luhang nasa aking pisngi. Hindi ko napigilan ang pagtalim ng aking tingin.
"Oo. Isang buwan pa lang daw silang kasal," turan ng isa.
Nakakainis dahil mukhang hindi pakikiramay ang sadya nila kundi chismis.
Life nga naman talaga, kahit saan yata mapunta ay laging may chismosa.
"Oh God! Parang gusto ko na ngayong naniwala sa sabi-sabi na isinumpa talaga ang lalaking 'yon. Lahat na lang ng napapangasawa niya namamatay."
"Isinumpa? O baka naman killer? Hindi mo ba alam? Lahat ng naging asawa niya namatay sa iba't-ibang klaseng aksidente."
Kumabog naman ang dibdib ko sa narinig. Kung kanina ay naiinis ako. Parang ngayon ay gusto kong marinig ang susunod pa nilang sasabihin.
Ngunit bago pa muling umimik ang kahit sino sa kanila ay tumikhim si Uncle Connor Billiones. Tingin ko ay upang makuha ang atensiyon ng dalawa. Nagtagumpay naman ito dahil natigil sila sa pag-uusap. Awtomatiko silang napabaling sa kinatatayuan namin.
Nang makita nilang pareho kaming nakatingin sa kanila ay kaagad silang nag-iwas ng tingin at pasimpleng binago ang takbo ng kanilang usapan. Makalipas ang ilang sandali pasimple silang kumilos upang lumabas.
Nang tuluyang makalabas ang dalawang bisita ay kaagad naman akong napabaling ng tingin kay Uncle Connor. Ngunit bago pa ako makaimik ay umawang ang labi nito at nagsalita.
"Alam mo, Hija, napapaisip rin ako sa totoong sinapit ng anak ko." Sandali itong bumaling sa'kin bago bumalik ang kanyang atensiyon sa urn jar ni Ciara.
"What do you mean, uncle?"
Muli naman siyang bumaling sa'kin.
"Bago mangyari ang aksidente, isang linggo ko siyang hindi makontak. Nang ibalita sa'kin ni Oryrius ang nangyari, nasa crematorium na ang anak ko."
Lalo namang gumuhit ang gitla sa aking noo. Tila sa isang iglap ay umusbong rin ang aking hinala.
"Wala naman akong magawa dahil ayon naman sa medical record, aksidente talaga ang nangyari sa anak ko."
Ginulo ako ng mga isiping iyon. Binagabag ang aking kalooban.
Ano nga ba ang totoong nangyari sa kaibigan ko?
Totoo nga kayang namatay siya sa aksidente? O may foul play na naganap?
I want to know the truth.
I need to know what really happened to her.
Sa loob ng siyam na gabi ng lamay ay nanatili ako roon. Maraming prominenteng tao ang nakiramay. Hindi nga maikakailala kung gaano kayaman ang pamilyang kinabibilangan ng aking matalik na kaibigan. Sa loob ng mga araw na iyon, tatlong beses ko lamang nakita si Oryrius Delacorte. Pumunta siya ngunit hindi ko nakitang lumapit ito sa urn jar.
Lalo tuloy sumidhi ang aking paghihinala.
Bakit parang wala akong makitang sakit sa mga mata nito?
Bakit parang hindi ito nalulungkot?
Asawa niya si Ciara kaya dapat siya ang pinakaapektado.
Ilang araw akong binulabog ng mga isiping iyon hanggang sa tuluyan akong nakapagpasya. Hindi pwedeng wala akong gawin.
"Sigurado ka ba, Hija?" Tila hindi makapaniwala si Uncle sa inilatag kong plano.
"Gusto ko pong malaman ang nangyari kay Ciara, Uncle. At magagawa ko lamang iyon kung mapapalapit ako kay Oryrius Delacorte."
"Pero baka ikaw naman ang mapahamak, Hija." Nakita ko ang concern sa mga mata nito.
"Kaya ko ang sarili ko, Uncle. Don't worry about me."
Alam nitong marunong ako sa martial arts at paggamit ng baril.
"Gustong-gusto ko ring malaman ang totoo, Hija. Nagtatalo sa loob ko kung papayag ako sa plano mo. Para na kitang anak, hindi kakayanin ng konsensya ko kung mapapahamak ka rin."
"Kaya ko ang sarili ko, uncle. Alamin natin ang totoo. Let's do my plan, please."
Nang hindi ito umimik ay muli akong nagsalita.
"Para kay Ciara, uncle."
Ilang sandali itong natahimik, tila nag-iisip. Maya-maya lang ay sunod itong nagpakawala ng buntong-hininga bago siya umimik.
"Okay. Let's do it. Alamin natin ang totoong nangyari sa anak ko."
Gumuhit ang aking ngiti.
"Salamat, uncle."
"Mas madali nating maisasagawa ang plano kung aampunin kita, Hija. Mas madali kitang maipagkakasundo ng kasal kay Oryrius."
And it happened. Sa loob ng isang linggo ay naproproseso ang dapat maiproseso. Madali lamang dahil ulila na ako at lumaki ako sa poder ng mga Billiones. Bukod roon ay ginamit rin nito ang kanyang koneksiyon upang mapadali ang proseso ng lahat.
Sino bang mag-aakalang, magiging isa akong Billiones? Isa lamang akong hamak na ulilang binihisan at pinag-aral nila upang may magbantay kay Ciara sa mga pupuntahan nito.
Naging mabuti sa'kin ang mga Billiones. Isa lang akong alalay ngunit hindi nila ako tinuring na iba. Trinatong nila ako ng tama. Trinato nila ako na para bang parte ng kanilang pamilya.
Umalis lamang ako sa poder ng mga Billiones nang makatapos na ako ng pag-aaral at magkaroon ng matatag na trabaho. Ngunit kailanman ay hindi naputol ang aming ugnayan.
Hindi ko inasahang aampunin ako dahil hindi iyon kasama sa nilatag kong plano. Ngunit mas lalong hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Nang dumating ang anibersaryo ng CB Corp, inianunsiyo ni Uncle na ako na ang susunod niyang tagapagmana. Marami ang nagulat. Umugong ang bulungan sa mga guest. Ngunit wala sa mga bisitang nagbubulungan ang aking atensiyon kundi sa lalaking nakaupo ng mag-isa sa kanyang inuukopang mesa.
Mataman itong nakatingin sa mukha kong nasa malaking LED screen na nasa harap. Blangko ang ekspresiyon ng mukha nito habang tumutungga ng alak. Hindi ko tuloy alam kung anong dahilan niya sa pagtitig sa aking larawan.
Nawala lamang ang atensiyon niya sa harap nang lumapit sa kanya si Uncle Connor or should I say Dad. Magiliw ang ngiti sa kanya ng aking ama-amahan habang nag-uusap sila.
The next day after the party, the good news came. Kumagat si Oryrius sa inihanda naming pain.
Mukhang hayok sa kayamanan ang lalaki. Pumayag ito sa arrange marriage kapalit ng business merging sa pagitan nila ni Uncle Connor.
Tila kaybilis ng mga pangyayari, wala pang isang buwan ay naganap ang kasalan. Si Oryrius Delacorte ang umayos sa lahat. Ang tanging ginawa ko lamang ay maghintay sa araw ng pag-iisang dibdib.
Napamulat ang aking mata nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Ilang sandali lamang ay narinig ko ang mga yabag na papalapit.
Kumabog ang aking puso ngunit pinilit kong huwag magpahalata.
"You should change your clothes. You will not be comfortable sleeping with that attire." Malamyos ang tinig nito.
Duhh! Bait-baitan ang lintek.
Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay napansin kong nakasuot na ito ng kulay gray na ternong pajama.
Napapiksi ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking mga paa.
"What are you doing?" Mabilis akong napabangon. Nang mapunta ang tingin ko sa kanyang mga mata ay nakita ko ang pagkabigla.
"I'm just removing your heels. " Muling dumapo ang kamay nito sa paa ko ngunit tila nakukuryento akong hinila iyon palayo.
"Kaya ko na."
Humalukipkip naman ito. Mataman itong tumingin sa'kin. Bahagyang nagsalubong ang kilay ngunit mukhang hindi naman siya galit.
"Do you have problem with me, my mate?"
Naramdaman ko ang pamamawis ng noo dahil sa kanyang tinuran.
Obvious ba ako?
Napalunok ako.
Hala! Ano ngayon ang sasabihin ko?
"Why do I feel like you are not comfortable with me?"
Pinilit kong ngumiti upang itago ang tensiyon na aking nadarama.
"Normal lang naman siguro na hindi muna ako komportable sa'yo, 'di ba? Ngayon pa lang naman kita nakasama."
Hindi naman ito umimik. Sa halip ay mataman lamang itong tumitig sa aking mga mata dahilan upang mailang ako.
"Huwag ka naman masyadong tumitig, baka mamaya bigla na lang akong bumulagta rito." Biro ko ngunit nanatili namang seryoso ang kanyang mga mata.
Nang umawang ang kanyang labi ay kumabog ang puso ko sa kanyang sinabi.
"Is that what you think of me, a killer?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Siyemre hindi noh." Mabilis kong bulalas. Pinilit kong itinago ang kabang aking nadarama. Mukhang malakas ang radar ng damuho. Dapat siguro igihan ko ang pag-arte. Baka mamaya ay mahalata niya ako. Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwedeng mapurnada ang plano namin. "Alam mo, masyado kang nag-a-assume ng mga bagay-bagay. Joke lang naman 'yon. At saka may sinabi ba akong killer ka?" Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tila hindi siya kumbinsido. Napatikhim na lang ako. "Pakakasalan ba kita kung killer ang tingin ko sa'yo?" Wala na akong choice kundi echosin siya. Mahina naman siyang napabuntong-hininga. Ngunit hindi naman siya umimik kaya naman sinamantala ko iyon upang ibahin ang usapan. "I'll just change my clothes." Kaagad na rin akong tumayo at bumaba sa kama. Binilisan ko talaga kilos ko upang huwag na siyang makaangal pa. Kulang na lang ay mag-transform ako bilang si 'the flash'. Kandatalisod tuloy ako dahil sa pagkata
Mind reader ba si Oryrius Delacorte? Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko? Napakurap-kurap ako. Hindi kaya alien siya? O baka naman isang maligno? Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius. Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya. Napailing na lamang ako. Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko. Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.
Naguguluhan ako. Ba't naman gano'n? Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa? Anong pwedeng dahilan niya? I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan. O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto. Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa. Tama! Maghihintay pa ako ng konti. "Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan. "Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "May problema po ba?" Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti. "Wala po. Ayos lang po ako.
"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r
"Hintayin niyo po ako." Mabilis kong saad. "Po?" Tila 'di makapaniwala si Helper Sabel sa narinig. "Hintayin niyo po ako hanggang sa makalabas ako rito." Muli kong saad habang taranta kong isinusuot ang underwear ko. Wala akong narinig na respond sa kanya kaya lalo kong minadali ang pasusuot ng damit ko. "Ate Sabel?" Muli kong tawag sa kanya habang sinusuot ang bestida ko. "Lady?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig niya. Akala ko ay iniwan na niya ako. "Wait lang po saglit." Nang tuluyan kong maisara ang zipper ng bestida ko ay mabilis kong binuksan ang pinto. Kaagad namang bumungad sa'king paningin si Helper Sabel na nakatayo sa labas ng banyo na tila naghihintay. "Nandito na ako." Ginawaran ko siya ng ngiti kahit para akong dinaanan ng delubyo. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko at idagdag pang hindi pa ako nakakapagsuklay. Laking pasasalamat ko na hinintay niya ako. Mabuti na 'yong kasama ko siyang lumabas. Baka nandito pa sa loob ng kwarto si Oryri
Chantelle Cordova. Umugong sa isipan ko ang pangalang iyan. Ilang sandali ko pang tinitigan ang naka-imprentang pangalan bago dumako ang tingin ko sa iba pang information na nasa laptop. Infairness, pangalan pa lang, pang malakasan na. At tunog maganda rin. Umayos ako ng upo sa kama habang titig na titig sa laptop na nasa ibabaw ng unan at nakapatong sa kandungan ko. Tahimik kong binasa ang laman ng dokumento. Chantelle Roxas Cordova, or also known as Elle Cordova was born on August 28, 1996. She is a popular singer in the Philippines. She came from a wealthy family and she is the only heiress of Corvoda family. Matapos kong basahin ang article mula sa USB na bigay sa akin ni Lowell Gonzalo ay hindi ko naiwasang mapaisip. Magkaedaran lang pala kami ng Chantelle Cordova na ito. Pitong araw lang ang tanda ko sa kanya. Muli akong tumitig sa screen ng laptop.As I scroll down, narating ko ang mga photos ni Chantelle Cordova. Hugis bigas ang mukha nitong may singkit na mga mata, ma
"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
Sa west wing. Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon. Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko. Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan? Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso. "Lora." Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit. "I will be attending an important meeting today and I might go home late." Awtomatikong napataas ang isang kilay
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang
Paano ako pupuslit?Paano ko pupuntahan ang dulo ng Hardin na walang nakakapansin sa akin?Paano at kailan ko gagawin ang plano ko?Iyan ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang malawak na hardin. Sa lawak pa naman nito ay tiyak ay matatagalan ako bago maabot ang dulo.Kaya hindi ko talaga maisip kung paano ko gagawin ang plano.Halos hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras dahil sa kaiisip sa dapat gawin.Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagtingala ko. Sa ginawa kong iyon ay sumalubong sa aking mga mata ang bilog na buwan at hindi ko napigilang mapahanga sa ganda ng nito. Napakalaki nito at napakaliwanag.Hindi ko mawari ngunit nakakahalina ito sa aking paningin.Pasado alas nuebe na rin ng gabi ngunit mag-isa pa rin ako dito sa silid. Wala pa si Oryrius. At maaaring hindi siya makauwi dahil mayroon daw itong aasikasuhin sa negosyo. Mukhang may problema yata ang lintek sa trabaho. Muling napunta ang tingin ko sa hardin.
Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.Mukha siyang mabait.Sayang at hindi ko siya nakilala.At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.Parang pamilyar siya sa akin .“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.“
“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius. “Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin. Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding. “May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko. “It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.” Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius. “So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa. Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba? Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon. Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin. “ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha