" DO'NT mess with me, dude! Masyado ka pang totoy to compete with me. Look at you,matangkad ka lang pero totoy ka pa rin,hindi mo kayang ipaglaban si Camilla."
Nalukot ang mukha ni Camilla gusto niya na 'tong hambalusin ng tubo.
" You're wrong,i'm matured enough to protect her. Mahal ko si Camilla at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At ikaw? Obvious naman na playboy ka and i dont want her to be one of your toy,paiiyakin mo lang siya!"
Ibig niyang matawa sa sinabing iyon ni Mico alam na alam talaga nito na playboy ang kaharap.
" Ah, ah,ah? Mali ka," hirit pa rin ni Damon habang kinukumpas ang mga daliri. " Huwag mong maliitin ang damdamin ng isang playboy,pag nagmahal kami seryoso,tagos sa puso!" dagdag pa nito habang tinatapik ang sariling dibdib.
Hindi agad nakaimik si Mico, nakatitig pa rin kay Damon na halatang napipikon na. Maya-maya ay nagulat pa ito ng pingutin niya ang lalaki.
" Halika na puro ka talaga kalokohan!" sambit niya habang hawak pa rin ang tenga nito.
" Aray,aray!" d***g ni Damon habang nagkakanda kuba dahil sa ginawa niya.
Hinila niya na si Damon papunta sa kotse habang hawak pa rin ang tenga ng lalaki.
" May nalalaman ka pang tagos sa puso,ha? Ano tagos na ba ang sakit?"
" Take your hands off, nagbibiro lang naman ako!"
" Ah, puro ka na lang biro! Lahat na lang dinadaan mo sa biro, sige pasok sa kotse!"
Naiwang namumulagat ang mata ni Mico na tila hindi makapaniwala sa ginawa niya sa lalaki. Hindi niya na alam kung tatagal pa siya sa ganoong set-up nila ng binata. Masyado itong mapang alaska na kahit si Mico ay hindi nito pinaligtas. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang nagseryoso sa buhay. Ano na lang kaya ang magiging kapalaran ng matalik na kaibigan pag ito ang nakatuluyan?
Isang normal na umaga iyon para kay Camilla. Gumising siya ng maaga at inayos ang sarili para pumasok. Nang maigayak ang sarili ay nagpasya ng lumabas. At tulad ng inaasahan,napasimangot si Athena ng makita ang suot niya. Pero nasanay na rin siya, palagi namang ganun ito pinag-iinitan ang kaniyang OOTD.
" Good morning, Best!" bati pa niya rito.
Ngumiti lang ito at napansin niya ang lungkot sa mukha nito.
" Bakit pang biernes santo 'yang mukha mo may nangyari ba?"
" I miss him," anito na nanatiling nakayuko habang tinutusok-tusok lang ng tinidor ang bacon na nasa plato.
Napaismid siya alam niya kasi na si Damon ang tinutukoy nito. Hindi niya na naisipan pang ikwento dito ang nangyari kahapon, alam niyang wala rin namang mababago sa sitwasyon niya. Ang panalangin niya lang ay sana bumagal ang oras at huwag nang dumating ang hapon. Matagal niya ng kakilala si Damon, mga bata pa lang sila ay nakikita niya na ito na palaging kasama ni Athena sa school lalo na't pag nagkakaroon ng malaking event sa mansion. Dati pa ay kilala na itong ultimate crush ng campus at dakilang playboy. Nang makagraduate high school ay pumunta na nga ito ng Amerika para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral.
" Hayy! I can't take this anymore, i really miss him. Kaya Best, mamaya,ha, sa dating tagpuan."
Siya naman ang biglang tumamlay dahil ibig sabihin mahaba-habang oras niya makakasama ang binata. Hindi niya naman magawang magreklamo.
" Okay," tipid niyang tugon dito.
" Camilla, anak may naghahanap sa'yo sa labas."
Bungad ng Ina sa kaniya nang pumasok ito sa dining room.
" Sa akin po, sino?"
Nagtataka niyang tanong dahil wala siyang ibang maisip na tao na pwedeng maghanap sa kaniya.
" Mico raw,eh? Sino ba 'yun anak nobyo mo?"
Nagtaka siya kung paano nito nalaman ang kanilang bahay.
" Ma, naman,eh, boyfriend agad? Hindi po."
" Okay lang naman anak kahit maging boyfriend mo 'yun. Gwapo naman,eh, saka mukhang mayaman," humahagikhik na tugon ng kaniyang Mama.
" Ma, naman, eh. Ayoko pang magboyfriend. Teka paano nga palaz niya nalaman na dito ako nakatira?"
" I told him, nagkita kasi kami kahapon sa school, then he ask me kung saan ka nakatira."
" Aba'y mabait at magalang na bata anak, kaya pag 'yun ang naging boyfriend mo approved sa akin."
Umikot ang mata ni Camilla at nagpasya na lang na puntahan ang binata na naghihintay sa sala. Naabutan niya itong nasa sala at inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Nang makita siya nito ay agad itong napangiti sa kaniya.
" Anong ginagawa mo dito?"
" Obvious ba? Eh, 'di sinusundo ka," nakangiti pa ring turan nito.
Bumati ito kay Athena na nakasunod na rin pala sa kaniya pati na rin ang Mama niya.
" So, mauna na ko sa inyo,ah, ayokong makaistorbo sa inyo,eh," nanunuksong wika ni Athena.
Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan.
" Nanliligaw ka ba sa anak ko, iho?" usisa ng Mama niya.
" Ma? Ano bang klaseng tanong iyan? Nakakahiya!" saway niya sa kaniyang Nanay.
" Yes po, Tita!" mabilis na tugon ng binata. " Actually, kaya po ako nandito ay para personal po na magpaalam na ligawan ko ang anak niyo, kung okay lang po sana?"
" Oo naman, basta ba 'wag niyo pababayaan ang pag-aaral niyo,ah?"
Hindi naman siya makapaniwala sa tinuran ng Ina.
" Oo agad? Grabe ka, Ma. Akala ko pa naman strict parent ka."
" Talaga po? Thank's po, Tita. Promise po priorities pa rin po namin ang study," masayang wika ni Mico na abot tenga ang ngiti.
" Hoy, Mico, naniwala ka naman?"
" Curious lang ako, ano ba nagustuhan mo sa anak ko,masyado ka kasing gwapo para kay Camilla ko,eh," nangingiting usisa pa rin ng kaniyang Ina.
" Sige,Ma! Ipagsigawan mo pa na hindi talaga ako maganda!"
Natawa si Mico dahil doon. Ngunit hinila niya na ito sa braso at baka kung saan pa mapunta ang usapan.
" Bakit mo pa kasi ako sinundo dito kung ano-ano tuloy ang pinagsasabi niya sa'yo," nagmamaktol niyang winika.
" Part nga ito ng panliligaw ko 'di ba? Saka hindi kasi ako mapakali sa nangyari kahapon,ano mo ba talaga si Damon? Hindi mo naman siya boyfriend 'di ba? Bakit kailangang sunduin ka niya sa school?" bigla ay seryosong usisa nito.
" Huwag mo na lang pansinin 'yun si Damon,basta sinabi ko na sa'yo na hindi ko siya boyfriend,tapos!"
Pinagbuksan muna siya ng pinto ng kotse ng binata bago ito muling nag-usisa.
" Manliligaw?"
" Hindi rin."
" Eh, ano nga?"
" Kulit mo, Mico,ah?" naiirita na niyang sagot. Hindi niya kasi pwedeng sabihin dito kung bakit ginagawa iyon ni Damon.
" Sorry. Nagseselos lang kasi ako,eh. I don't know but, i think when it comes to you, nagiging possessive ako. Gusto ko sa akin ka lang, Camilla," malamlam ang mga matang wika nito.
Napatitig siya sa gwapong mukha ng binata. Imbis na mainis siya ay nagdulot iyon ng kilig sa kaniya. Nakakasiguro na siya na talagang marupok siya sa mga ganoong bagay.
" Hoy, Mico,ah! Hindi kita boyfriend, huwag ka ngang OA diyan!" kunwa ay mataray niyang sambit.
Napangiti ng mapakla si Mico, bakas sa mukha ang lungkot.
" Yeah, i know sorry ulit."
Pagkasabi nun ay pinaandar na nito ang kotse. Lihim naman siyang napapangiti sa mga ginagawa nito,feeling niya ang haba ng kaniyang buhok. Sa totoo lang ay ngayon lang kasi siya nakaranas ng special treatment mula sa isang lalaki. Mula pa noon kasi ay wala pang nagbabalak na manligaw sa kaniya. Hindi naman siya pangit katunayan ay ngtataglay siya ng maamong mukha. Maganda ang hubog ng kaniyang katawan na natatakpan ng maluluwag niyang pananamit. Marahil ay sa kaniyang pagiging boyish looks at strong personality kaya wala nagtatangkang manligaw sa kaniya. Hindi katulad ni Athena na maraming manliligaw dahil bukod sa mayaman at maganda ay sweet at charming ito. Ngunit tila kay Damon lang ito nahumaling.
Tahimik lang silang naglalakad ni Mico ng makarating ng school. Hinatid muna siya nito sa room bago ito tuluyang pumunta sa sariling room. Hatid niya ito ng tanaw,bagsak ang balikat nito habang papalayo.
Nang makaupo ay agad naman siyang nilapitan ni Rochelle. Nagtaka siya dahil tapos na ang report nila at sa pagkakaalam niya ay wala pang bagong activity na pinapagawa ang prof.nila.
" Hey? Who's that cute guy na naghatid sa'yo?" Kapansin-pansin ang kilig nito sa mukha
" Ha? Si Mico ba?"
" So, Mico pala ang name niya?" Ngumiti ito ng matamis. " Manliligaw mo?"
" Ahm, h-hindi rin?" pagsisinungaling pa niya.
" Good! Kasi i like him!"
Hindi sinasadyang napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito.
" Madalas ko kasi siyang nakikita, i think new student siya rito. He's really cute."
Napangiti siya ng hilaw sa kaharap.
" Puwede mo ba akong ipakilala sa kaniya?"
" Ah,o-oo naman," alanganin niyang sagot.
" Alright! E, bakit ka nga pala niya laging hinahatid at sundo dito?"
" Ang dami namang tanong ng babaeng 'to!" aniya sa sarili.
" Ah, kasi ako lang ang kilala niya rito, at oo new student nga siya. Type mo talaga 'yung mokong na 'yun?"
" Grabe ka naman sa mokong," natatawa nitong sabi.
" I want to know him better, ano nga palang course niya?"
Kapansin-pansin ang excitement sa mukha ni Rochelle na bahagyang ikinairita niya. Pero naisip niya na ayos na 'yun para hindi na mangulit ang binata pa sa kaniya. Sigurado naman siyang magugustuhan din ito ng binata. Maganda si Rochelle. Gaya ni Athena charming din ito. Sosyal at makinis ang maputi nitong balat.
" Hmm. Siya na lang kaya ang tanungin mo? Tutal ipapakilala naman kita sa kaniya, 'di ba?"
" Hmm,sabagay! So, hindi mo siya type?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
" Good! So, sino ang boyfriend mo? Yung guy ba na palagi ring sumusundo sa'yo sa gate?"
Namilog ang mga mata niya. Pati pala iyon ay nakikita rin nito. Sa lawak ng campus ay pati 'yun ay nagawa pa nitong makita?
" Ganun pala ang mga type mo,ah, badboy image? Actually, gwapo siya, ang lakas ng appeal, pero mas type ko ang nice guy looks na tulad ni Mico," kinikilig pa nitong sambit.
" Hindi ko rin boyfriend ang lokong 'yun, okay?"
Hindi niya naitago ang inis sa boses ngunit tila hindi iyon napansin ng kaharap.
" T-talagang type mo si Mico?" tanong pa niya. Ayaw niya rin naman ipaalam na pinopormahan siya ng binata dahil baka isipin nito na ang cheap pala ng tipo nitong babae.
" Yes! And i think naman magugustuhan niya rin ako, what do you think?"
Natawa na lang siya sa tanong nito. Naputol lang ang pag-uusap nila ng dumating ang prof. nila.
" Sige, later na lang,ah? Mayang breaktime i'll go with you,okay?"
Napatango na lang siya sa tinuran nito. Napabuntung-hininga siya nang maisip na sa wakas ay wala nang mangungulit pa sa kaniya. Ayaw man niyang aminin ay nakaramdam siya ng lungkot sa naisip. Hindi niya rin masabi sa sarili kung nagugustuhan niya na ba ito o dahil natutuwa lang siya sa pinapakita at pinaparamdam nito na espesyal siya para sa binata.
" SHIT! Why i feel so nervous?!"Ibig matawa ni Camilla sa sinabing iyon ni Rochelle. Namumula ang pisngi nito sa kaba. Kasalukuyan silang nasa canteen at hinihintay ang binata." Relax ka nga lang , hindi naman celebrity ang imi-meet natin, 'no? Si Mico lang 'yun!"Sa totoo lang ay pati siya ay nahahawa na rin sa kaba nito at hindi niya malaman kung bakit. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling mabaling dito ang pagtingin ng binata. Doon niya mapapatunayan na pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, mga playboy. Kakagat kaagad pag may magagandang ibig lumandi sa kanila. Pasimple niyang sinipat ang itsura ng katabi. Maganda talaga ito at mabango pa. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang pulubi pag magkatabi sila. Bahagya siyang nakaramdam ng insecurities at muling inisip ang its
" Okay, we're here!"Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid." Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses." Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon." Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
NANG makarating sila sa resthouse ay agad nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina." Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata." Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako.""Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!"aniya sa sarili."Okay, i'm done let's eat! Sakto lang a
HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok." Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay biglang pumasok si Athena.Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.&
HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya." Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo." Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na nati
PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag siya at binabanat ang sariling katawan.
Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta
MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni