“Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?”“Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.”Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.”“Really? What about your ex?”Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?”Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya.Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito.She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya."Tumigil ka
“Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan.Narito lang naman siya sa mansion nila noon.Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal.Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na posib
“ANONG oras na hanggang ngayon wala pa rin siya.” Sa kabilang banda walang sawa pa rin na naghihintay ang binatang si Kean sa labas ng bahay nito. Ano’ng oras na rin kasi hindi kagaya ng inaasahan ni Kean na oras ng uwi nito ay hindi na umangkop ’yon sa madalas na oras ng uwi ni Celine ngayon.Hindi man kasi siya rito tumutuloy napakadalang lamang iyon mangyari. Lalo na ngayon mayroon na itong iba't ibang negosyo sa ibang lugar sa Manila hindi lamang dito sa Nueva Ecija. Wala naman akong nagawa kundi ang sumagot ng totoo at ikuwento sa kaniya lahat.“HANGGANG ilang oras pa ba ang hihintayin mo para kay Celine? Napakarami ng lamok rito sa labas, pero nand'yan ka pa rin.”Natigilan lang ako nang may magsalita sa likod ko dahilan para pagbilingan ko iyon ng tingin. "Kahit gaano pa 'ho katagal ay willing ako."Natigilan si Kean nang mayroong magsalita mula sa likod niya dahilan para ibaling niya rito ang paningin. “Kahit gaano pa naman po siya katagal, ay willing po akong maghintay.” s
Hindi inaasahan ni Celine ang bumungad na pakiramdam niya sa kaniya ngayon. Sobrang sakit ng ulo niya. Muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Napasabunot na lang siya sa sarili. She cleared her throat. Masakit din ang lalamunan niya, kakasuka. Naparami rin kasi ang inom niya.“Ano’ng nagawa ’ko?!” Inis niyang hinila ang kumot niya at itinapal iyon sa mukha niya. Hindi siya labis na natutuwa, lalo na alam niyang huli niyang naalala na si Kean ang huling taong nakita niya bago niya isara ang mga mata niya. At maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga inusal niya rito matapos na mag-sink iyon ng sunod-sunod sa isip niya.“G-Gising ka na pala,” Napaangat siya ng tingin ng may pamilyar na boses ang nagsalita. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“M-medyo masakit ang ulo ’ko,” nakasimangot na niyang sagot dito at hindi pa rin makatingin sa mata nito. “A-Ano ba’ng nangyari? May n-nagawa ba ako?” nauutal pa rin tanong niya kahit alam niya na ang sagot dito. “Sorry, nadala lang ako sa—” “Hind
“ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar
‘‘BILI na kayo! Turon, banana que, at kamote que kayo d'yan! Mainit pa!” malakas na sigaw ni Celine habang tirik na tirik sa lugar kung saan siya nag-bebenta ng kaniyang mga kakanin. Siya si Celine Smith. Pagod man siya sa buong mag-hapon na pagtitinda ng kaniyang mga kakainin ay maging siya mismo ay walang magawa. Si Celine ay nasa edad lamang na labing-walo. Tanging ang kapatid niya lamang ang madalas niyang kasama. Kaya siya disigido na magtrabaho ng halos buong araw. Iyon ay dahil hindi niya ibig na wala siyang maihain para sa kaniyang kapatid na si Marco at lalong hindi niya gugustuhin na mamatay sila sa gutom. Kaya kahit mahirap, nakasawa, at nakakaitim ng katawan ay pinipilit ng dalaga na magtrabaho. Hindi na kasi sila binalikan ng kanilang mayamang Ama habang ang Ina naman nila madalas silang iwan. Dahil sa mga bisyo nito kagaya na lamang ng pagsusugal. Kaya kahit narito ito at kasama sila ay hindi pa rin niya randam ang presensiya nito. Gano’n na lang ’yon kasakit sa dal
KASALUKUYAN na niyang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila ni Marco. Ngunit laking gulat ng dalaga nang makarating na siya sa gitna ng kalsada kung saan ilang layo na lang sa bahay niya. Isang sasakyan ang kaniyang nasaksihan kung saan umuusok ang palibot nito. Hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng pag-aalala at takot. Lalo na’t mayroon siyang narinig na sigaw mula sa loob ng kotse na ito. Boses iyon ng lalaki kung saan wala itong sinisigaw kundi ang tulong. Nanghihingi ito ng tulong at boses pa lamang nito ay bakas na ang sobrang takot. Doon ay mabilis siyang kumilos papalapit sa sasakyan. Hindi na niya naalintana na hawak pa niya ang kaniyang mga paninda nang lumapit siya sa kotse. Nang mapagtanto iyon ng dalaga ay nagmamadali siyang iniwan ito sa gilid ng kotse. “Sir?” iyon ang nasambit ng dalaga matapos niyang maaninag ang katawan nito sa loob ng kotse. “Iha, please help me out of here!” agad nitong tinuran ng makita siya. Dahilan para maituon ni Celine ang kaniyan
NAGISING si Celine matapos niyang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa hospital room ng kapatid niya. Wala siyang inaasahan bisita kaya gano’n na lang kadali nangunot ang noo niya bago humarap dito. “Wala ka ba’ng balak na kuhanan ng damit ang kapatid mo? Maging ikaw ay hindi pa nakakaligo.” “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya, “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginagawa mo. Kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon sa harap mo, Iha.” “Panigurado po, kahit sino naman siguro ang makikita sainyo ay gano’n din ang gagawin. Kaya hindi niyo na po kailangan magpasalamat.” “Hindi lahat, Iha. Lalo na‘t’ isa akong Guiterrez," usal nito at tinignan si Celine. “Mabubuting tao lang ang gagawa no’n at isa ka na ro’n. Puwede mong kunin ang mga pera na nasa loob ng kotse ko ng mga oras na ’yon. Dahil halos nasa harapan ko lamang ang mga iyon at dahil kung ginawa mo ’yon hindi ka sana mag-iisip pa kung saan mo kukunin ang gagastusin mo para sa operasiyon