HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya.
" Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo.
" Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"
Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na natigilan si Damon sa pamimili ng sarili nitong damit at pinagmasdan siya. Alumpihit siyang lumapit sa dalawa.
" Ang ganda-ganda mo, Bes!" muli ay kinikilig na bulalas ni Athena. " Look, hon, she's so amazing!"
" Hmm. Hindi na masama," tanging nasambit nito at ibinalik ang tingin sa ginagawa.
" Bibilhin ko iyan, ito pa isukat mo."
Isang floral dress naman ang iniabot sa kaniya ng kaibigan. Bantulot siyang kumilos para isukat iyon. Nang maisukat niya ay nawindang siya dahil halos lumuwa ang dibdib niya. Low cut ang disenyo ng dress kaya halos makita na rin ang cleavage niya.
" Tiyak na isusumpa ako ni Mother earth pag nakita niyang suot ko 'to."
Huhubarin niya na sana ang damit ng bigla naman ang pagbukas ng fitting room, awtomatikong tinakpan niya ang harapang bahagi ng dibdib.
" Wow, you look amazing!" muling bulalas ni Athena. " Hon look at her, what do you think?"
" Bakit ba palaging kailangan ng opinyon ng kumag na 'yan?" inis niyang sigaw sa sarili.
Muling napatingin ang lalaki sa kaniya at sinuri siya.
" Bes, ayoko nito, kita kaluluwa ko, baka kalbuhin ako ni madir!"
" You're so sexy kaya in that dress, 'di ba, Hon?"
Nakita niyang nag thumbs down si Damon at umiling-iling.
" I think that's too vulgar, try this one."
Inabot nito ang isang dress na may smock puff sleeves ang design. Agad 'tong kinuha ni Athena at tinignan.
" Ow, this is nice, sukat mo, Bes!"
Nakasimangot niyang kinuha ito at agad na sinara ang fitting room. Bubulong-bulong pa siya habang sinusukat ang dress. Agad na umaliwalas ang mukha niya ng mapagmasdan ang sarili sa salamin.
" Aba at may taste pala siya pagdating sa girlswear,ha?"
Muling napamangha si Athena ng makita siya. Pati na rin si Damon hindi naitago ang paghanga sa mga mata.
" Perfect!" bulalas ni Athena na nag thumbs-up pa. " Kahit ano ang isukat mo lahat bagay sa'yo."
" Okay, sige na uwi na tayo, nagmumukha na akong barbie doll sa dami ng pinapasukat mo, eh."
" Wait, marami pa kong gustong ibili sa'yo mga bags, shoes, accessories. It's time for you to shine, Bestie!"
Tumirik ang mata niya sa sinabing iyon ng kaibigan.Muli itong namili ng mga blouse at pants para sa kaniya kaya hindi niya na nagawang hubarin ang suot na dress dahil sa kagustuhan na rin ng kaibigan. Napansin niya ring may biniling dress si Damon at mangilan-ngilang undies na agad binayaran sa counter. Malamang ay binili nito para sa mommy ng binata.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang ang kaibigan na mismo ang nag-aya para umuwi. Nang makasakay sila sa kotse ay saka lang nag-usisa si Damon.
" Ano bang meron at naisipan mong gawing babae 'yang bestfriend mo?"pabirong turan ng lalaki na hindi na niya pinatulan.
" She deserve it, isa pa gusto kong tumaas ang confidence level niya. Look at her, ang ganda mo, Besty!"
Muli siyang napahinga ng malalim at hindi na lang pinansin ang dalawa. Sa totoo lang ay nakakaramdam rin siya ng excitement sa magiging reaksyon ni Mico sa bagong itsura niya.
" I'm sure, Mico will be surprise!"
" Bakit kaya sobrang excited syang maging boyfriend ko si Mico, nakalimutan niya na bang pinagpapanggap niya kami ni Damon?"
" So, all of this is for that kid? Huh! Akalain mo 'yun marunong ka rin pa lang ma-inlove?" Muling pang-iinis ng lalaki sa kaniya.
" Tumahimik ka nga, tsismoso ka kalalaki mong tao!"singhal niya sa binata
" Hon, he's not a kid anymore, inaasar mo na naman si Camilla, eh.
Natigagal ang Mama niya pagkakita sa kaniya. Hindi ito makapaniwala sa naging itsura niya.
" Anak, ikaw ba 'yan?"
Napahinto ito sa ginagawa at pinalibutan siya.
" Ma, 'wag OA ako lang 'to."
" Ang ganda niya, Tita 'di ba?"
" Ganyan na ganyan ako nung kabataan ko, kamukhang-kamukha mo ako, anak!" nangingiting sambit pa ng matanda.
" Parang kelan lang nabanggit niyo na hindi ako maganda,ah? Nag iba yata ihip ng hangin ngayon?" birong tugon niya sa Ina.
" Maganda ka, anak syempre hindi ka lang marunong mag-ayos. Ewan ko ba kung saan mo namama 'yang patomboy-tomboy na kilos mo!"
" Hindi ako tomboy 'no!" angal pa niya.
Nang hapon ding iyon ay tinulunggan siya ng kaibigan para i-dry wash ang mga damit na binili. Hindi niya lubos maisip kung bakit todo effort ito na baguhin siya at nagawa pang gumastos ng malaki para pagandahin siya. Malamang ay bahagi rin ito ng palabas nila upang tuluyang mapaniwala ang mga magulang. Sino nga ba naman ang maniniwala na magkakagusto ang isang Damon Villaruiz sa isang katulad niya na titobo-tibo?
Ngunit ang hindi maalis sa kaniyang isipan ay ang magiging reaksyon ni Mico kapag nakita siya. Nahihiya siya na hindi niya maintindihan ang nararamdaman. At hindi nga siya nagkamali ng hula. Tulala si Mico habang nakatitig sa kaniya nang sunduin siya nito sa bahay para sa pagpasok. Suot pa niya ang dress na nabili nila. Above the knee ang ikli nito kaya lumantad ang mapuputi at bilugan niyang mga hita. Kapansin-pansin rin ang magandang hubog ng kaniyang katawan, ang
maliit niyang bewang at ang malapad na balakang." Camilla, is that you?" di makapaniwalang tanong ng binata.
Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa, bakas sa mukha ang paghanga sa kaniya Ngunit hindi siya nagpahalatang nahihiya.
" What can you say about her?" nangingiting tanong ni Athena.
" So, pretty!"
" Oa mo, ah! Bakit mo pa ba ako sinundo dapat sa school mo na lang ako hinintay." Sa halip ay sagot niya sa binata.
" I can't wait to see you!" nangingiting tugon ni Mico.
Naramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya tinalikuran niya na ito. Nagpatiuna siyang maglakad habang nakasunod ito sa kaniya. Inaya na siya nitong sa kaniya na sumabay na hindi naman niya nagawang tanggihan. Habang nagdadrive ay wala pa ring lubay ang binata sa kakasulyap sa kaniya.
" Hoy, Mico magfocus ka sa pagdadrive ayoko pang mamatay,ah!"
Napakamot sa ulo ang binata at itinuon na nga ang mata sa gitna ng daan. Nangingiti siya habang nakatingin sa labas.
" Parang napapansin ko nadadalas ang pagsundo mo sa akin, ah?"
" Masanay ka na, kasi from now on ako na lagi ang maghahatid-sundo sa'yo. Ako lang not Damon or whoever," sagot nito na binigyang diin pa ang pangalan ni Damon.
Napaangat ang isa niyang kilay sa tinuran nito at napatingin sa binata.
" Wow, demanding ang peg!"
" Of course, lalo na ngayon na may usapan na tayo."
" Anong usapan?" kunwa ay natatawa niyang tanong.
" You promise me that you will be mine," nakangiti nitong saad.
Nagdulot iyon sa kaniya ng kilig. Hindi niya lubos maisip na ang binabatok batukan niya noon ay ito na ngayon at pinapakilig siya. Hanggang sa makarating sila sa campus ay hindi niya inaasahan na maging doon ay pagtitinginan siya lalo na ng mga kalalakihan na halos mabali ang leeg sa paglingon sa kaniya. Nagmistula tuloy siyang celebrity na kulang na lang ay magpa autograph ang mga ito sa kaniya.
" Damn it! Parang gusto ko ng mainis with your new look, Camilla. I hate the way they stare at you," mahinang bulong nito habang nakasimangot.
Gusto niyang matawa sa nangyayari. First time ba nila makakita ng gaya niya? Marahil ay naninibago lang ang mga ito sa bagong siya.
" Honestly? I want to kick their ass, hindi ba obvious na akin ka na?"
Nilingon niya ang binata na namumula sa inis at naka salubong ang kilay. Ang cute nitong magselos.
" Tumahimik ka nga, bulong ka ng bulong para kang sira!" natatawa niyang saway sa binata. " Teka, sinagot na ba kita, ha?"dagdag pa niya.
" Malapit na," agad na sagot nito.
" Hoy, 'wag kang assuming, 'no!"
Kinurot niya ito sa tagiliran, narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa. Nang makarating sila sa room ay agad na itong naghabilin.
" Daanan kita dito sa breaktime, 'wag mo ko tatakasan,ah?" nakangiti nitong turan.
Tinusok niya ang malalim na dimple nito sa pisngi bilang tugon at tumalikod na sa binata.
" I love you," pabulong na sabi pa nito.
Nilingon niya ito at pinandilatan. Nang makaupo siya sa upuan kung saan siya nakapwesto ay agad siyang nilapitan ni Rochelle na kanina pa pala naroon.
" Whoa! Camilla you look great today, i mean, i really can't believe na ganiyan ka kaganda!" humahangang sambit ng dalaga.
Mangilan-ngilan pa lang ang nasa room kaya hindi siya gaanong nahihiya sa itsura niya at sa lakas ng boses ng kaharap.
" Sobrang papuri naman iyan, mas maganda ka 'no!" nakairap niyang tugon.
" Hmp! Anyway, may kasalanan ka sa'kin. You did'nt tell me na nanliligaw pala sa'yo si Mico." Umupo ito sa katabing silya kung saan siya nakapwesto.
" Paano ko naman sasabihin, eh, inunahan mo na ako na may gusto ka sa kaniya, remember?" maarte niyang wika.
" So, he's courting you nga? Kelan pa? Sasagutin mo ba?" sunod-sunod na tanong nito.
Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Hindi rin naman kasi siya sigurado sa nararamdaman para sa binata.
" You don't like him, right? Or nag lie ka naman sa'kin and the truth is gusto mo talaga siya?" taas ang kilay na tanong nito.
Napailing siya ng sunod-sunod sa sinabing iyon ng babae bilang pagtanggi na agad niya namang pinagsisihan ngunit huli na para bawiin pa iyon.
" Good! So, okay lang na i'm still go on a date with him?" maluwag ang mga ngiting tanong pa nito.
" Ang tanong kung makikipagdate ba siya sa'yo?" naaasar na usal niya sa sarili.
" O-oo naman!" alanganin niyang sagot.
Lalong lumapad ang ngiti ng dalaga. Kapansin-pansin ang saya nito sa mukha.
" So happy to hear that, sis!"
" Sis agad? Feeling close lang?" aniya sa sarili.
" You know what? I can't blame him if magkagusto nga siya sa'yo," anito na inilapit pa ang mukha nito sa kaniya.
Napaatras naman siya sa ginawa nito. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
" Kasi kung naging lalaki lang ako, magkakagusto rin ako sa'yo."
" Loka-loka!"
Malakas na tawa ang pumailanlang na naturang silid.
PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag siya at binabanat ang sariling katawan.
Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta
MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm
NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya." Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki." Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila." Anong ginagawa natin dito?"" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."
NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.
WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay." Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.
NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan." Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!"" Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata." Saan naman?"Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala." Baka nasa resthouse siya?"" Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis." Sasama ako," aniya at sumunod na rin
KASAMA ang nobyo ay agad nilang pinuntahan ang ospital na sinabi ni Damon. May kalayuan ito sa resthouse kaya natagalan ang kanilang biyahe. Naabutan nila itong tulog habang nasa tabi nito si Damon at hawak ang kamay ng nobya." Anong nangyari? Kumusta na siya? Saan mo siya nakita?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki." She's okay now sabi ng Doctor. Masyado lang siyang napagod. Na dehydrate din siya dahil sa buong maghapon na hindi pag inom," matamlay nitong tugon.Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaibigan pati ang mga paa nito na nagkasugat-sugat, malamang ay dahil sa buong araw na paglalakad. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Athena." Saan mo
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni