ABALA si Camilla sa harap ng kaniyang laptop,kailangan niyang matapos ang research para sa kanilang report. Ito kasi ang kauna-unahan nilang activity sa huling taon ng kolehiyo. Ganado siya ng mga oras na iyon ng biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at iniluwa 'nun si Athena.
" Hi, Besty,how's your day?" bungad na bati nito sa kaniya.
" Eto, okay lang medyo busy," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop.
" Maya na iyan,tara meryenda na muna tayo."
" Busog pa ko,eh,ikaw na lang kailangan ko 'tong tapusin para may mai-present ako sa mga ka group ko bukas."
" Later na lang iyan,maaga pa naman. Nagpagawa ako ng sandwich kay yaya saka need din natin pag-usapan 'yung nangyari kanina."
" Best, 'wag mo sirain mood ko. Saka kailangan ba talaga na sunduin niya ko sa school kanina?" kunot ang noong tanong niya rito.
" Oo naman part 'yun ng pagpe-pretend niyo," kaswal na sagot nito.
Nakasimangot siyang napatingin dito. Pakiramdam niya ay wala na talaga siyang kalayaan para sa sarili. Ano nga ba itong pinasok niya? Hindi niya na magawang magreklamo,mahirap na. May swimming pool pa naman sila sa labas baka maisipan pa nitong lunurin ang sarili. Isa pa,kahit noon ay wala siyang narinig na reklamo dito nung mga panahong kailangan niya ang tulong nito.
Nagpasya na lang siyang ihinto ang ginagawa mawawala kasi siya sa pokus habang merong nangungulit sa kaniya.
" Kaya pala kanina nasalubong ko si Mico,dedma Best! Saka para siyang balisa at malungkot," nangingiti nitong tinuran.
Nasa garden sila ng mansion habang nagmemeryenda. Napatigil pa siya sa pagkagat ng sandwich ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
" Alam mo bang nagtapat siya sa akin? Gusto niya raw ako," tila nahihiya niyang sabi.
Nanlalaki naman ang mata ni Athena at napapatili pa.
" Oh my God,talaga ba?! Patay na patay pa rin pala sa'yo 'yung tao until now?"
Hindi napigilan ni Camilla ang mapangiti sa hindi malamang dahilan. Sa pagkakaalam niya dati siya lang ang malapit na kaibigan ng lalaki. Payatot kasi ito na mistulang lampa kaya madalas itong ma-bully. Ngunit may isang beses na sinapak niya ang isa sa nambully rito at 'yun na nga ang pagkakataong hindi na siya nilubayan ng lalaki at nangakong balang araw ay liligawan siya. Dati pa lang ay humahanga na siya sa taglay nitong katalinuhan,palagi itong nangunguna pagdating sa academic exellence.
" Pero alam mo ang laki talaga ng pinagbago niya,ibang-iba na siya keysa dati. Anyway, may chance ba?"nanunukso nitong tanong
Nangunot ang noo niya sa tinuran nito dahil sa totoo lang ay wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Para sa kaniya ay may tamang oras para sa mga ganoong bagay.
" Hindi 'no, istorbo lang ang love life sa studies ko,ayoko ng kumplikadong sitwasyon sa ngayon."
" Sus! Ang KJ mo naman,ikaw din bahala ka baka maunahan ka pa ng iba,maraming magaganda at mayayamang tulad niya sa campus."
" Bahala siya! Saka kung talagang gusto niya ako at seryoso siya sa akin maghihintay siya!" mataray naman niyang tugon.
Napatili naman si Athena dahil doon. Kilig na kilig ito.
" So, inamin mo na rin na gusto mo siya! Yuhoo,magkaka lovelife na ang bestfriend ko!"
" Hoy,wala akong sinabing ganun,ah! 'Wag ka nga maingay diyan,baka marinig tayo ni mama!"
Sa ngayon para sa kaniya ay masyado pang maaga para sabihing gusto niya ang lalaki. Hindi niya rin alam kung ano ang kaniyang nararamdaman. Pero masaya talaga siya na muling makita ang dating kaklase. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag dito na nagpapanggap lang sila ni Damon bilang magkasintahan.
" So,guys let's make sure we're doing our best para sa presentation natin mamaya,ah?" anang isang classmate ni Camilla na tumatayong lider ng group nila na si Rochelle.
Kasalukuyan silang nasa canteen ng school para pag-usapan ang gagawain nilang report presentation.
" Sure! Don't worry Rochelle. Kagabi pa lang nagpractice na ako para diyan," hirit naman ng isang babae na si Anika.
" Good. By the way, Camilla thank's for this,ah? Next time tutulungan ka na namin para sa research. Nagkataon lang kasi na may inasikaso kami kahapon."
Napag-usapan nila na bilang pasasalamat sa effort niya ay ang mga classmates na lang niya ang bahala sa presentation na pabor naman sa kaniya. Ito ang kauna-unahang activity nila kaya kailangan maganda ang kalalabasan.
" Well go ahead na,kita na lang tayo maya,sis," paalam sa kaniya ni Rochelle.
" Ah, sige. Aayusin ko lang 'to para mamaya ready na ang lahat," aniya pa habang nakatutok ang mata sa screen.
Nang makaalis ang mga classmates ay napansin niya ang pag-upo ng isang lalaki sa kaniyang harapan. Hindi niya ito magawang tignan dahil busy siya. Nang tumikhim ito saka lang naagaw nito ang atensyon niya.
" Oh, mico ikaw pala,kanina ka pa ba diyan?" tanong niya habang ibinalik muli ang mata sa screen ng laptop.
Ramdam niya na kahit hindi na siya nakatingin ay mataman pa rin itong nakatitig sa kaniya.
" Oo,kanina pa. Sobrang busy mo,ah?"
Napansin niya ang matamlay nitong boses. Napatingin siya rito. Malamlam ang mga matang nakatitig pa rin ito sa kaniya.
" Oo,eh,kailangan na kasi 'to mamaya," aniya na muling ibinalik ang tingin sa laptop.
Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi dahil nasa tapat lang siya nito kaya kahit hindi siya nakatingin ay alam niyang pinagmamasdan siya nito. Na conscious siya bigla kaya nawala siya sa pokus. Naalala niya agad ang itsura niya bago umalis ng bahay. Tinanghali siya ng gising kaya hindi niya na nagawang ayusin pa ang sarili dahil sa sobrang pagmamadali. Pagkaligo ay agad niya ng pinusod ang buhok ni kahit konting pulbos ay wala siyang nailagay.
" Hindi mo pa ginagalaw ang food mo,kumain ka muna kaya," may pag-aalala sa boses na sambit pa nito.
Napatingin siya rito na tila nahihiya.
" Mamaya na kailangan na kasi ito,eh."
Kumilos ang binata at kinuha nito ang pagkain niya. Naglagay ito ng kapirasong kanin at ulam at isusubo sana sa kaniya.
" Anong ginagawa mo?" natatawa niyang tanong dito.
" Baka malipasan ka ng gutom,lunch hour na inuuna mo pa iyan. Susubuan na lang kita,sige na ahh!"
Kinuha niya ang kutsara at siya na ang sumubo para sa sarili.
" Ayan,okay na ba,ha? Happy?"
Sa totoo lang ay bahagya siyang kinilig sa pinakita nitong pag-aalala. Ngumiti ito sa kaniya kaya lumitaw ang dimple nito sa pisngi. Kuhang-kuha ang dimple ni Rico Yan, ngunit pansin niya pa rin ang lungkot nito sa mga mata.
" M-may boyfriend ka na pala?"
Maya-maya ay dinig niyang tanong nito. Hindi siya agad nakasagot tila naumid siya.
" Ganun pala ang mga tipo mo mga lalaking bad boy image?" Tumawa ito ng mapakla.
" Saka mukhang mayaman din siya,no? Siya nga pala paano kayo nagkakilala at kelan pa naging kayo,matagal na ba?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ng binata.
" Are you happy with him? I mean, paano ka niya napasagot?"
Bakas sa mukha ng lalaki ang selos at paghihirap ng kalooban. Gusto niyang matawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Tinitigan niya lang ito. Kinikilig talaga siya sa pinapakita nitong pagseselos.
" Please answer me, Camilla, i just want to know kung anong nagustuhan mo sa kaniya, why him?" naghihinanakit na tanong pa nito.
" Bakit ba ang dami mong tanong?"
" I just want to know, and yes nagseselos ako," anito pa na tila nahihiya.
" Bakit ka nagseselos boyfriend ba kita?" nangingiti naman niyang tanong. Gusto niya munang paglaruan ang nararamdaman ng lalaking kaharap.
" Because i love you eversince, Camilla!" mabilis na tugon nito na titig na titig sa kaniyang mga mata.
" Sus, mga bata pa tayo 'nun baka naman nabibigla ka lang," tugon niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Ayaw niya ng seryosohin ang sinasabi nito ngunit sa kailaliman ng puso niya ay kinikilig siya. Ngayon niya lang nalaman na sa kabila ng katapangan niya ay nagiging marupok siya pagdating sa mga ganoong bagay.
" Seryoso ako sa'yo,i swear!" giit pa nito." But i think this is going nowhere, may boyfriend ka na. Feeling ko lahat ng pangarap ko nawala ng parang bula." Tumawa pa ito ng mapakla.
Saka lang siya napahalakhak ng malakas.
" Seryoso ka pangarap mo 'ko? Itong itsura ko?" tinuro ang sarili.
" Bakit? Para sa akin maganda ka,isa pa hindi lang ganda mo ang nagustuhan ko pati ang personality mo. You are a brave and interesting person for me," seryosong turan nito na inilapit pa ang mukha sa kaniya.
" And i hate myself for let you owned by other man. Naging mabagal ako, sana pala nagmadali akong hanapin ka."
" Ang cute mo pa lang magselos?"
Napasimangot ang binata sa walang tigil niyang pagtawa. Pamaya-maya ay sumeryoso na siya. Kinuha niya na ang laptop at tinuloy na ang ginagawa. Palihim niyang sinusulyapan ang lalaki na animo pinagbagsakan ng langit at lupa at napapabuntong-hininga pa.
" Hindi ko siya boyfriend," aniya na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
Agad na napaangat ang tingin ng binata sa kaniya.
" A-anong sabi mo?"
" Sabi ko hindi ko siya boyfriend,paulit-ulit?" naiirita niyang sagot.
Nakita niya ang pagkagulat at kalituhan sa mukha ng lalaki. Muli itong nagtanong ngunit hindi na siya sumagot kaya naman inagaw ng binata ang laptop mula sa kaniya.
" Akin na yan,kulit mo,ah!" kunwa ay inis niyang turan.
" Hindi ko 'to ibabalik hangga't hindi mo nililinaw ang sinabi mo kanina!"
" Ay? Ano bang malabo sa sinabi ko,ha? May iba pa bang ibig sabihin 'yung sinabi ko?Anong language ba ang gusto mo gamitin ko,spanish? Chinese?"
" Hindi mo siya boyfriend?" paniniyak ng lalaki.
" Oo nga kulit mo,ah! Ibalik mo na sa akin yan!"
Agad namang binalik ni Mico ang laptop sa kaniya. Abot-tenga na ang ngiti nito at kapansin-pansin na rin ang sigla sa kilos nito. Nanahimik na ito at hindi na siya ginambala pa,ni hindi na ito nagtanong para humingi na paliwanag sa kaniya. Kinuha rin nito ang tira niyang pagkain at walang alinlangang inubos.
" Hala siya! Wala man lang kaselan-selan,oh?!"
Habang nasa klase siya ay hindi niya maiwasan ang mapangiti ng lihim. Ni hindi niya na nagawa pang mapakinggan ng maayos ang report presentation ng mga classmates niya. Bago sila maghiwalay nito ay nagbilin na ang binata na ito ang maghahatid sa kaniya pauwi. Inaalala niya na baka sunduin na naman siya ni Damon at hiniling na sana ay nakalimutan na nito ang tungkol doon. Ngunit nabigo siya paglabas niya ng gate ay natanawan niya na si Damon. Nakasandig ito sa sariling kotse at nakapahalukipkip na matamang nakatingin sa kanila ni Mico. Muli na namang nasira ang mood niya lalo at papalapit ito sa kanila. Nakangisi ito na para bang may naiisip na namang kalokohan.
" Hi Babe,tara na?" nakangiti pang turan ni Damon.
Tinignan niya ito ng masama at napailing-iling na lang. Hinarap niya si Mico at nagpaalam. Tatalikod na sana ng hinila siya ng binata at hinarap nito si Damon.
" Ako maghahatid sa kaniya pare, ngayon, bukas at sa susunod na araw. At ikaw? From now on, i want you to stay away from her," seryosong turan ni Mico.
Nanlaki ang mata niya sa ginawang iyon ni Mico. Napatitig naman si Damon sa binata na kapansin-pansin ang pagkawala bigla ng ngiti nito sa mga labi.
" At kung ayoko? May magagawa ka?" seryosong sagot ni Damon na hinarap na rin ang binata.
Lalo lang inilapit ni Mico ang mukha kay Damon.
" Hindi mo siya girlfriend pare. Nililigawan ko na siya at ako lang dapat ang maghahatid sundo sa kaniya," giit pa ni Mico.
Muling napangisi si Damon na tila nang-aasar.
" Are you serious? Eh, paano yan,nililigawan ko na rin siya? So, may the best man win?"
Hindi nakapagsalita si Mico titig na titig ito kay Damon na tila sinusuri kung seryoso ba ang lalaki sa sinabi. Ganundin naman si Damon na seryoso na ring nakatitig dito. Tila sila mga boksingerong hinahanda para sa laban.
" DO'NT mess with me, dude! Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo." You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap." Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang t
" SHIT! Why i feel so nervous?!"Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata." Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang its
" Okay, we're here!"Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid." Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses." Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon." Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
NANG makarating sila sa resthouse ay agad nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina." Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata." Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako.""Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!"aniya sa sarili."Okay, i'm done let's eat! Sakto lang a
HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok." Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay biglang pumasok si Athena.Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.&
HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya." Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo." Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na nati
PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag siya at binabanat ang sariling katawan.
Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni