Share

Marrying with You
Marrying with You
Author: Queen_ilaria

CHAPTER 1

Author: Queen_ilaria
last update Last Updated: 2023-04-29 00:50:33

‘‘BILI na kayo! Turon, banana que, at kamote que kayo d'yan! Mainit pa!” malakas na sigaw ni Celine habang tirik na tirik sa lugar kung saan siya nag-bebenta ng kaniyang mga kakanin.

Siya si Celine Smith.

Pagod man siya sa buong mag-hapon na pagtitinda ng kaniyang mga kakainin ay maging siya mismo ay walang magawa. Si Celine ay nasa edad lamang na labing-walo. Tanging ang kapatid niya lamang ang madalas niyang kasama.

Kaya siya disigido na magtrabaho ng halos buong araw. Iyon ay dahil hindi niya ibig na wala siyang maihain para sa kaniyang kapatid na si Marco at lalong hindi niya gugustuhin na mamatay sila sa gutom. Kaya kahit mahirap, nakasawa, at nakakaitim ng katawan ay pinipilit ng dalaga na magtrabaho.

Hindi na kasi sila binalikan ng kanilang mayamang Ama habang ang Ina naman nila madalas silang iwan. Dahil sa mga bisyo nito kagaya na lamang ng pagsusugal. Kaya kahit narito ito at kasama sila ay hindi pa rin niya randam ang presensiya nito.

Gano’n na lang ’yon kasakit sa dalaga.

Dahil sa halip na nagtitinda siya ngayon dito o gumagawa ng mga diskarte para kumita.

Dapat sa kaniya ay nag-aaral katulad ng mga kaedad niya. Na dapat ay tanging academic, grade, o kung ano-ano ang dapat o paraan para makapagtapos sa pag-aaral ang iniisip niya.

Katulad na lamang ng mga estudyante na suki niya. Sa tuwing nag-iikot siya para ilako ang mga paninda niya, nadaraanan niya ang mga dalaga’t binata na ang iba ay kaedad lamang niya.

Hindi mapigilan ni Celine na makaramdam ng lungkot sa tuwing nakikita ang mga ito na masayang-masaya na naglalakad palabas ng kanilang mga silid-paaralan.

At dahil doon ay hindi niya mapigilan ang manliit sa sarili niya. ’Yong pakiramdam na nahuhuli na siya.

Napa-iling ang dalaga sa kaniyang naisip bago siya muling magsisigaw.

Hindi niya dapat isipin ito lalo ’t mahalaga ang kasalukuyan. Kailangan niya sigurong tanggapin na lang sa sarili niya ang kung ano man ang sitwasiyon na mayroon siya.

“Bumili na kayo! Masasarap na kakanin! Kayo ay bubusugin!” sigaw ng dalaga. Napatigil si Celine nang makita niya ang matandang tricycle driver na papalapit sa puwesto niya. Agad niya itong ginawaran ng makikislap na tingin at abot tainga ngiti. “Manong ano ba ‘yan pagod na pagod tayo ha? Magmeryenda muna kayo! May pancit dito pangpahaba ng buhay, Manong! Bili ka na! Masarap 'ho 'to!”

“O s’ya bigyan mo ko nito,” Lumapit ang matandang lalaki at itinuro ang banana que kay Celine. Kaya naman umupo siya para ilapag saglit ang mga basket na dala niya. “At itong turon nga dalawa.” sambit nito na ikinangiti ni Celine. “Nga pala mamaya ay balikan mo ‘ko. Pautang muna nito.” maya-maya niyang singhal matapos nitong magtangka na kunin sa basket niya ang banana que. Doon ay nag-init ang mukha ni Celine hindi dahil lang sa init ng araw na tumatama sa kaniya kundi dahil iyon sa matandang lalaki na nasa tapat niya. Tumayo siya at marahan na ipinalo ang kamay nito na nasa basket niya.

Ngumiti si Celine, ’yong ngiti na pilit dahil sa nararamdaman niyang inis dito. “Mahirap na ang buhay ngayon Manong Ester! Kaya wala na munang utang-utang. Bayad ka muna!” natatawang kunwaring usal ni Celine at mahinang tinabig ang bag nito nakasabit lamang sa baywang niya. Dahil sa sinabi niya ay wala na itong nagawa kundi ang buksan ang zipper ng bag niya at kumuha ng pangbayad sa dalaga dahilan para muli siyang ngumiti sa harap nito. “’Yan! Kapag ganyan ka sigurado pa sa sigurado ay magkakasundo tayo! S’ya, bukas ulit ’ha? Salamat!”

“S'ya, sige! Buti sana kung may palag pa ako sa iyo iha! Pasalamat ka maganda ka, mataba nga lang!” Natatawa pang sambit nito. Nagtawanan naman ang mga kasama nito ngunit tumigil din naman ang mga ito ng mukhang mapagtanto nila ang kanilang ginawa.

“May sinasabi ka ba, Manong Ester?” Naka-taas kilay at kunot-noo na tanong niya rito.

Gumuhit naman ang pilit na ngiti sa labi ng matanda at mahinang tumawa. Kinuha pa nito ang kaniyang bimpo na nasa balikat niya at marahan na pinunasan ang noo niya at muling nagsalita. “Wala naman iha, ang ibig kong sabihin mas mabuti siguro kung tumuloy ka na. Masiyadong ng mainit dito. Ang ganda mo masiyado para lang ihawin.”

Napa-iling na lamang si Celine rito ngunit ngumiti at magpasalamat pa rin siya sa mga ito.

Sa totoo lang ay mataba naman talaga si Celine. May bilbil siya o taba sa katawan ngunit hindi naman sa mataba na halos kapag tumatakbo ay bumibiyak na ang lupa.

Nasa lahi na kasi nila Celine ang pagiging malaman. Ngunit kahit ganoon ay mahal niya ang katawan niya. Madalas man siyang ma-bully noon, ngunit hindi niya hinahayaan na maging rason 'yon para kamuhian niya ang sarili niya.

Madalas na positibo si Celine sa mga bagay. Totoong nasasaktan siya sa reyalidad na buhay na inaasam niya ngayon ngunit kahit ganoon ay nagpapatuloy siya.

Ang mundong ’to na kaniyang kinatatayuan ay alam niyang hindi perpekto, kaya gano’n na lang karami ang tao na mapanghusga, mapanglamang, mapang-abuso, at sakim sa yaman.

Kaya kahit anong mangyari ay hindi niya gugustuhin na magpaikot sa mga iyon.

Kilala na halos ni Celine ang mga tao rito. Maloloko ngunit may mga mabubuting puso pa rin naman. Mga taong gusto lang din ng maayos na pamumuhay at payapa na buhay.

Sanay na nga pala rin siya sa mga ito, kaya kahit pagsungitan niya ang mga ito ay hindi naman talaga ito nagpapasindak. Gano’n lamang ang bonding nila. Mag-asaran at magbiruan ngunit alam ni Celine na walang 'yon personalan. Itong ang maliit na bayan na madalas niyang pagbentahan dahil marami pa rin naman ang tao rito. Nakakabenta siya ng marami at minsan pa ay nakakaubos dahil sa lugar na ito.

Pagkatapos niyang magpasalamat doon ay kinuha na niya ang kaniyang bilao na dala rin niya at inilagay ’yon sa balikat niya. Pagkatapos ay sunod niyang kinuha ang basket na dala niya at inilagay ’yon sa kaniyang kabilang kamay bago muling magpatuloy sa pag-iikot.

Sa gitna ng kalsada ay naisip ni Celine na panandalian huminto. Tapos na rin siya mag-ikot doon. Inabot siya ng hapon sa kakaikot ngunit pinagpapasalamat niya na kahit papaano ay iilan na lamang ang natira sa basket niya. Marahan niyang hinawakan ang bag niya kung saan nakalagay rin sa kaniyang baywang. Doon ay kinuha niya ang maliit niyang bimpo at pinunasan ang namumuong pawis sa noo niya.

Randam na ni Celine ang pagod at ngalay sa kaniyang pagbubuhat maghapon. Ngunit alam niyang hindi pa rito nagtatapos ang mga gawain niya. Pagkauwi kasi ni Celine ay aayusin niya pa ang mga natirang paninda niya. Ipamimigay o ipagtatabi ’yon lang ang aabutin ng mga ito sa kamay niya. Ang ibang pagkain na niluto niya na hindi na aabutin ng kinabukasan kahit ilagay pa sa refrigerator ay ibibigay niya na lang sa kapitbahay niya. Alam ni Celine na hindi rin naman nila mauubos ’yon ng kapatid niya kaya imbis na masayang ay ipinamimigay niya na lamang ang mga ’yon.

Inabot na siya ng alas-sais kaya napapansin na niya ang pagiging tahimik ng paligid. Madilim na ang kalangitan ngunit dahil sanay na siya at maging sa tulong ng mga ilaw sa kalsada ay hindi na siya nakakaramdam ng anumang takot.

Sa kinalakihan niyang probinsiya na ito ay hindi katulad sa ibang lugar, dahil tunay na marerespeto ang mga tao. Sa ganitong oras ay madalang ng may maabutan na tao rito. Dahil lahat ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay.

Wala ng nagvi-videoke ng ganitong oras. Maliban na lang kung mayroong permisyo ng Mayor o ng mga Baranggay Officers na madalas lang naman pinapayagan ay kung mayroon okasyon.

Dahil sa kagustuhan ni Celine na maubos ang paninda niya kahit na gabihin siyang ng uwi ay wala siyang pakialam. Ngunit sadyang may araw talaga na matumal. Na rason para hindi maubos ang paninda niya. Na alam niyang parte ’yon ng negosyo. Na hindi niya rin ginagawang hadlang para mapagod at tumigil sa pagtitinda.

Related chapters

  • Marrying with You   CHAPTER 2

    KASALUKUYAN na niyang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila ni Marco. Ngunit laking gulat ng dalaga nang makarating na siya sa gitna ng kalsada kung saan ilang layo na lang sa bahay niya. Isang sasakyan ang kaniyang nasaksihan kung saan umuusok ang palibot nito. Hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng pag-aalala at takot. Lalo na’t mayroon siyang narinig na sigaw mula sa loob ng kotse na ito. Boses iyon ng lalaki kung saan wala itong sinisigaw kundi ang tulong. Nanghihingi ito ng tulong at boses pa lamang nito ay bakas na ang sobrang takot. Doon ay mabilis siyang kumilos papalapit sa sasakyan. Hindi na niya naalintana na hawak pa niya ang kaniyang mga paninda nang lumapit siya sa kotse. Nang mapagtanto iyon ng dalaga ay nagmamadali siyang iniwan ito sa gilid ng kotse. “Sir?” iyon ang nasambit ng dalaga matapos niyang maaninag ang katawan nito sa loob ng kotse. “Iha, please help me out of here!” agad nitong tinuran ng makita siya. Dahilan para maituon ni Celine ang kaniyan

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 3

    NAGISING si Celine matapos niyang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa hospital room ng kapatid niya. Wala siyang inaasahan bisita kaya gano’n na lang kadali nangunot ang noo niya bago humarap dito. “Wala ka ba’ng balak na kuhanan ng damit ang kapatid mo? Maging ikaw ay hindi pa nakakaligo.” “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Ngumiti ang matandang lalaki sa kaniya, “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ginagawa mo. Kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon sa harap mo, Iha.” “Panigurado po, kahit sino naman siguro ang makikita sainyo ay gano’n din ang gagawin. Kaya hindi niyo na po kailangan magpasalamat.” “Hindi lahat, Iha. Lalo na‘t’ isa akong Guiterrez," usal nito at tinignan si Celine. “Mabubuting tao lang ang gagawa no’n at isa ka na ro’n. Puwede mong kunin ang mga pera na nasa loob ng kotse ko ng mga oras na ’yon. Dahil halos nasa harapan ko lamang ang mga iyon at dahil kung ginawa mo ’yon hindi ka sana mag-iisip pa kung saan mo kukunin ang gagastusin mo para sa operasiyon

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 4

    MATAPOS ang eksena ni Celine sa labas ng restaurants ng pinagtratrabahuhan niya na noon ay sunod siyang nagtungo ng bahay nila. Hindi na nga niya naabutan pa ang kaniyang Ina. Dahil sumama na raw ito sa kaniyang bagong kinakasamang lalaki. Na hindi nagawang pigilan ng kaniyang kapatid. Ngunit hindi na ’yon mahalaga para kay Celine. Dahil totoong hindi rin nito randam ang kaniyang Ina kahit narito ito. Kaya sanay na siyang saluhin lahat dahil hindi naman ’to minsan nagpaka-Ina sa kanila. Wala rin itong pinagkaiba sa kanilang Ama na iniwan sila. “Kulang ito,” seryosong usal ni Celine. Habang hawak na hawak ang ilang barya at papel mula sa alkasiya niya. Nagtungo kasi siya rito upang buksan ang mga naipon niya para mayroon siyang maipangbayad sa hospital bills ng kapatid niya lalo’t tumataas ito dahil naka-confine ito sa hospital. Kasabay no'n ay nagmadali rin siyang ayusin ang laman ng bag na dadalhin niya sa hospital para sa susuotin niya at ilang gamit ni Marco. Hindi kasi niy

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 5

    “Ate Celine?” “Nandito ako,” sambit ni Celine. Hinahanap kasi siya ni Marco nang magising ito na wala ito sa tabi niya. “Ate Celine! Nandito ka na!” “Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at saglit na binitawan ang hawak niyang baso at lumapit dito. “Wala po, Ate Celine. Pero puwede na po ba tayong umuwi?” Napa-iling siya, “Hindi pa puwede dahil kailangan mo pang magpagaling.” “Nakakasawa na po ang hindi kaaya-ayang amoy ng hospital na ’to, Ate Celine.” “Kunting tiis na lang, Marco. Basta kagaya ng sabi mo dati. Gagaling ka kasi magpapagaling ka ’di ba?” muli niyang tanong rito na ikinatango nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at ginulo ’yon. Muli nag-flashback sa kaniya ang usapan nila ni Mr. Lorenzo Guiterrez. “Ho? Nagpapatawa po ba kayo? Gusto niyong pakasalan ko ang anak nin’yo? Kapalit no’n ay sasagutin niyo ang lahat ng gagastusin ng kapatid ko?” “Actually, bayad na ang lahat. Nakapag-bayad na ako rito sa hospital kagaya ng sinabi ng

    Last Updated : 2023-04-29
  • Marrying with You   CHAPTER 6

    “ATE CELINE gumising ba po kayo!” Napadilat si Celine nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. Dahil panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya. Tirik na tirik ang araw sa mukha niya habang ngalay na ngalay ang ulo niya sa pagkakapatong nito sa hospital bed na hinihigaan ng kapatid niyang si Marco. Napaunat siya ng leeg at dahan-dahan na ikinusot ang mata niya. Natigilan siya nang mapansin ang kakaibang tingin nito sa likod niya. “Ano’ng problema, Marco?” Bigla itong lumingon sa pinto na ikinataka ni Celine dahilan para sundan rin niya ang gawi nito. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nasaksihan. Mayroong limang mga lalaki na nakatayo ng tuwid malapit sa pinto ng kuwarto ng kapatid niya. “Sino ang mga ’to? Ano’ng ginagawa ng mga ito rito?” bulong pa niya. “Gising na po kayo pala kayo, narito na po ang mga ipinabili sa akin ni Sir Lorenzo.” Lumapit kay Celine ang isang matandang babae. Galing ito sa likod ng mga lalaking naka-itim. Agad niyang ipinapasok ang mga

    Last Updated : 2023-05-02
  • Marrying with You   CHAPTER 7

    “Ate Celine bakit nand’yan na lahat ng gamit natin?” tanong ni Marco. Dahil kasalukuyan nang nakahilera ang mga gamit o bagahe nilang dalawa sa loob ng kuwarto nito. Inasikaso lang naman ’yon ng mga bodyguards na ipinadala sa kanila ni Mr. Guiterrez. Hindi na rin kasi sila maaring umuwi pa o tumuloy sa luma nilang bahay dahil nakatakda na ang flight nila. Kinakailangan na ni Marco sumalang sa operasiyon. Kaya tanging private plane lamang ang sasakyan nila patungo roon. Operasiyon na hanggang ngayon ay ikinatatakutan pa rin ni Celine. Ang daming maaring mangyari sa oras na maganap ’yon. Ini-iexplain na kasi kay Celine ang lahat bago ito pumirma sa papel. Hindi niya mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano dahil dito. Kayumpaman, alam niyang nasa kamay ’yon ng kapatid niya at sa desisyon ng diyos. Maging successful man o hindi ang magiging operasiyon nito. Kailangan niya ’yon tanggapin ano man ang mangyari. "Aalis tayo, Marco. Gusto mong gumaling ’di ba? Kaya 'to, kailangan natin u

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 8

    “Ma'am narito na po tayo,” anusyo kay Celine ng driver nito. Nanatili siyang tahimik at tinignan muli ang bintana ng sasakyan. Abot doon ang mga nagagandahan at naglalakihan na mga building doon sa sa cedars-senai. Narito na pala siya sa hospital. Ilang oras na lang at magsisimula na ang operasiyon ng kapatid niyang si Marco. Kaya siya nagtungo rito. ’Yon ay para hintayin ang magiging resulta ng operasiyon nito. Puno na ng kaba ang dibdib niya. Napakagat-labi si Celine habang inaalala ina-alala ang sinabi nito sa kaniya. “Ate Celine mabubuhay pa po ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay. Gusto ko pa pong makapaglaro po ng hindi napapagod agad-agad. Makita sina Mommy, At Daddy... Makapag-aral kagaya nina Notnot...” hawak nito ang kamay ni Celine habang binibigkas ang mga ’yon. Mabubuhay ka, Marco. “Ma’am, coffee?” “Salamat...” seryosong usal ni Celine nang tanggapin niya ang ibinigay nitong kape. Matapos nitong iaabot ’yon ay napangiti itong tumabi sa kaniya sa gang chair. “Mag

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marrying with You   CHAPTER 9

    ILANG buwan na ang nakalipas mula ng mag-stay si Celine at si Marco maging ang mga bodyguards nito sa Los Angeles. Kailangan nilang mag-stay roon dahil kailangan ni Marco maka-recover muna. Hinayaan naman sila ni Mr. Lorenzo at hindi rin siya pumalag sa bagay na ’yon lalo na isa ’yon sa napag-usapan. Mabait si Mr. Lorenzo Gutierrez. Hindi niya ito binigo sa usapan. Hindi niya rin iniwan sila Celine sa ere, at mas lalong pinabayaan. Kaya malaki na ang utang na loob nito sa kaniya. Dahil sa kaniya nabigyan pa ng panibagong buhay ang kapatid nito. Kung hindi siya dumating hindi na rin siguro alam ni Celine kung paano iyon lulutasin. Kung paano pa ang mga ito makaka-survive sa problema na 'yon. At dahil sa ilang buwan ng mga ito sa pag-stay ay kinakailangan na nilang umuwi. Dahil na rin sa sinabi ng doctor dito ni Marco. ’Yon ay ang permisyo nito dahil maluwag na nitong sinabi na maayos na si Marco. Kasalukuyan na silang nasa private plane. Hindi na naman mabilang ang ngiti na sumilay

    Last Updated : 2023-05-18

Latest chapter

  • Marrying with You   CHAPTER 49

    “MAG-IINGAT kayo roon ah? Palagi kayong mag-uupdate sa akin, ah? Si Celivean, Celine huwag mong pababayaan ah?”“My, ano ka ba? Manila lang ang punta namin hindi kabilang planeta,” Natatawa pa rin kunwaring usal ni Celine sa kaniyang Ina. Habang inaayos na ang mga bagahe nila na dadalin na nila sa Manila. Sa wakas, hindi mapigilan ni Celine ang makaramdam ng tuwa dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang ayusin ang lahat ng document ni Celivean, para makauwi na sila ng Manila at doon manirahan. Kaya hinahayaan na lamang niya na ganito ang sabihin ng kaniyang Ina, panigurado ay dahil lamang ito sa pagkamiss sa kanilang dalawa lalo't wala rin siyang kasiguraduhan kung kailan sila muling bibisita rito. Samantalang ito naman ang unang beses na lalayo silang dalawa dito. Napamahal pa naman sa kaniya ang Anak ko, at maging siya. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito siya nalulungkot. Ngunit wala naman akong magagawa para sa bagay na ’yon kundi ang ipatiyak sa kaniya na aalalagaan ko ng

  • Marrying with You   CHAPTER 48

    “CONGRATULATIONS, CELINE!” ngiting saad nito at kinamayan si Celine matapos iabot sa kaniya ang katibayan niya sa pagtatapos. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Celine. Hindi niya na mapigilan na maghalo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya na rin iisa-isahin ngunit ang alam niya na itong araw na ito ang isa sa bagay na aalalahanin niya habang buhay. “Mommy, I did it!” masaya na sigaw niya habang papalapit rito. “Masaya akong nagawa mo, Anak!” nagagalak pa rin na sambit nito bago siya yakapin ng napakahigpit. “Naks! May kainan na naman,” doon ay sumingit si Marco. Dahilan para mapa-iling ang lahat sa sinabi nito. Pagkain na naman kasi ang nasa isip niya. “Mommy, I am so proud of you! I told you, you can make it, Mommy! Ikaw pa!” muli namang sumingit si Celivean. Na masayang nakangiti sa kaniyang Ina. Sa edad nito ay halatang-halata na mayroon na itong nauunawaan sa paligid niya. Na talagang sobrang genuine ng nararamdaman nitong tuwa sa tagumpay ng kaniyang Ina. Umakto na

  • Marrying with You   CHAPTER 47

    “Mmm... Mommy,” agad na natigilan si Celine ng marinig ’yon mula sa anak niyang si Celivean. Nagising kasi niya ito matapos niyang upuan ang kama ni Celivean. “Mommy... You’re here!” pinupunasan nito ang mata niya animong gumigising na. Napa-iling si Celine dahil sa kaniyang naisip. Ang cute-cute nito. Marahan niyang pinatahimik ito, “Matulog ka pa, anak dahil maaga pa.”“But Mommy, I miss you...”“Na-miss rin kita, pagod si Mommy sa w-work, kaya na-late. Pero dahil namiss kita at ikaw lang ang makakapagwala ng pagod ko. Puwede ba akong tumabi sa baby boy 'ko ngayon gabi at mayakap siya buong gabi?”“Of course, Mommy. Come, i'll hug you so that you will never leave me again, as long as I don’t want to!”Napa-iling siya sa sinabi nito at lumapit na lamang sa bata upang mayakap na niya ito. Hindi naman ito gumalaw animong tinitignan pa siya. Hindi kasi ito yumakap pabalik sa kaniya at nanatili pa ring pinagmamasdan ang kabuohan niya.“Mommy, are you okay? Cu'z you look pale." maya-ma

  • Marrying with You   CHAPTER 46

    “ANO’NG oras ka na naman nakauwi,” gulat na napatigil si Celine at agad napaharap sa nagsalita mula sa likod niya. Kadadating lamang ni Celine at ano’ng oras na rin. Gano’n na lang ang gulat sa mukha ni Celine pagkat hininaan naman niya ang pagsara rito sa main door upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ngunit mukhang hinintay talaga siya nito. Gano’n na lang kasi ang pagka-kunot-noo nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy makagawang makasagot rito kaya agad siyang lumapit upang magmano, “Nakakain na kami, hindi ka na namin nagawang hintayin. Napatulog ko na rin si Celivean.” malamig na wika nito. Napayuko siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kaniya. Ibang-iba ito sa mga na unang araw. Makikita rin ang pagiging dismayado sa kaniya nito. “T-Thanks, M-My...” iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya. “Gusto ka pa niyang hintayin, pero sinabi ko na may pasok pa siya bukas. Kaya hindi na siya maaring maghintay sa ’yo lalo’t ano’ng oras na.” “S-Sorry, My. Mar

  • Marrying with You   CHAPTER 45

    Hindi inaasahan ni Celine ang bumungad na pakiramdam niya sa kaniya ngayon. Sobrang sakit ng ulo niya. Muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Napasabunot na lang siya sa sarili. She cleared her throat. Masakit din ang lalamunan niya, kakasuka. Naparami rin kasi ang inom niya.“Ano’ng nagawa ’ko?!” Inis niyang hinila ang kumot niya at itinapal iyon sa mukha niya. Hindi siya labis na natutuwa, lalo na alam niyang huli niyang naalala na si Kean ang huling taong nakita niya bago niya isara ang mga mata niya. At maging siya ay hindi rin makapaniwala sa mga inusal niya rito matapos na mag-sink iyon ng sunod-sunod sa isip niya.“G-Gising ka na pala,” Napaangat siya ng tingin ng may pamilyar na boses ang nagsalita. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“M-medyo masakit ang ulo ’ko,” nakasimangot na niyang sagot dito at hindi pa rin makatingin sa mata nito. “A-Ano ba’ng nangyari? May n-nagawa ba ako?” nauutal pa rin tanong niya kahit alam niya na ang sagot dito. “Sorry, nadala lang ako sa—” “Hind

  • Marrying with You   CHAPTER 44

    “ANONG oras na hanggang ngayon wala pa rin siya.” Sa kabilang banda walang sawa pa rin na naghihintay ang binatang si Kean sa labas ng bahay nito. Ano’ng oras na rin kasi hindi kagaya ng inaasahan ni Kean na oras ng uwi nito ay hindi na umangkop ’yon sa madalas na oras ng uwi ni Celine ngayon.Hindi man kasi siya rito tumutuloy napakadalang lamang iyon mangyari. Lalo na ngayon mayroon na itong iba't ibang negosyo sa ibang lugar sa Manila hindi lamang dito sa Nueva Ecija. Wala naman akong nagawa kundi ang sumagot ng totoo at ikuwento sa kaniya lahat.“HANGGANG ilang oras pa ba ang hihintayin mo para kay Celine? Napakarami ng lamok rito sa labas, pero nand'yan ka pa rin.”Natigilan lang ako nang may magsalita sa likod ko dahilan para pagbilingan ko iyon ng tingin. "Kahit gaano pa 'ho katagal ay willing ako."Natigilan si Kean nang mayroong magsalita mula sa likod niya dahilan para ibaling niya rito ang paningin. “Kahit gaano pa naman po siya katagal, ay willing po akong maghintay.” s

  • Marrying with You   CHAPTER 43

    “Please, kuya? Wala ba kayong balak na papasukin ako rito?” naiinis ng usal ni Celine sa security guard ng mansion na dati nilang tinitirhan ni Ivan.Narito lang naman siya sa mansion nila noon.Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si Celine. Hindi kasi siya pinapasok ng mga ito dahil hindi siya kilala. Aminado siyang tumaba siya, pero bukod doon ay ang malas talaga niya. Dahil ang lahat ng nagbabantay rito ngayon ay hindi niya kilala. Nais pa nitong makuha ang pangalan niya bago siya hayaan na papasukin sa loob. Alam ni Celine na walang magandang idudulot kung sakali na sabihin niya ang pangalan niya at baka hindi pa ito tumuloy sa kaniya. Baka gumawa pa ito ng dahilan para hindi niya ito makausap. Ngunit desigido na si Celine at ang tanging nais niya ngayon ay makita si Ivan ng personal at makausap ito ng pormal.Wala na siyang balak na ibalik ang nakaraan nilang dalawa. Ngunit nakapagpasya na siya, na maaring may dahilan kung bakit nakita nito ang lalaking nakita nga nito na posib

  • Marrying with You   CHAPTER 42

    “Love? Mukhang pinaghandaan mo talaga ’to, ah?”“Naman dapat lang. Hindi puwede may ibang maganda dyan sa mata mo.”Mabilis na lumapit si Ivan kay Nathalia at kinulong ito bisig niya at nginitian. “Wala ng iba panggaganda sa ’yo, mahal.”“Really? What about your ex?”Kunwari siyang nag-isip, “Wala silang ilalaban sa ’yo, mahal.” Natatawang usal niya at inilahad ang palad niya sa harap ng dalaga. “Let's go?”Mabilis naman ngumuso ang dalaga, at mahigpit na hinawakan ang sling bag niya.Dahilan para tuluyan na mapansin ni Ivan ang kabuohang suot nito.She's wearing a black top, maong pants, white shoes. Simple pero litaw na litaw ang ganda niya. Pakiramdam niya tuloy kailangan niyang ilayo ito sa iba para walang umagaw. “Mahal naman, tatanghaliin na tayo,” natatawang dagdag ni Ivan ng hindi sumagot ang dalaga. Hindi rin ito gumalaw kaya naman hinawakan niya na ito sa kamay. “I still can't believe it until now that you're still mine and I'm yours.” nakangiting patuloy niya."Tumigil ka

  • Marrying with You   CHAPTER 41

    “Celivean!”Mabilis niya itong niyakap matapos niyang itong makita na hawak-hawak na ng guard. Agad itong lumapit sa puwesto niya. Kaya hindi niya mapigilan ang maluha, at mawalan ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. “Anak, naman pinag-alala mo si Mommy!” naluluha saad ni Celine at hinawakan ang pisngi nito. “I'm sorry, Mommy. I didn't mean it, Mom.”“Huwag mo nang uulitin iyon 'ha?”“Yes, Mommy! I'm promise.”“Thank you, Sir!” wika ni Celine sa tumulong sa anak niya at tumawag sa kaniya. Mabilis niyang inilabas ang walet niya sa harap nito at agad na kumuha ng one thousand roon. “This, take this po... PKahit pang-meryenda niyo po or what. Pasensiya na po kung ganitong halaga lang ang mabibigay ko—”“Naku, hindi na po!” Pagtanggi nito kay Celine.Ngunit ibinalik niya muli rito ang pera at ibinigay iyon sa matanda ng patago, “Tanggapin niyo na po ito, kulang pa po ito sa ginawa niyo. Hindi ko ho alam kung anong puwedeng mangyari sa anak ko kung hindi niyo siya nakita, a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status