Share

Chapter 14

Author: Samleig G.
last update Last Updated: 2022-03-16 21:49:40

HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok  dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot  pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok.

" Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay  biglang pumasok si Athena. 

Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.

" Hi, Besty! Dali 'lika na, magbreakfast na tayo!"

" Wow, nagmamadali, may lakad?"

" Nakalimutan mo na ba 'yung napag-usapan natin? Dali tayo na diyan!"

Hinila siya nito sa kamay at tinungo nila ang lamesa para mag-agahan.

" Hi, Tita, aalis po kami ni Camilla ngayon,ah?" pagpapaalam nito sa kaniyang Ina.

" At saan na naman kayo pupunta,ha? Mga bata kayo talaga palagi kayong nasa galaan."

" Basta, Tita thank me later na lang, ha?" nangingiti nitong sagot.

Tuluyan na siyang napasimangot,malamang ay magkikita na naman sila ng nobyo nito. Napahinga na lang siyan ng malalim habang tinutusok-tusok na lang ng tinidor ang hotdog na nasa plato. 

Pamaya-maya ay nag-aya na rin ito at sa unang pagkakataon ay hindi nito nagawang sitahin ang kaniyang suot ng araw na iyon. May tinawagan muna ito sa cellphone habang nasa loob na sila ng sasakyan.

" Yes, papunta na kami. Ikaw na bahala sa kaniya,ha? I trust you!" rinig pa niyang wika nito.

Maya-maya ay tila kinilig ito at tuwang-tuwa sa kausap. Napapailing na lang siya sa ikinikilos nito.

Kaka-kita lang nila kagabi, ah? Grabe, walang kasawa-sawa!" inis niyang turan sa sarili.

Akala niya ay makakapagpahinga siya ng buong araw. Gusto niya sana munang magrelax,pero eto siya ngayon makikipagkita na naman sa alagad ng kadiliman. Nai-imagine niya na naman ang nakangising mukha ni Damon.

" So, Bes, ano? Kumusta kayo kagabi ni Mico?" nangingiti nitong tanong sa kaniya.

" Ayos lang,"tipid niyang sagot at naghikab.

Kiniliti siya nito tagiliran kaya napakislot siya.

" Ano ba namang sagot iyan? Ikaw, ah, naglilihim ka na sa akin," may pagtatampong turan nito.

Sa totoo lang ay wala siya sa mood ng araw na iyon para magkwento kay Athena ng nangyari kagabi sa kanila ni Mico. Bigla kasing nasira ang mood niya ng araw na ' yun.

" Bilib din naman ako kay Mico,ah. Until now, patay na patay pa rin sa'yo 'yung tao. And i'm sure lalo siyang maiinlove after ng gagawin ko sa'yo!" 

Kapansin-pansin ang excitement sa itsura ni Athena. Kunot-noo siyang napatingin dito.

" Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang ang kaibigan bilang tugon sa kaniya. Maya-maya lang ay huminto ang kotse sa isang Beauty Salon. Napaawang ang bibig niya, mukhang alam niya na ang ibig sabihin ng nito. Tinotoo nito ang sinabi kahapon na imi-make-over siya. Hindi agad siya bumaba ng kotse.

" Bes, dali baba na, naghihintay na 'yung magmi-make-over sa'yo!"

Napailing-iling siya ngunit hinila na siya ng kaibigan.

" Kainis ka, hindi mo man lang sinabi sa akin na dito pala tayo pupunta!" reklamo niya.

" I already told you, nakalimutan mo na?"

Alumpihit siyang kumilos habang hila ng kaibigan. Agad na sumalubong ang receptionist ng botique at binati sila.

" Good morning, Maam!"magiliw nitonh wika.

Ngumiti ang kaibigan bilang tugon habang siya naman ay hindi mailarawan ang mukha. Hindi niya talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.

" Andiyan na ba si Mamu?" 

" Ah, yes po! Actually kanina pa kayo hinihintay,eh. Wait lang po at tatawagin ko." 

Namangha siya ng makapasok sila sa loob dahil sa lawak ng lugar. Iba't ibang staff ang namataan niya na may kaniya-kaniyang costumer na binibigyan ng serbisyo. Isa pang receptionist ang lumapit sa kanila at sinamhan silang maupo. 

" Do you need anything Miss Athena?" 

" Later na lang hinihintay lang namin si Mamu."

" Okay, Maam. Tawagin niyo na lang ako pag may kailangan kayo." Tumalikod na ito at iniwan sila.

" Next time na lang kaya, Bes? Uwi na tayo?"

" Nandito na tayo ikaw talaga!" Kampante itong umupo  sa isang swivel chair.

Napalinga naman siya sa paligid kung saan may mangilan-ngilang  ring kabataan na tulad nila ang naroon. Mga taong gumagastos ng malaking halaga para magpaganda. At isa na rin si Athena doon na tingin niya ay regular costumer na.

" Hi, Mamu!"

Narinig pa niyang bulalas ni Athena. Isang medyo may edad na kung hindi pa nagsalita ay hindi niya aakalaing isa pa lang beki dahil sa kasuotan  nito.

" Hello, Iha! Kanina ko pa kayo hinihintay,ah!" nakipag beso-beso ito sa kaibigan.

" Sorry, Mamu medyo tinanghali ng gising,eh. Siyanga pala, this is my bestfriend, siya 'yung tinutukoy ko," pakilala nito sa kaniya.

Kinilatis siya ng beki,tinignan siya mula ulo hanggang paa at tumaas ang kilay.

" Ano, Mamu, keri ba?" 

" Oo naman, ako pa ba?" 

Lumapit ito sa kaniya at pinaikutan siya. 

Napangiwi pa siya ng hawakan nito ang chin niya at kinilatis ang mukha niya.

" Grabe, te napaka-oily ng face mo at ang putla mo," turan nito sa kaniya. " Pero in-fairness, cute ka!" 

" So, ikaw na bahala sa kaniya,ha? I-make-over mo siya ng bonggang-bongga!" 

" Don't worry, dear. Leave it to me!"

Napabuntong-hininga na lang siya at nagpaubaya sa gusto ng kaibigan. Wala na 'tong atrasan, bahala na kung ano ang magiging kalalabasan.

" Bes, iwan na muna kita,ah! Magrerelax lang  ako, gusto kong magpa massage."

Tumango lang siya sa kaibigan bilang tugon. Inaya na siya ng  bakla sa isang upuan kung saan may malaking salamin. Ito mismo ang magbibigay ng serbisyo  sa kaniya. Tumawag pa ito ng isang assistant na makakatulong.

" Ano kayang uunahin ko sa'yo? Ah okay, unahin natin 'tong buhok mo." 

Tinanggal nito mula sa pagkakapusod ang buhok niya.

" Bakit? Ano pong gagawin niyo sa buhok ko?"kinakabahang tanong niya. Ayaw niya kasing ipaputol ang mahaba ng buhok. Hindi nya na kasi ito magagawa pang ipusod pag maikli na.

" Ano pa ba? Syempre ire-rebond natin!"

" Ha? Naku baka masira 'tong buhok ko!" reklamo pa niya.

" Seryoso ka, Day? Tingin mo may isisira pa 'tong buhok mong parang walis tambo sa kunat? Ay, ano ba 'to ang tigas, kelan ka ba huling nagsuklay?"

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mahihiya sa reaksyong ng bakla tungkol sa buhok niya. Pinili niya na lang ang manahimik at ipagkatiwala dito ang lahat. Expert naman ito sa ganoong larangan kaya magpapatangay  na lang siya sa agos. Tumawag rin ito ng manicurist na mag-aayos na man ng kaniyang mga kuko

Matagal din ang kaniyang hinintay, nanakit na ang kaniyang pwet sa matagal na pagkakaupo, pero okay lang tiis ganda 'ika nga. Namataan pa niya ang kaibigan na kasalukuyang nasa hair spa, may katawagan ito at tingin  niya ay si Damon dahil sa  makikitang saya sa mukha nito. At hindi nga siya nagkamali mga ilang oras din ay dumating nga ang lalaki. Kapansin-pansin naman ang bulungan ng mga kababaihan na tila kinikilig sa pagdating ni Damon. 

Makisig ang dating ng lalaki kahit  naka tshirt at short  lamang ang suot nito. Namumutok ang muscle nito sa braso at kapansin-pansin ang malapad nitong dibdib na bumabakat sa suot nitong t-shirt. Napansin niya rin ang malaking tattoo nito sa braso na nakasulat ang pangalan ni Athena. Agad itong sinalubong ni Athena.

" Hon, wait lang,ah. We're not done yet." narinig niyang wika ng kaibigan. 

Nabaling sa kaniya ang tingin ng lalaki at sumilay ang pilyong ngiti nito ngunit inirapan niya lang ito.

" It's okay, hon. Actually, gusto ko ring pabawasan 'tong buhok ko."

" Miss Athena how to be you? Ang swerte mo kasi ang hot ng boyfriend mo, pwede bang mahiram?" hirit ng isang beki na staff rin sa salon.

Natawa siya ng mapakla nang marinig iyon. Tanging ngiti lang ang naisagot ng kaibigan.

" Ambisyosang baklang 'to. Ang dami mo na ngang fafa,eh!" turan naman ng isang  babae  na lumapit sa binata para i-assist.

" Kahit isang araw lang, 'to naman," pabirong hirit ulit ng bakla.

" Sorry, he's exclusively mine!" pabirong tugon naman ni Athena.

" Okay, sir 'wag mo ng pansinin 'yang bakla na iyan, sa akin ka lang tumingin, este ang ibig kong sabihin anong style ba ang gusto mong gawin ko sa buhok mo?"

" Ay, naku! Ikaw rin pala!  Athena,oh!" muling hirit ng bakla.

"Mga baklitang 'to ang haharot! Pinapapak niyo na si Damon," hirit naman ni Mamu na siyang may ari ng salon. 

Natawa lang ang kaibigan sa kulitan ng mga staff habang si Damon naman ay hindi maalis-alis ang mga ngiti nito sa labi. Mukhang kapalagayan na talaga ng loob ni Athena ang mga staff. 

Naupo na rin si Damon at tinanggal ang buhok mula sa pagkakatali. Inisip niya  na tuluyan ng ipapaputol ng binata ang mahaba nitong buhok ngunit pinabawasan lamang nito ng kaunti. 

Ilang oras rin ang lumipas sa wakas ay natapos na rin si Camilla. Hindi siya makapaniwala sa nakikita sa salamin. Bagsak na bagsak ang buhok niya na naka highlight na bumagay sa maputi niyang balat. Maging si Athena ay natutop ang bibig ng makita siya. Bumagay rin sa maamo niyang mukha ang natural make-up na ini-apply sa kaniya.

" Bes, ang ganda ganda mo!" kinikilig na bulalas ni Athena.

" Talaga ba? Thank's," nahihiya niyang tugon.

" Mamu, you're the best talaga!"

" Ofcourse!" may pagmamalaking sagot naman  ng beki. " Basta sa kasal mo,ako ang mag aayos sa'yo,ah."

" Syempre naman! And i'll be the most beautiful bride," sambit nito na tila nangangarap.

" Naku, sa kasal na napunta ang usapan," aniya sa sarili.

Naabutan nila si Damon habang nasa labas ng salon. Napahinto ito sa paninigarilyo ng makita siya. Hindi naitago sa itsura nito ang paghanga ng makita ang itsura niya.

" What do you think, hon? 'Di ba she's so pretty?" Excited na tanong ng dalaga sa nobyo.

Hindi agad nakapagsalita si Damon at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakasimangot siyang nakatingin dito at hinintay ang pang-aasar ng lalaki.

" Sabi ko na nga ba babae ka,eh. Bat ngayon ko lang napansin iyon?" Humalakhak pa ito ng malakas, gusto niya itong sungalngalin dahil sa inis.

Kung bakit naman kasi bigla na lang lumitaw ang lalaki sa lugar na iyon.

" Nakakainis ka naman,eh!" nakasimangot na wika ni Athena.

Ano pa bang aasahan niya sa lalaki? Kahit kelan naman ay hindi ito nakausap ng matino. Inaya niya na ang kaibigan para umuwi ngunit nag-aya muna ito sa mall para mag shopping. Iniwan nito ang sariling kotse kaya kay Damon ang ginamit nila. Ayaw niya na sanang sumama ngunit mapilit ang kaibigan, balak siya nitong ipamili ng mga bagong damit na siyang babagay  sa bago niyang looks.

Samleig G.

Hello, readers! I'm new writer here in Goodnovel. I hope na magustuhan niyo ang story ko, feel free to commenr☺️

| Like

Related chapters

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 15

    HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya." Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo." Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na nati

    Last Updated : 2022-03-19
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 16

    PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag siya at binabanat ang sariling katawan.

    Last Updated : 2022-03-21
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 17

    Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta

    Last Updated : 2022-03-23
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 18

    MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm

    Last Updated : 2022-03-25
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 19

    NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya." Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki." Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila." Anong ginagawa natin dito?"" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."

    Last Updated : 2022-03-28
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 20

    NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.

    Last Updated : 2022-03-31
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 21

    WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay." Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.

    Last Updated : 2022-04-04
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 22

    NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan." Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!"" Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata." Saan naman?"Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala." Baka nasa resthouse siya?"" Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis." Sasama ako," aniya at sumunod na rin

    Last Updated : 2022-04-08

Latest chapter

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 88 The End

    Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 87

    DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 86

    WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 85

    AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 84

    Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 83

    Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 82

    Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 81

    Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 80

    Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni

DMCA.com Protection Status