Share

Chapter 16

Author: Samleig G.
last update Last Updated: 2022-03-21 22:21:17

PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka  nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi  niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.

Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag  siya at binabanat ang sariling katawan. 

Maya-maya lang ay natanawan niya na sa malayo si Camilla. Napangisi siya ng mapansing suot nito ang pinili niyang dress para sa dalaga. Kasama nito ang binata at nang matanawan siya ay humawak ito sa kamay ni Camilla lalo siyang napangisi dahil doon na parang may naiisip na namang kalokohan. Pinalis niya ang ngiti at pilit na pinaseryoso ang mukha, kunwa ay tinitigan niya ng matiim ang dalawa. Napansin din siya ang pagsambakol ng mukha ng dalaga ng makita siya. Agad niyang sinalubong ang dalawa bitbit ang bulaklak na nagpapula sa mukha ni Mico. Kapansin-pansin ang pagngangalit ng mga panga nito na sobra niyang ikinatuwa ngunit mas pinili niya ang magseryoso.

" Hey, hey! Bakit mo hawak ang kamay ng babaeng mahal ko?!" Tinuro niya pa ang kamay ng dalawa.

Kapansin-pansin ang paglukot ng mukha ni Camilla at napailing-iling na tila nauubusan na ng pasensya sa kaniya. Nakagat naman ni Mico ang pang ibabang labi na tila naaasar at tumawa ito ng mapakla.

" Alam mo, pre? Hindi ko alam kung anong trip mo,eh!" 

Hindi niya napigilan ang matawa ngunit agad ring pinaseryoso ang mukha. 

" Pwede ba, Damon 'wag ngayon,ah," sambakol ang mukha na sambit  ni Camilla at napatingin sa hawak niyang bulaklak.

" See? Obvious naman na ayaw niya sa'yo. Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kaniya?!" Ani ni Mico na ngumiti at kinuyom ang kamao.

" Mico, tama na nga inaasar ka lang niyan, baliw iyan, eh!" Si Camilla na tinutok ang daliri sa tenga at pinaikot-ikot.

" Tama ka, baliw nga ako, baliw sa pagmamahal sa'yo," aniya na ngumiti pa ng pilyo. 

Tinangka niyang lumapit kay Camilla ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Agad siyang  sinalubong ni Mico at sinuntok sa mukha. Napaupo siya sa lupa habang hawak ang duguang labi.

" Mico, tama na ano ba?!" gulat na sigaw ng dalaga.

 Tarantang hinila ito ni Camilla at pilit na inilayo.

" I said stop it, leave her alone!" namumula sa galit na sigaw ni Mico.

Hinila na ito ni Camilla at iniwan siya. Tulala siyang hinatid ng tingin ang dalawa habang naglalakad palayo. Hindi agad siya nakakilos sa pwesto niya. Maya-maya ay tumayo at napangisi.

" Sakit 'nun,ah!" Hawak pa rin ang labi na nasapul ng kamao ni Mico.

***

" ANO ka ba naman? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na inaasar ka lang 'nun?" inis na saway ni Camilla  sa binata.

Kapansin-pansin ang galit sa mukha ni Mico. Naisip niyang mukhang kailangan niya ng sabihin dito ang totoo para matigil na rin si Damon sa pang-aasar sa kaniya at hindi na magsabong ang dalawa.

" I don't get it! Bakit nag-e-effort siyang sunduin ka araw-araw? Tell me the truth, Camilla. Nanliligaw ba sa'yo 'yun?" 

Napahinga siya ng malalim bago nagsalita. " Okay,sasabihin ko na nga sa'yo para matigil ka na sa kaseselos mo."

" Please?"nagsusumamo nitong wika ngunit lumarawan ang kaba sa gwapong mukha nito.

" Secret lang natin, ah? Walang dapat makaalam." 

" Na ano? Na boyfriend mo siya?"

" Hindi! Patapusin mo muna kaya ako, 'no?" inis niyang turan.

Natahimik ang binata, titig na titig ito sa kaniya na tila pigil ang hininga.

" Boyfriend siya ni Athena." 

" Ha? What do you mean? I don't get it," muling singit ni Mico.

" Patapusin mo muna ako, batukan kita diyan, eh! Kulit mo,ah."

Napakamot ng ulo si Mico at matamang nakinig sa kaniya.

" Hiniling sa'kin ni Athena na magpanggap kami ni Damon na mag nobyo para maitago ang relasyon nila, ayaw kasi ng mga magulang niya kay Damon. 'Yung ginagawa niya na pagsundo sa akin araw-araw, part 'yun ng palabas namin."

Umaliwalas  ang mukha ni Mico sa sinabi niyang iyon.

" Kaya ikaw 'wag kang highblood,ah? Nakasuntok agad,eh."

" Bakit kailangang ikaw? Pwede naman siyang magbayad ng iba, saka bakit ka pumayag?"

" Hindi ako pwedeng tumanggi, malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Nung nagkasakit ako siya ang tumulong sa akin, tsaka bestfriend ko siya."

" Kailangan ba talaga sunduin ka pa niya? I mean, i think it's enough na alam na ng parents niya na ikaw ang girlfriend ng loko-loko na 'yun!" may himig na pagseselos na sambit nito.

" Kailangan, eh! Alam kasi namin na may nagmamasid sa bawat kilos namin, kailangan naming umarte ng bonggang-bongga!"

Muling lumarawan ang lungkot sa mukha ni Mico. 

" Paano kung sa pagpapanggap niyo,eh, ma-inlove  kayo sa isa't-isa?"

Nanlaki ang mata niya sa tinuran nito.

" Excuse me? Eww! Hinding-hindi ako mai-inlove sa isang baliw 'no!" asik niya. 

" Talaga?" sagot nito habang titig na titig sa mga mata niya.

Hinampas niya ito sa braso at pinisil ang pisngi nito sa gigil. Ngunit imbis na masaktan sa ginawa niya ay tila kinilig pa ito.

" Nanggigigil ako sa'yo, ah!"

" Seryoso ako, Camilla. Imposible ba talaga na magkagusto ka sa kaniya? Gwapo si Damon and he's hot."

" Hindi lang ako bumabase sa itsura 'no? Gusto ko lalaking one woman-man. Ayoko ng mayabang at puro kalokohan lang ang alam!" nakairap niyang tugon.

" Ehem, parang ako 'yun, ah?"

" Kasasabi ko lang na ayaw ko ng mayabang!"

Muli ay sumeryoso ang mukha ni Mico.

" Just promise me one thing, sana hanggang sa huli tayo lang." 

Hinawakan nito ang pisngi niya na hindi niya nagawang tanggihan. Nagtama ang mga mata nila ngunit agad siyang napayuko.

" I really love you," bulong pa nito.

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kilig na nararamdaman. Parang gusto nya ng bumigay at sagutin na ito ngunit hindi niya ginawa. 

" Alam mo bang napakatagal ko 'tong hinintay, ang makasama ka? And i won't miss the chance to have you."

" Eh, paano iyan? Kung sakaling sagutin kita, willing ka ba sa long distance relationship?"pabiro niyang tanong sa binata.

" Sasagutin mo na ako?" namimilog ang matang tanong nito.

" Tangek! Tinatanong ko lang kung sakali. After kasi ng graduation ko, kukuha lang ako ng experience dito pupunta na agad ako sa ibang bansa para doon magwork." 

" Saan bansa?" 

" Kahit saan, amerika, hongkong canada. Teka nagugutom na ako, kumain muna tayo?"

" Wait! 'Di ba HRM course mo?"

Napatango siya habang himas ang tiyan.

" Good! Wala ka nang magiging problema kung work ang pag-uusapan, i can help you!" nangingiting turan nito.

" Anong ibig mong sabihin?"

" Pwede kitang ilapit sa hotel na pagmamay-ari ng kaibigan ng parents ko doon sa Amerika! Family friend namin 'yun, i'm sure hindi nila ako matatanggihan." 

Tulala siyang napatitig sa binata. Sinusuri niya kung seryoso ba 'to o nagbibiro lang.

" After your graduation, all you have to do is prepare all your documents and then sabay tayong aalis papuntang Amerika, what do you think?" tanong pa nito sa kaniya.

" S-seryoso ka ba? Pag pinagtitripan mo lang ako, isang taon kitang hindi kakausapin!"

" God, Camilla i'm serious! Bakit naman kita lolokohin? Tulad ng sinabi ko, napakatagal kong hinintay na makasama ka, hindi ko na hahayaang mangyari 'yun!"

" Ibig bang sabihin may inaasahan na kong trabaho pagka graduate ko?"  di makapaniwala niyang tanong.

" Yes!" tumatango pang sagot ng binata.

" Hindi mo ' ko niloloko?"

" Nope," sunod-sunod na iling ng binata.

Sa sobrang saya niya ay nayakap niya ng mahigpit ang lalaki. Masayang-masaya siya. Matutupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa ibang bansa para mapatayuan ng sariling bahay ang ina. Humarap siya rito habang nakasampay pa rin ang mga braso niya sa batok nito. 

" Seryoso yan, ah? Wala ng bawian?" masaya niyang turan.

Huli na ng mapansin niyang sobrang lapit pala ng mukha nila sa isa't-isa. Nangingiti ang lalaki habang malayang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Napatitig na rin siya sa gwapong mukha nito at pakiramdam niya ay nalalasing siya sa mabangong hininga ng binata. A masculine scent na tila kakaibang kiliti ang hatid sa kaniya.Nagtama ang kanilang mga mata. Kakalas na sana siya ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniyang bewang. Muli silang nagkatitigan, nangungusap ang mga mata ng binata habang nakatitig sa kaniya. Naramdaman niya na lang na unti-unti nang inilalapit ng binata ang labi nito sa mga labi niya. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit at malambot na labi nito sa mga labi niya. 'Yun ang una niyang halik kaya hindi niya maintindihan ang nararamdaman, para siyang kinikiliti at napakasarap sa pakiramdam. Naramdaman niya ang marahang pagkilos ng mga labi nito, at dahil hindi siya marunong h*****k ay sinusundan niya na lang ang bawat galaw ng labi nito. Napakasarap sa pakiramdam ng halik na iyon ng binata na para siyang nawawalan ng lakas. Kapwa pa sila hinihingal ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

" Mahal na mahal kita, Camilla," bulong pa nito at h******n siya sa noo.

Nang matauhan siya ay tinangka niyang kumalas ngunit ayaw siyang pakawalan ng lalaki. 

" Hoy, nasa public place tayo, bitaw," natatawa niyang sambit dito.

Ngunit nanatiling nakayakap sa bewang niya ang lalaki.

" In one condition, just tell me na sinasagot mo na ako," bulong pa nito.

" N*******n mo na nga ako,eh."

" Girlfriend na ba kita? Please, or i won't let you go!" Pangungulit pa rin nito.

" Oo, na sige na bitaw na!" 

Sa halip na bumitaw ay niyakap siya ng mahigpit ng lalaki. Natawa na lang siya at hinayaan na lang ito. Hindi niya akalain na sa araw na iyon ay magagawa niya itong sagutin ng dahil lang sa isang halik na ginawa nito. Ramdam niya ang labis na tuwa ng lalaki na halos hindi na bumitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya.

Related chapters

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 17

    Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta

    Last Updated : 2022-03-23
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 18

    MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm

    Last Updated : 2022-03-25
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 19

    NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya." Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki." Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila." Anong ginagawa natin dito?"" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."

    Last Updated : 2022-03-28
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 20

    NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.

    Last Updated : 2022-03-31
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 21

    WALA siyang gana nang mga oras na iyon habang naglalakad sa hallway ng university .Kapansin-pansin ang pananamlay, inis na inis siya sa kaibigan. Paano nitong nagawang hilingin na pakasalan ang nobyo nito talaga bang naloloka na ang kaibigan? Ganun ba talaga ang epekto kapag nawalan ng isang kidney?" Babe." Mahinang tawag ng isang boses na kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Mico.Sumabay ito sa paglakad sa kaniya at pasimpleng hinawakan siya sa kamay." Tara, Babe magkape muna tayo sa canteen," aya nito sa kaniya.Humarap siya rito at matamang tinitigan ang binata. Sa kinakaharap na malaking problema para bang gusto niya na itong ayain na lumayo na sa lugar na iyon at pumunta na sa America.

    Last Updated : 2022-04-04
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 22

    NAGPASYA siyang makipagkita sa binata para klaruhin ang sinabi nito. Napagalitan pa niya ang lalaki dahil bakit hinayaan nitong makaalis ang kaibigan." Ano ka ba naman, Damon alam mo namang masama ang loob niya 'di ba? Bakit naging kampante ka?!"" Okay naman siya kagabi, eh. But don't worry, i'll try to find her," nalilitong sagot ng binata." Saan naman?"Hindi nakaimik ang binata. Balisa ito at kababakasan ng sobrang pag-aalala." Baka nasa resthouse siya?"" Sige, pupuntahan ko!" akma na itong aalis." Sasama ako," aniya at sumunod na rin

    Last Updated : 2022-04-08
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 23

    KASAMA ang nobyo ay agad nilang pinuntahan ang ospital na sinabi ni Damon. May kalayuan ito sa resthouse kaya natagalan ang kanilang biyahe. Naabutan nila itong tulog habang nasa tabi nito si Damon at hawak ang kamay ng nobya." Anong nangyari? Kumusta na siya? Saan mo siya nakita?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki." She's okay now sabi ng Doctor. Masyado lang siyang napagod. Na dehydrate din siya dahil sa buong maghapon na hindi pag inom," matamlay nitong tugon.Natutop niya ang bibig dahil sa narinig. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaibigan pati ang mga paa nito na nagkasugat-sugat, malamang ay dahil sa buong araw na paglalakad. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ni Athena." Saan mo

    Last Updated : 2022-04-11
  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 24

    NASA gate pa lang ng mansion ay dinig na ni Camilla ang tila pagtatalo ng dalawang tao kaya dali-dali siyang pumasok sa loob nito. Naabutan niya ang mag-ina na nagtatalo na naman,muli pa lang umuwi ito galing sa hongkong. Muli niyang nakita sa itsura ni Mrs.Romualdez ang tila pinipigil na galit na anumang oras ay sasabog na habang si Athena naman ay namumula na rin ang mukha.Napapailing na lang siya sa eksenang iyon. Ayaw niya ng makialam o makisangkot pa sa gusot ng dalawa kaya tumalikod na siya." Akala mo ba hindi ko malalaman na matagal ka na pa lang hindi pumapasok at gabi gabi kang nasa bar para maglasing?!"Natigilan siya sa narinig niyang iyon. At kailan pa natutunan ni Athena ang uminom ng alak? Palabas lang pala ang pag alis nito tuwing um

    Last Updated : 2022-04-15

Latest chapter

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 88 The End

    Labis na nasorpresa si Camilla nang mabungaran si Mico sa kanilang bakuran ng umagang iyon, day off niya kaya wala siyang pasok nang araw na iyon. Ilang buwan na rin nang huli niya itong makita mula nung umuwi sila sa kanilang probinsya para doon na mamalagi." Teka paano mo nalaman itong bahay namin?" Tanong niya sa lalaki." Ano bang klaseng tanong iyan, sikat ka na kaya dito sa lugar niyo kay madali ka na lang ipagtanong," nangingiting tugon ni Mico.Natawa siya at napakamot ng ulo. "Sira ka talaga, niloloko mo naman ako,eh. Siya nga pala kumusta ka na?"" Hmm..medyo nakaka move on na sayo. Anyway,napanood ko iyong interview sa'yo,ah. Grabe,sikat ka na!"Tinampal niya ito sa braso. " Paano naman ako magiging sikat hindi naman sakin ang restaurant na iyon, puro ka kalokohan."" Ganon na rin iyon kasi ikaw ang nagmamanage, kung wala ang pamamahala mo hindi magiging successful ang operation doon."" Oo na, sige na. Maiba nga tayo bakit mo ba ako naisipang dalawin?"Bigla ay sumeryoso

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 87

    DUMATING na ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Athena,ang binuong pangarap nila ni Damon noon, ang kanilang pag-iisang dibdib. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya, masaya siya dahil makakasama niya na ang lalaking pinakamamahal ngunit kakambal naman noon ang lungkot dahil alam niyang hindi sila pareho ng nararamdaman ng lalaki. Kaya naman may bahagi ng isip niya ang tumututol at nagsasabing tama na. Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ay hindi niya magawang ngumiti habang nakatingin sa salamin. Napakaganda niya sa suot na wedding gown na matagal niyang pinaghirapang gawan ng design, nais niyang maging perfect sa araw ng kaniyang kasal. Habang abala ang make-up artist sa pag-aayos sa kaniya ay hindi niya napigilan na isipin si Camilla, kumusta na kaya ito? Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon ay nasa tabi sana niya ang kaibigan at masayang-masaya rin gaya niya. Sana ay ito ang magiging kaniyang maid of honor, nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 86

    WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Athena nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa salamin. Suot ang ipinatahing wedding gown na sarili niya mismong design, sakto lang ang fit sa kaniya na bumagay sa magandang kurba ng kaniyang katawan.Nagpasya na siyang lumabas sa fitting roon para ipakita kay Damon na kasalukuyang nasa labas lang at nag-aabang sa kaniya. Matamis ang ngiting hinawi niya ang tabing saka lumabas." Wow! Ang ganda mo, girl! Ikaw na ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!" anang isang bakla na gumawa ng kaniyang wedding gown." I know, right?" nangingiti niyang tugon. " What do you think, hon?" baling niya kay Damon na nakatingin lang din sa kaniya. Blanko ang expression ng mukha nito at napatango-tango na lang." After this isukat mo na rin iyong suit mo, i'm sure babagay din 'yun sa'yo," masayang wika niya." Ay, true! Wait lang kukunin ko," anang bakla. Dali-dali itong naglakad para kunin ang suit ng lalaki." No need!" ani Damon at tumayo s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 85

    AYAW dalawin ng antok si Camilla nang gabing iyon, ilang gabi na rin siyang walang maayos na tuloy dahil sa nangyari sa kanila. Matapos ang dalawang linggong pananatili sa bahay ni Mico ay nagpasya na rin siyang umuwi para matapang na harapin si Athena. Napagpasyahan na rin nilang mag-ina na lisan na ang mansion matapos nang nangyari dahil wala na siyang mukhang maihaharap kay Athena at sa pamilya nito matapos nang nangyari. Nailigpit na rin nila ang kanilang mga gamit para makaalis na kinabukasan. Mahal niya si Damon ngunit hindi niya pwedeng pagbigyan ang nararamdaman. Hindi rin naman kasi sila magiging masaya hanggat may tao silang nasasaktan. Mas pinili niyang pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Athena. Hanggang sa makatulugan niya ang labis na pag-iisip habang tahimik na lumuluha. Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda,tahimik lang ang mama niya na noon ay inaayos ang kanilang higaan. Batid niyang labag sa kalooban nito ang kanilang pag-alis sa mansion ngunit pini

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 84

    Maraming tao sa restaurant nang araw na iyon kaya abala sila maging ang mga tauhan na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa mga costumer. Puno ang loob kaya naman naisipan ni Athena na maglagay na rin sa labas tutal naman ay malawak iyon. Naramdaman niya ang presensya ni Damon sa kaniyang tabi habang nakatanaw rin sa maraming costumer. May ilan pang nagpapicture taking dito at nagpa-autograph sa lalaki. " Alam mo, hon bakit hindi tayo magtayo ng isa pang branch? Masyado nang masikip dito, halos hindi na magkasya ang mga costumer." Lumingon siya sa lalaki nang wala siyang marinig na tugon dito.Matapos nitong hubarin ang suot na apron at cap ay iniwan na siya nito,nagtungo ito sa kanilang mini office kaya sinundan niya ang lalaki. Naabutan niya itong nakasandal sa swivel chair habang hinihilot ang sentido. " Napagod ka ba? Okay, i will massage you," aniya at minasahe ang lalaki ngunit pinaksi nito ang kaniyang kamay." No need, i can do it alone," malumanay na wika ni Damon.Saglit s

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 83

    Mabilis siyang nahila ni Damon nang tangkain ni Mico na ilayo na siya sa lugar na iyon." God, i can't believe this!" napapailing na bulalas ni Athena habang umiiyak. " Ano ka ba naman Damon,bitawan mo si Camilla!" bulyaw naman ni Mico." No, you can't take her away from me!" ani Damon na halos yakapin na si Camilla.Hindi niya naman alam ang gagawin habang hawak siya ni Damon at pilit inaagaw kay Mico. Gusto niyang bumitaw kay Damon dahil napakasakit na sa kaniya na umiiyak ang kaibigan. Gusto niyang lapitan si Athena ngunit alam niyang wala namang mangyayari dahil alam niyang sobra na siya nitong kinamumuhian kaya hahayaan niya na muna ang dalawa." Please, Damon hayaan mo muna akong umalis!" aniya sa lalaki. Hilam na rin sa luha ang mga mata niya.Ngunit mariing umiling-iling si Damon, tila hindi na nito alintana ang presensya ni Athena. " You're crazy, wala kang puso! Hindi mo na inisip ang nararamdaman ni Athena!" Dinuro duro ni Mico si Damon.Maya-maya lang ay yumakap si Ath

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 82

    Panayan ang pagtulo ng luha ni Athena habang inilalagay sa maleta ang lahat ng kaniyang mga damit, ngayon kasi ang araw ng muli niyang pagbalik sa America kaya naman sobrang nalulungkot siya lalo't hindi pa sila nagkakaayos ni Damon. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na pinasigla ang sarili, alam niyang magiging okay rin sila ng lalaki. Siguro naman ay sapat ang ibibigay niyang panahon dito para makapag-isip ito at itigil na ang kalokohan sa mga babae. Lumabas na siya ng kwarto habang panay ang punas sa kaniyang mata. Nasalubong pa niya ang mama ni Camilla sa sala at nagulat pa sa dala niyang maleta." Saan ka pupunta, iha?"" I'm going back to states, mga ten am po ang flight ko." " Ganoon ba? Ang bilis mo naman yatang umalis akala ko pa naman magtatagal ka pa dito," kunot-noong tugon ng matanda." Marami pa po kasi akong kailangang asikasuhin lalo't kauumpisa pa lang ng negosyo ko."" Ah, ihahatid ka ba naman ni Camilla?" " Hindi na po kailangan,ayoko na po siyang istorbo

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 81

    Matapos ang gabing iyon mula nang maglasing si Athena dahil sa problema nito sa relasyon kay Damon ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Halos hindi niya na maramdaman ang saya dulot ng tamis ng pag-ibig, naisip niya na ring kausapin si Damon para itigil na ang relasyon nila ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay inuunahan siya ng karuwagan. Mahal niya si Damon at hindi niya kayang mawala ito. Nagulat na lang siya isang umaga nang kausapin siya ni Athena para ipaalam sa kaniya na babalik na ito sa America." S-sigurado ka? Biglaan naman yata?" maang na tanong niya. Inaasahan niya kasi pa magtatagal pa ito sa Pilipinas." Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa negosyo ko, kailangan na nila ako doon." Napatango-tango lang siya bilang tugon sa kaibigan, halos madurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa nito. " P-Paano kayo ni Damon?" tanong niya saka umiwas ng tingin." Hahayaan ko muna siya ngayon, i think he needs space para makapag-isip-isip. Sa huli

  • Marrying My Bestfriend's Man   Chapter 80

    Magulo pa rin ang isip ni Athena habang lulan ng kaniyang kotse matapos nitong makipagkita kay Camilla. Ang maganda sanang moment nila mag besty ay sinira lang ni Terry, napilitan tuloy siyang aminin dito ang totoo dahil sa hindi magagandang salita na binitawan nito tungkol kay Camilla. Ilang araw araw na lang din kasi ang ilalagi niya sa Pilipinas dahil kinailangan niya nang bumalik sa America para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Bigo man siya sa ngayon na isama si Damon pabalik ay nangako naman siya sa sarili na kahit malayo ay aayusin niya ang kanilang relasyon. Katulad lang din ito ng dati nilang sitwasyon ng nobyo, hindi niya naman masisisi si Damon marahil ay nangulila lang ito sa presensya niya kaya nalibang sa ibang babae. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ito babalik. Ngunit bago siya umalis ay gusto niya munang makausap ng masinsinan ang nobyo. Mabigat pa rin kasi ang loob niya dahil sa nangyari lalo't hindi niya alam kung sino ang babaeng kinalolokohan nito. Alam ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status