Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?
" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.
Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay.
" It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."
Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya talaga siya na kasama 'to dahil pinaparamdam nito na isa siyang espesyal na babae na dapat ituring na prinsesa. Hindi niya akalaing ang tulad ni Mico ang magpapalambot sa matigas niyang puso. Ginagap ng lalaki ang kamay niya at pinisil iyon saka siya muling niyakap.
" May isang favor lang ako na gustong hilingin sana."
" Ano, 'yun? Kahit ano, just tell me," nakangiti pang tugon ng binata.
" Gusto ko sanang ilihim muna ang relasyon natin, i mean pagdating sa school no public display of affection, ganern?"
" Ba-bakit naman?"tila dismayadong usisa ng binata.
Seryoso itong humarap sa kaniya kaya tila nag alangan siyang ituloy ang sasabihin.
" Paano ko naman maipaparamdam ang pagmamahal ko sa'yo kung hindi ko puwedeng ipakita?"
" Kahit hindi mo ipakita, alam ko naman na, eh. Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba?" paliwanag niya sa nobyo.
Napabuntung-hininga ito bago sumagot. " Bakit hindi niyo na lang itigil ang pagpapanggap niyo? Hindi ko maiwasan ang hindi magselos," nakasimangot nitong turan.
" Hindi puwede, magtatampo sa akin si Athena. Akala ko ba kahit ano puwede kong hilingin," nagtatampo niyang wika.
Agad na ngumiti ang nobyo at hinawakan ang pisngi niya.
" Okay, sige na kahit mahirap payag na ko, babe."
" Babe?" natatawa niyang tanong.
" Oo, Babe. From now on ikaw lang ang baby ko."
" Hala, ang korni!" nakangiwi niyang tugon dito. Lalo pa silang natawa ng marinig nila ang pagreklamo ng kaniyang tiyan. Kahayagan na kanina pa siya nagugutom.
" Gutom ka na, Babe?" natatawang tanong ng nobyo.
" Oo nga 'di ba kanina pa?" nahihiya niyang tugon.
Hinawakan siya sa kamay ng lalaki para lisan ang lugar na iyon at maghanap ng makakainan.
Napakasarap sa pakiramdam ni Camilla na may nagmamahal sa isang tulad niya. Hindi man siya sigurado sa nararamdaman ay alam niya sa sariling masaya siya pag kasama ito. Si Mico lang kasi ang tanging lalaki na nagparamdam sa kaniya na espesyal siya at karapat-dapat mahalin. Ito ang bumuhay sa kaniyang pagkababae na akala niya noon ay mananatiling bato
Gabi na nang ihatid siya ng nobyo sa kanila. Bago pa ito nagpaalam ay humingi pa ito ng isang kiss.
" Ikaw,ah! Kasasagot ko lang sa'yo gusto mo na agad ng makarami ng kiss," pataray niyang turan sa nobyo.
" Gusto ko lang makasiguro na girlfriend na talaga kita. Para kasing hindi pa rin nag-eexist sa isip ko na sinagot mo na ako,eh," natatawang turan naman nito.
" Asus! Palusot ka pa, sige na uwi na!" pagtataboy niya pa rito.
" Isa lang?" pangungulit pa rin ng binata at itinulis ang nguso.
" Ayoko, amoy sibuyas 'yung bibig ko," tanggi pa rin niya. Nalalasahan pa niya ang sibuyas dahil sa kinaing sisig.
" Kahit na!"
Natatawa niyang nilapitan ang nobyo at tinampal ang nakatulis nitong nguso. Ngunit para matigil na ay dinampian niya na lang ito ng halik sa pisngi na ikinatuwa naman ng binata.
" Uwi na!"
" Sa susunod na date natin, hindi na kita pakakainin ng ulam na may sibuyas. Ayaw mong magpa kiss,eh," biro pa ng lalaki.
" Ang kulit mo, uwi na nga!" pagtataboy niya pa rin dito.
" Si Mommy gusto ko munang magpaalam sa kaniya," hirit pa rin ng binata.
" Tulog na iyon, bukas na, ang kulit mo,Babe!"
" I love you," bulong pa nito.
Naglakad na ito ngunit palingon-lingon pa rin ito sa kaniya. Kamuntikan pa itong matalisod sa isang bato dahil sa kakatingin sa kaniya.
Agad siyang sinalubong ni Athena na may ngiti sa labi.
" Nakita ko 'yun,ah? Kayo na ba, Bes?" excited na tanong nito.
Napatango lang siya at kiming ngumiti.
" Okay lang ba? Kasi 'di ba kami ni Damon-?"
" No problem, Bes, ano ka ba? Karapatan mo ring sumaya, 'no? Tingin ko naman, it's enough na nalaman na ni Mommy na may relasyon kayo ni Damon."
Muli siyang napangiti ng malapad sa sinabing iyon ng kaibigan.
" 'Wag ka mag-alala, no public display of affection kami ni Mico hindi tayo mabubuko ni Tita," nangingiti niyang turan.
" Sorry,Bes,ah! Feeling ko tuloy nagiging hadlang ako sa happiness mo. Buti pumayag siya? Ang hirap ng ganon,ah!"
" Huwag mo na isipin 'yun. Siyanga pala may isa pa kong goodnews!" kinikilig niyang wika.
" Talaga,ano 'yun?"
" Pagkagraduate ko, sigurado na ang pagpunta ko sa ibang bansa! May instant work na agad ako, Bes! At alam mo kung saan? Sa Amerika!" tumitili pa niyang kwento sa kaibigan.
" Talaga? How?"
Bakas sa mukha ni Athena ang kasabikan sa isasagot niya. Napatili na rin ito sa kwento niya.
" Ilalapit ako ni Mico sa family friend nila na nagmamay-ari ng hotel sa Amerika, di ba ang saya?!"
" Wow, congrats in advance , Bes! I'm really happy for you."
" Alam mo ba sa sobrang saya ko, ayan tuloy bigla ko siyang sinagot!" humahalakhak niyang turan.
" Dahil lang ba talaga don? Nakikita ko naman na happy ka pag kasama mo siya,eh."
" Ang totoo? Hindi talaga ako sigurado kung mahal ko siya,eh. Ano bang pakiramdam 'nun?" curious niyang tanong.
" Kung ano 'yung nararamdaman mo ngayon, that's it! At tsaka, Bes, blooming ka, halatang inlove, uyy," panunukso pa rin ng kaibigan.
" 'Wag ka maingay baka marinig tayo ni Mama," mahinang saway niya sa kaibigan.
" Why? Wala ka bang plano na sabihin sa kaniya?"
" Sasabihin ko pero hindi muna ngayon, tsaka ang usapan naman namin ni Mico ililihim muna namin 'yun. Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba? Baka mapagkamalan pa akong salawahan nito," humahagikhik niyang turan.
Labag man sa kaniyang kalooban ay ganoon nga ang ginawa nila ni Mico. Pag nasa school sila ay para lang silang ordinaryong magkaibigan. Madalas man nitong kasama si Rochelle ay hindi na siya apektado dahil alam niyang siya ang mahal nito. Hindi na rin ito sumasabay sa kaniya tuwing hapon kapag sinusundo siya ni Damon, nasa likod lang ito at laging nakasunod sa kaniya.
Kaya naman, isang araw ay bigla siya nitong inayang lumabas.
" Saan ba tayo pupunta?"
" Kung saan pwede kong ipadama sa'yo na mahal kita?"
Kasalukuyan silang lulan na ng kotse ng binata. Hawak nito ang kaniyang kamay habang nagdadrive.
" Puro ka talaga ka-kornihan!" pabiro niyang tugon dito.
Ngumiti lang ang lalaki at h******n ang kaniyang kamay.
" Namimis na kita, eh! Feeling ko hindi ko na kakayanin na ilihim pa ang relasyon natin."
" Napag-usapan na natin 'to 'di ba? Akala ko ba, willing to wait ka? Ilang days pa nga lang give-up ka na?" malambing niyang turan dito.
" Sorry na, babe. Mahal na mahal lang kasi kita,eh."
Ngumiti siya at humilig sa balikat ng binata at naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo. Nakarating sila sa isang beach resort kung saan sila lang ang naroon. Nalaman niyang inupahan iyon ng lalaki na para lang sa kanilang dalawa. May hinanda pa itong lunch para sa kanilang dalawa na kung saan napapalibutan ng flowers ang area. Gusto niyang maiyak sa sorpresang iyon ng binata. Pakiramdam niya siya na ang pinakamaganda at espesyal na babae sa ibabaw ng lupa. Mula sa likuran ay niyakap siya ng lalaki.
" You like it?" tanong nito sa kaniya.
Napatango lang siya na halos hindi nakapagsalita. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang naranasan ang mabigyan ng importansya. Hinarap siya ng lalaki at masuyong pinagmasdan.
" Ginulat mo ko,ah! Sige ka, baka hanap-hanapin ko na 'to!"
" Kahit araw-araw pa hinding hindi ako magsasawang gawin 'to," madamdamin nitong turan.
Very romantic ang place na sinabayan pa ng kantang ' Forevermore' by Side A. Niyakap siya nito sa bewang at masuyong hinalikan sa mga labi na ginantihan niya rin naman. Ramdam niya sa halik nito ang labis na pagmamahal para sa kaniya. Matagal ang halik na iyon na halos ayaw na yatang bumitiw ng lalaki na tila pinanggigilan na yata siya. At dahil matangkad ito ay nangalay na ang mga paa niya sa pagtingkayad. Mukang naramdaman naman iyon ng binata kaya mula sa bewang ay iniangat siya nito sa mesa habang hindi pa rin bumibitiw sa pagkakahalik. Naramdaman niya ang paglalim ng halik nito habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang bewang. Nang kapusin na siya sa paghinga ay siya na mismo ang kumalas sa lalaki.
" Hoy, ikaw,ah, pinapapak mo na ako," namumula ang mukha niyang turan.
" Bakit ayaw mo ba?" sagot nito habang namumungay ang mga mata.
" Bakit sinabi ko ba?" pabiro niyang sagot.
" Camilla, will you marry me?"
Nagulat siya sa tanong nito kaya natampal niya ito sa braso.
" Puro ka kalokohan, alam mong nag-aaral pa tayo,eh!"
" Pwede naman, 'yun, ah? Tutal after graduation may plano naman na tayo 'di ba? Tsaka doon din naman tayo papunta," nangingiting tugon nito.
" Alam mo gutom lang iyan, kain na tayo?"
" Pwede bang ikaw na muna ang kainin ko," pabiro nitong turan habang tumatawa.
" Puro ka kalokohan,ah!" Kinurot niya ito sa tagiliran. Binuhat naman siya ng lalaki para makababa at masaya nilang pinagsaluhan ang nakahain sa mesa.
Nang matapos kumain ay naglakad-lakad sila sa tabing dagat habang magkahawak kamay. Paminsan-minsan ay nagsasabuyan sila ng tubig. Minsan naman ay hahabulin siya ng lalaki at kapag naabutan naman siya ay tinatangka siya nitong halikan ngunit nagpupumiglas siya kaya muli na naman siyang hahabulin nito.
Nang makaramdam ng pagod ay pinasya nilang maupo. Nahiga ito sa kaniyang kandungan habang hawak ang kaniyang kamay na tila ba takot itong makawala pa siya. Habang nakapikit ito ay nangingiting pinagmamasdan niya lang ang nobyo. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon nasa ulap siya dahil sa kaligayahan. At nang oras ngang iyon ay sigurado na siyang mahal niya na ang binata.
MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm
NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya." Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki." Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila." Anong ginagawa natin dito?"" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."
NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.
WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay." Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.
NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan." Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!"" Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata." Saan naman?"Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala." Baka nasa resthouse siya?"" Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis." Sasama ako," aniya at sumunod na rin
KASAMA ang nobyo ay agad nilang pinuntahan ang ospital na sinabi ni Damon. May kalayuan ito sa resthouse kaya natagalan ang kanilang biyahe. Naabutan nila itong tulog habang nasa tabi nito si Damon at hawak ang kamay ng nobya." Anong nangyari? Kumusta na siya? Saan mo siya nakita?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki." She's okay now sabi ng Doctor. Masyado lang siyang napagod. Na dehydrate din siya dahil sa buong maghapon na hindi pag inom," matamlay nitong tugon.Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaibigan pati ang mga paa nito na nagkasugat-sugat, malamang ay dahil sa buong araw na paglalakad. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Athena." Saan mo
NASA gate pa lang ng mansion ay dinig na ni Camilla ang tila pagtatalo ng dalawang tao kaya dali-dali siyang pumasok sa loob nito. Naabutan niya ang mag-ina na nagtatalo na naman,muli pa lang umuwi ito galing sa hongkong. Muli niyang nakita sa itsura ni Mrs.Romualdez ang tila pinipigil na galit na anumang oras ay sasabog na habang si Athena naman ay namumula na rin ang mukha.Napapailing na lang siya sa eksenang iyon. Ayaw niya ng makialam o makisangkot pa sa gusot ng dalawa kaya tumalikod na siya." Akala mo ba hindi ko malalaman na matagal ka na pa lang hindi pumapasok at gabi gabi kang nasa bar para maglasing?!"Natigilan siya sa narinig niyang iyon. At kailan pa natutunan ni Athena ang uminom ng alak? Palabas lang pala ang pag alis nito tuwing um
PANANDALIANG nakalimutan ni Camilla ang problema ng araw na iyon. Excited siyang lumabas ng room pagkatapos ng klase nila. Nakatanggap kasi siya ng text mula sa nobyo na maghihintay ito sa inupahang resort kung saan madalas silang magkita ng lalaki. Monthsary nila ngayon at excited na siya sa sorpresang inihanda nito para sa kaniya. Dumaan muna siya sa powder room para ayusin ang sarili. Naglagay siya ng manipis na lipstick at powder naman sa mukha. Nang masigurong maayos na ang itsura ay lumabas na siya. Ngunit lumukot ang mukha niya nang malayo pa lang ay natanawan niya na si Damon, malamang ay hinihintay nito si Athena. Agad itong sumalubong sa kaniya nang makita siya." Oh, Damon anong ginagawa mo dito?"" Samahan mo'ko, sunduin natin si Athena," anito sa balisang boses.
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni