Hapon na nang makapunta sila Maya sa jewelry shop na tinutukoy ni Ken. Halatang high-end at pang eletista na ang nasabing jewelry shop.Suot ang mamahaling kulay pula na dress, ang kanyang bag na Hermes, ay kasamang pumunta ni Maya si Fin para bilhin ang mga alahas na susuotin niya."Long time no see, Maya, I mean boss pala.""Baliw ka, Fin. Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko. Hindi ka naman iba sa akin."Kamot ulo naman ang lalaki. "Papatayin ako ni boss kapag kinausap kita na basta-basta. Nakalimutan ko pala, sobrang ganda mo ngayon. Kung nandito lang si boss, baka ibalot ka na at ilagay sa sako para hindi ka na makita pa ng iba. Alam mo naman iyun, patay na patay sa iyo."Napaismid na lang siya. "Alam mo, kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Parehas kayo ng boss mo, pareho kayong OA." Natatawa na aniya.Parehas na silang pumasok sa nasabing Jewelry Store. Pinagbuksan sila ng naka-men in suit na lalaki. At ang establishimento ay puno ng mga tao na halatang nakaka-angat sa lipuna
"ANO? Ano ba iyang pinagsasabi mo, Alison?! Kailan ka kaya titigil sa mga piangsasabi mo at kagagawa mo ng kwento!" hindi makapaniwala na sambit ni Maya.Kahit kailan ay hindi na siya tinigilan ng babae na ito. Una siyang pinakilala ng kanyang ama nang unang beses siyang tumungtong sa Maynila.Akala niya ay magkakasundo silang dalawa. Ngunit iba ang ugali nilang mag-ina. Ang kanyang Tita Rita na itim ang budhi, at ang anak nitong si Alison na pinaglihi sa impyerno."Sinasabi ko lang naman ang totoo! Na kahit na nagpakasal ka sa lalaking mayaman, hindi pa rin magbabago kung saan ka nanggaling!" matapobre na saad ni Alison sa kanya."Guard!" ani ni Albert. May mga naka-men in suit na lumapit sa kanila. "Tumawag kayo ng pulis. May magnanakaw sa establishment ko," ani pa ng lalaki. Mas kumabog ang dibdib ni Maya. Alam niya at dama niya na may mali talaga.Pilit na hinahanap ni Maya si Fin upang makahingi siya ng tulong, ngunit hindi niya makita ni mahagilap man lang ang lalaki.Wala na s
KAKAIBIGANG trauma ang nararamdaman ni Maya. Nagising siya na pawis na pawis ngaunit nanlalamig sa kama. Nandoon pa rin ang mga alaala ng mga nangyari kahapon. Mula sa pagkakapahiya niya sa mga kilalang tao, ang unang pagkakataon na ma-posasan siya at hulihin na para bang isang kriminal kahit na wala naman siyang ginagawa na masama."Shh, I am here," ani ng lalaki sa kanyang tabi. Si Kenshin na nag-aalalang nakatingin at nakayakap sa kanya.Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Dala ng bangungot na kanyang sinapit."I'm okay now," ani niya. Mas maganda na ang kanyang nararamdaman. Lumuwag ang kung anong sikip na nasa kanyang dibdib. Hindi niya alam pero ang mainit na yakap ni Ken ay sapat na upang bigyan siya ng kapayapaan sa kanyang kaisipan."I cannot accept that they have done this to you. They should pay," galit na galit na wika ng lalaki sa kanya."Ayos na ako, ano ka ba.""You are clearly not okay, Maya! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Natahimik na lamang siya. "Ayaw ko
UNANG araw ng pasukan nila Maya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa araw na ito. After almost 3 months na nasa mansion lang siya kasama si Ken, tulog kain ang routine, ay makakalanghap naman siya ng sariwang hangin, maiba naman sa nakakasanayan niya."Kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko pa na naka-home school ka na lang," bulong at may diin na sambit naman ng lalaki na nasa tabi niya. He is driving her to the university.Inis naman na umismid si Maya. "Alam mo, ewan ko sa iyo. Ilang beses na ba nating pinagtalunan ito. Ayaw ko nga sa home school. Hindi ako bata na kailangan mong bantayan lagi."She watch Ken let out a loud sigh. "Maya, isa pa iyang pagsa-side line mo. Are you really serious about that coffee shop work? Hindi mo na kailangan magtrabaho.""Libangan ko lang."Narinig niya na mahinang napamura ang katabi niya. Maya just can't help but to cackled on her man's behavior."Galing din ng trip mo. Hindi ba pwede na ang maging libangan mo lang ay mag-shoping, salo
PAGMULAT ng mga mata ni Maya ay bumungad sa kanya ang kumikirot na sentido nito. Sabayan pa ang bigat at hapdi na nararamdaman niya sa gitna ng kanyang mga hita.Doon lang sunod-sunod na naalala niya ang mga kaganapan kagabi. Kung paano siya ibenta ng kanyang ama sa mga taong pinagkakautangan nito. Plano ng mga loan shark na iyon na lasingin at pagsamantalahan siya. Dinala ito sa isang mamahalin na bar. Mabuti at nakatakas siya at nakapagtago sa isang kwarto.Pero sa kwarto na iyon ay may isang lalaki. At ang huling natatandaan ni Maya ay may nangyari sa kanilang dalawa. Ang unang pagkakataon na nawala ang kanyang virginity, sa lalaking hindi niya pa kilala."Gising ka na pala..." saad ng malalim na boses. Nakasandal sa tabi ng bintana ang isang lalaki. Naka-boxer brief lang ito. At halos malaglag ang kanyang panga sa kagwapuhan ng lalaki. Chinito, maputi, ang hubog ng katawan ay sobrang kisig. May v-line at ang abs ay talaga namang kita na kita."I am up for round two if you want...
"ANAK, hayaan mo naman akong magpaliwanag," ani ni Mike. Ang ama ni Maya. Ang lalaki na halos magbenta sa kanya upang mabawasan man lang ang katambak nitong utang. Palibhasa ay nalulong sa casino at sugal. At siya ngayon ang namomroblema sa mga iyon."Paliwanag?! Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, tay! Matapos mo akong dalhin sa Maynila. After ten years na pinabayaan mo ako sa probinsya kila tita. Kinuha mo ako mula dito, para sa pangako mo na babawi ka! Pero balak mo lang pala akong gawing pambayad ng utang! Napaka walanghiya mo! Wala kang kwenta!" humahagulgol na sumbat ni maya. Sumisikip ang puso niya sa tuwing iniisip niya ang lahat ng pinagdaanan nito."Patawarin mo ako, anak. Papatayin nila ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."Ngayon ay kita niya ang pasa at bugbog sa mukha ng kanyang ama. Hindi niya rin alam pero nakakaramdam din naman siya ng awa. "Problema mo na iyon, Tay. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Kung hindi ay ako ang magpapakulong sa iyo!" ani niya."May
"THIS is just a marriage for convenience, kailangan kita para mailigtas ang papa ko, para makuha ang mana ko. Sa loob ng dalawang taon na iyon, gagawin ko ang lahat ng gusto mo ng walang kahit na anong sumbat.""So, you are just marrying me as well because of your inheritance?" "Kailangan na kailangan ko lang..." Kumakapit na siya sa isang patalim, na maaaring humiwa rin sa kanya sa huli."I see... Paano kung ayaw kong mag-divorce tayo? Sa pamilya namin, hindi ganoon kadaling makaalis, kapag naging isa ka na sa amin," saad ni Kenshin sa kanya. Hingang malalim ang kanyang binitawan. Hindi nagugustuhan ni Maya ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.Wala siyang balak na ikulong ang sarili niya sa isang kasal na hindi naman niya ginusto. Ayaw niyang magaya sa kanyang ina, na sa huli ay nagsisi rin.Tumayo na lang si Maya. "Kung ganoon ay maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na handang pakasalan ako, sa kondisyon na gusto ko. Pasensya na sa pagsasayang ng oras mo. Mauna na ako."Kaya l
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya. Maski ang matandang lalaki ay yinakap din siya at buong-buo ang pag-welcome sa kanya."Call me Grandma Mikko""Just call me, Grandpa Yoto.""Halika na hija, marami akong inihanda na pagkain. Pasok ka na."Masayang-masaya naman si Maya sa pagtanggap ng mga ito sa kanya. Lolo at lola din kasi ang nagpalaki sa kanya. Ngunit wala na ang mga ito. Kaya naman masaya siya na maramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal. Pero malayong-malayo ang ugali ng mga matatanda sa ugali ni Kenshin."Pagpasensyahan mo na sila. Excited lang silang magka-apo." Nasamid naman bigla si Maya sa sinabi ni Kenshin."Pwede magpasintabi ka naman sa sinasabi mo." Ngisi lang ang sagot ng lalaki.At sa malaking dinning room nga e isang mahabang mesa na puno ng pagkain ang bumungad sa kanya. Para siyang nasa isang luxurious na buffet. Sakto at gutom na siya, ngunit hindi naman niya alam kung ano ang uunahin niyang kainin."Sana magustuhan mo," ani