Home / Romance / Marry the Mafia / Chapter 1: One Fated Deal

Share

Chapter 1: One Fated Deal

"ANAK, hayaan mo naman akong magpaliwanag," ani ni Mike. Ang ama ni Maya. Ang lalaki na halos magbenta sa kanya upang mabawasan man lang ang katambak nitong utang. Palibhasa ay nalulong sa casino at sugal. At siya ngayon ang namomroblema sa mga iyon.

"Paliwanag?! Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, tay! Matapos mo akong dalhin sa Maynila. After ten years na pinabayaan mo ako sa probinsya kila tita. Kinuha mo ako mula dito, para sa pangako mo na babawi ka! Pero balak mo lang pala akong gawing pambayad ng utang! Napaka walanghiya mo! Wala kang kwenta!" humahagulgol na sumbat ni maya. Sumisikip ang puso niya sa tuwing iniisip niya ang lahat ng pinagdaanan nito.

"Patawarin mo ako, anak. Papatayin nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Ngayon ay kita niya ang pasa at bugbog sa mukha ng kanyang ama. Hindi niya rin alam pero nakakaramdam din naman siya ng awa. 

"Problema mo na iyon, Tay. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Kung hindi ay ako ang magpapakulong sa iyo!" ani niya.

"May mana ka sa nanay mo! Ang alam ko ay may mana ka sa kanya. Pero ang alam ko ay kailangan mo munang magpakasal para makuha ang mana mo. Anak, pakiusap, iligtas mo naman ako." Lumuhod ang ama niya sa kanyang harapan. Nagmamakaawa para sa buhay nito.

Mas lalong nagbaga ang nararamdaman na galit ni Maya nang banggitin ng ama nito ang kanyang inay.

"Anong karapatan mo! Pati ba naman iyon? Wala akong balak na kunin ang mana na iyon kung gagamitin mo rin sa mga utang mo!" naiiyak na saad niya. "Pakiusap, umalis ka na lang. Hindi kita kailangan sa buhay ko kung puro problema lang ang hatid mo."

Umalis ang kanyang ama. Ngunit nandoon pa rin siya, nakatayo at umiiyak. Nakokonsensya kahit hindi naman dapat. Hindi na rin niya alam ang kanyang gagawin.

Natulog na lang siya sa lumang bahay. Ngunit isang masamang balita agad ang bumungad kay Maya. Nakatanggap siya ng tawag pagkagising na paglagising niya.

"Sino ho 'to?"

"Mahal mo pa ba ang itay mo? Alam mo ba na tambak siya ng utang sa amin! Hindi rin namin alam kung saan iyung mga tauhan namin na naniningil dapat sa iyo. Bibigyan kita ng palugit. Isang linggo, bayaran mo ang utang ng ama mo sa loob ng isang linggo. Sampong milyong piso! Kung hindi e araw-araw, isa-isang dadating sa iyo ang mga parte ng katawan ng ama mo." Narinig niya sa background ang sigaw ng kanyang ama.

Nilamon siya ng konsensya. Kahit ganoon lang ay hindi niya kayang makita na may taong nahihirapan. Lalo na at may kaya naman siyang gawin.

Pumasok sa isip niya ang isang bagay. Ang lalaki na nakilala niya. Ngunit tinapon na pala niya ang calling card. 

Kaya naman dali-dali niyang sinearch kung sino nga ba si Sato Kenshin. Laking gulat ni Maya nang makita niya na kilala palang business man ang lalaki.

At sa pagkakataon na ito ay susugal siya, para lamang mailigtas ang ama niya at matahimik na ang buhay niya. 

KINABUKASAN ay nagbyahe agad ang dalaga pabalik ng Maynila. Wala pa siyang tulog at ayos. Bangag siya sa puyat na kanyang nararamdaman. Pero naglakas loob siya na pumasok sa mapaking building na ayon sa nakalap niyang impormasyon, ay ang kompanya na pagmamay-ari ni Kenshin.

Isang lagok ng malalim na hininga at nagtanong siya sa babae na nasa front desk.

"Magandang araw, Miss. Nandito po ba si Sato Kenshin?" tanong niya. Tiningnan siya ng babae, mula paa hanggang ulo. Mukhang hindi gusto ang hilatsa nito.

"Hindi kami tumatanggap ng donation miss. Umalis ka na lang." Nagpantig naman ang tenga niya sa kanyang narinig.

"Ano?" 

"Ang sabi ko, hindi kami nagbibigay ng donation. Ano ba, guard palabasin niyo nga ito!" sigaw ng babae na kausap niya. Nahiya naman si Maya at parang maiiyak na ito.

Usually, matapang siya. Pinalaki na naninindigan at hindi basta umiiyak na lang. Pero dahil na lang siguro sa halo-halo na ang kanyang problema. Gusto na lang niyang mag-breakdown.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang boses ng lalaki.

Pagkakita ni Maya, isang hindi pamilyar na lalaki. Maputi at mukhang may lahing Kano ang naka-business suit na nagsalita sa likod nito.

"Sir Fin! Heto po kasing babae na ito, nanggugulo," mahaderang saad ng front desk assistant.

"Ikaw pala iyan, Miss. Maya," saad ng lalaki. Laking gulat naman niya nang banggitin nito ang kanyang pangalan.

"Kilala niyo po ako?"

"Grabe ka naman maka-po! Hehe, magka-edad lang tayo. And yup! Actually, hinihintay ka na ni boss. At ikaw." Turo ng lalaki na nagngangalang Fin sa babaeng nasa front desk. "You are fired."

Nakatulala lahat ng nanonood sa kanila. Parang eksena sa drama. Masaya si Maya sa nangyari sa babae. Pero nakokonsensya din siya. Dahil sa kanya ay may tao na nawalan ng trabaho.

"Huwag kang makonsensya. Buti nga at inalisan lang siya ng trabaho, kung si Ken iyon. Patay kang bata ka," natatawang saad ng lalaki sa kanya. "Isa pa, hindi naman siya maaalis ng trabaho kung ginagawa niya ang trabaho niya ng tama."

Nakarating na sila sa top floor. Tahimik pa rin siya, habang sobrang daldal ni Fin. Wala atang pahinga ang bibig ng lalaki na ito.

"Nandito na tayo, pasok ka na lang sa loob, good luck," pabirong saad pa ni Fin sabay tapik sa balikat nito. Mas lalo tuloy dumagdag ang kaba na nararamdaman ni Maya.

'Go, Maya. Kaya mo 'to. Para sa peace of mind mo. Matatapos din ang lahat. Kung ano man ang mangyari, go pa rin.'

Kumatok muna siya bago pumasok. At tulad nang una niyang makita ang binata, ganoon pa rin. Para siyang naii-starstruck sa kagwapuhan ng lalaki.

Nakasando lang ito, itim na pants, may eyeglass at mukhang may mga binabasa na dokyumento. Pero ang singkit na mata ng lalaki ay ngayon ay nakatitig na sa kanya.

"Come, sit down," saad ng lalaki. Lumapit at umupo na siya.

"Like what I said, lalapit ka rin sa akin..." ani ng lalaki. Pakiramdam tuloy ni Maya ay nag-iinit ang mukha niya sa hiya. "So, have you decided now."

"Bakit ako? Ang daming ibang babae diyan na handang lumuhod, at magmakaawa, para pakasalan mo. Mayaman ka, gwapo, kahit artista o modelo ay papayag na pakasalan ka ng walang dalawang pag-iisip. So, bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? You have no idea how interesting you are, Maya."

"Paano mo ako nakilala?"

"I have ways. Now, answer my question. Are you ready to marry me?" tanong ni Kenshin sa kanya. Para bang wala talaga siyang choice kung hindi ang pakasalan ang lalaki.

"Sige, pero sa loob lang ng dalawang taon. After non ay kailangan din natin na mag-dovorce."

Nagulat naman si Maya nang makita niya na nagdilim bigla ang mga mata ng lalaki.

"Can I ask why?" tiim bagang na tanong ni Kenshin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status