Kumusta sa mga hindi iniwan ang istorya na 'to at naghintay ng update? Halos mahigit isang buwan na rin ng huli kong update, pero ito muna ang UD ko ngayon. Ihahanda ko lang ang sarili ko sa mga susunod na kabanata dahil magiging madrama na ito. Gusto ko kayong umiyak (eme) :D
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotteā hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Charlotte's POV Pagpasok palang niya sa loob ng bakuran ng bahay nila ay rinig na ang ingay mula sa loob ng bahay. Mukhang nandito na naman ang kaibigan ng kuya niya. Kung makapag-ingay ay parang hindi mga Ceo ng kumpanya. Lahat ng kaibigan ng kuya niya ay mga Ceo o kaya ay mayayaman na tao. Ang magulang niya ay ang pinakamayaman sa bansa nila, kaya ang kuya niya ay maraming kilalang mga mayayamang tao kahit sa ibang bansa. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakita niyang umiinom na naman ang mga ito ng alak. Nakasuot pa rin sila ng tuxedo hanggang ngayon, siguro ay pagkatapos ng working hours ay dito tumuloy sa bahay nila. Malayo ang puwesto ng mga ito sa daraanan niya kaya okay lang na magtuloy-tuloy siya, minsan kasi ay kung saan-saan ang puwesto nila sa sala kaya hindi niya maiwasan na bumati sa mga ito kahit ayaw niya. Galing siyang eskwelahan at may pagkakataon na alas-siete siya ng gabi nakaka-uwi dahil sa projects nila na kailangang tapusin ng araw lang na 'yon. College stude
Elijah's POV Narinig niya ang boses ni Christian, pero nahihilo pa siya sa dami ng alak niyang nainom kagabi. Hindi rin niya alam kung saan siya natulog o pumasok na kwarto. Bahagyang nawindang ang katawan niya nang may humila sa kanya patayo. Nang dumilat ang mata niya ay si Christian iyon na may mukhang galit na galit, hindi pa siya nakaka-recover sa pagkakatayo nito sa kanya, kaya hindi niya mawari kung bakit. "Tell me, what were you thinking when you did that to Charlotte?!" Habang nakapikit ay hindi niya alam ang sinasabi ni Christian sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako tapos gigisingin mo ako at tatanungin kung ano ang ginawa ko sa kapatid mo." Isang suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot kay Christian. Napaling ang ulo niya, at habang nakahawak sa panga ang kamay niya ay natigilan siya sa ayos ng kapatid ni Christian. Umiiyak ito habang ang katawan ay nakabalot ng kumot. Doon nagising ang diwa niya at tiningnan ang sarili, wala siyang saplot sa katawan hanggang
Charlotte's POV After One Week... Nakaharap siya sa salamin ngayon habang nakatulala. Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Elijah. Hindi bongga ang kasal, walang wedding gown, hindi sa simbahan, walang venue para sa reception ng kasal, at higit sa lahat walang invited kung hindi ang pamilya lang nilang dalawa ni Elijah. Nag-request siya sa magulang niya na kung maaari ay huwag silang ikasal ni Elijah sa simbahan, gusto niya ay sa Mayor lang at walang makaka-alam na ikakasal silang dalawa. Hindi naman kasi maiiwasan na hindi halungkatin kung bakit sila ikakasal ni Elijah, at sa utak ng mga tao ay parang sila ang gumagawa ng sariling kwento kung bakit sila ikakasal, kaya mas mabuting maging tahimik na lang, after all kaya lang naman sila ikakasal ni Elijah ay dahil sa pagkakamali, pero hindi niya maiwasan na hindi umiyak bago ang araw na 'to dahil hindi naman niya inisip na gagawin sa kanya ng kaibigan ng kuya niya ang ganon, pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat a
Charlotte's POVUmupo siya sa lamesa na ang pagitan sa bisita ay dalawa, siya lang ang nasa banda doon kaya malaya niyang kinain ang lahat ng kinuha niya, habang kumakain ay umupo si Elijah sa tabi niya."Kumain ka ng maayos, Charlotte."Natigilan siya, at tumingin sa plato. Naka-ayos naman yung pagkain niya, mahina lang naman siyang kumain, at hindi patay gutom."Maayos akong kumakain, Elijah."May tinuro itong isang patak ng sauce sa sapin ng lamesa. "Maayos ba 'yan? Hindi, Charlotte, kaya kung kakain ka ay ayusin mo."Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa maliit lqng naman na dumi sa tela. Sobrang linaw naman ng mata nito para makita pa 'yon, nakatabing na nga yung plato niya napansin pa talaga.Hinila niya ang plato niya palapit sa kanya para kung sakali na may mahulog kahit maliit na pagkain ay masalo ng plato, saka siya muling kumain."We both agreed that no one's gonna know that we are married to each other, right?"" Tumango siya habang ngumunguya. "Yung gabi na nangya
Elijah's POV Habang tahimik na nakaupo ay biglang may sumakit sa gilid ng tiyan niya. Lumingon siya kay Charlotte habang nakanganga na nakatingin sa tagliran ng tiyan niya. "Ano bang ginagawa mo at ang likot mo?" Tinaas nito ang pera na sinusubukan na nitong paghiwa-hiwalayin. "Sinabi ko na mamaya mo na lang pagtuonan ng pansin 'yan. Bakit ba ang kulit mo?" "Wala naman akong gagawin, kaya inumpisahan ko na, tapos na akong kumain." "Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Parang nagmumukha kang pera." Natigilan si Charlotte at tumingin sa kanya na may mukhang seryoso. "May pasok na ako sa makalawa kaya inuumpisahan ko na 'to." "Meron ka pang oras bukas." "May pupuntahan ako bukas." Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ka pupunta?" "Sa friend ko lang." "Are you sure?" "Oo." Hindi na siya nito pinansin, at tinuon na naman ang tingin sa paghihiwalay ng pera. Napailing na lang siya. Paglipas ng oras ay handa ng umuwi ang pamilya nila ni Charlotte, malapit na rin sumapit ang gabi, kay
Elijah's POVPinikit-pikit niya ang mata niya nang matagal ng nakatitig sa binabasa niya. Tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng gabi, pero parang wala siyang narinig na sinubukan na pihitin ang seradura ng pinto. Binaba niya ang papeles niyang hawak maging ang salamin niya sa mata, saka lumabas ng kwarto. Tahimik na sa loob ng bahay, tulog na rin panigurado ang mga katulong niya, malinis na rin sa ibaba ng sumilip siya.Pumunta siya sa katabi niyang kwarto, dahan-dahan na binuksan iyon at sumilip, pero walang Charlotte sa loob, maging sa pangatlong kwarto.Nasaan na naman ba siya?Bumaba siya at inikot ang loob ng bahay, pero wala din si Charlotte doon. Ibig na niyang pumunta ng kwarto ng katulong niya para tingnan kung nandoon, pero huwag na lang dahil baka maka-istorbo pa siya. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng sala at nag-iisip, pero nang napagawi ang tingin niya sa hilera ng susi ng mga sasakyan niya ay kulang ng isa.Lumapit siya at tinitigan ang mga susi. Marunong bang mag-dri
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotteā hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2ā nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito
Mukha siyang baliw sa paghila ng braso ng kuya at pag-iyak ng walang humpay makuha lang niya ang sagot. "Yes. Nasa tiyan mo pa ang baby mo, peroā" "Pero, ano k-kuya?!" Kinuha nito ang kamay niya at pinakatitigan siya ng kanyang kuya. "Delikado na ang pagbubuntis mo, Charlotte. Kinausap kami ng docotā" "Christian, ngayon mo ba talaga sasabihin sa kanya!" pagpigil ng kanilang ina sa pagsasalita ng kanyang kuya. "Hangga't maaga, Ma, at hangga't narito tayo sa ospital." Muling tumingin sa kanya ang kuya niya. "Kailangan mong pumili kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbubuntis mo, Charlotte." Naguluhan siya at ilang beses na umiling. "Akala ko ba ay okay na? Nasa tiyan ko pa naman ang baby ko bakit tinatanong mo ako ng ganyan, kuya!!" "Shhh...pakinggan mo muna ako." Bumuntong-hininga ito. "Dahil ang totoo, hindi ka na maaaring gumalaw kagaya ng dati, Charlotte. Bed rest na ang mangyayari sayo, bawal tumayo, kakain ka sa kama na lang, at kung gusto mong gumamit ng banyo ay sa kama na la
Charlotte's POV Nakatayo siya ngayon sa gitna ng kwarto niya habang nag-di-dial ulit para tawagan si Elijah. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang tumawag pero hindi nito sinasagot. Alam niyang may nangyari sa party sa part pa lang na may narinig siyang mga sumisigaw na hindi nagkakasiyahan ang tunog, kung hindi may halong takot iyon. Nakadagdag pa sa kaba niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact si Elijah dahil busy naman ang line nito sa cellphone. Isang dial pa ang ginawa niya nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang tiyan. Hindi niya muna pinansin iyon dahil nasa pag-di-dial ang atensyon niya, pero mas lumala ang sakit ng kanyang tiyan kaya napahawak siya doon at binaba ang cellphone. Umupo siya at huminga ng ilang beses para maibsan, pero sadyang hindi naaalis. Kinuha niya ang unan sa gilid niya pero may parang gumuhit sa kanyang ari papunta sa tiyan na nagpapikit sa kanya sa sobrang sakit, pero pagdilat ng mata niya may dugo ng umaagos sa kanyang
Elijah's POVPagkalipas ng tatlong araw... Nasa isang stylist siya ngayon para kuhanin ang damit na susuotin niya mamaya sa party ni Shaira. Nasa bahay na ng magulang nito si Charlotte kaya kampante na siyang umalis ng mansion. Hindi sana siya dadalo ngayon dahil tinatamad siya, pero naisip rin niya na madalang din niyang makita si Shaira kaya pagbibigyan niya ito. "May gagawin lang akong adjust dito sa tuxedo mo. Medyo maluwag sa gawing pulso." "Sandali lang ba 'yon?" "Yes ilang minuto lang, syempre. Alam kong mamaya na ang party na dadaluhan mo."Ngumiti siya. "Thank you." "No problem basta ikaw. Ang maganda sana kung may kasama ka ring partner sa party na 'yon. Wala pa ba?" Napangiti lamang siya dahil meron naman talaga. Hindi pa lang alam ng mga tao na malapit sa kanya. "Soon. I guess." "Noted 'yan, basta ako pa rin ang stylist mo." "Sure."Hinubad niya muli ang tuxedo niya at binigay sa kanyang stylist. Umupo siya sa isang tabi para hintayin ang tatahiin nito, pagkatapos
Kinabukasan... Nagising si Elijah na wala na si Charlotte sa tabi niya. Nakatulog pala siya habang nakatitig kay Charlotte kagabi. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Bumangon siya at umalis sa kama. Nasa ibaba na siguro si Charlotte at nag-aalmusal na. Habang bumababa siya ng hagdan ang mata niya ay kung saan-saan tumitingin sa ibaba, baka makita niya doon si Charlotte, pero baka nasa dining area na nga ito. Pumasok siya sa dining at natigilan dahil walang tao sa loob kahit pagkain ay wala rin sa lamesa. Nagtataka siyang tumingin sa orasan na nasa sala. Alas-diyes na pala, pero bakit wala rito si Charlotte sa loob? Napakunot ang noo niya nang may marinig na ugong ng sasakyan. Dali-dali siyang tumingin sa labas. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan, at nagsalubong agad ang kilay niya nang makita si Elisse na kasama si Charlotte na lumabas ng bahay ng hindi sa kanya nagpapa-alam. "Elisse!!" May diin na sigaw niya para marinig agad nito. Lumingon naman ito at ngumit