“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar
‘‘BILI na kayo! Turon, banana que, at kamote que kayo d'yan! Mainit pa!” malakas na sigaw ni Celine habang tirik na tirik sa lugar kung saan siya nag-bebenta ng kaniyang mga kakanin. Siya si Celine Smith. Pagod man siya sa buong mag-hapon na pagtitinda ng kaniyang mga kakainin ay maging siya mismo ay walang magawa. Si Celine ay nasa edad lamang na labing-walo. Tanging ang kapatid niya lamang ang madalas niyang kasama. Kaya siya disigido na magtrabaho ng halos buong araw. Iyon ay dahil hindi niya ibig na wala siyang maihain para sa kaniyang kapatid na si Marco at lalong hindi niya gugustuhin na mamatay sila sa gutom. Kaya kahit mahirap, nakasawa, at nakakaitim ng katawan ay pinipilit ng dalaga na magtrabaho. Hindi na kasi sila binalikan ng kanilang mayamang Ama habang ang Ina naman nila madalas silang iwan. Dahil sa mga bisyo nito kagaya na lamang ng pagsusugal. Kaya kahit narito ito at kasama sila ay hindi pa rin niya randam ang presensiya nito. Gano’n na lang ’yon kasakit sa dal
KASALUKUYAN na niyang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila ni Marco. Ngunit laking gulat ng dalaga nang makarating na siya sa gitna ng kalsada kung saan ilang layo na lang sa bahay niya. Isang sasakyan ang kaniyang nasaksihan kung saan umuusok ang palibot nito. Hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng pag-aalala at takot. Lalo na’t mayroon siyang narinig na sigaw mula sa loob ng kotse na ito. Boses iyon ng lalaki kung saan wala itong sinisigaw kundi ang tulong. Nanghihingi ito ng tulong at boses pa lamang nito ay bakas na ang sobrang takot. Doon ay mabilis siyang kumilos papalapit sa sasakyan. Hindi na niya naalintana na hawak pa niya ang kaniyang mga paninda nang lumapit siya sa kotse. Nang mapagtanto iyon ng dalaga ay nagmamadali siyang iniwan ito sa gilid ng kotse. “Sir?” iyon ang nasambit ng dalaga matapos niyang maaninag ang katawan nito sa loob ng kotse. “Iha, please help me out of here!” agad nitong tinuran ng makita siya. Dahilan para maituon ni Celine ang kaniyan
NAGISING si Celine matapos niyang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa hospital room ng kapatid niya. Wala siyang inaasahan bisita kaya gano’n na lang kadali nangunot ang noo niya bago humarap dito. “Wala ka ba’ng balak na kuhanan ng damit ang kapatid mo? Maging ikaw ay hindi pa nakakaligo.” “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya, “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginagawa mo. Kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon sa harap mo, Iha.” “Panigurado po, kahit sino naman siguro ang makikita sainyo ay gano’n din ang gagawin. Kaya hindi niyo na po kailangan magpasalamat.” “Hindi lahat, Iha. Lalo na‘t’ isa akong Guiterrez," usal nito at tinignan si Celine. “Mabubuting tao lang ang gagawa no’n at isa ka na ro’n. Puwede mong kunin ang mga pera na nasa loob ng kotse ko ng mga oras na ’yon. Dahil halos nasa harapan ko lamang ang mga iyon at dahil kung ginawa mo ’yon hindi ka sana mag-iisip pa kung saan mo kukunin ang gagastusin mo para sa operasiyon
MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila. Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid. Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila. “Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya. Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco. Hindi kasi niy
“Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. Hinahanap kasi siya ni Marco nang magising ito na wala ito sa tabi niya. “Ate Celine! Nandito ka na!” “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. “Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” “Nakakasawa na po ang hindi kaaya-ayang amoy ng hospital na ’to, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. “Ho? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng
“ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?” Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan. Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya. “Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya. “Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga
“Ate Celine bakit nand’yan na lahat ng gamit natin?” tanong ni Marco. Dahil kasalukuyan nang nakahilera ang mga gamit o bagahe nilang dalawa sa loob ng kuwarto nito. Inasikaso lang naman ’yon ng mga bodyguards na ipinadala sa kanila ni Mr. Guiterrez. Hindi na rin kasi sila maaring umuwi pa o tumuloy sa luma nilang bahay dahil nakatakda na ang flight nila. Kinakailangan na ni Marco sumalang sa operasiyon. Kaya tanging private plane lamang ang sasakyan nila patungo roon. Operasiyon na hanggang ngayon ay ikinatatakutan pa rin ni Celine. Ang daming maaring mangyari sa oras na maganap ’yon. Ini-iexplain na kasi kay Celine ang lahat bago ito pumirma sa papel. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano dahil dito. Kayumpaman, alam niyang nasa kamay ’yon ng kapatid niya at sa desisyon ng diyos. Maging successful man o hindi ang magiging operasiyon nito. Kailangan niya ’yon tanggapin ano man ang mangyari. "Aalis tayo, Marco. Gusto mong gumaling ’di ba? Kaya 'to, kailangan natin u