MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila.
Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid. Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila. “Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya. Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco. Hindi kasi niya ito maari pang-iuwi dahil kinakailangan niyang mag-stay roon hangga't hindi pa nakakasiguro ang mga doctor niya sa lagay ng puso nito. Kailangan pa rin ni Marco ng matinding pagsusuri at maging handa dahil isasalang siya sa operasyon. Kagaya ng iniisip ni Celine– buhay ng kapatid niya ang nakasalalay sa bawat desisyon na tatahakin niya. Kaya kahit hindi biro ang gagastusin niya ay desigido siyang gawan iyon ng paraan. Ito na lang ang meron siya, ang tanging kapatid niya na lamang. Pero hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula. Dahil natapos na niyang bilangin ang lahat ng laman ng alkasiya niya ngunit hindi ito umangkop sa dapat niyang maabot. Mayroon siyang ilang mga nilapitan ngunit hindi pa rin ito sumapat. Lalo't hindi rito sa pilipinas ang inirekomenda ni Doc Santos sa dalaga. Napasabunot siya sa init at frustration. Inis na ibinato ang mga hawak niya. “Ano na lang ang gagawin ko? Kailangan mabuhay ng kapatid ko!” Hindi ito ang bagay na makakapagpasuko kay Celine. 'Yon ang muli niyang itinatak sa isip niya. “Manang Gloria!” pagtawag ni Celine habang patuloy na kumakatok sa bahay ng isa sa mga kapitbahay niya. Mas mabuting may gawin muna bago sumuko. At ito ang naisip niyang paraan. Wala na siyang pakialam sa kung ano`ng iisipin ng mga ito sa kaniya. “Iha, Celine? Ano`ng sadya mo rito?” Napayuko siya sa tanong nito bago Bumuntong-hininga. “Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko. Para rin ito sa kapatid mo, Celine.” bulong niya sa sarili. “Manang Gloria, puwede po ba kayong makausap? Baka puwede po ba akong umutang sainyo? Humiram ng kahit kaunting pandagdag lamang.” usal niya rito. Hawak pa ang kaniyang mga nakaplastic na dalang barya. “Ano iyan, Iha? Para saan ba?” “Si Marco ho kasi inatake na naman po ng hika at ngayon nasa malalang kalagayan.” “Nasaan ba kasi ang nanay niyo? Bakit ikaw ang gumagawa ng mga responsibilidad niya bilang Ina sainyo? Pasensiya na, Iha. Sadyang hindi ko lang maatim na nagagawa niyang sumama sa ibang lalaki samantalang ikaw nagpapakahirap kung saan kukunin ang ipangbabayad mo para sa kapatid mong si Marco.” “Manang Gloria...” “Huwag sana sumama ang loob mo sa akin. Hindi ako nakikisali sainyo. Sadyang naawa ako sa 'yo. Pero paseniya na. Katatanggal lang kasi ng Asawa ko sa trabaho niya. Kaya wala akong maiaabot.” dirediretso na tugon nito bago marahan isara ang pinto kay Celine. Nanghina si Celine sa ginawa nito at walang nagawa kundi ang umalis at sumubok sa ilang kapitbahay niya. “Tignan mo siya, 'yan 'yong anak ni Miana.” Napaangat ng tingin si Celine sa nagkukumpulan ng mga matatandang babae sa isang lamesa. Hawak pa ang mga baraha nito kung saan maraming barya na nakalapag sa mga kani-kanilang harapan. “`Yong masipag na anak na minalas sa Nanay! Aba, akala mo kung sinong suwerte sa sugalan dito! Samantalang hindi naman nananalo sa akin!” Nagtawanan ang mga ito sa harap niya, “Totoo ’yan! Ang balita ko, umalis daw ’yon kahapon! At may nakakita na dala raw ang mga damit niya!” “Baliw ang isang ’yon! Nakapag-asawa lang ng mayaman, yumabang na! Dito pa rin naman umuwi, at ang huli...” pinutol nito ang sasabihin. “Iniwan lang din naman ng lalaki! Pinagyabang pa sa atin!” “Bakit nga ba umalis `yon, Iha?” natatawang tanong nito kay Celine. Muling napatikom kamao si Celine, “Sabagay, saan ba ’yon galing at saan ka ba nabuo?” sarkastikong tanong nito. “Hindi ba...” muli itong ngumisi kay Celine at marahan na hinampas ang balikat nito. “Hindi na ’yon mahalaga, Iha. Mabait ka naman, sadyang ’yong nanay niyo lang ’yong mayabang. Kaya tignan mo, umalis kasi may nahanap na naman na lalaki. Ang alam ko nasa Nueva Ecija siya nakabingwit eh.” “Malupit nga!” muling nagtawanan ang mga ito at bumalik sa pagsusugal. Dahilan para mas lalong makaramdam ng inis ang dalaga. Hindi sa mga ito kundi sa nanay niya. Kung maayos lang ito hindi siya pagchi-chismisan ng mga tao rito ngayon. Nang matapos niyang ikutin ang buong lugar nila ay pumunta na siya ng hospital. Doon ay naabutan niya ang kapatid niyang payapa ng natutulog. Inabot kasi siya ng gabi sa paglilikom ng pera. Mabuti at may ilang nag-abot sa kaniya dahil gusto rin makatulong dahil nakita rin daw nila ang kapatid ni Celine kung gaano ito nahihirapan. May ibang nag-abot na ipapanalangin ito upang gumaling. May ibang nagbigay ng pera kay Celine na lubos niyang ikinatuwa dahil malaking tulong 'yon sa kaniya pero sa ngayon alam niyang hindi pa rin ito sapat. Marahan niyang kinuha ang kamay ni Marco at inalapit ito sa labi niya at mahinang hinalikan. “Lumaban ka, Marco 'ha? Kasi si Ate Celine mo pagod na pero dahil nandyan ka... hindi pa rin susuko si Ate Celine mo lumaban. Kaya please gano'n ka rin ha? Huwag mo akong iiwan. Huwag mo naman iiwan si Ate Celine mo. Hindi mo naman ako iiwan `di ba? Mahal mo ko `di ba at ang mahal hindi `yon iniiwan, Marco.” maluha-luha niyang saad habang nakadikit na sa pisngi niya ang kamay nito. “Sabi mo gusto mo pang makapagkinder. Mag-aaral ka pa, gragraduate ka pa at mangyayari `yon kung hindi ka susuko.” itunuro niya ang puso niya. “Kahit gaano pa kabigat `to.” dagdag niya. “Mamasyal tayo, at lalaki ka pa! Lilibutin pa natin `tong mundo, kaya Marco. Magpapakatatag ka 'ha?” malalim na boses niya at rinig na rinig pa rin ang paghikbi ni Celine. Habang ito ay payapa pa rin na natutulog. Ngunit tila napatigil si Celine dahil narinig niya ang pagbukas ng pinto mabilis niyang pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya. “Nandito ka na pala.” tila nagulat ito. “Ang akala ko magtatagal ka pa, hindi kita tinawagan dahil wala naman paghahanap na nangyari. Napakabait ng bata na `yan napakamaunawain.” seryoso nitong pagkukuwento kay Celine. Dahil dito napansin na ni Celine ang mga galas nito at pati ang pagkakaroon nito ng benda sa ulo. Hindi niya pa pala ito natanong tungkol sa lagay nito. Tumikhim siya, “Kamusta po pala ang kalagayan niyo?” “Mabuti na ang pakiramdam ko nalagyan na rin ng benda ang paa kong napilay sa ipit pero kahit gano'n ay ang sabi ng doctor lilipas din ito at babalik din sa normal. Gano'n din ang sugat ko rito,” Tinuro niya sa dalaga ang ulo niya. “Hindi naman daw ako masiyado napuruhan kaya dapat pa raw ako magpasalamat.” natatawang saad na nito. “Kung gano'n maari na po pala kayong umuwi. Ano pa po pa lang ginagawa niyo rito? Dapat ay nagpapahinga na kayo ngayon sa bahay niyo. Lalo't kahit gaano pa 'ho 'yan kababaw, siguradong malaking trauma pa rin 'ho iyon sa 'yo.” “Gusto ko muna sana magpasalamat sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko. Dahil kagaya ng sinabi ko, Iha. Kung wala ka siguro ng mga panahon na `yon tanging abo o alikabok na lang siguro ako sa gitna ng daan na 'yon.” “Puwede ba`ng malaman kung bakit kayo umiinom at kung bakit nagmaneho pa kayo kahit alam niyong lasing kayo?” Napangisi siya, “Galing ako sa bussiness meeting at nagkayayaan. May kaunti akong problema sa bahay at nadala ko. Kaya `yon...” ngumiti siya. "Nakainom ako at dinaan sa alak.” “Kaya pala...” wala na siyang masabi. “Ngayon tapos na at nagawa ko na,” biglang saad nito. Dahilan para mangunot-noo siya. “Makakauwi na ako.” dagdag nito. “Ginawa? Ano pong ginawa mo?” Ngumiti lang ito, “Mauuna na ako, Iha. Hanggang sa muli natin pagkikita.” na parang hindi narinig ang kaniyang tanong. Nang umalis ito ay wala na siyang nagawa. Hindi na niya ito pinilit pangsabihin kung ano ang tinutukoy nitong nagawa niya. Baka isipin kasi nito ay nangingialam siya o nagfe-feeling close siya. “Miss Celine...” “Doc Santos? Ano pong ginagawa niyo rito? Titignan niyo po ba ulit ang kapatid ko?” Ngumiti ito bagay na ipinagtataka niya. Kapapasok lang kasi nito ngayon na mayroon pang malawak na ngiti sa kaniyang labi. “May goodnews ako na sigurado akong alam mo na.” “Goodnews 'ho? Ano`ng ibig niyong sabihin?” “Sa examine ng kapatid mong si Marco ay wala ng problema kung isasalang na siya sa operasiyon. Kaya puwede na ninyong ituloy ang pagpunta sa U.S para doon ituloy ang open-heart-surgery niya. Kailangan mo lang pumirma ng mga papeles dahil doon na nakalagay lahat ng mga maaring mangyari na dapat mong paghandaan.” “Pero Doc Santos wala po akong matandaan na nagsabi akong pupunta kami ng U.S para doon siya operahan. Dahil sa totoo lang hindi po sapat ang pera ko. Ang hawak ko ngayon ay sapat lamang para sa pangbayad namin sa hospital bills niya rito.” pagsasabi niya ng totoo. Naglaho ang ngiti ni Doctor Santos napalitan iyon ng kunot-noo bago nagtataka siyang tinignan, “Ang akala ko nakapagusap na kayo ni Mr. Guiterrez?” Napatango siya, “Opo, nakapagpasalamat na siya sa pagligtas ko sa kaniya. `Yon lang naman ang ipinunta niya rito at bukod 'ho doon ay wala na.” Tinignan niya ang doctor. “Baka nagkakamali lang 'ho kayo.” usal niya at muli siyang umupo. “No, I am not Miss Celine. Hindi ako puwedeng magkali, and kilala ko siya. Kilala si Mr. Guiterrez dahil sa dami ng negosyo niya at sa pagiging kilala ng mga ito hindi lang dito sa pilipinas kundi maging sa iba't ibang bansa.” Suminghap ito, “Kaya kung sinabi niya talaga sa akin na sasagutin niya ang lahat ng gagastusin ng kapatid mo ay paniguradong hindi niya sasayangin ang kahit ilang segundo niya para lang sabihin `yon at lokohin ako.” Gagawin?! “Tama!” Agad na napataas-kilay sa kaniya ang doctor na nasa tapat niya. “Ano`ng tama, Miss Celine?” Hindi niya na pinansin ang tanong nito at nagpaalam na lang. Nagmadali siyang tumakbo matapos niyang pakiusapan na huwag iiwan si Marco panandalian hangga't hindi pa siya nakakabalik. Iyon ba ang sinasabi niyang ginawa niya? Binayaran niya ang bills ni Marco at kinausap ang doctor nito? Mukha siyang mayaman kaya hindi magiging mahirap sa kaniya bayaran ang gagastusin ng kapatid ko dahil paniguradong barya lamang `yon sa kaniya. Ngunit bakit? Kung handa siya, ano`ng kapalit? Seryosong tanong ni Celine sa isip niya habang tumatakbo para habulin pa ito. Nagbabakasali kasi siyang maabutan niya pa ito. “Sir Guiterrez!” hingal na hingal niyang tawag dito nang maabutan niya itong naglalakad papuntang exit ng hospital. “Yes, Iha?” nakangisi ng tanong nito kaya agad siyang umiwas ng tingin. “Bakit niyo ginawa 'yon? Bakit niyo binayaran lahat ng hospital bills ng kapatid ko rito? Kahit sino naman ang makakakita sainyo ay tutulungan kayo kagaya ng ginawa ko. Hindi niyo kailangan gawin 'yon. Hindi po ako humihingi ng kahit anong kapalit sa taong natulungan ko.” pinilit niyang maging kalmado. Magandang balita ang bagay na sinabi ni Doctor Santos sa kaniya sa sinabi nitong handa itong sagutin lahat hindi lang ang ginastos nitong hospital bills ng kapatid niya. Pero hindi rin niya gustong gamitin ang ginawa niyang bukal naman talaga sa loob niyang pagtulong rito noong nakita niya itong nasa bigit ng kamatayan. Hindi niya ibig na gamitin ito dahil lang sa kuno na may utang na loob ito Suminghap ito, “Napakaswerte ng mapapangasawa mo, Iha.” “Po? Ano’ng asawa ’ho?” nalilito niyang tanong. “What i am saying is... napakaswerte ng anak ko kung nagkataon," pagpapatuloy ng matandang lalaki habang may ngisi pa rin sa mga labi nito. “Hindi ko ’ho kayo maintindihan. Ano’ng ibig niyong sabihin?” “Hindi ba’t iniisip mo na sobrang laki na no’n para sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko? Kung nagu-guilty ka dahil sa mga gagastusin ko para sa operasiyon ng kapatid mo sa U.S. Puwes, gusto kong malaman mo na I don't care with that things, alam kong mahalaga ’yon sa iyo. Nagigipit ka at nahihirapan. Kaya bakit hindi mo padaliin? Tanggapin mo ang offer ko, kung hindi mo gusto na magkaroon ng utang na loob sa ’kin. Then pakasalan mo ang anak ko, at mahalin siya. That's all you have to do.” Napanganga siya sa sinabi ng matandang lalaki. Ano raw? T-Teka kasal?“Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. Hinahanap kasi siya ni Marco nang magising ito na wala ito sa tabi niya. “Ate Celine! Nandito ka na!” “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. “Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” “Nakakasawa na po ang hindi kaaya-ayang amoy ng hospital na ’to, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. “Ho? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng
“ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?” Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan. Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya. “Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya. “Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga
“Ate Celine bakit nand’yan na lahat ng gamit natin?” tanong ni Marco. Dahil kasalukuyan nang nakahilera ang mga gamit o bagahe nilang dalawa sa loob ng kuwarto nito. Inasikaso lang naman ’yon ng mga bodyguards na ipinadala sa kanila ni Mr. Guiterrez. Hindi na rin kasi sila maaring umuwi pa o tumuloy sa luma nilang bahay dahil nakatakda na ang flight nila. Kinakailangan na ni Marco sumalang sa operasiyon. Kaya tanging private plane lamang ang sasakyan nila patungo roon. Operasiyon na hanggang ngayon ay ikinatatakutan pa rin ni Celine. Ang daming maaring mangyari sa oras na maganap ’yon. Ini-iexplain na kasi kay Celine ang lahat bago ito pumirma sa papel. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano dahil dito. Kayumpaman, alam niyang nasa kamay ’yon ng kapatid niya at sa desisyon ng diyos. Maging successful man o hindi ang magiging operasiyon nito. Kailangan niya ’yon tanggapin ano man ang mangyari. "Aalis tayo, Marco. Gusto mong gumaling ’di ba? Kaya 'to, kailangan natin u
“Ma'am narito na po tayo,” anusyo kay Celine ng driver nito. Nanatili siyang tahimik at tinignan muli ang bintana ng sasakyan. Abot doon ang mga nagagandahan at naglalakihan na mga building doon sa sa cedars-senai. Narito na pala siya sa hospital. Ilang oras na lang at magsisimula na ang operasiyon ng kapatid niyang si Marco. Kaya siya nagtungo rito. ’Yon ay para hintayin ang magiging resulta ng operasiyon nito. Puno na ng kaba ang dibdib niya. Napakagat-labi si Celine habang inaalala ina-alala ang sinabi nito sa kaniya. “Ate Celine mabubuhay pa po ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makapaglaro po ng hindi napapagod agad-agad. Makita sina Mommy, At Daddy... Makapag-aral kagaya nina Notnot...” hawak nito ang kamay ni Celine habang binibigkas ang mga ’yon. Mabubuhay ka, Marco. “Ma’am, coffee?” “Salamat...” seryosong usal ni Celine nang tanggapin niya ang ibinigay nitong kape. Matapos nitong iaabot ’yon ay napangiti itong tumabi sa kaniya sa gang chair. “Mag
ILANG buwan na ang nakalipas mula ng mag-stay si Celine at si Marco maging ang mga bodyguards nito sa Los Angeles. Kailangan nilang mag-stay roon dahil kailangan ni Marco maka-recover muna. Hinayaan naman sila ni Mr. Lorenzo at hindi rin siya pumalag sa bagay na ’yon lalo na isa ’yon sa napag-usapan. Mabait si Mr. Lorenzo Gutierrez. Hindi niya ito binigo sa usapan. Hindi niya rin iniwan sila Celine sa ere, at mas lalong pinabayaan. Kaya malaki na ang utang na loob nito sa kaniya. Dahil sa kaniya nabigyan pa ng panibagong buhay ang kapatid nito. Kung hindi siya dumating hindi na rin siguro alam ni Celine kung paano iyon lulutasin. Kung paano pa ang mga ito makaka-survive sa problema na 'yon. At dahil sa ilang buwan ng mga ito sa pag-stay ay kinakailangan na nilang umuwi. Dahil na rin sa sinabi ng doctor dito ni Marco. ’Yon ay ang permisyo nito dahil maluwag na nitong sinabi na maayos na si Marco. Kasalukuyan na silang nasa private plane. Hindi na naman mabilang ang ngiti na sumilay
“Maayos na ang lahat, Ma'am Celine. Puwede ka ng pumasok sa loob.” Napatingin siya kay Arvin. Kagagaling lamang nito sa loob na magiging kuwarto niya rito. Mukhang katatapos lang din ng mga ito ilagay ang mga bagahe nila. Nakasandal pa rin si Celine sa tapat ng dingding ng pinto ng magiging kuwarto niya. Naka-cross arm dito bago marahan na i-angat ang tingin kay Arvin na seryosong din nakatingin sa kaniya. “Tama kaya ang desisyon ko?” “Ngayon pa ba magbabago ang desisyon mo? Tama man o hindi. Nandito na tayo, magaling na si Marco, at nagawa na lahat ni Boss L lahat ng gusto mo. Kaya wala ka nang magagawa kundi ang tuparin naman ang napag-usapan niyo ni Mr. Lorenzo.” “Bakit naman ganito kahirap?” wala sa sariling tanong ng dalaga habang nakatingin sa mata ng kaniyang kausap. “Wala naman nagiging madali agad-agad sa umpisa, Ma'am Celine. Nand’yan na rin naman hindi ba? Kaya bakit mo agad susukuan at hindi susubukan? Isang taon lang naman, Celine. Baka sa isang taon ano’ng malay nati
“NAPAKAGANDA mo, iha...” Napangiti siya matapos ’yon sambitin ni Mrs. Daniella Gutierrez. Dahil kasalukuyan na silang nasa Hotel room rito sa boracay. Ito kasi ang perfect venue na napili nila kung saan gaganapin ang kasal nina Ivan at Celine. Ni hindi man lang umabot ng isang buwan bago mabuo ang plano ito. Gusto na lamang niyang isipin na ang lahat ng ’to ay planado. Ngunit kailan lamang sila nagkakilala ni Mr. Lorenzo siguro mas magandang pakinggan na ang mas planado iyon ay ang future ni Ivan. Sa ilang linggo niya na pagtira sa Mansion nito. Ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya ng binata. Hindi ito nakikipag-usap sa kaniya, kung makikipag-usap man wala itong ginawa kundi ang sagutin siya ng pabalang. Hindi rin niya ito magawang masisi lalo na isa rin naman siya sa dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Nakakatawa na, maari siyang tumanggi o tumutol sa kaniyang Ina at Ama ngunit ito siya. Hindi na tumututol at hinahayaan na lang ang nangyari ang mga ito. Wala
NAGPAPASALAMAT si Celine nang nairaos na nila ang buong maghapon na kaganapan sa kasal. “Kayong dalawa, bakit hindi pa kayo pumasok sa kuwarto niyo? Celine, ihatid mo na ’yan si Ivan sa kuwarto niyo.” Agad na nanlaki ang mata niya at napatingin kay Ivan. Ang ulo nito ngayon ay yukong-yuko na patagong napataas ang kilay niya. Bakit ba ang hilig nitong uminom? Samantalang ilang bote pa lang ng alak ang naiinom nito ay bagsak na. “S-Sige 'ho, Tita Daniella at Tito Lorenzo. Sainyo po, mga ate at kuya. Salamat sa pag-attend sa kasal namin. M-Mauuna na kami sa loob...” Napasinghap si Celine matapos niyang sabihin ’yon sa mga ito na kasalukuyan pa rin na umiinom. “Bakit kasi nagpakalasing ang isang 'to na hindi naman niya kaya?” naiinis na bulong ni Celine habang hirap na hirap pa rin sa pagbuhat dito papasok ng kanilang kuwarto. Hawak na nga niya ang susi ng kuwarto nila. Kaya wala siyang ganang isinandal ang ulo nito habang abala pa rin sa pagbubukas ng pinto. Nang mabuksan ito
“MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng
“CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na
“Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma
“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar
Hindi inaasahan ni Celine ang bumungad na pakiramdam niya sa kaniya ngayon. Sobrang sakit ng ulo niya. Muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Napasabunot na lang siya sa sarili. She cleared her throat. Masakit din ang lalamunan niya, kakasuka. Naparami rin kasi ang inom niya.“Ano’ng nagawa ’ko?!” Inis niyang hinila ang kumot niya at itinapal iyon sa mukha niya. Hindi siya labis na natutuwa, lalo na alam niyang huli niyang naalala na si Kean ang huling taong nakita niya bago niya isara ang mga mata niya. At maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga inusal niya rito matapos na mag-sink iyon ng sunod-sunod sa isip niya.“G-Gising ka na pala,” Napaangat siya ng tingin ng may pamilyar na boses ang nagsalita. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“M-medyo masakit ang ulo ’ko,” nakasimangot na niyang sagot dito at hindi pa rin makatingin sa mata nito. “A-Ano ba’ng nangyari? May n-nagawa ba ako?” nauutal pa rin tanong niya kahit alam niya na ang sagot dito. “Sorry, nadala lang ako sa—” “Hind
“ANONG oras na hanggang ngayon wala pa rin siya.” Sa kabilang banda walang sawa pa rin na naghihintay ang binatang si Kean sa labas ng bahay nito. Ano’ng oras na rin kasi hindi kagaya ng inaasahan ni Kean na oras ng uwi nito ay hindi na umangkop ’yon sa madalas na oras ng uwi ni Celine ngayon.Hindi man kasi siya rito tumutuloy napakadalang lamang iyon mangyari. Lalo na ngayon mayroon na itong iba't ibang negosyo sa ibang lugar sa Manila hindi lamang dito sa Nueva Ecija. Wala naman akong nagawa kundi ang sumagot ng totoo at ikuwento sa kaniya lahat.“HANGGANG ilang oras pa ba ang hihintayin mo para kay Celine? Napakarami ng lamok rito sa labas, pero nand'yan ka pa rin.”Natigilan lang ako nang may magsalita sa likod ko dahilan para pagbilingan ko iyon ng tingin. "Kahit gaano pa 'ho katagal ay willing ako."Natigilan si Kean nang mayroong magsalita mula sa likod niya dahilan para ibaling niya rito ang paningin. “Kahit gaano pa naman po siya katagal, ay willing po akong maghintay.” s
“Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan.Narito lang naman siya sa mansion nila noon.Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal.Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na posib
“Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?”“Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.”Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.”“Really? What about your ex?”Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?”Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya.Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito.She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya."Tumigil ka
“Celivean!”Mabilis niya itong niyakap matapos niyang itong makita na hawak-hawak na ng guard. Agad itong lumapit sa puwesto niya. Kaya hindi niya mapigilan ang maluha, at mawalan ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Anak, naman pinag-alala mo si Mommy!” naluluha saad ni Celine at hinawakan ang pisngi nito. “I'm sorry, Mommy. I didn't mean it, Mom.”“Huwag mo nang uulitin iyon 'ha?”“Yes, Mommy! I'm promise.”“Thank you, Sir!” wika ni Celine sa tumulong sa anak niya at tumawag sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang walet niya sa harap nito at agad na kumuha ng one thousand roon. “This, take this po... PKahit pang-meryenda niyo po or what. Pasensiya na po kung ganitong halaga lang ang mabibigay ko—”“Naku, hindi na po!” Pagtanggi nito kay Celine.Ngunit ibinalik niya muli rito ang pera at ibinigay iyon sa matanda ng patago, “Tanggapin niyo na po ito, kulang pa po ito sa ginawa niyo. Hindi ko ho alam kung anong puwedeng mangyari sa anak ko kung hindi niyo siya nakita, a