UNANG araw ng pasukan nila Maya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa araw na ito. After almost 3 months na nasa mansion lang siya kasama si Ken, tulog kain ang routine, ay makakalanghap naman siya ng sariwang hangin, maiba naman sa nakakasanayan niya."Kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko pa na naka-home school ka na lang," bulong at may diin na sambit naman ng lalaki na nasa tabi niya. He is driving her to the university.Inis naman na umismid si Maya. "Alam mo, ewan ko sa iyo. Ilang beses na ba nating pinagtalunan ito. Ayaw ko nga sa home school. Hindi ako bata na kailangan mong bantayan lagi."She watch Ken let out a loud sigh. "Maya, isa pa iyang pagsa-side line mo. Are you really serious about that coffee shop work? Hindi mo na kailangan magtrabaho.""Libangan ko lang."Narinig niya na mahinang napamura ang katabi niya. Maya just can't help but to cackled on her man's behavior."Galing din ng trip mo. Hindi ba pwede na ang maging libangan mo lang ay mag-shoping, salo
PAGMULAT ng mga mata ni Maya ay bumungad sa kanya ang kumikirot na sentido nito. Sabayan pa ang bigat at hapdi na nararamdaman niya sa gitna ng kanyang mga hita.Doon lang sunod-sunod na naalala niya ang mga kaganapan kagabi. Kung paano siya ibenta ng kanyang ama sa mga taong pinagkakautangan nito. Plano ng mga loan shark na iyon na lasingin at pagsamantalahan siya. Dinala ito sa isang mamahalin na bar. Mabuti at nakatakas siya at nakapagtago sa isang kwarto.Pero sa kwarto na iyon ay may isang lalaki. At ang huling natatandaan ni Maya ay may nangyari sa kanilang dalawa. Ang unang pagkakataon na nawala ang kanyang virginity, sa lalaking hindi niya pa kilala."Gising ka na pala..." saad ng malalim na boses. Nakasandal sa tabi ng bintana ang isang lalaki. Naka-boxer brief lang ito. At halos malaglag ang kanyang panga sa kagwapuhan ng lalaki. Chinito, maputi, ang hubog ng katawan ay sobrang kisig. May v-line at ang abs ay talaga namang kita na kita."I am up for round two if you want...
"ANAK, hayaan mo naman akong magpaliwanag," ani ni Mike. Ang ama ni Maya. Ang lalaki na halos magbenta sa kanya upang mabawasan man lang ang katambak nitong utang. Palibhasa ay nalulong sa casino at sugal. At siya ngayon ang namomroblema sa mga iyon."Paliwanag?! Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, tay! Matapos mo akong dalhin sa Maynila. After ten years na pinabayaan mo ako sa probinsya kila tita. Kinuha mo ako mula dito, para sa pangako mo na babawi ka! Pero balak mo lang pala akong gawing pambayad ng utang! Napaka walanghiya mo! Wala kang kwenta!" humahagulgol na sumbat ni maya. Sumisikip ang puso niya sa tuwing iniisip niya ang lahat ng pinagdaanan nito."Patawarin mo ako, anak. Papatayin nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."Ngayon ay kita niya ang pasa at bugbog sa mukha ng kanyang ama. Hindi niya rin alam pero nakakaramdam din naman siya ng awa. "Problema mo na iyon, Tay. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Kung hindi ay ako ang magpapakulong sa iyo!" ani niya."May
"THIS is just a marriage for convenience, kailangan kita para mailigtas ang papa ko, para makuha ang mana ko. Sa loob ng dalawang taon na iyon, gagawin ko ang lahat ng gusto mo ng walang kahit na anong sumbat.""So, you are just marrying me as well because of your inheritance?" "Kailangan na kailangan ko lang..." Kumakapit na siya sa isang patalim, na maaaring humiwa rin sa kanya sa huli."I see... Paano kung ayaw kong mag-divorce tayo? Sa pamilya namin, hindi ganoon kadaling makaalis, kapag naging isa ka na sa amin," saad ni Kenshin sa kanya. Hingang malalim ang kanyang binitawan. Hindi nagugustuhan ni Maya ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.Wala siyang balak na ikulong ang sarili niya sa isang kasal na hindi naman niya ginusto. Ayaw niyang magaya sa kanyang ina, na sa huli ay nagsisi rin.Tumayo na lang si Maya. "Kung ganoon ay maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na handang pakasalan ako, sa kondisyon na gusto ko. Pasensya na sa pagsasayang ng oras mo. Mauna na ako."Kaya l
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya. Maski ang matandang lalaki ay yinakap din siya at buong-buo ang pag-welcome sa kanya."Call me Grandma Mikko""Just call me, Grandpa Yoto.""Halika na hija, marami akong inihanda na pagkain. Pasok ka na."Masayang-masaya naman si Maya sa pagtanggap ng mga ito sa kanya. Lolo at lola din kasi ang nagpalaki sa kanya. Ngunit wala na ang mga ito. Kaya naman masaya siya na maramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal. Pero malayong-malayo ang ugali ng mga matatanda sa ugali ni Kenshin."Pagpasensyahan mo na sila. Excited lang silang magka-apo." Nasamid naman bigla si Maya sa sinabi ni Kenshin."Pwede magpasintabi ka naman sa sinasabi mo." Ngisi lang ang sagot ng lalaki.At sa malaking dinning room nga e isang mahabang mesa na puno ng pagkain ang bumungad sa kanya. Para siyang nasa isang luxurious na buffet. Sakto at gutom na siya, ngunit hindi naman niya alam kung ano ang uunahin niyang kainin."Sana magustuhan mo," ani
HINDI naging madali ang planong kasal nila ni Kenshin. Madaming inasikaso, pero ang mas naging problema nila ay ang mga babaeng nakadaupang palad ng lalaki.Naging sakit sa ulo ni Maya ang mga ex ni Kenshin na lagi siyang hinaharang, biglang bibisita sa mansyon at manggugulo. Pero nilinaw ni Kenshin na siya na ang bahala sa mga iyon."Isang ex mo pa talaga ang pupunta dito, sila na lang ang ipapakasal ko sa iyo," stress na saad niya. Tanging mapaglarong ngiti lang ang tugon ng lalaki. "Ngiti ka pa diyan. Burahin ko yang ngiti mo e.""Just admit that you are being jealous, that's not a bad thing," sambit ng lalaki sa kanya."Mukha mo, jealous. Kahit kailan ay hindi ako magseselos ano. Para la g sa kaalaman mo, kahit ganito lang ako. Masasabi ko na kaliwa at kanan ang mga lalaki na nanliligaw sa akin, sa probinsya man o Maynila."Bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni Kenshin. Sa itsura nito e para siyang handang kumasa ng baril at kumitil ng buhay. Nanlamig naman si Maya sa reak
Ngayon napagtatanto-tanto ni Maya na masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sunod lamang siya sa agos ng mga pangyayari, pero hindi niya inaasahan na ikakasal na siya sa susunod na linggo.Nakahanda na ang venue, nakahanda na ang mga imbitasyon, linitado lamang ang mga inimbita nilang tao. Kasama na ang kanyang ama, kahit labag sa loob niya.Nakahiga lamang siya sa kama at nagmumuni-muni. Dati ay pangarap niyang humiga sa salapi, magbuhay mayaman, at parang nagkatotoo na nga ang lahat, sa mas komplikado na paraan nga lamang.Pumasok si Kenshin sa kwarto. Galing ito sa trabaho, at kahit maghapon ata itong busy, ay hindi man lang mababawasan ang kagwapuhan ng lalaki."Stop looking at me like that, or I'll request another round this night," ani ng lalaki sa kanya. May manyak na ngiti at tingin."Tigilan mo ako," naaasar na saad niya. Nakatalikod at ayaw ipakita ang namumula niyang mukha."Okay lang naman sa akin, pagbibigyan naman kita," gatong pa nito."Sabing tumigil ka. Hindi naman kal
MADAMI pa ang nangyari bago ang kasal nilang dalawa ni Ken. Engagement party, kaliwa at kanan na mga events, hindi magkamayaw si Maya kung ano ba ang uunahin niya. Ang isang linggo ay parang taon sa dami ng mga dinaluhan nilang mga party at gatherings.Bago ang kasal ay nasa Villa sila ngayon ni Kenshin. Isang malaking farm vacation house, libo-libong hektarya ng pananim, mga alagang hayop, mga punong namumunga, at masagang pagsasaka. Lumaki sa probinsya si Maya kaya naman pakiramdam niya ay at home na at home siya ngayon.Nasa Villa sila dahil bukas na ang kasal, and they decided to get married here. Dito rin kasi ginanap ang kasal ng mga magulang ni Ken, kaya dito rin napagpasyahan na magpakasal ang dalawa.Ang hindi lang talaga naaayon sa ganap ay ang ama ni Maya na si Mark, kasama ang bago nitong asawa na si Rita at ang step sister niyang si Alison."Napakayaman pala talaga ng mapapakasalan mo ano, hija?" ani ni tita Rita niya. Kung si Maya lang ang masusunod ay ayaw na niyang mak