Home / Romance / Marry the Mafia / Chapter 4: Promise

Share

Chapter 4: Promise

HINDI naging madali ang planong kasal nila ni Kenshin. Madaming inasikaso, pero ang mas naging problema nila ay ang mga babaeng nakadaupang palad ng lalaki.

Naging sakit sa ulo ni Maya ang mga ex ni Kenshin na lagi siyang hinaharang, biglang bibisita sa mansyon at manggugulo. Pero nilinaw ni Kenshin na siya na ang bahala sa mga iyon.

"Isang ex mo pa talaga ang pupunta dito, sila na lang ang ipapakasal ko sa iyo," stress na saad niya. 

Tanging mapaglarong ngiti lang ang tugon ng lalaki. "Ngiti ka pa diyan. Burahin ko yang ngiti mo e."

"Just admit that you are being jealous, that's not a bad thing," sambit ng lalaki sa kanya.

"Mukha mo, jealous. Kahit kailan ay hindi ako magseselos ano. Para la g sa kaalaman mo, kahit ganito lang ako. Masasabi ko na kaliwa at kanan ang mga lalaki na nanliligaw sa akin, sa probinsya man o Maynila."

Bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni Kenshin. Sa itsura nito e para siyang handang kumasa ng baril at kumitil ng buhay. Nanlamig naman si Maya sa reaksyon ng lalaki sa sinabi niya.

"Tell me their names, hindi na sila sisikatan ng araw," ani ng lalaki.

"Tumigil ka nga." Nasa gazebo sila sa garden ng mansion. Nagkakape at pinag-uusapan ang kasal. Hindi niya alam kung paano napunta sa ganito ang usapan nila.

"I am not joking, Maya."

"Natatakot na ako..." ani niya.

Bigla namang nagbago ang itsura ni Kenshin. Naging maamo na ang mukha nito. "I am sorry. Just don't say that again, okay? Baka hindi ko na alam ang magagawa ko sa susunod. Basta, ako na ang bahala sa mga iyon. They are my past, you should not stress your self to those kind of things."

"Hindi naman ako stress na stress."

Sa makalawa na ang kasal nila. Sa totoo lang, matapos ang kasal ay hindi na alam ni Maya ang susunod na gagawin niya. Wala siyang balak na maging housewife lang ni Kenshin. Ang balak niya sana ay bumalik sa pag-aaral. Upang sa ganoon, matapos ang contract marriage nila, ay makapagtapos siya sa kursong business, at magtayo ng negosyo.

"Siya nga pala, kapag nakuha ko na ang mana ko, babayaran din kita agad sa mga utang na binayad mo sa mga loan shark na iyon."

"Don't mind it," saad lang ng lalaki sa kanya. "You already paid me that night."

Nagpantig naman ang tenga niya. "Excuse me... Pero utang ko pa rin iyon. Kaya naman babayaran ko pa rin. Isa pa, hindi ako cheap, na gagawin ko lang pambayad ang katawan ko," naiinis na saad niya.

"I am sorry, I didn't mean to sound like that, Maya. You are not cheap, you can't be compared to any girls that I dated before. You are different, you are special."

"Aysus, biglang bawi ka ngayon?" 

"Ano bang gusto mo, para naman makabawi ako sa iyo?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Payagan mo akong makapag-aral after ng kasal natin. Hindi ko kaya na nasa mansion lang ako. Kailangan kong kumilos. Mababaliw ako kapag wala akong ginawa. Pinalaki ako na nagbabanat ng buto. Hindi ako passenger princess."

"Tsk, hindi pwede."

"At bakit hindi pwede? Ako na ang bahala sa tuition ko. Huwag kang mag-alala doon. Susundin ko rin pa rin naman ang usapan natin. Okay? Walang magbabago," ani niya.

"And after that, what? Makakahanap ka ng ibang lalaki sa school, tapos aagawin ka nila sa akin?"

"Baliw ka ba? Hindi ako ganoon ka-easy no! I will honor our soon to be marriage! Huwag ka ngang overthinker na OA pa masyado. Hindi naman pang-Miss Universe ang ganda ko para pag-agawan."

"As if I will give them a chance to steal you away from me. Before that, I will shoot them straight to their eyeball first."

"Tigilan mo nga ang kakasabi ng ganyan. Ang creepy masyado pakinggan."

"Hindi mag-aaral."

"Mag-aaral ako."

"Fine, homeschool."

"Ano?! Kenshin, hindi mo ako ibon na pwedeng ikuling na lang lagi. May buhay din ako. Kung mas lalo mo pala akong balak na sakalin, huwag na lang tayo magpakasal. Hindi bali ng hindi ko gawin ang kontrata at magbayad ng danyos. Kaysa naman pala sa ganito."

Akma siyang aalis nang yakapin siya ni Kenshin at pigilan ito. "Fine! Sa lahat ng tao, sa iyo lang talaga ako tumitiklop!"

"Dapat lang na tumuklop ka! At saka huwag kang mag-alala. Sa tingin mo ba e basta-basta na lang ako magpapaligaw sa iba? May mas ga-gwapo pa ba kaysa sa iyo."

"Say that again?"

"Huwag na, baka mas lalo na namang bumilog ang ulo mo."

"Fine, pero gwapo at malaki iyung akin. Hindi ka na makakahanap ng katulad ko."

"Ilugar mo iyang pagka-manyakis mo ha."

NAGING maayos ang usapan nila. Kinuha ni Kenshin ang isang bote ng alak at nilagok ito. Nasa opisina siya ngayon. Lahat ay umaayon sa plano niya. His woman might be hard headed, but he can manage.

"Mukhang masaya na masaya ka boss ah?" ani ni Fin sa kanya.

"Yeah, of course. Lahat ng plano ko e umaayon. By the way, after the wedding. Look for a school, my wife will enrolled, and assign someone to watch over her. Kapag may lunapit na ibang lalaki sa asawa ko, sabihan agad ako."

"Kawawang nilalang, maagang sasakabilang impyerno," ani ni Fin.

"That's why they should not mess up with my wife. They'll deal me."

"Siya nga pala boss. Successful ang operatin natin. Nagawa ko na ang business deal matin din kasama ang Chinese organization. Sisiguraduhin ko rin na walang manggugulo sa kasal ninyo. Best wishes nga pala boss!"

"Thanks, Fin."

Umalis na ang tauhan niya. Hawak ni Kenshin ang tablet niya, nandoon ang camera sa kwarto nila ni Maya. Natutulog na ang babaeng papakasalan niya. Hindi na siya makapaghintay na angkinin na ang babae.

"I am sorry, Maya. You'll be trap with me forever. The divorce is the only promise that I will never fulfill.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status