Charlotte's POV Lumabas siya ng kwarto at naglakad palabas ng bahay. Nakasakay na si Elijah sa loob, siya na lang ang hinihintay na pumasok ng kotse. "Saan kayo magkikita ng friends mo?" "Sa bahay ng isa kong kaibigan." Nakita niyang bahagyang naningkit ang mata ni Elijah. Lumalabo na siguro yung mata. "Sinong kaibigan?" "Si Marry." Tumango naman ito, at pinaandar na ang kotse. Nagtataka nga siya kung bakit sa dami nitong kotse, iisa lang ang ginagamit tuwing pupunta ng bahay nila, ang dami palang kotse ni Elijah sa loob ng bakuran nito, bakit hindi ginagamit? "Marunong ka bang mag-drive ng kotse?" tanong ni Elijah. "Hindi." "Bait alam mo kung paano magpa-andar?" "Nakikita ko lang kay papa at kuya." "Alam mo bang delikado ang ginawa mo kagabi habang tulog ka sa kotse? Kahit naka-andar pa iyon ay may tendency na maubusan ng gasolina, pag naubos anong mangyayari? Mamamatay ang makina at mawawalan ng hangin sa loob. Huwag mo ng uulitin iyon, Charlotte." Hindi siya sumagot dah
Elijah's POVNasa harap siya ng bahay niya ngayon, dahil alas-singko na wala pa rin si Charlotte. Unang araw ng kasunduan nila ay mukhang lalabag na ito kaagad.Pag patak ng alas-sais, susunduin na niya ito. Alam niya kung saan ang bahay ng kaibigan ni Charlotte dahil sumunod siya sa tricycle na sinakyan ni Charlotte bago siya tuluyan na umalis sa lugar na 'yon kanina.Nakahalukipkip siya sa labas habang nakatingin sa gate. Nang may isang babae na parang lasing na pumasok sa loob ng bakuran niya.Mabilis siyang naglakad papunta kay Charlotte."Mabuti naman at hindi ka lumabag sa kasunduan nating dalawa umpisa pa lang." Hindi ito sumagot, nakayuko lang ito, pero hindi balanse ang pagkakatayo ng paa. "'Charlotte.""Hmmp.."May hindi tama sa babae na 'to. Hinawakan niya ang baba nito at tinaas ang ulo. Mapungay ang mata nito na tumingin sa mata niya."Are you drunk?"Kumunot ang noo ni Charlotte. "Hin..di."Nilapit niya ang ilong niya sa bibig ni Charlotte, pero napapikit siya sa tapang
Elijah's POV Habang hinihintay niya ang niluluto ng katulong niya ay pumasok muna siya sa kwarto niya para kumuha ng gamot. Laging may nakatabing gamot sa kwarto niya dahil sa biglaan na sakit na dumadapo sa kanya, dahil sa pagtatrabaho ng matagal siguro. Pagkatapos niyang kuhanin ang gamot ay pumasok siya ulit ng kwarto ni Charlotte. Nakadilat na ito habang nakatingin sa paligid. "Inumin mo nga pala ito pagkatapos mong kumain." Nilapag niya ang gamot sa ibabaw ng table sa gilid ng kama. "Nasaan ako?" Nagsalubong ang kilay niya, mukhang napansin nito ang itsura ng kwarto. "Sa kwarto mo." "Kwarto ko?" Tumingin ito sa kanya ng nagtataka. "Yes, this is your room now." "Ibig sabihin, ito yung kwarto, katabi ng kwarto mo?" Tumango siya. "Akala ko ba ay sa kwarto mo ako matutulog?" "I thought you don't want near me? So, why ask?" "I mean... 'di ba ayaw mong mahirapan ka in case na may tumawag sa pamilya nating dalawa?" Napabuntong-hininga siya. "Okay na rin siguro na bumukod ka
Charlotte's POVNapadilat siya ng may humawak sa kamay niya, bahagya siyang lumingon kay Elijah na pinupunasan ang braso niya. Napapaisip tuloy siya sa sinabi nito kanina. Bakit nga ba niya pinili ang kasal kaysa ipakulong si Elijah? Ano nga bang pumasok sa isip niya para piliin ang kasal? Nabigla lang ba siya o sadyang hindi niya kayang ipakulong ito kahit nakagawa ito ng kasalanan sa kanya. Sadya bang napalaki siya ng magulang niya na maganda, kaya hindi niya kayang gumanti sa mga taong na-agrabyado siya, ganun ba ang nangyari? Pinairal niya ang lambot ng puso niya kaya siya nakasal ngayon na wala ng bawian? Kung siya ang tatanungin, okay lang na hindi sila makasal ni Elijah at hindi rin niya ito ipapakulong, pero ayaw ng magulang niya, nagalaw siya kaya kailangan daw na panagutan siya ni Elijah.Tumitig siya sa mukha ni Elijah habang inaabot nito ang isang braso niya para punasan. Gwapo talaga ang lalaking 'to, kahit hindi ngumiti, wala ding pimple na makikita sa mukha nito, ang ki
Elijah's POVNang natapos sila ni Charlotte na kumain ng umagahan ay kanya-kanya na silang alis ng bahay, ihahatid na sana niya ito hanggang sa sakayan ng tricycle papunta ng sakayan naman ng bus, pero tumanggi na ito.Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng building na pagmamay-ari niya, habang patuloy pa rin na naglalakad papasok ay hinihintay na siya ng security guard niya sa bukana ng building. Binigay niya ang susi dito saka tuloy-tuloy na naglakad papasok. Tumingin siya sa relo niya sa pulso, hindi pa naman siya gaanong late. "Give the important papers, that I will sign this day," saad niya sa secretary niya habang hindi huminto sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa opisina.Nang nakaupo ay pumasok naman ang secretary niya dala ang papeles na kailangan niyang pirmahan, kasama na ang naging pending noong nakaraang araw dahil naging busy siya sa labas ng kumpanya, at sa kasal nila ni Charlotte."Thank you."Umalis na ang secretary niya at inumpisahan naman niyang basahin a
Charlotte's POVPinagpapawisan siya ng malamig ngayon habang nakaupo sa loob ng classroom. Akala niya ay okay na siya nang umalis siya ng bahay nila ni Elijah, pero bumalik kaagad. Nagpapasalamat na lang siya dahil tapos na siyang mag-present ng project niya bago niya naramdaman na parang nanghihina ang katawan niya.Katabi niya si Marry, kaya lumapit ito habang busy ang ibang estudyante sa pag-present ng project nila. Ang teacher naman nila ay nasa harap nakaupo, sa upuan ng estudyante."Okay ka lang ba? Ang lamig ng classroom pinagpapawisan ka.""Medyo sumama ang pakiramdam ko."Kumunot ang noo ni Marry. Pinatong nito ang palad sa noo at leeg niya. "May lagnat ka. Bakit pumasok ka pa?""Wala na 'to kanina ng pumasok ako, bumalik lang pagkatapos kong mag-present.""Umuwi ka na kaya muna, tapos naman na ang sayo."Ngumiti siya. "Mamaya na lang pag-lunch time na.""Okay, pero kaya mo pa ba? Kung hindi sasabihin ko kay ma'am na pauwiin ka na dahil may lagnat ka.""Kaya ko pa.""Sige, Ma
Charlotte's POVHumarap siya sa boses ng babae sa likuran niya, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Puro itim ang suot nito, ang tanging naiba lang sa kulay ay ang balat at pulang buhok nito na nakatali ng mataas, para siyang gangster na makikita sa eskinita. May makeup din ito na makapal na itim din, maging ang lipstick."Again. Who are you?" tanong ulit nito sa kanya.Hindi siya makapagsalita, parang konting pagkakamali lang sa sagot niya parang sisigawan siya ng babae sa harap niya ngayon."Are you dumb?" Nakataas na ang kilay nito kaya mas tinginin na matapang. Umiling naman siya. "So. Why don't you try to answer my question? Who are you?""Charlotte." Sagot niya.Naningkit ang mata nito saka dahan-dahan na lumapit sa kanya, bahagya pa siyang napalunok dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha niya."Infairness, ang kinis ng face mo, may skincare ka?"Napakunot ang noo niya. "Wala po." "Ha?" Napapikit siya sa gulat sa pagsigaw nito. "Unfair naman, nakikita mo ba 'tong face ko,
Elijah's POVPumasok sila sa kwarto niya at hinarap si Charlotte sa kanya. Tinitigan niya ang mukha nito."Sigurado ka bang okay ka na?""Gumaan na ang pakiramdam ko, nasuka ko na ang dapat isuka, kaya bukas mas okay na ako."Tumango naman siya. "Hindi ka naman ba sinaktan ni Elisse?""Hindi, pero may sakit ba siya sa pag-iisip? Bakit ganun ang inaakto niya?"Lihim siyang napangiti. Mukha naman kasing baliw ang kapatid niya sa itsura nito ng dumating siya."Ganun talaga siya, paiba-iba ng mood, pero mabait 'yon mukha lang hindi.""Yung damit niya sa cabinet mo. Parang hindi naman niya sinusuot 'yon, base sa suot niya ngayon.""Kung paiba-iba siya ng mood, ganun din ang fashion niya." Sinalat niya ang leeg ni Charlotte. Malamig na ang nararamdaman ng kamay niya, mukhang tama ang sinasabi nito na magiging okay na ito bukas."Bakit nga pala siya umuwi dito?""Trip na naman niyang dito tumira."Kumunot ang noo ni Charlotte."Akala ko ba hindi siya dito nag-stay? Ang sabi mo nagpapalit lang
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito
Mukha siyang baliw sa paghila ng braso ng kuya at pag-iyak ng walang humpay makuha lang niya ang sagot. "Yes. Nasa tiyan mo pa ang baby mo, pero—" "Pero, ano k-kuya?!" Kinuha nito ang kamay niya at pinakatitigan siya ng kanyang kuya. "Delikado na ang pagbubuntis mo, Charlotte. Kinausap kami ng docot—" "Christian, ngayon mo ba talaga sasabihin sa kanya!" pagpigil ng kanilang ina sa pagsasalita ng kanyang kuya. "Hangga't maaga, Ma, at hangga't narito tayo sa ospital." Muling tumingin sa kanya ang kuya niya. "Kailangan mong pumili kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbubuntis mo, Charlotte." Naguluhan siya at ilang beses na umiling. "Akala ko ba ay okay na? Nasa tiyan ko pa naman ang baby ko bakit tinatanong mo ako ng ganyan, kuya!!" "Shhh...pakinggan mo muna ako." Bumuntong-hininga ito. "Dahil ang totoo, hindi ka na maaaring gumalaw kagaya ng dati, Charlotte. Bed rest na ang mangyayari sayo, bawal tumayo, kakain ka sa kama na lang, at kung gusto mong gumamit ng banyo ay sa kama na la
Charlotte's POV Nakatayo siya ngayon sa gitna ng kwarto niya habang nag-di-dial ulit para tawagan si Elijah. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang tumawag pero hindi nito sinasagot. Alam niyang may nangyari sa party sa part pa lang na may narinig siyang mga sumisigaw na hindi nagkakasiyahan ang tunog, kung hindi may halong takot iyon. Nakadagdag pa sa kaba niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact si Elijah dahil busy naman ang line nito sa cellphone. Isang dial pa ang ginawa niya nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang tiyan. Hindi niya muna pinansin iyon dahil nasa pag-di-dial ang atensyon niya, pero mas lumala ang sakit ng kanyang tiyan kaya napahawak siya doon at binaba ang cellphone. Umupo siya at huminga ng ilang beses para maibsan, pero sadyang hindi naaalis. Kinuha niya ang unan sa gilid niya pero may parang gumuhit sa kanyang ari papunta sa tiyan na nagpapikit sa kanya sa sobrang sakit, pero pagdilat ng mata niya may dugo ng umaagos sa kanyang
Elijah's POVPagkalipas ng tatlong araw... Nasa isang stylist siya ngayon para kuhanin ang damit na susuotin niya mamaya sa party ni Shaira. Nasa bahay na ng magulang nito si Charlotte kaya kampante na siyang umalis ng mansion. Hindi sana siya dadalo ngayon dahil tinatamad siya, pero naisip rin niya na madalang din niyang makita si Shaira kaya pagbibigyan niya ito. "May gagawin lang akong adjust dito sa tuxedo mo. Medyo maluwag sa gawing pulso." "Sandali lang ba 'yon?" "Yes ilang minuto lang, syempre. Alam kong mamaya na ang party na dadaluhan mo."Ngumiti siya. "Thank you." "No problem basta ikaw. Ang maganda sana kung may kasama ka ring partner sa party na 'yon. Wala pa ba?" Napangiti lamang siya dahil meron naman talaga. Hindi pa lang alam ng mga tao na malapit sa kanya. "Soon. I guess." "Noted 'yan, basta ako pa rin ang stylist mo." "Sure."Hinubad niya muli ang tuxedo niya at binigay sa kanyang stylist. Umupo siya sa isang tabi para hintayin ang tatahiin nito, pagkatapos
Kinabukasan... Nagising si Elijah na wala na si Charlotte sa tabi niya. Nakatulog pala siya habang nakatitig kay Charlotte kagabi. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Bumangon siya at umalis sa kama. Nasa ibaba na siguro si Charlotte at nag-aalmusal na. Habang bumababa siya ng hagdan ang mata niya ay kung saan-saan tumitingin sa ibaba, baka makita niya doon si Charlotte, pero baka nasa dining area na nga ito. Pumasok siya sa dining at natigilan dahil walang tao sa loob kahit pagkain ay wala rin sa lamesa. Nagtataka siyang tumingin sa orasan na nasa sala. Alas-diyes na pala, pero bakit wala rito si Charlotte sa loob? Napakunot ang noo niya nang may marinig na ugong ng sasakyan. Dali-dali siyang tumingin sa labas. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan, at nagsalubong agad ang kilay niya nang makita si Elisse na kasama si Charlotte na lumabas ng bahay ng hindi sa kanya nagpapa-alam. "Elisse!!" May diin na sigaw niya para marinig agad nito. Lumingon naman ito at ngumit