Home / Romance / Marry the Mafia / Prologue: One Bed, One Mistake

Share

Marry the Mafia
Marry the Mafia
Author: Rome Yu

Prologue: One Bed, One Mistake

PAGMULAT ng mga mata ni Maya ay bumungad sa kanya ang kumikirot na sentido nito. Sabayan pa ang bigat at hapdi na nararamdaman niya sa gitna ng kanyang mga hita.

Doon lang sunod-sunod na naalala niya ang mga kaganapan kagabi. Kung paano siya ibenta ng kanyang ama sa mga taong pinagkakautangan nito. Plano ng mga loan shark na iyon na lasingin at pagsamantalahan siya. Dinala ito sa isang mamahalin na bar. Mabuti at nakatakas siya at nakapagtago sa isang kwarto.

Pero sa kwarto na iyon ay may isang lalaki. At ang huling natatandaan ni Maya ay may nangyari sa kanilang dalawa. Ang unang pagkakataon na nawala ang kanyang virginity, sa lalaking hindi niya pa kilala.

"Gising ka na pala..." saad ng malalim na boses. 

Nakasandal sa tabi ng bintana ang isang lalaki. Naka-boxer brief lang ito. At halos malaglag ang kanyang panga sa kagwapuhan ng lalaki. Chinito, maputi, ang hubog ng katawan ay sobrang kisig. May v-line at ang abs ay talaga namang kita na kita.

"I am up for round two if you want..." Ngisi pa ng lalaki.

Namula naman si Maya at nagsimula na itong magbihis. Kinakabahan pa rin siya. Nalilito kung ano ang gagawin nito. Saan na siya pupunta. Hindi na siya makakauwi lalo na at malamang sa malamang ay pinaghahanap na siya ng mga taong inutangan ng kanyang ama.

"Pasensya na kagabi. Kalimutan na lang natin ang lahat..." sambit ni Maya. Wala siyang balak na humingi ng kahit na ano sa estranghero.

"Marry me," biglang sambit ng lalaki.

"Ano?" nagugulumihan na tanong niya. "Wait lang ha. Dahil ba may nangyari sa ating dalawa e pakakasalan na kita? Excuse me, hindi ako namimikot, at please, ituring na lang natin na aksidente ang nangyari." 

"I will take full responsibility of what happened." Inabot ng lalaki sa kanya ang isang calling card. "Look for me or I will going to look for you." At saka ito iniwan ng puno ng katanungan ng lalaki.

'Sato Kenshin'

Pinagsawalang bahala niya lang ito at tinapon sa basurahan ang calling card na binigay sa kanya ng lalaki. Wala siyang balak na dagdagan pa ang problema niya. 

Matapos magbihis ay agad naman na umalis sa bar na iyon si Maya. Nalilito kung ano ang gagawin niya. At ang tanging naisip lang nito ay kailangan na kailangan niya na nga na magtago sa probinsya. Sirang-sira na ang buhay niya sa Maynila.

Wala na ang pangarap niya na makapagtapos sa kurso na gusto nito. Wala na siyang pamilya bukod sa malalayong kamag-anak niya sa maliit na bayan sa may Nueva Ecija.

MABILIS na kinasa naman ni Kenshin ang baril na hawak nito at isa-isang binawian ng buhay ang mga loan shark na muntik ng pagsamantalahan si Maya.

Lahat iyon ay walang awa niyang ginawa, at malamig ang titig sa mga katawan ng limang lalaki. Isang yakuza or mafia boss kung turingin si Kenshin. Madaming sikreto ang tinatago ng lalaki.

Tinapon niya sa isang sulok ang baril at gloves nito na puno ng dugo. Sinabihan niya ang isa sa mga tauhan niya na i-dispatsa na ang mga katawan ng mga lalaki.

"Boss, anong plano mo niyan?" tanong sa kanya ni Fin. Ang kanyang kanang kamay.

"I will wait for my prey, or I will be forced to get her one way or another. I am done and tired waiting for her. Ihanda mo na ang kotse, kailangan ko ng umuwi, at ayaw ko ng mabungangaan ng mga matatanda."

Matagal ng ulila si Kenshin, at tanging lolo at lola na lang niya ang meron siya. Mga sikat na business tycoon na walang alam sa madilim na sikreto niya bilang Yakuza.

Pag-uwi niya sa mansyon ay bumungad sa kanya ang dalawang matatanda na naghihintay sa kanya.

"Nasaan na ang babae? Alam ko na may nangyari sa inyo kagabi. Kailan namin makikilala ang apo namin?" masayang tanong ng lolo ni Kenshin.

"I said stop meddling with my business," asik niya habang nagsasalin ng alak sa kanyang baso. 

"Excited lang naman kami. Alam namin na ino-offer-an mo siya na pakasalan mo ito."

Sa isip-isip ni Kenshin ay wala ata itong sikreto na kayang itago sa dalawang matanda na ito. Hindi na siya magtataka kung ang pagiging mafia nito ay alam din ng kanyang lolo at lola.

"Soon, you'll know her. Siya ang kusang lalapit sa akin, o hahanapin ko siya at itatali sa akin."

Umalis na siya at pumunta sa isang silid. Silid kung saan napakaraming larawan ng isang babae sa mga pader. He smirk, knowing that his long time plan will be successful.

BIGLA namang kinabahan at bumahing si Maya. Parang may tao na lang na lagi siyang iniisip. Naalala niya tuloy bigla yung lalaki na nakadaupang palad niya nang isang gabi.

Nasa bus na siya ngayon papunta sa probinsya. Tatakasan ang buhay at gulo na ginawa ng kanyang ama. Wala na ang kanyang ina, maaga itong kinuha sa kanya. Mabuti na rin siguro iyon, dahil para kay Maya ay walang kwentang lalaki ang minahal nito. 

Nang nakauwi na siya sa probinsya, at sa abandonadong bahay ng kanyang lolo ay doon niya muna sana balak tumira, ngunit laking gulat na lang ni Maya nang nandoon ang kanyang ama. Muli ay sumiklab ang galit sa kanyang puso.

"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na sigaw ni Maya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status