Home / Romance / Marry the Mafia / Chapter 6: A Warning

Share

Chapter 6: A Warning

MADAMI pa ang nangyari bago ang kasal nilang dalawa ni Ken. Engagement party, kaliwa at kanan na mga events, hindi magkamayaw si Maya kung ano ba ang uunahin niya. Ang isang linggo ay parang taon sa dami ng mga dinaluhan nilang mga party at gatherings.

Bago ang kasal ay nasa Villa sila ngayon ni Kenshin. Isang malaking farm vacation house, libo-libong hektarya ng pananim, mga alagang hayop, mga punong namumunga, at masagang pagsasaka. Lumaki sa probinsya si Maya kaya naman pakiramdam niya ay at home na at home siya ngayon.

Nasa Villa sila dahil bukas na ang kasal, and they decided to get married here. Dito rin kasi ginanap ang kasal ng mga magulang ni Ken, kaya dito rin napagpasyahan na magpakasal ang dalawa.

Ang hindi lang talaga naaayon sa ganap ay ang ama ni Maya na si Mark, kasama ang bago nitong asawa na si Rita at ang step sister niyang si Alison.

"Napakayaman pala talaga ng mapapakasalan mo ano, hija?" ani ni tita Rita niya. Kung si Maya lang ang masusunod ay ayaw na niyang makita ang pagmumukha ng babae na ito.

"Opo," walang gana na lang niyang tugon habang nasa teresa sila ng guest house.

"Pero mas bagay ang anak ko sa magiging asawa mo. Kita mo iyang si Alison. Nakapagtapos na ng kolehiyo, edukada, maganda, may ibubuga. Baka magbago ang isip ng fiance mo kapag nakilala niya ang kapatid mo," ani ng babae.

Nagpintig naman ang tenga ni Maya. "Unang-una, wala akong kapatid. Hindi iniri ng nanay ko iyang anak mo, TITA. Pangalawa, kung totoo man ang sinasabi mo na mas angat ang anak mo, bakit ngayon e wala pa rin siyang trabaho. At saka bakit pa ba kayo nagbalik? Nang baon sa utang ang magaling kong tatay, para kayong alikabok na tinangay ng hangin at hindi makita, tapos ngayon magpapakita kayo ng ganon na lang?" asik niya. Tila napuno na ang salop niya sa mga sinasabi ng ginang sa kanya.

"Bastos pa rin iyang bibig mo, Maya! Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Ang yabang mo na, por que magpapakasal ka sa mayaman! Kung alam ko lang, binenta mo lang iyang kakarampot mong laman. Wala namang mapapakinabangan sa iyo, kung hindi iyang katawan mo!"

"Stop..." gigil na saad ng isang boses.

Sa likod nila ay nandoon si Ken madilim ang tingin nito. "Nakahanda na ang sasakyan. I don't want to see anyone of you on my wedding."

"Hijo," nauutal na saad ng tita Rita. "Pasensya na sa mga nasabi ko. Nakita mo na ba ang anak ko."

"Yes, and she will never be better than my Maya. Nakahanda na ang sasakyan. Umalis na kayo bago niyo pagsisihan ang galit ko."

Sa araw din na iyon ay tila mga kriminal na in-escort ng mga guard ang ama ni Maya, si Rita at Alison na galit na galit at lango sa alak.

"Nakakahiya sila," bulong ni Maya habang nasa balkonahe ng kwarto nila ni Ken.

"This is my idea, this is my fault," ani naman ng lalaki.

"Ano ka ba, hindi mo kasalanan na ganoon ang mga ugali nila. Hindi lang ako makapaniwala na mas naging malala pa pala ang kanilang ugali. Lalo na si papa. Hindi na siya nagbago. Sabagay, kung si mama nga sinukuan na siya e." Hindi mapigilan ni Maya na mas laling madismaya sa mga nangyayari.

Lalo na at nakakahiya ang ginawa ng pamilya niya sa harap ng angkan ni Ken.

"Don't mind what happened. Ang importante ay hindi na sila makakatungtong dito. If you want, I can make it sure na hindi mo na sila makikita pa uli." Pakiramdam ni Maya ay iba ang meaning ng lalaki sa sinabi nito.

"Baliw ka. Hayaan na nga natin. Kumain na muna tayo sa loob, nagugutom na ako."

"Sige, una ka na muna, may kailangan lang akong tawagan. Pakisabi na lang kay manang na initin ang pagkain mo."

"Ano ka ba, kaya ko na ang sarili ko. Mang-uutos pa ako ng ibang tao."

Napabuntong hininga na lang ang lalaki sa kanya. "Tigas talaga ng ulo ng magiging misis ko."

"Himala at nababawasan na pagiging English-ero mo."

"Just practicing. I heard that it added to my sex appeal."

"English-ero mode ka na naman. Pasok na nga ako at ng makakain na." Suminghal si Maya sabay lakad papasok sa malaking Villa house.

May mga old furnitures. Siguro sa mga paintings pa lang e million na ang mga halaga nito.

Hindi namalayan ni Maya na sa sobrang pagkaabala niya sa kakatingin sa paligid ay may nabangga itong mala-poste ang postura.

Lalaki na matangkad. Chinito rin ito, gwapo ngunit mas hamak na gwapo para sa kanya si Ken.

"Laway mo, miss. Sabagay, hindi pa naman huli ang lahat. Pwede mo pang iwan ang pinsan ko. After all, I am the much better version of him," mayabang na saad agad ng lalaki sa kanya.

"Lakas," sarkastiko na aniya sabay matalim na titig.

Malakas na tumawa naman ang lalaki. "Ichiro, pwede rin na maging husband number two mo."

"Ayaw ko ng isa pang sakit sa ulo, please lang. Lumubay ka at nagugutom na ako." Sa isip ni Maya ay ganito ba talaga ang angkan ng mapapangasawa niya, may lahing amihan? Lakas makahangin ang datingan ng ugali.

"Well, I am jsut being generous to offer you such a one and a kind offer. Malay mo naman, nabibigla ka lang sa desisyon mo na mapakasalan ang pinsan ko. You see, Ken is like my younger brother, but he is no better than a sharp blade. Pwede mong ikasugat, pwede mong gamitin ng naaayon sa talim."

"Stop messing with my wife," matigas na bigkas ng isang boses.

Nasa tabi na pala niya si Ken, madilim ang mata nito. "Hindi ko maalala na inimbitahan kita dito."

"Come on! Para naman tayong iba sa isa't-isa. Ako pang ang nag-iisa mong pinsan, Ken. I cannot miss the chance of being on your wedding."

"I know you, you damn fox. Manggugulo ka lang naman. And I don't appreciate the way you are talking with my wife."

"Damn, galit na galit ka kaagad," ani ni Ichiro sabay lingon sa kanya. "Remember my words. Run as far as you can, as early as you can."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status