Share

Chapter 19

Author: Samleig G.
last update Last Updated: 2022-03-28 21:17:41

NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman  ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya.

" Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.

Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki.

" Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.

Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila.

" Anong ginagawa natin dito?"

" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."

" Eh, bakit mo pa ako ginising, hindi mo ba kayang bumili mag-isa?" nanlalaki ang mata niyang singhal dito.

" Sinabi ko bang sumama ka? Ginising lang kita para sabihan ka," anito na bahagya pang lumayo sa kaniya.

Nagmumukha na naman kasi siyang dragon sa galit. Inis siyang nagkamot ng ulo at muling pumasok sa loob. Muli siyang pumwesto para matulog.

" Ayaw mo ba talagang sumama?" dinig pa niyang tanong ng binata.

" Ayoko!" asik niya dito.

Naramdaman niya ang paglayo nito. Kung bakit naman kasi hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa kinakaharap nilang problema ng kaibigan. Maya-maya ay napamulat siya ng maisip iyon. Bakit nga ba tila kampante siyang natutulog na lang samantalang ang kaibigan ay natutuliro na sa kakaisip. Tinanaw niya ang lalaki na ngayon ay hindi niya na makita, maganda sanang pagkakataong ito para sa pagpapanggap nila. Napalinga-linga siya sa paligid,wala namang kakaiba kung sino man ang maaring nakasunod sa kanila. Muli siyang napahikab at sumandal sa kotse.

Kalahating oras din siyang naghintay ngunit wala pa rin ang lalaki kaya naman naisipan niya na lang itong sundan. Una niyang pinuntahan ang supermarket ngunit wala roon ang lalaki. Inisa-isa niya rin ang mga fastfood chain nagbabaka sakaling nagtake-out na lang ito ng food ngunit bigo pa rin siya. 

" Saan ba siya nagpunta?!" gigil niyang usal sa sarili.

Umaangat na ang dugo niya sa ulo sa sobrang inis sa lalaki. Nagagawa pa kasi nitong mamasyal sa kabila ng kinakaharap nitong problema. Nang mapagod ay nagpasya na lang siyang  bumalik sa parking lot baka kasi nagkasalisihan sila ng lalaki. Ngunit agad niya itong nasulyapan sa gilid ng mall sa  isang bakanteng lote. May kausap itong sexy at magandang babae. Lumarawan agad ang inis sa kaniyang mukha.

" Darling!" sigaw niya na nagpalingon sa dalawa.

Napawi naman agad ang ngiti sa mukha ni Damon ng makitang papalapit siya na anumang oras ay bubuga na yata ng apoy.

" Ano ka ba naman, Darling ko kanina pa ko hanap ng hanap sa'yo, nandito ka lang pala at nakikipag landian?" malambing niyang wika ngunit nakapingot naman  sa tenga ng lalaki.

Nanlaki naman ang mata ng babaeng kaharap sa ginawa niya.

" Ouch, hey! Stop it!" hiyaw ni Damon.

" Masakit ba, Darling? Alam mo bang inikot ko na ang buong mall para hanapin ka tapos nandito ka lang pala nakikipagharutan!?" aniya at binitawan ang namumulang tenga ng lalaki.

" Wait, Damon? Is she your girlfriend?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng babae.

" Oo, bakit hindi ba obvious? Ayan,oh, Darling pa ang  tawagan namin, 'di ba Darling?" Kinawing pa ang braso sa braso ng lalaki.

Hindi na sumagot ang babae, tumaas lang ang kilay nito at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

" So, Damon, mahilig ka na pala sa mga bansot  ngayon?" mataray na tanong ng babae.

Napaawang ang bibig niya na tila hindi makapaniwala sa narinig.  Magsasalita na sana siya ng takpan ni Damon ang bibig niya at hinila na siya.

" Sige, love, next time na lang,ah?!" paalam pa nito sa babae.

Nagpumiglas siya ngunit sadyang malakas ang lalaki. Halos buhatin na siya nito para lang mailayo. Saka lang siya binitawan ng lalaki ng makalayo na sila. 

" Hoy, ikaw Damon, ah! Wala ka talagang respeto sa bestfriend ko, nagawa mo pang lumandi sa iba kahit kasama mo ako?! Ni hindi ka man lang natakot na baka magsumbong ako, sumosobra ka na!" gigil niyang singhal dito.

" Teka nga, kumalma ka nga muna. Hindi ako nakikipaglandian, kaibigan ko lang 'yun, tropa."

" Kaibigan? E, love nga tawag mo sa kaniya,eh! Hindi ako tanga at bingi ' no!" 

Gusto niya na itong sapakin ngunit pilit naman itong lumalayo sa kaniya. Para siyang girlfriend nito na totoong nagseselos. Nagseselos nga siya ngunit hindi para sa sarili kundi para sa kaibigan.

" Syempre, Lovely ang pangalan niya. Natural love ang tawag ko!" 

" Sinungaling! Hay,ewan ko ba kung ano nagustuhan sa'yo ng kaibigan ko! Naku, sumasakit ang ulo ko!" 

" Dahil pogi ako?" pagbibirong tugon naman ng lalaki.

Natawa siya ng pagak at pinili na lang na tumalikod upang bumalik na sa kotse. Pakiramdam niya kasi ay maloloka na siya habang kausap ito. Ngunit panayan pa rin ang dakdak niya habang naglalakad habang si Damon naman ay ginagaya siya sa pagbubunganga, minsan ay tinatakpan nito ang sariling tenga  na tila naririndi na sa kaniya. Narinig pa niya itong sumisipol habang sinesermunan niya. 

" Sana sa oras na 'to mahimbing na akong natutulog sa bahay! Pero heto ako daig pa ang may alagang aso! Naku, ang sakit ng ulo ko, highblood na yata ako. Juskolord, ano ba 'tong pinasok ko?Kunin niyo na po ako!" hiyaw pa niya.

Gusto niya ng mawalan ng ulirat dahil sa pagod at matinding antok. Nauuhaw pa siya kaya naisipan niyang tanungin ang lalaki kung bumili man lang ba ito ng inumin. Ngunit paglingon niya, wala siyang Damon na nakita.

" Damon, saan ka na naman ba nagpunta?!" gigil niyang saad sa sarili.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at namataan niya nga ito sa 'di kalayuan na may kausap na namang babae. Umakyat ang dugo niya sa bumbunan at nagngalit ang kaniyang mga ngipin. 

" Damon!!" sigaw niya habang patakbong sumugod dito.

Lumipad siya sa ere at iniunat ang paa papunta sa mukha ng binata. Hindi niya na alintana ang mga tao sa  paligid. Nanlalaki naman ang mata ni Damon habang tulalang nakatanaw na lang sa paa niya na tumama  mismo sa mukha nito. Hindi ito nakaiwas dahil sa gulat at pareho pa silang bumagsak sa lupa. Gulat na gulat naman ang babaeng kausap ng binata na agad itong dinaluhan.

Nagkaroon ng malaking pasa ang lalaki sa mismong mata pa nito. Ibig niyang matawa habang dinadampian ito ng yelo ni Athena.

" Ouch, dahan-dahan lang, Hon!" d***g ng binata.

" Sus, parang bakla! Laki-laking tao,eh, lampa!" bulong pa niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan.

" Ano na naman ba  kasing nangyari sa inyong dalawa? Para kayong mga bata!" naiinis na turan ni Athena.

" Yan kasing boyfriend mo,eh, kaliwa't kanang babae ang nilalandi kanina!"

Mabilis namang tumanggi si Damon sa paratang niya.

" Remember, Lovely 'yung tropa natin? Ayaw niyang maniwala na kaibigan natin 'yun!"

" Palusot ng mga dakilang playboy!" 

" Kung ayaw mong maniwala 'di 'wag. Hayy, ewan ko dyan sa kaibigan mo, hon, natanong mo na ba si Tita kung saan pinaglihi iyan? Parang kabayo kung makasipa!"

" Eh, ikaw saan ka pinaglihi,ha? Sa higad? Napaka kati mo kasi,para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!"nandidilat ang matang singhal  niya.

Humagalpak ng tawa si Damon sa nakikita nitong expression ng mukha niya.

" Okay, enough!" awat ni Athena sa kanila. " Let's forget what happen kanina. Meron tayong mas malaking problema na kinakaharap!" 

Kapwa sila natahimik na parang mga bata.

" Mukha kasing may alam na si Mommy and i really don't know how to solve it!"

" Sabihin na kasi natin ang totoo,hindi habang buhay maitatago natin sa parents mo ang katotohanan,"bigla ay seryosong wika ni Damon.

" And then what? Ihihiwalay ka lang niya sa akin at ipapadala niya ako sa Amerika!" puno ng tensyong tugon ni Athena.

" Hindi kaya nag o-overthink ka lang, Bes? Baka naman kasi may ibang sasabihin lang ang Mommy mo."

" She's right, Hon.  After all, ginawa naman natin ng maayos ang plano  and i don't think na nalaman na nila ang totoo. So, please just calm down?" pagpapahinahon ni Damon sa nobya.

Saglit na natahimik si Athena na mukhang kumalma naman. Nagpasya muna siyang iwan ang mga ito para makapag-usap na muna ng maayos ang dalawa. Nagpahangin muna  siya sa labas ng may mamataan siyang bulto ng lalaki sa madilim na bahagi ng resthouse. Lumapit ito sa kaniya at nakangiti pa. 

" Mico? Anong ginagawa mo rito? Paano mong?" 

" Sumunod ako sa inyo," nakangiting tugon nito. "I won't let Damon na masolo ka." 

Matapos ay hinawakan siya nito sa kamay. Gumaan agad ang pakiramdam niya sa ngiting iyon ng nobyo. 

" Loko ka talaga!" 

Naupo sila sa okupadong upuan sac terrace ng resthouse. Humilig siya sa balikat ng lalaki habang magkahawak ang kamay nila.

" Napagod ka sa pambubugbog mo kay Damon 'no?"

Napaangat siya ng tingin  rito.

" Nakita mo 'yun?"

" Oo, naman. Pati na 'yung flying kick mo," nangingiti pa rin nitong tugon.

Napahalakhak siya ng malakas dahil doon. 

" Ang siga talaga ng girlfriend ko, kaya mahal na mahal kita,eh!"

" Sus! Hindi ka natatakot sa akin?" pabiro niyang tanong.

" Hmm, medyo. Kaso may isang eksena lang ako na hindi nagustuhan. 'Yung tinawag mo siyang Darling and you put your arms to him," tila nagtatampong turan pa nito.

" Naku,nagselos ka na naman!" Pinisil niya ang ilong nito at muling humilig sa balikat nito.

Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang buhok.

" I love so much, Babe," bulong pa nito.

Napangiti siya dahil doon at pumikit. Tila nakahanap siya ng masasandalan sa pagod niyang isip at katawan.  

" Guess what? Alam mo bang nakausap ko na ulit sina Mommy?"maya-maya ay wika na may kasabikan sa boses.

Muli siyang napatunghay sa lalaki.

" Ni-refer ka na nila sa family friend namin na sinasabi ko sa'yo na nagmamay-ari ng restaurant?"

Napatitig siya sa nobyo, hinihintay ang sunod nitong sasabihin.

" They're  willing to accept you!"

Halos maluha siya sa magandang balita na iyon ng nobyo. Niyakap niya ito sa sobrang katuwaan.

" Salamat, Babe!" naluluha niyang sabi.

Masaya rin siyang ginantihan ng yakap ng nobyo. 

" After nating maka-graduate isasama na kita kaagad doon." 

Napatango-tango naman siya sa sinabing iyon ng nobyo. Pinahid niya ang luha  na naglandas sa pisngi niya sa sobrang katuwaan.

" So, nasaan ang reward ko?" pilyo ang ngiting tanong nito matapos nilang kumalas sa pagkakayakap.

" Anong reward ba ang gusto mo?" ngumiti siya ng pilya.

Imbis na sumagot ay agad siyang siniil ng mainit na halik ng nobyo na ginantihan niya rin naman. Naging maalab ang halik nila sa isa't-isa ng may bulto ng tao ang napahinto ng makita sila sa ganoong ayos.

" Opps!" 

Narinig niyang sambit na walang iba kundi si  Damon. Nagulat pa siya ng makita ito. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Nakalimutan niya, hindi nga lang pala sila ang tao sa lugar na iyon. Kasunod nito si Athena  na laking pasalamat niya ay hindi ito ang nakakita dahil kalalabas lang din nito.

" Nandito ka pala, Mico. Kanina ka pa?" tanong ni Athena sa binata.

" Ah, oo, medyo kararating ko lang."

Tumango lang ng matamlay si Athena at nagsimula ng maglakad para lisan ang lugar na iyon. Sumunod na rin sila ngunit sa kotse na ni Mico siya sumakay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
A.B
nice story ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 20

    NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.

    Last Updated : 2022-03-31
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 21

    WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay." Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.

    Last Updated : 2022-04-04
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 22

    NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan." Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!"" Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata." Saan naman?"Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala." Baka nasa resthouse siya?"" Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis." Sasama ako," aniya at sumunod na rin

    Last Updated : 2022-04-08
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 23

    KASAMA ang nobyo ay agad nilang pinuntahan ang ospital na sinabi ni Damon. May kalayuan ito sa resthouse kaya natagalan ang kanilang biyahe. Naabutan nila itong tulog habang nasa tabi nito si Damon at hawak ang kamay ng nobya." Anong nangyari? Kumusta na siya? Saan mo siya nakita?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki." She's okay now sabi ng Doctor. Masyado lang siyang napagod. Na dehydrate din siya dahil sa buong maghapon na hindi pag inom," matamlay nitong tugon.Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaibigan pati ang mga paa nito na nagkasugat-sugat, malamang ay dahil sa buong araw na paglalakad. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Athena." Saan mo

    Last Updated : 2022-04-11
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 24

    NASA gate pa lang ng mansion ay dinig na ni Camilla ang tila pagtatalo ng dalawang tao kaya dali-dali siyang pumasok sa loob nito. Naabutan niya ang mag-ina na nagtatalo na naman,muli pa lang umuwi ito galing sa hongkong. Muli niyang nakita sa itsura ni Mrs.Romualdez ang tila pinipigil na galit na anumang oras ay sasabog na habang si Athena naman ay namumula na rin ang mukha.Napapailing na lang siya sa eksenang iyon. Ayaw niya ng makialam o makisangkot pa sa gusot ng dalawa kaya tumalikod na siya." Akala mo ba hindi ko malalaman na matagal ka na pa lang hindi pumapasok at gabi gabi kang nasa bar para maglasing?!"Natigilan siya sa narinig niyang iyon. At kailan pa natutunan ni Athena ang uminom ng alak? Palabas lang pala ang pag alis nito tuwing um

    Last Updated : 2022-04-15
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 25

    PANANDALIANG nakalimutan ni Camilla ang problema ng araw na iyon. Excited siyang lumabas ng room pagkatapos ng klase nila. Nakatanggap kasi siya ng text mula sa nobyo na maghihintay ito sa inupahang resort kung saan madalas silang magkita ng lalaki. Monthsary nila ngayon at excited na siya sa sorpresang inihanda nito para sa kaniya. Dumaan muna siya sa powder room para ayusin ang sarili. Naglagay siya ng manipis na lipstick at powder naman sa mukha. Nang masigurong maayos na ang itsura ay lumabas na siya. Ngunit lumukot ang mukha niya nang malayo pa lang ay natanawan niya na si Damon, malamang ay hinihintay nito si Athena. Agad itong sumalubong sa kaniya nang makita siya." Oh, Damon anong ginagawa mo dito?"" Samahan mo'ko, sunduin natin si Athena," anito sa balisang boses.

    Last Updated : 2022-04-19
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 26

    PINAHID ni Camilla ang luha na naglandas sa kaniyang pisngi at pilit na ngumiti. Pilit niyang pinasigla ang awra kahit ang totoo ay nanghihina siya sa ginawang pasya." Bes,a-anong sabi mo?" di makapaniwalang tanong ng kaibigan." Payag na akong magpakasal!" muling sambit niya.Nakita niya na umaliwalas ang mukha ni Ahena samantalang si Damon ay labis ring nabigla." P-pero, paano ka? Paano 'yung mga pangarap mo?"" Sus, makakapaghintay naman iyon, bata pa ako at malakas matutupad ko pa iyon," natatawa niyang tugon kahit ang totoo ay nanlalamig ang kaniyang katawan.Agad siyang niyakap ng kabigan dahil sa labis na katuwaan

    Last Updated : 2022-04-20
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 27

    PILIT niyang kinalma ang sarili at humarap sa lalaki. Pinahid niya ang luha sa pisngi nito at tinitigan sa mga mata. Hinawakan niya ito sa kamay at inaya para maupo nang makapag-usap sila maayos." Sana maintindihan mo ako na kailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Gagawin ko ito para sa kaniya at sana respetuhin mo ang naging desisyon ko."Napailing-iling si Mico bilang pagtutol." I don't get it. Bakit kaylangang umabot sa ganito ang pagtulong mo sa kaniya? May iba pang paraan, Camilla!" giit pa rin ng binata." Masyado nang magulo ang sitwasyon niya. Ito lang ang naiisip kong paraan para makatulong sa kaniya. Please, Mico, intindihin mo naman ako!"

    Last Updated : 2022-04-24

Latest chapter

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 88 The End

    Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 87

    DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 86

    WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 85

    AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 84

    Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 83

    Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 82

    Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 81

    Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 80

    Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status