PINAHID ni Camilla ang luha na naglandas sa kaniyang pisngi at pilit na ngumiti. Pilit niyang pinasigla ang awra kahit ang totoo ay nanghihina siya sa ginawang pasya.
" Bes,a-anong sabi mo?" di makapaniwalang tanong ng kaibigan.
" Payag na akong magpakasal!" muling sambit niya.
Nakita niya na umaliwalas ang mukha ni Ahena samantalang si Damon ay labis ring nabigla.
" P-pero, paano ka? Paano 'yung mga pangarap mo?"
" Sus, makakapaghintay naman iyon, bata pa ako at malakas matutupad ko pa iyon," natatawa niyang tugon kahit ang totoo ay nanlalamig ang kaniyang katawan.
Agad siyang niyakap ng kabigan dahil sa labis na katuwaan
PILIT niyang kinalma ang sarili at humarap sa lalaki. Pinahid niya ang luha sa pisngi nito at tinitigan sa mga mata. Hinawakan niya ito sa kamay at inaya para maupo nang makapag-usap sila maayos." Sana maintindihan mo ako na kailangan kong tulungan ang kaibigan ko. Gagawin ko ito para sa kaniya at sana respetuhin mo ang naging desisyon ko."Napailing-iling si Mico bilang pagtutol." I don't get it. Bakit kaylangang umabot sa ganito ang pagtulong mo sa kaniya? May iba pang paraan, Camilla!" giit pa rin ng binata." Masyado nang magulo ang sitwasyon niya. Ito lang ang naiisip kong paraan para makatulong sa kaniya. Please, Mico, intindihin mo naman ako!"
DAHIL sa pagkabigla ay hindi kaagad siya nakakilos. Tutop niya ang bibig at nanlalaki ang mata. Pakiramdam niya ay nahalikan siya ng aso." Ayan, tapos na!" Anito habang pinunasan pa ang sariling labi.Nang makabawi sa pagkabigla ay gusto niya itong sapakin ngunit natigilan siya, nasa simbahan nga pala sila. Tiningnan niya na lang ito ng matalim habang naiiyak. Tinignan niya rin si Athena na kasalukuyang nakayuko pa rin kaya nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nito nakita ang ginawa ng nobyo." Okay. I now pronounce you, husband and wife," nangingiting sambit ng kaharap na pastor.Hindi niya napigilan ang matawa ng marinig iyon. Mag asawa na sila ni Damon ngayon."
ALAM ni Camilla na hindi magiging madali ang ginawa niyang desisyon. Mahihiwalay siya sa Mama niya dahil kaylangan niyang sumama kay Damon at matulog sa iisang kwarto.Kaylangan niya ring pakisamahan ang pamilya ng lalaki lalo na ang Mommy nito. Kay Mico na alam niyang mahihirapan din sa sitwasyon nila at kailangan niyang hatiin ang oras para dito. At higit sa lahat, idagdag pa ang araw-araw na pambubwisit ng lalaki na kailangan niyang makasanayan.Sa edad na twenty, hindi pa rin siya makapaniwalang kailangan niya ng harapin ang ganoong kabigat na problema. Pinagmasdan niya ang lalaking katabi habang himbing pa rin sa pagkakatulog at natatakluban ng puting kumot, dinig niya pa ang paghilik nito.Gusto niya sanang umalis at iwan na lang ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili, kailangan niya nang masanay n
ABALA si Damon habang nakatitig sa screen ng kaniyang laptop sa office, matapos kasi ang ilang linggo pagkatanggal bilang shareholders ng company ay naibalik na rin siya. Noong una ay hindi niya na sana tatanggapin pa at ibebenta na lang sana ang shares ngunit naalala niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Sa ngayon, hindi muna niya paiiralin ang pride, saka na siya mag-iisip ng ibang paraan para tuluyang makawala sa anino ng kaniyang Ama. Narinig niyang may kumatok sa pinto." Come in!" Aniya na nakatutok pa rin ang atensyon sa ginagawa.Nagulat siya ng iniluwa noon ang isang tao na matagal niya nang hindi nakikita. Si Zeke, ang kaniyang bestfriend. " Pare!" anito at mabilis siyang nilapitan at niyakap at tinapik- tapik ang likod." Kumusta na? Long time no see,ah!" Aniya at tinapik din ang balikat ng kaibigan. " Teka? Kailan ka pa dumating?" gulat pa rin niyang tanong dito.Si Zeke na highschool pa lang ay kaibigan niya na. Partners in crime. Kasama niya 'to sa pagbibilang
NaBABAHALA na siya sa ikinikilos ni Camilla. Pamaya-maya kasi ay panayan ang paghingi nito kay Zeke ng maiinom." Hoy! Wala akong pambayad kaya magdahan-dahan ka sa pag-inom,ah!" pagbibiro pa niya sa babae.Panayan din ang paglinga niya sa paligid at inaasahang dumating na si Athena. " Ang kuripot mo, ah! Samantalang nung kinasal tayo sabi mo pa sa wedding vow natin ibibigay mo ang lahat tapos alak lang nagdadamot ka," sabay halakhak nito.Naloko na! Mukhang lasing na talaga ang babae. Paano kung magwala ito dito?Narinig niya naman ang paghalakhak din ng kaibigan habang napapailing. " 'Yun naman pala, eh. Kasama naman pala sa wedding vow niyo 'yun, eh!"Tumungga siya ng alak habang pinagpapawisan. Nanahimik na siya at baka bigla siya nitong asbaran. Ngunit maya-maya lang ay dumating na si Athena at nakahinga siya ng maluwag. Ang buong akala nito ay aawatin nito ang kaibigan at pagagalitan siya." Ang daya niyo, ah! Bat niyo ko iniwan?" nagtatampo pa nitong saad." Bes! Buti naman a
MASAKIT ang ulo ni Camilla nang magising ng umagang iyon. Medyo naparami pala ang inom niya kagabi, buti na lang at malinaw pa ang isip niya noon dahil nagawa pa niyang maitulak palabas si Damon matapos siyang maihatid nito sa kwarto. Mahirap na, lalaki pa rin ito at baka samantalahin nito ang pagkakataon kung kelan siya mahina. Assuming na kung assuming, mas mabuti na iyong nag-iingat. Bumangon siya sa kama at hinilot ang kumikirot na ulo, parang tinatamad siyang pumasok ng araw na iyon. Wala siyang gana dahil na rin sa madalas nilang pagtatalo ni Mico. Madalas itong magselos at palaging mainit ang ulo. Naiintindihan niya naman ang lalaki dahil sino ba ang matutuwa kapag ang taong mahal mo ay maikasal sa iba? Kahit sabihing palabas lang ang lahat ay tila hirap iyong maintindihan ng nobyo. Pilit niyang nilabanan ang katamaran at pumunta sa closet para ihanda ang damit na isusuot. Bahagya siyang natigilan ng makita ang mga sexy dresses na naka hanger. Bakit niya pa ba ito isusuot,
HINDI makatulog si Camilla ng gabing iyon, hindi niya maiwasang mag-alala sa pagsasarili nila ng lalaki. Hindi niya ito lubusang kakilala at kahit papaano ay lalaki pa rin ito. Ngunit ang mas higit niyang inaalala ay kung paano niya sasabihin sa nobyo ang kasalukuyang sitwasyon, sigurado siyang lalo itong mapapraning.Nakapatay ang ilaw sa kaniyang kwarto nang mapatingin siya sa pintuan. Napansin niya na may huminto sa tapat noon at maya-maya ay umalis na. Alam niya ang lalaki iyon, nasa kabilang kwarto lang kasi ito nakapwesto. Sinubukan niyang lumabas ng kwarto upang silipin 'to. Dahan-dahan siyang bumaba at pumunta sa kusina at nakita niya na umiimom na ito ng alak. Nakatitig ito sa baso na tila may malalim na iniisip. Bagsak din ang balikat nito at malungkot ang expression ng mukha. Bumalik siya sa kwarto at muling nahiga sa kama ngunit muli siyang napatayo at may naisip. Lumabas siya ng kwarto at naghanap ng pwedeng gawing proteksyon sa sarili. Napunta siya sa isang kwarto kung
Hindi niya magawang mag pokus ng umagang iyon sa pag-aaral dahil sa nangyari sa kanila ni Mico. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nitong makipaghiwalay sa kaniya. Buong araw siyang matamlay at tila lutang. Wala naman siyang magagawa kung talagang ayaw na nito, noon pa naman ay iyon na ang gusto niya ang makipaghiwalay sa lalaki bago pa man sila makasal ni Damon. Nang matapos ang klase ng tanghaling iyon ay nakita niyang nag-aabang sa labas ng classroom nila si Athena at hinihintay siya. Matamlay itong ngumiti sa kaniya." Pwede ba tayo mag-usap?"Napatitig siya rito na tila lutang pa rin. Dumiretso sila sa labas upang maupo sa mga bakanteng bench para mag-usap. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito at parang seryosong-seryoso?" Lumipat na pala kayo? Sinabi lang sa'kin ni Tita."Tumango-tango siya bilang tugon." May problema ba, bes?"tanong pa nito nang mapansing matamlay siya." Wala, pagod lang. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?"Hindi muna agad ito nakaimik sa hal
Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso
DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan
WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s
AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini
Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s
Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath
Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo
Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli
Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni