Share

CHAPTER 3

Author: Queen_ilaria
last update Huling Na-update: 2023-04-29 00:58:07

NAGISING si Celine matapos niyang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa hospital room ng kapatid niya.

Wala siyang inaasahan bisita kaya gano’n na lang kadali nangunot ang noo niya bago humarap dito.

“Wala ka ba’ng balak na kuhanan ng damit ang kapatid mo? Maging ikaw ay hindi pa nakakaligo.”

“Ano’ng ginagawa n’yo rito?”

Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya, “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginagawa mo. Kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon sa harap mo, Iha.”

“Panigurado po, kahit sino naman siguro ang makikita sainyo ay gano’n din ang gagawin. Kaya hindi niyo na po kailangan magpasalamat.”

“Hindi lahat, Iha. Lalo na‘t’ isa akong Guiterrez," usal nito at tinignan si Celine. “Mabubuting tao lang ang gagawa no’n at isa ka na ro’n. Puwede mong kunin ang mga pera na nasa loob ng kotse ko ng mga oras na ’yon. Dahil halos nasa harapan ko lamang ang mga iyon at dahil kung ginawa mo ’yon hindi ka sana mag-iisip pa kung saan mo kukunin ang gagastusin mo para sa operasiyon ng kapatid mo ’di ba?”

Hindi niya magawang makasagot. “Kaya let me do this, kung may kailangan kang ayusin ngayon araw ay gawin mo na. Ako ng bahala na magbantay sa kapatid mo at hindi mo kailangan mag-alala, Iha. Wala akong masamang gagawin sa kapatid mo. Nais ko lang makabawi sa nagawa mong pagligtas sa akin, Iha.” pagpapatuloy nito.

"Sigurado po ba kayo?"

Marahan tumango ang matandang lalaki. “Bilang ganti ito sa tulong mo, Iha.”

Nang sabihin ’yon ng matanda ay hindi na umangal pa si Celine. May mahalaga siyang bagay na dapat mapuntahan ng mga oras na ito. Kaya wala na siyang balak na tanggihan pa ang bagay na ibinibigay nito. Lumapit siya kay Marco at hinalikan muli ang noo ng kapatid bago marahan na hinawakan ang pisngi nito.

“Aalis muna si Ate, Marco ha? Babalik si Ate pangako ’yan. Sir mabilis lang ’ho ako, ibibilin ko na rin po sa Nurse if may kailangan po kayo. Huwag niyo sana i-aalis muna ang paningin niyo sa kapatid ko. Kapag hinanap niya ’ko pakitawagan na lang 'ho ako sa numero na ito.” usal niya at nilabas ang keypad niyang cellphone at saglit na hiningi ang cellphone nito para i-type ang numera niya rito.

“Sige at mag-iingat ka, Iha.” Tumango siya at ngumiti ng pilit sa matandang lalaki. “Thank you again for what you did. For saving my life.”

...

“MANONG GUARD naman! Sinabi ko naman sainyo nagtra-trabaho ako rito! Kaya ano’ng pinagsasabi n’yong bawal akong pumasok d’yan? Nakikita n’yo naman ako dati pa r’yan!” Gano’n na lang ang inis na nararamdaman ni Celine dahil kanina pa siya hindi pinapasok sa loob ng pinagtratrabahuhan niya bilang waitress. “Huwag na ho tayong maglokohan pa, Manong Elbert! Papasukin n'yo na ’ko at kailangan ko pangmakausap si Ma'am Bianca!”

“At ano’ng kailangan sa akin ng katulad mo? Ano pa nga ba ang ginagawa mo rito?” sarkastikong usal nito. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko? Gano’n ba kababa ang IQ mo? Hindi ba sinabi ko na sa ’yo? Na kapag hindi ka pa pumasok ay wala ka ng babalikan pa rito? Hindi pa ba malinaw sa ’yo?” agad niyang itinuro si Celine, “Get out on my way, because from now on Celine; you're fired!”

“Pero Ma'am Bianca? Hindi po puwede! Alam niyo kung gaano ’to kahalaga sa akin at sa pamilya ko! Kaya hindi niyo ’ko puwedeng paalisin na lang dito!”

“Bakit hindi? Baka nakakalimutan mo,” Tumigil ito sa pagsasalita bago duruin si Celine, “Ang lahat ng narito ay pag-aari ko. So I can do everything I want. Ang paalisin ka ay isa sa mga rights ko bilang boss mo at dahil na rin akin ang restaurants na ’to.” sarkastikong usal nito. Habang may nanlilisik na tingin sa dalaga. “Kaya kung sino man ang gusto kung umalis, ay may karapatan akong alisin at isa ka sa taong ayaw ko na rito.”

“Ano ba’ng kasalanan ko sa ’yo? Bakit ka nagkakaganyan, Bianca?”

“Sa dinarami-rami ng tao sa mundo ay ako pa kasi ang kinalaban mo, Celine.” Lumapit siya rito at marahan na itinaas ang baba ni Celine para magtapatan ang kanilang mga paningin. Kinuha nito ang wallet nito bago ngumising tumingin kay Celine. “Next time kasi alamin mo ’yong lugar mo, okay? Dahil kumpara sa akin walang-wala ka.” seryoso ng usal nito. Natatawa itong pinakita ang paggalaw ng kamay nito, “Ito ka, at ito ako. ’Yan ang bagay na dapat alam mo. Matuto kang tumapat sa taong ka-level mo.” bago marahan na ibinato ang pera sa dibdib ni Celine. “Take that! Kailangan mo ’yan ’di ba? Kailangan ng mga hampas lupang kagaya mo.”

Napatikom-kamao na lamang si Celine.

Habang tinitignan ito kung paano maglagay ng alcohol sa kamay na para ba’ng isa siyang mikrobyo na hindi nito gugustuhin na dumapo sa balat nito.

Napaluhod si Celine matapos nitong umalis sa harap niya. Maluha-luha niyang pinulot ang ilang libo-libo pera na ibinigay nito.

Kung ibato niya ito sa kaniya ay parang basura lang ang bagay na ’to.

Sambit ni Celine sa kaniya isip habang isa-isa kinukuha ang mga pera na ito sa kalsada. “Ma’am Celine, tumayo na po kayo at umalis. Nakikiusap po ako, Ma’am. P-Pasensiya na po.” akmang aalalayan ng security guard ang dalaga ng iilag nito ang kaniyang katawan.

“Hindi niyo na ako kailangan hawakan. Kaya ko na ang sarili ko at kusa akong aalis kaya wala kayong dapat ipag-alala.” sambit niya rito.

Hindi niya na alam ang dapat niyang maging reaction ng mga panahon na 'to. ’Yon ba’ng matuwa dahil sa wakas ay may halaga siyang nakuha mula rito at muli siyang may pang-ambag at pangbayad sa hospital o maluluha dahil sa kahihiyan na idinulot nito?

“Ma'am Celine, sige na po. Umalis na po kayo, at pasensiya na talaga. Kailangan ko lang din po ng trabaho.” Napabalik siya sa reyalidad. Marahan na pinunasan ang dumi sa tuhod niya at tumayo. Naiintindihan naman niya ang dahilan ng security guard sadyang hindi niya kasalanan na binayayaan siya ng masungit at striktang Amo.

Kaugnay na kabanata

  • Marrying with You   CHAPTER 4

    MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila. Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid. Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila. “Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya. Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco. Hindi kasi niy

    Huling Na-update : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 5

    “Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. Hinahanap kasi siya ni Marco nang magising ito na wala ito sa tabi niya. “Ate Celine! Nandito ka na!” “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. “Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” “Nakakasawa na po ang hindi kaaya-ayang amoy ng hospital na ’to, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. “Ho? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng

    Huling Na-update : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 6

    “ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?” Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan. Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya. “Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya. “Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • Marrying with You   CHAPTER 7

    “Ate Celine bakit nand’yan na lahat ng gamit natin?” tanong ni Marco. Dahil kasalukuyan nang nakahilera ang mga gamit o bagahe nilang dalawa sa loob ng kuwarto nito. Inasikaso lang naman ’yon ng mga bodyguards na ipinadala sa kanila ni Mr. Guiterrez. Hindi na rin kasi sila maaring umuwi pa o tumuloy sa luma nilang bahay dahil nakatakda na ang flight nila. Kinakailangan na ni Marco sumalang sa operasiyon. Kaya tanging private plane lamang ang sasakyan nila patungo roon. Operasiyon na hanggang ngayon ay ikinatatakutan pa rin ni Celine. Ang daming maaring mangyari sa oras na maganap ’yon. Ini-iexplain na kasi kay Celine ang lahat bago ito pumirma sa papel. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano dahil dito. Kayumpaman, alam niyang nasa kamay ’yon ng kapatid niya at sa desisyon ng diyos. Maging successful man o hindi ang magiging operasiyon nito. Kailangan niya ’yon tanggapin ano man ang mangyari. "Aalis tayo, Marco. Gusto mong gumaling ’di ba? Kaya 'to, kailangan natin u

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 8

    “Ma'am narito na po tayo,” anusyo kay Celine ng driver nito. Nanatili siyang tahimik at tinignan muli ang bintana ng sasakyan. Abot doon ang mga nagagandahan at naglalakihan na mga building doon sa sa cedars-senai. Narito na pala siya sa hospital. Ilang oras na lang at magsisimula na ang operasiyon ng kapatid niyang si Marco. Kaya siya nagtungo rito. ’Yon ay para hintayin ang magiging resulta ng operasiyon nito. Puno na ng kaba ang dibdib niya. Napakagat-labi si Celine habang inaalala ina-alala ang sinabi nito sa kaniya. “Ate Celine mabubuhay pa po ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makapaglaro po ng hindi napapagod agad-agad. Makita sina Mommy, At Daddy... Makapag-aral kagaya nina Notnot...” hawak nito ang kamay ni Celine habang binibigkas ang mga ’yon. Mabubuhay ka, Marco. “Ma’am, coffee?” “Salamat...” seryosong usal ni Celine nang tanggapin niya ang ibinigay nitong kape. Matapos nitong iaabot ’yon ay napangiti itong tumabi sa kaniya sa gang chair. “Mag

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 9

    ILANG buwan na ang nakalipas mula ng mag-stay si Celine at si Marco maging ang mga bodyguards nito sa Los Angeles. Kailangan nilang mag-stay roon dahil kailangan ni Marco maka-recover muna. Hinayaan naman sila ni Mr. Lorenzo at hindi rin siya pumalag sa bagay na ’yon lalo na isa ’yon sa napag-usapan. Mabait si Mr. Lorenzo Gutierrez. Hindi niya ito binigo sa usapan. Hindi niya rin iniwan sila Celine sa ere, at mas lalong pinabayaan. Kaya malaki na ang utang na loob nito sa kaniya. Dahil sa kaniya nabigyan pa ng panibagong buhay ang kapatid nito. Kung hindi siya dumating hindi na rin siguro alam ni Celine kung paano iyon lulutasin. Kung paano pa ang mga ito makaka-survive sa problema na 'yon. At dahil sa ilang buwan ng mga ito sa pag-stay ay kinakailangan na nilang umuwi. Dahil na rin sa sinabi ng doctor dito ni Marco. ’Yon ay ang permisyo nito dahil maluwag na nitong sinabi na maayos na si Marco. Kasalukuyan na silang nasa private plane. Hindi na naman mabilang ang ngiti na sumilay

    Huling Na-update : 2023-05-18
  • Marrying with You   CHAPTER 10

    “Maayos na ang lahat, Ma'am Celine. Puwede ka ng pumasok sa loob.” Napatingin siya kay Arvin. Kagagaling lamang nito sa loob na magiging kuwarto niya rito. Mukhang katatapos lang din ng mga ito ilagay ang mga bagahe nila. Nakasandal pa rin si Celine sa tapat ng dingding ng pinto ng magiging kuwarto niya. Naka-cross arm dito bago marahan na i-angat ang tingin kay Arvin na seryosong din nakatingin sa kaniya. “Tama kaya ang desisyon ko?” “Ngayon pa ba magbabago ang desisyon mo? Tama man o hindi. Nandito na tayo, magaling na si Marco, at nagawa na lahat ni Boss L lahat ng gusto mo. Kaya wala ka nang magagawa kundi ang tuparin naman ang napag-usapan niyo ni Mr. Lorenzo.” “Bakit naman ganito kahirap?” wala sa sariling tanong ng dalaga habang nakatingin sa mata ng kaniyang kausap. “Wala naman nagiging madali agad-agad sa umpisa, Ma'am Celine. Nand’yan na rin naman hindi ba? Kaya bakit mo agad susukuan at hindi susubukan? Isang taon lang naman, Celine. Baka sa isang taon ano’ng malay nati

    Huling Na-update : 2023-06-15
  • Marrying with You   CHAPTER 11

    “NAPAKAGANDA mo, iha...” Napangiti siya matapos ’yon sambitin ni Mrs. Daniella Gutierrez. Dahil kasalukuyan na silang nasa Hotel room rito sa boracay. Ito kasi ang perfect venue na napili nila kung saan gaganapin ang kasal nina Ivan at Celine. Ni hindi man lang umabot ng isang buwan bago mabuo ang plano ito. Gusto na lamang niyang isipin na ang lahat ng ’to ay planado. Ngunit kailan lamang sila nagkakilala ni Mr. Lorenzo siguro mas magandang pakinggan na ang mas planado iyon ay ang future ni Ivan. Sa ilang linggo niya na pagtira sa Mansion nito. Ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya ng binata. Hindi ito nakikipag-usap sa kaniya, kung makikipag-usap man wala itong ginawa kundi ang sagutin siya ng pabalang. Hindi rin niya ito magawang masisi lalo na isa rin naman siya sa dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Nakakatawa na, maari siyang tumanggi o tumutol sa kaniyang Ina at Ama ngunit ito siya. Hindi na tumututol at hinahayaan na lang ang nangyari ang mga ito. Wala

    Huling Na-update : 2023-06-15

Pinakabagong kabanata

  • Marrying with You   CHAPTER 49

    “MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng

  • Marrying with You   CHAPTER 48

    “CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na

  • Marrying with You   CHAPTER 47

    “Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma

  • Marrying with You   CHAPTER 46

    “ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar

  • Marrying with You   CHAPTER 45

    Hindi inaasahan ni Celine ang bumungad na pakiramdam niya sa kaniya ngayon. Sobrang sakit ng ulo niya. Muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Napasabunot na lang siya sa sarili. She cleared her throat. Masakit din ang lalamunan niya, kakasuka. Naparami rin kasi ang inom niya.“Ano’ng nagawa ’ko?!” Inis niyang hinila ang kumot niya at itinapal iyon sa mukha niya. Hindi siya labis na natutuwa, lalo na alam niyang huli niyang naalala na si Kean ang huling taong nakita niya bago niya isara ang mga mata niya. At maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga inusal niya rito matapos na mag-sink iyon ng sunod-sunod sa isip niya.“G-Gising ka na pala,” Napaangat siya ng tingin ng may pamilyar na boses ang nagsalita. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“M-medyo masakit ang ulo ’ko,” nakasimangot na niyang sagot dito at hindi pa rin makatingin sa mata nito. “A-Ano ba’ng nangyari? May n-nagawa ba ako?” nauutal pa rin tanong niya kahit alam niya na ang sagot dito. “Sorry, nadala lang ako sa—” “Hind

  • Marrying with You   CHAPTER 44

    “ANONG oras na hanggang ngayon wala pa rin siya.” Sa kabilang banda walang sawa pa rin na naghihintay ang binatang si Kean sa labas ng bahay nito. Ano’ng oras na rin kasi hindi kagaya ng inaasahan ni Kean na oras ng uwi nito ay hindi na umangkop ’yon sa madalas na oras ng uwi ni Celine ngayon.Hindi man kasi siya rito tumutuloy napakadalang lamang iyon mangyari. Lalo na ngayon mayroon na itong iba't ibang negosyo sa ibang lugar sa Manila hindi lamang dito sa Nueva Ecija. Wala naman akong nagawa kundi ang sumagot ng totoo at ikuwento sa kaniya lahat.“HANGGANG ilang oras pa ba ang hihintayin mo para kay Celine? Napakarami ng lamok rito sa labas, pero nand'yan ka pa rin.”Natigilan lang ako nang may magsalita sa likod ko dahilan para pagbilingan ko iyon ng tingin. "Kahit gaano pa 'ho katagal ay willing ako."Natigilan si Kean nang mayroong magsalita mula sa likod niya dahilan para ibaling niya rito ang paningin. “Kahit gaano pa naman po siya katagal, ay willing po akong maghintay.” s

  • Marrying with You   CHAPTER 43

    “Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan.Narito lang naman siya sa mansion nila noon.Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal.Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na posib

  • Marrying with You   CHAPTER 42

    “Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?”“Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.”Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.”“Really? What about your ex?”Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?”Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya.Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito.She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya."Tumigil ka

  • Marrying with You   CHAPTER 41

    “Celivean!”Mabilis niya itong niyakap matapos niyang itong makita na hawak-hawak na ng guard. Agad itong lumapit sa puwesto niya. Kaya hindi niya mapigilan ang maluha, at mawalan ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Anak, naman pinag-alala mo si Mommy!” naluluha saad ni Celine at hinawakan ang pisngi nito. “I'm sorry, Mommy. I didn't mean it, Mom.”“Huwag mo nang uulitin iyon 'ha?”“Yes, Mommy! I'm promise.”“Thank you, Sir!” wika ni Celine sa tumulong sa anak niya at tumawag sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang walet niya sa harap nito at agad na kumuha ng one thousand roon. “This, take this po... PKahit pang-meryenda niyo po or what. Pasensiya na po kung ganitong halaga lang ang mabibigay ko—”“Naku, hindi na po!” Pagtanggi nito kay Celine.Ngunit ibinalik niya muli rito ang pera at ibinigay iyon sa matanda ng patago, “Tanggapin niyo na po ito, kulang pa po ito sa ginawa niyo. Hindi ko ho alam kung anong puwedeng mangyari sa anak ko kung hindi niyo siya nakita, a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status