Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun
Charlotte's POV Pagpasok palang niya sa loob ng bakuran ng bahay nila ay rinig na ang ingay mula sa loob ng bahay. Mukhang nandito na naman ang kaibigan ng kuya niya. Kung makapag-ingay ay parang hindi mga Ceo ng kumpanya. Lahat ng kaibigan ng kuya niya ay mga Ceo o kaya ay mayayaman na tao. Ang magulang niya ay ang pinakamayaman sa bansa nila, kaya ang kuya niya ay maraming kilalang mga mayayamang tao kahit sa ibang bansa. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakita niyang umiinom na naman ang mga ito ng alak. Nakasuot pa rin sila ng tuxedo hanggang ngayon, siguro ay pagkatapos ng working hours ay dito tumuloy sa bahay nila. Malayo ang puwesto ng mga ito sa daraanan niya kaya okay lang na magtuloy-tuloy siya, minsan kasi ay kung saan-saan ang puwesto nila sa sala kaya hindi niya maiwasan na bumati sa mga ito kahit ayaw niya. Galing siyang eskwelahan at may pagkakataon na alas-siete siya ng gabi nakaka-uwi dahil sa projects nila na kailangang tapusin ng araw lang na 'yon. College stude
Elijah's POV Narinig niya ang boses ni Christian, pero nahihilo pa siya sa dami ng alak niyang nainom kagabi. Hindi rin niya alam kung saan siya natulog o pumasok na kwarto. Bahagyang nawindang ang katawan niya nang may humila sa kanya patayo. Nang dumilat ang mata niya ay si Christian iyon na may mukhang galit na galit, hindi pa siya nakaka-recover sa pagkakatayo nito sa kanya, kaya hindi niya mawari kung bakit. "Tell me, what were you thinking when you did that to Charlotte?!" Habang nakapikit ay hindi niya alam ang sinasabi ni Christian sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako tapos gigisingin mo ako at tatanungin kung ano ang ginawa ko sa kapatid mo." Isang suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot kay Christian. Napaling ang ulo niya, at habang nakahawak sa panga ang kamay niya ay natigilan siya sa ayos ng kapatid ni Christian. Umiiyak ito habang ang katawan ay nakabalot ng kumot. Doon nagising ang diwa niya at tiningnan ang sarili, wala siyang saplot sa katawan hanggang
Charlotte's POV After One Week... Nakaharap siya sa salamin ngayon habang nakatulala. Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Elijah. Hindi bongga ang kasal, walang wedding gown, hindi sa simbahan, walang venue para sa reception ng kasal, at higit sa lahat walang invited kung hindi ang pamilya lang nilang dalawa ni Elijah. Nag-request siya sa magulang niya na kung maaari ay huwag silang ikasal ni Elijah sa simbahan, gusto niya ay sa Mayor lang at walang makaka-alam na ikakasal silang dalawa. Hindi naman kasi maiiwasan na hindi halungkatin kung bakit sila ikakasal ni Elijah, at sa utak ng mga tao ay parang sila ang gumagawa ng sariling kwento kung bakit sila ikakasal, kaya mas mabuting maging tahimik na lang, after all kaya lang naman sila ikakasal ni Elijah ay dahil sa pagkakamali, pero hindi niya maiwasan na hindi umiyak bago ang araw na 'to dahil hindi naman niya inisip na gagawin sa kanya ng kaibigan ng kuya niya ang ganon, pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat a
Charlotte's POVUmupo siya sa lamesa na ang pagitan sa bisita ay dalawa, siya lang ang nasa banda doon kaya malaya niyang kinain ang lahat ng kinuha niya, habang kumakain ay umupo si Elijah sa tabi niya."Kumain ka ng maayos, Charlotte."Natigilan siya, at tumingin sa plato. Naka-ayos naman yung pagkain niya, mahina lang naman siyang kumain, at hindi patay gutom."Maayos akong kumakain, Elijah."May tinuro itong isang patak ng sauce sa sapin ng lamesa. "Maayos ba 'yan? Hindi, Charlotte, kaya kung kakain ka ay ayusin mo."Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa maliit lqng naman na dumi sa tela. Sobrang linaw naman ng mata nito para makita pa 'yon, nakatabing na nga yung plato niya napansin pa talaga.Hinila niya ang plato niya palapit sa kanya para kung sakali na may mahulog kahit maliit na pagkain ay masalo ng plato, saka siya muling kumain."We both agreed that no one's gonna know that we are married to each other, right?"" Tumango siya habang ngumunguya. "Yung gabi na nangya
Elijah's POV Habang tahimik na nakaupo ay biglang may sumakit sa gilid ng tiyan niya. Lumingon siya kay Charlotte habang nakanganga na nakatingin sa tagliran ng tiyan niya. "Ano bang ginagawa mo at ang likot mo?" Tinaas nito ang pera na sinusubukan na nitong paghiwa-hiwalayin. "Sinabi ko na mamaya mo na lang pagtuonan ng pansin 'yan. Bakit ba ang kulit mo?" "Wala naman akong gagawin, kaya inumpisahan ko na, tapos na akong kumain." "Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Parang nagmumukha kang pera." Natigilan si Charlotte at tumingin sa kanya na may mukhang seryoso. "May pasok na ako sa makalawa kaya inuumpisahan ko na 'to." "Meron ka pang oras bukas." "May pupuntahan ako bukas." Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ka pupunta?" "Sa friend ko lang." "Are you sure?" "Oo." Hindi na siya nito pinansin, at tinuon na naman ang tingin sa paghihiwalay ng pera. Napailing na lang siya. Paglipas ng oras ay handa ng umuwi ang pamilya nila ni Charlotte, malapit na rin sumapit ang gabi, kay
Elijah's POVPinikit-pikit niya ang mata niya nang matagal ng nakatitig sa binabasa niya. Tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng gabi, pero parang wala siyang narinig na sinubukan na pihitin ang seradura ng pinto. Binaba niya ang papeles niyang hawak maging ang salamin niya sa mata, saka lumabas ng kwarto. Tahimik na sa loob ng bahay, tulog na rin panigurado ang mga katulong niya, malinis na rin sa ibaba ng sumilip siya.Pumunta siya sa katabi niyang kwarto, dahan-dahan na binuksan iyon at sumilip, pero walang Charlotte sa loob, maging sa pangatlong kwarto.Nasaan na naman ba siya?Bumaba siya at inikot ang loob ng bahay, pero wala din si Charlotte doon. Ibig na niyang pumunta ng kwarto ng katulong niya para tingnan kung nandoon, pero huwag na lang dahil baka maka-istorbo pa siya. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng sala at nag-iisip, pero nang napagawi ang tingin niya sa hilera ng susi ng mga sasakyan niya ay kulang ng isa.Lumapit siya at tinitigan ang mga susi. Marunong bang mag-dri
Charlotte's POV Nanatili siya sa kwarto ni Elijah, nang umalis ito. Sobrang nakakatakot ang napanaginipan niya dahil bumalik ang ginawa ni Elijah sa kanyang kwarto. Parang nandoon ulit siya sa kwarto niya habang may ginagawa si Elijah, mas natakot pa siya nang magising siya sa posisyon nito kanina habang ginigising siya, ngayon lang siya nagkaganun, siguro ay dahil katabi niya si Elijah na hindi niya alam na nabuhat na pala siya nito papasok ng bahay ula sa loob ng kotse. Tumingin siya sa orasan, alas-sais na pala ng umaga. Tumayo siya at napatingin sa suot niya, hindi talaga siya nagpalit, kaya nagtaka siya kung bakit sa kama pa rin siya ni Elijah hiniga, gayong ayaw nito ng madumi o hindi nagpapalit ng damit. Sigurado mamaya lang napalitan na 'tong bedsheet, kumot, at punda ng unan. Pumasok siya sa banyo para maghanap ng toothbrush na hindi gamit, binuksan niya ang cabinet sa taas at sakto may isa pa. Kinuha niya iyon at tinanggal sa matigas na plastik, saka nag-toothbrush at hi
Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun
Sa awa sa kapatid, lumabas siya ng kwarto at may kinuha sa kwarto niya para ibigay kay Charlotte. Nang pumasok muli siya sa kwarto ni Charlotte ay dinig niya na ang pag-iyak nito. "Huwag ka ng makulit dahil hindi talaga puwede ang gusto mo Charlotte, pero habang hindi mo pa makausap si Elijah may regalo ako sayo." Sumilip ang mukha ni Charlotte sa unan na nakalagay sa mukha nito. Ngumiti naman si Christian at may tinaas na damit. "Sinabi sa akin ni Elijah na gustong-gusto mo ang amoy niya, kaya pinakuha niya ang gamit na niyang damit. Alam kong hindi masyadong malinis ito, pero kung ito ang makakapawi diyan sa pangungulila mo kay Elijah, payag na akong ilapit mo sa katawan mo ito." Kahit basa ang paligid ng mata ni Charlotte ay makikita pa rin ang galak sa mata nito nang malaman na kay Elijah ang damit na hawak ni Christian. Tinaas niya agad ang kamay niya para iabot iyon ng kanyang kuya, at nang mahawakan at ilapit niya sa ilong niya ang damit ay mas lalo siyang naiyak dahil sa
Huminga ng malalim si Christian bago lumapit sa higaan ni Charlotte. Tumingin siya sa kanilang ina. "Iwan niyo muna kami sandali, Ma." Nagtaka naman ang ina ng dalawa. "May sasabihin ka ba sa kapatid mo? Kung meron, dito na lang din kami para marinig namin ng daddy mo." Umiling si Christian. "Si Charlotte na lang muna ang kailangan kong makausap at makarinig ng sasabihin ko. Huwag kayong mag-alala, hindi naman makakasama sa kanya ang mga sasabihin ko." Nag-aalinlangan man ang mag-asawa ay umalis ang mga ito sa kwarto at naiwan si Christian na nakaupo na sa tabi ng kama ni Charlotte. "K-Kuya si Elijah nagpunta na ba siya rito?" Puno ng pagka-asam ang pagkakatanong ni Charlotte. Hindi sumagot si Christian, tahimik lang nitong nilapag ang puting sobre sa ibabaw ng kumot ni Charlotte. "Ano 'to?" tanong ni Charlotte habang kinukuha ang sobre. "Sulat mula kay Elijah." Nagsalubong ang kilay ni Charlotte habang nakatitig sa sobre na mukhang dikit na dikit ang bukasan. "B-Bakit magp
Nang tuluyan na makalabas si Christian ay huminto siya sa tapat ng pinto habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Sa itsura niya ay tila nag-iisip na siya ng mas mabigat na dahilan para paniwalain si Charlotte tungkol kung nasaan nga ba si Elijah. Lumakad si Christian paalis sa tapat ng pinto hanggang sa mapadpad siya s a billing station kung saan may lalaking nurse na nagsusulat. Tinitigan niya ang hand writing nito ng matagal bago tuluyang umalis ng ospital. Samantala, sa oras na iyon ay gising na si Elijah, pero nakadilat nga ang kanyang mata ngunit nakatulala lang sa kisame at may pagkakataon na hindi na ito kumukurap. Pumasok si Elisse na bihis na bihis at mukhang aalis, napakunot ang noo niya nang nadatnan si Elijah na hindi pa bumabangon sa kama nito. "Wala ka bang balak bumangon diyan, Elijah?" Bumuntong-hininga lang si Elijah at tumalikod ng higa kay Elisse. Napataas naman ang kilay ni Elisse sa ginawa ni Elijah. "Akala ko pa naman sisimulan mo ng gumawa ng paraan
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito